Wala ng oras na sinayang si Angela para lumabas doon. Umurong na rin naman ang ihi niya dahil sa mga nasaksihan at narinig niya kaya imbes na gawin pa ang pakay niya roon ay nagmamadali na lang siyang lumabas.
Para siyang hinahabol ng kabayo sa bilis ng kaniyang lakad. Kulang na lang din ay tumakbo siya para mabilis na makawala roon.
Napapikit siya ng mariin nang muling maalala iyong kanina kahit nakabalik na sila roon sa kuwarto kung nasaan sila kanina. Nawalan siya ng imik dahil doon.
Gusto niya na lang biglang matunaw dahil nanlalamig siya sa tuwing naririnig niya sa utak niya ang mga salitang narinig niya kanina.
Kahit pa kinukulit na siya ni Alice ay hindi siya umamin. Hindi na rin niya pinatuloy ito kanina dahil sa nangyari kanina sa CR. There's no way in heck that she'd let her best friend hear those things!
"Alam mo, Anj. Kaunti na lang iisipin ko ng may something kang nakita dun sa banyo kaya wala kang imik ngayon," puna ni Alice sa kaniya.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Angela sa kaniyang narinig. Mabilis pa sa alas quatro niyang binalingan si Alice na nakataas ang dalawang kilay sa kaniya.
"Alice..." Pahikbing ani Angela sa kaniyang kaibigan. With that, Alice's eye grew wider. Tila ba naintindihan na nito ang ibig niyang sabihin sa pagtawag pa lang nito sa kaniyang pangalan.
"W-What did you see there?" Pigil ang tawang tanong ng kaniyang kaibigan.
Sunod-sunod na umiling si Angela na para bang ayaw niya itong i-kuwento kay Alice. Bukod pa roon ay hindi niya kayang i-kuwento dahil para lang siyang binudburan ng asin sa tuwing naaalala niya iyon. Nakakapanindig balahibo na hindi niya malaman.
"Ayokong i-kuwento, please lang, Al..." Angela pouted after saying those words to her best friend.
But, Alice being herself. Talagang pinilit niya si Angela para lang magsabi ito. Nang sa wakas ay handa na siyang ilahad iyong nangyari kanina, saka naman bumukas iyong pinto. Pareho silang natigilan para lumingon doon.
There stood Kio with two other men. Iba na naman iyong kanina. Nagsisimula na talagang magtaka si Angela kung ano ba talaga at kung sino si Kio at bakit may ganito? Siya pa iyong mas nag-aalala para sa kaibigan niya.
"Babe!" Sigaw ni Alice at saka nagmamadaling lumapit kay Kio. Kulang na lang ay takbuhin nito ang distansiya nilang dalawa. Ngumuso na lang si Angela na nanatiling nakaupo sa sofa na naroon.
Sanay naman na siya na maging pangatlong gulong palagi, e. Kahit na minsan ay nakakaramdam siya ng inggit, at madalas niyang tanungin si Alice kung ano sa pakiramdam ang magkaroon ng boyfriend, ayaw niya pa ring magka-boyfriend. Ini-imagine niya pa lang ang takot kapag nalaman na iyon ng magulang niya, parang gusto na lang niyang maging single forever.
Ayaw niya rin muna ng sagabal sa buhay niya, lalo na at gusto niya munang pagtuonan ang mga mas importanteng bagay sa buhay niya. Di pa siya handang ma-pressure.
"Ano bang meron at anong ka-ek-ekan 'to, babe?" Iritableng tanong ni Alice kay Kio. Muntik ng matawa si Angela nang makita niya ang hirap sa mukha ni Kio sa pagpapaliwanag sa kaibigan niya.
Kayanin mo 'yan, Kio. Pinili mo 'yang kaibigan ko kaya panindigan mo ang pagiging maarte niyan. Bulong ni Angela sa kaniyang isip.
"Let's not talk about this here. Tara na. Iuuwi ko na kayo ni Anj dahil baka hinahanap na 'yan sa kanila. Can't believe you followed me here. My goodness, Al. Ano bang nasa isip mo't hanggang dito sinundan mo pa ako? Alam mo ba kung gaano ka-delikado rito?" Si Kio na stress na stress na kay Alice.
Imbes manood lang si Angela ay tumayo na ito para yayain iyong dalawa para umalis. Tama si Kio. Baka paulanan na naman siya ng sermon ng mga magulang niya kapag hindi pa sila umalis doon at maunahan na naman siya ng mga magulang niya sa pag-uwi.
"Al, uwi na tayo. Baka hinahanap na ako sa amin. You know my parents. Papaulanan na naman ako ng mga rants ng mga iyon," ani Angela. Pareho namang tumigil ang dalawa.
Saka na kayo magrambulan, please. Iuwi niyo muna ako dahil ayokong makarinig ng mga sermon ngayon. Mahinang pakiusap ni Angela sa kaniyang sarili.
Mabuti rin naman at hindi na nagpapilit iyong dalawa. Mukha namang madali talagang kausap kaya pumayag kaagad.
Bago sila umalis ay binilinan muna ni Kio iyong dalawa na ayos na at hindi na niya kailangan ng kasama. Pagkatapos n'on ay umalis din naman kaagad iyong dalawa.
They are about to get inside the elevator when Anj heard a familiar voice calling Kio's name. Lahat sila ay napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.
"Need something else, Grayson?" Tanong ni Kio kay Grayson na kasama si Pat — iyong kasama niya kanina nang narinig sila ni Anj sa loob ng banyo.
Nakalimutan na ni Anj iyon, pero nang narinig niya ang boses nito, muling bumalik ang lahat ng init sa mukha niya. Parang siya pa iyong nahiya sa kagagawan ng dalawa.
"You've got company, too, huh? The one's familiar. Your girl?" Grayson inquired habang nakatingin kay Alice.
Tumango naman si Kio. Akmang ipapakilala na niya si Angela nang bigla na lang itong sumakay sa elevator.
"T-Tara na, Al. Ayoko na rito, please..." halos hatakin na niya ang dalawa niyang kasama para pumasok na ang mga ito ay makaalis na talaga sila. Di na talaga niya kaya.
Okay na iyong di niya kilala kanina, e. Kaso nakita niya pa kung sino. Kung puwede lang talagang magpatangay na lang sa hangin ay ginawa na ni Angela dahil talagang hindi na niya kaya. Mukhang hindi niya pa yata kayang matulog sa gabing ito dahil doon.
"Ano bang nangyayari sa'yo, Anj?" Takhang tanong ni Alice. Ni hindi man lang ito gumalaw. Imbes na pumasok ay sinenyasan niya pa ito na lumabas muna.
"Please lang, Al. S-Siya 'yon kanina sa CR!" Pabulyaw na bulong niya sa kaibigan niya na mukhang nakuha naman kaagad ang gusto niyang iparating. Pero imbes na pumasok dahil sa sinabi ni Angela ay nilingon pa nito ang banda nina Grayson.
"What's happening with you two?" Naguguluhang tanong ni Kio sa dalawa. Halos mapapadyak naman sa inis si Angela na nasa loob ng elevator.
Sumakay na lang kayo, please?! Sigaw niya sa isip niya na siguro namang di nila maririnig. Natawag na rin niya lahat ng santo sa estado niyang iyon pero mukhang walang talab iyon.
Napadausdos na lang sa haligi ng elevator si Angela nang narinig niya si Kio na sinabing, "Let's go down together. Pauwi na rin naman kami," anito.
For the first time in Angela's life, she uttered curses.