-Peter- Hindi talaga ako tumingil na ipakita kay Kea na gagawin ko ang lahat para mawala ang galit sa puso nito at ng sa ganoon ay makita nito ang tapat kong pag-ibig na matagal ko na rin dapat ipinakita dito. Magkasama na rin kaming natutulog sa iisang kuwarto dahil sa nalaman nitong isang kuwarto lang talaga ng meron sa bahay na ito at sinadya talaga ito para sa mga katulad naming hindi nagkakausndo. Malaki ang pasasalamat ko sa mga De Lana dahil sa malaking tulong na kanilang ginawa para sa amin ni Kea, at ipinangako ko sa kanila na babalik kami ni Kea na magkasama at nagmamahalan na. Hinawi ko ang buhok nito para makita ko ang maganda nitong mukha na malaki ang hawig sa aming anak, napapangiti pa ako dahil sa muli kong natigman ang halik nitong walang kasing tamis at kasarap. Nasa mg

