bc

MY SECRET HUSBAND

book_age18+
225
FOLLOW
2.9K
READ
family
HE
second chance
single mother
lies
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang pinakasalan mo ay isang lalaking hindi mo pa pala lubusang kilala, at ang buong akala mo ay mahal ka nito dahil sa ipinapakita niya sayo.Pero paano kung malaman mong hindi pala ang pinakasalan mo ang asawa mong talaga? Makakaya mo bang tanggapin ang lahat ng malalaman o lalayo ka na lang sa lahat ng gulong meron ka?At may ibang tao ang tunay na nagmamay-ari sayo. Makakaya mo bang tanggapin na nagkamali ka dahil sa hindi mo nakita ang katotohanan na isa lang palang kasinungalingan?Tunghayan ang pagtuklas ni Kea sa tunay na pagkatao ng kanyang asawa, at kung sino nga ang tunay niyang pinakasalan.?

chap-preview
Free preview
PROLOUGE
Kea- "Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na maibalik ang nakaraan sa buhay ko, at kung maaari ko lang yon mabago pa. Sisiguraduhin kong hindi ikaw ang taong pipiliin ko para mahalin dahil wala kang kuwentang tao? Ginawa mo akong t*nga ng ilang taon Philip, tapos ngayon sasabihin mong mahal mo ako? Sinayang mo ang pagmamahal na meron ako para sayo. Binigay ko ang buong pagmamahal na kaya kong ibigay para lang maging maayos ang pamilya natin. Tapos ngayon ito lang pala ang mapapala ko sayo, hayop! kang lalaki ka kung alam ko lang ang kahayupan na ginawa mo hinding-hindi ako magpapakasal sa isang tulad mong mangloloko, at alam mo kung ano ang mas masakit ipinagpalit mo ako hindi sa babae kung di sa isang kapwa mo lalaki? Anong ginawa ko sayo para saktan mo ako ng ganito ha? Ano…..?????" Galit at pasigaw kong sambit dito habang patuloy sa patulo ang aking luha, malalakas din ang naging pagsampal ko dito na hindi man lang ito umilag o umiwas, namumula na rin ang mukha nito dahil sa lakas ng pagkakasampal ko pero wala akong awang nararamdaman dito dahil talagang masama ang loob ko ngayon dito. Namumula na rin ako sa galit dahil sa hindi ko mapigilang sakit sa ginawa nitong pangloloko sakin at masama na rin ang naging tingin ko sa lalaking naging asawa ko sa loob ng halos apat na taon. Ako si Kea Santiago Ventutero isang babae at asawa ng kilalang CEO at billionaire na business man na si Philip John Ventutero. Kilala ang kanilang pamilya sa iba't-ibang business, pati ang mga construction company ay hawak din ng mga ito kaya naman sobrang yaman ng kanilang pamilya, pag-aari din ng mga ito ang ibang airlines at port at kahit saan ka tumingin o pumunta makikita ang kanilang yaman at kung gaanon sila kakilalang tao lalo na sa business world. Hindi ko naman masasabing walang yaman ang pamilya ko pero aaminin kong hindi kasing yaman ng pamilya ng asawa ko o ng mga Ventutero. Naging masaya naman ako ng maikasal kami ni Philip, pero parang una pa lang ay may mali na. Hindi ko na lang muna iyon pinansin pa dahil alam ko naman na mahal ko siya, at bago kami ikasal ay naging mag kasintahan kami sa loob ng ilang buwan din kaya naman alam kong kahit papaano ay nagmamahalan kaming dalawa. Hindi naman sya nagkulang sa akin bilang asawa, actually mabait s'ya at hindi nagbago ang pagtingin nito sa akin mula ng magkakilala kaming dalawa. Subalit hindi ko rin akalain na ang lahat ng iyon ay isa lamang pagpapanggap, at hindi totoo ang pinakita nito sa akin na mahal ako. Ngayo ko lang napagtanto na kaya lang ako nito minahal at pinakasalan ay para maitago ang tunay n'yang pagkatao at kung sino talaga ng gusto nito. Masakit palang malaman ang totoo dahil sobra mong minahal ang taong inalayan mo ng lahat ng meron ko. Dahil ang lalaking minahal at pinahalagahan sa puso ko ay isa pa lang binabae. At ang mas sakit na katotohanan ay habang ako ang kayakap at kahalikan nito ay ibang lalaki pala ang nasa isip nito. Hindi ko matanggap na totoong nangyayari ito sa totoong buhay, ang buong akala ko ay sa mga movies lang ito napapanood at hindi ko rin maiisip na mangyayari ito sa akin. Sobrang sakit at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na ang asawa kong lalaki ay ang hanap ay kapwa din n'ya lalaki. Habang nasa harapan ko si Philip ay hindi ko magawang tignan ito dahil nangdidiri