-Kea- Nang gabi din yon ay umalis ako dahil sa hindi ko kayang makita at makasama ang mga taong nanakit sa akin ng mahabang panahon. Nasa loob kami ngayon ng isang airport at pabalik ng bansan, nais kong doon magtago ng sa ganoon ay hindi nila isipin na doon ako pupunta. Alam kng nasa Italy pa rin ang aking mga magulang dahil sa umaasa pa rin ang mga ito na mapapatawad ko sila. Habang masama ang loob ko kagabi ay nagawa kong tawagan si Cindy ang best friend at alam kong hindi ako kayang saktan at lokohin, nag-usap kami nito at nalaman kong may pamilya na rin pala ito ay may anak na rin. Masaya ako para dito dahil alam kong naging maganda ang buhay nito kahit pa hindi kami nagkakaroon ng usapan palagi. Sinabihan din ako nitong sa kanila muna tumuloy habang ihahanap nila ako ng malalapit, h

