Angela's PoV
"Ano ba kasing nangyayari sa'yo?" Impit na tanong ng kaibigan ko habang nasa loob pa rin kami ng elevator. Gusto ko na lang talagang matunaw lalo pa't nasa iisang room kami. Sana naghagdan na ako!
"Mamay na natin pag-usapan, please ..." pagmamakaawa ko sa kaniya at mabuti naman ay tumigil din siya sa katatanong dahil baka bigla na lang akong maglupasay dito.
Halos tawagin ko na lahat ng santo para lang mas maging kalmado ako at matapos na ito. Kaso mukhang hindi talaga kampi sa akin ang pagkakataon dahil sobrang bagal ng oras. Kung may kakayanan lang ako iurong at pabilisin, ginawa ko na.
Para talaga akong natutunaw kapag naaalala ko 'yon. Gusto kong masuka na hindi ko alam. Ang weird sa pakiramdam ng ganito. Hindi naman sa close minded ako. Marami namang gumagawa n'on in public lalo na sa US kaso kasi kapag naaalala ko, para akong babawian ng buhay sa sobrang pagka - cringe!
Nang sa wakas ay tumunog na iyong elevator hudyad na nasa tamang floor na kami, pinigilan ko talaga iyong paghinga ko pati na rin ang sarili ko na huwag makipag-unahan sa paglabas dahil masyado naman ng halata kung gan'on. Kailangan ko talagang kalmahan. Ayoko rin naman na malaman nilang narinig ko kung anuman ang ginawa nila roon sa cr kanina. Wala akong pakialam. Gusto ko na lang makalimot. Kung may powers lang ako to turn back time, gagawin ko na talaga dahil desperada na ako.
Para akong nakahinga ng maluwag nang sa wakas ay nakasakay na ako sa kotseng nasa harapan naming. Ni hindi ko na nga hinintay sina Alice at Kio, e. Basta pumikit na lang ako at hinintay na umusad iyong sasakyan.
Napangiti ako nang umusad na nga iyong sasakyan. Sa wakas ay makakauwi na ako!
Ilang minuto rin ng nagmulat ako ng mga mata. Sasabihin ko sana na ibaba na lang ako sa harap ng gate namin pero halos mapatalon ako nang iyong lalaking narinig ko sa CR iyong nakita ko!
What the?! Ano'ng ginagawa niya rito?!
"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" Gulantang kong tanong habang ang mga mata ay nanlalaki.
"I should be the one asking you that. This is my car. I don't even know who you are aside from that fact that you're Kio's girlfriend's friend," may nahimigan akong pangmomock sa boses niya kaya naman mas ginusto kong makaalis. Iginala ko ang paningin ko sa paligid ng kaniyang sasakyan at nakitang wala siyang kasama.
Nasaan na iyong babae kanina? Bakit nawala na?
"I...Ibaba mo na lang ako, please? Magtataxi na l-lang ako..." Pakiusap ko na lang habang lumilinga-linga sa paligid.
Hindi siya sumagot pero hindi rin naman siya tumigil sa pagpapatakbo. Kung puwede nga lang bigla na lang tumalon palabas ginawa ko na naman. Bakit ba sinobra yata ako ng kamalasan ngayong gabi? Partida, ilang oras lang 'yon ha?
"I may be a womanizer but I won't let you do that. May mangyari pang masama sa'yo, kasalanan ko pa sa girlfriend ni Kio. There's no way I'd do that. Just tell me your address tapos ihahatid na kit—"
Kaagad akong umiling. There's no way I'd let that happen! Papatayin ako ng mga parents ko!
"Hindi na!" Napataas ang boses ko roon. Pati ako ay nagulat din sa nasabi ko.
He looked at me through the rear view mirror. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. Nag-iwas kaagad ako ng tingin. Hindi ko talaga kayang salubungin yung titig niya.
"Why not? Ihahatid lang naman kita. There's no big deal in that," sabi niya.
Mas lalo akong kinabahan. Paano ko ba sasabihin sa kaniya? Ibang klase pa naman kung mag-isip sina Mommy at Daddy. Isa pa... lumalalim na ang gabi. Talagang feeling ko makakastigo na ako nito, e.
Hanggang sa naisip kong tawagan si Al. Hihingi na lang ako ng favor na tawagan niya si Mama na doon ako sa kanila matutulog tapos doon na lang kayo magpapahatid dito kay cr guy. Sana maitawid niya kahit strict sina Mommy.
"Hello, girl! Taray mo, ha? Diyan ka pa talaga kay Grayson sumakay ha? Ano ng ganap? Nag-eenjoy ka naman?" Natatawa niyang tanong. Kung hindi lang ako mabuting kaibigan, baka nakapagsalita na ako ng kung ano ano sa kaibigan ko.
Mabuti at kaya kong kontrolin ang sarili ko.
"I don't even know wherein we're headed to. Ayokong ihatid niya ako sa bahay, Al..." bulong ko. Muli akong binalingan noong si Grayson sa mirror. I faked a smile.
"Ha? So paano ngayon 'yan? Sunduin ka namin? Nasaan ka ba? Bakit ba kasi nagmamadali ka kanina? Ayan tuloy. Buti na lang at okay lang nama daw kay Grayson. Mag-thank you ka diyan. Busy siyang tao pero pumayag. Saan ka pa," natatawang sinabi niya.
Bakit parang kasalanan ko pa na nandito nga ako? Well, partly, okay? Pero malay ko ba na sasakyan pala niya 'to?!
"Paki-call na lang sina Mommy, please? Tell her na sa bahay niyo muna ako natulog for important matter purposes," I asked her a favor. I heard him tsked. Narinig ko rin ang boses ni Kio sa background na mukhang pinapagalitan si Alice.
"It's okay. I'll handle this, Kio. Don't you worry. Isa pa, kasalanan ko naman kung bakit siya nakasama. Sinamahan niya lang naman ako. This is just a small favor from my best friend," she argued with Kio.
"You're really stubborn, babe. I'll really punish you one of these days."
"Okay, Anj. I'll do that. Pahatid ka na lang kay Grayson sa house namin, okay? May dadaanan lang kami saglit ni Kio," aniya bago ako binabaan ng tawag.
Huminga ako ng malalim bago ako tumikhim para kunin ang atensiyon ni Grayson. Alam naman siguro nito kung saan ang bahay nina Alice.
"I already called my best friend. P-Puwedeng doon na lang? Kahit ano..." I paused. I bit my lowerlip. Ni hindi ko alam if okay lang ba pero whatever, sasabihin ko pa rin kasi baka isipin niyang abusado ako, e. "...kahit I'll pay na lang," I offered.
I saw the side of his lips rose. Why is that? May mali ba sa sinabi ko? He shook his head as he focused again on driving.
"I don't need that, miss. You don't need to pay me. Iuuwi na lang kita roon. Mas mapapanatag din naman ako kapag maayos kang nakauwi so don't bother," aniya.
Bakit ba sa tuwing nagsasalita siya, lagi kong malalasahan iyong yabag niya? Kahit na normal lang naman siyang nagsasalita.
"You don't need to care for me, too. Actually, kagaya nga ng sinabi ko. You can just drop me here. Ayos lang sa ak—"
"I have a sister the same age as you. Let me bea gentleman even just for once. Hindi mo naman ako pinilit. This is my choice, miss. Just be be stubborn," giit niya.
Tumahimik na lang ako at ipinagdasal na sana ay matapos na lang ang araw na 'to.