talaga ako dito, ni hindi ko masikmura na pagkatapos naming magtalik ay may ibang taong nagpapaligaya din dito at ang mas hindi katanggap-tanggap ay lalaki pa ang mas gusto nito kaysa sa akin. Parang hindi ako makahinga pakiramdam ko ay kakapusin na rin ako ng hangin dahil sa matinding iyak at galit na meron sa aking dib-dib. "Sorry Kea, pero totoong minahal kita hindi ko lang talaga maiwasan na hindi magkagusto sa tulad kong lalaki, pakiramdam ko ay may isang bagay na gustong lumabas sa pagkatao ko na gusto kong ipakita sa iba. Pero maniwala ka minahal kita kahit pa niloko kita Kea. Hindi ko lang akalain na ganitong sakit ang maidudulot nito sayo. Please, patawarin mo ako Kea." Salita nito habang nasa harapan ko at katabi ang kanyang k*bit na lalaki. Narito kami ngayon sa isang condo na pag-aari ng asawa ko at nalaman kong dito pa nito binabahay ang k*bit n'ya ng hindi ko nalalaman. Papunta sana ako ngayon sa office nito para sana dalhan ko ito nang lunch nasa may parking lot na ako at kakatapos ko lang iparada ang kotse ko, at palabas nasa ako ng kotse ng makita ko si Philip na may kasamang lalaki at nakita kong naghalikan ang dalawa ng hindi ko inaasahan. Kilala ko ang kahalikan nitong lalaki si Andy Cervantes ang isa sa mga ka business partner ng asawa ko at anak rin ng isang negosyante, halos hindi ko magawang lumabas ng kotse para lapitan ang mga ito dahil sa nanghihina ako. Ayaw din gumana ng utak ko dahil sa hindi ko matanggap ngayon ang mga nakikita ko at ang pangloloko ng mga ito sa akin, napakuyom ang aking kamao dahil sa galit na meron ako sa aking puso. Gusto kong magwala at saktan ang mga ito pero nagawa ko pa rin kontraolin ang sarili ko, kaya nagawa kong sundan sila ng sa ganon ay makita ko kung saan sila pupunta. At ngayon nga ay nasa harapan ko na ang mga ito at pareho silang hindi makatingin sa akin ng ayos, alam kong nahihiya sa akin si Philip dahil sa nahuli ko ang kalokohan nitong ginagawa sa akin. Sabagay sa tingin ko naman kailangan naman talaga n’yang mahiya sa akin dahil asawa ko siya ng ilang taon. "Anong palagay mo sa akin hindi ako tao at hindi ako masasaktan dahil sa nagawa mong kababuyan ha? Ganyan ka ba kasama at kaya mong sabihin na hindi mo pala ako masasaktan? Alam mo mas matatanggap ko pa kung babae ang ipinalit mo sa akin, pero lalaki ang k*bit mo Philip, naririnig mo ba sinabi ko ha?" Malakas kong pagkakasabi dito na kung hindi lang soundproof ang condo nito ay baka naririnig na rin kami ng lahat ng naririto sa building sa lakas ng boses ko. Pagak pa akong natawa dahil talagang nakakaloko ang paliwanag nito sa akin. Anong palagay nito sa akin walang pakiramdam at hindi ko papansinin ang pangloloko nito. Bakit hindi ba ako tao sa paningin nito at hindi talaga nito naiisip na masasaktan ako sa ginagawa nito. Halos apat na taon rin din kaming mag-asawa at nagsasama sa iisang bubong yon pala ay higit pa taon ng pagsasama namin ang pangloloko nito sa akin. Napapailing ako dahil mukhang nawala na rin ang katalinuhan nito at napunta na lang sa l*bog ng katawa nito. "Ikaw ang mag file ng divorce nating dalawa, ikaw na rin ang bahalang gumawa ng reason sa parents’ mo kung bakit gusto mo akong hiwalayan. Pwde rin naman sabihin mo sa kanila ang totoong pagkatao mo, yun eh! kung kaya ka nilang tanggapin. Alam mo walang magiging gulo kung una pa lang ay sinabi mo na sa akin, kaya ngayon mag-isa kang lumutas nito dahil sa tingin ko sa ating dalawa ikaw ang mas matalino. At nakikita kong madali mo lang din itong malulusutan kasi sanay ka naman mangloko ng tao?" Madiin kong sagot dito at matalim ang tingin sa katabi nitong lalaki para makita nito ang matinding galit ko sa kanila, gusto ko ring ipamukha dito ang pamilyang sinira niya at may isang babaeng nasasaktan dahil sa kakatihan nilang dalawa. Nanglaki ang mata nitong tumingin sa akin pero hindi ko ito pinansin pa. Alam kong hindi nito magagawang makipaghiwalay sa akin ng ganon-ganon dahil sa malaki ang takot nito sa kanyang ama, at sa pagkakaalam ko mawawala dito ang lahat oras na malaman ng ama nito ang kanyang ginawa. Taas noo ko itong tinignan at hindi ako nagpakita ng takot na mawala ito sa buhay ko, kahit pa sabihing iniiyakan ko ito ngayon. Handa naman akong tanggapin kung ang lalaki nito ang pipiliin n’ya dahil mukhang sa una palang talaga ay talo na rin naman ako at wala akong panahon makipag-agawan sa kanila. At hindi ko na rin naman kayang makisama pa dito lalo na at nalaman ko na rin naman na ang totoong pagkatao ng pinakasalan ko, hindi ko rin naman panghihinayangan ang mga taon na magkasama kami bilang mag-asawa dahil nakikita kong mas masaya pa itong kasama si Andy kaysa sa akin. Hayaan ko s'yang gumawa ng paraan dahil sa kanya naman nagsimula ang lahat ng ito. Mababait ang mga magulang n'ya at alam kong gusto rin ako ng mga ito bilang daughter in law, pero pasensya na lang din sila dahil hindi ko na kayang pakisamahan pa sa kanilang anak dahil hindi naman pala ako ang gusto nitong makasama panghabang-buhay. "Pwde bang pagdating na lang ng kapatid kong si Peter, ako mag file ng divorce?" Sagot nito na ipinagtaka ko naman dito, at ano ang kinalaman ng kapatid nitong si Peter eh kahit minsan ay hindi ko pa man ito nakikita o nakakausap. Gusto ko pa naman sana magtanong pero para na akong nauubos kaya naman napapikit na lang ako at saka hinayaan tumulo pa rin ang aking luha, ayaw pa kasi nilang tumigil dahil sa patuloy pa rin akong nasasaktan. Alam kong may iba pa itong kapatid subalit hindi ito nakarating sa kasal namin noon dahil sa marami itong inaasikaso sa ibang bansa dahil ang sa may sarili din itong negosyo doon, at ang pagkakaalam ko ay magkapatid lang sila sa ama, dahil magkaiba ang kanilang mga ina pero ganon pa man ay magkasundo silang dalawa. Kuno't noo ko itong tinignan pero umiwas lang din ito ng tingin sa akin napahinga na lang ako ng malalim at saka tumango dito, tumayo na rin ako para umalis dahil kailangan ko na rin puntahan ang anak kong nasa school. Mabigat ang bawat hakbang ko papalabas ng condo nito at hanggang sa makarating ako sa parking lot at hindi pa rin tumitigil ang aking mga luha sa pagtulo. Napapailing pa ako dahil hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng mga nangyari sa pagsasama namin nito. Si Summer Nicole ang anak ko sa pagkadalaga, pitong-taon na rin ito ngayon at isa itong maganda at matalinong bata, kailangan ko rin mag-ingat na hindi nito malaman ang totoo sa kanyang Daddy Philip kahit pa hindi naman ito ang tunay n'yang ama, alam ko rin naman kasing masasaktan ang anak ko kapag nalaman nito ang totoo. Si Summer ay bunga ng isang one night stand na hindi ko rin sinasadya at hindi ko naman nasilayan ang mukha ng ama nito dahil ng magising ako ay wala nito sa kuwarto kung saan naganap ang isang gabi na naging dahilan ng pagkawala ng aking p********e at ang pagdating ni Summer sa buhay ko. Actually, alam ni Philip bago ako nito pakasalan, alam n'ya ang lahat sa akin at ang buong akala ko ay alam ko rin ang lahat sa kanya pero nagkamali pala ako nagpakikakilala dito. Nasa loob ako ng sarili kong sasakyan habang patuloy lang ako sa pagluha, hindi ko kasi maisip kung ano ang nagawa ko sa past life ko at ganito ang nangyayari ngayon sa buhay ko. Naaawa ako sa anak ko dahil alam kong pangarap nito ang magkaroon ng isang ama na makakasama nito sa lahat ng oras, hindi ko naman pwdeng sabihin dito ang lahat dahil alam kong maguguluhan pa ito ngayon. Bata pa ang anak ko at ayokong lumaki itong may nakikitang mali sa ibang tao o sa akin, sobrang mahal ko ang anak ko at takot akong masaktan ito sa murang edad. Bago pa man ako magpasyang magpakasal kay Philip ay sinigurado kong gusto rin ng anak ko sa kanya ng sa ganoon ay hindi ako mahihirapan na pagsamahin sila sa iisnag bubong. Hanggang sa nakita kong maayos naman sila at magkasundo, palagi ring hinahanap ni Summer ang kanyang Daddy Philip at ang mas nakakatuwa pa ay isang tawag lang ni Summer dito at dumadating na rin ito sa bahay para lang makasama ang aking anak. Kaya iniiwasan kong malaman ni Summer ang totoo dahil alam kong mas malulungkot ito at baka isipin nitong mawawalan na siya ng Daddy. Nasa ganoong akong pag-iisip ng muli kong maalala ang lahat at kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook