Chapter 31

2181 Words

-Peter- Halos mangatog ang buo kong katawan ng matanaw ko na ang aking anak na naghihintay sa loob ng isang restaurant kung saan pinili nito na magkita kaming dalawa. Ramdam ko na parang ayaw humakbang ng paa ko papalapit dito dahil nag-aalala ako sa pwde nitong sabihin sa akin, malaki ang naging kasalanan ko sa ina nito at natatakot akong baka susumbatan lang ako ng aking anak dahil sa mga nangyari sa nakaraan. Noong isang gabi na nabasa ko ang maging text nito ay hindi pa ako makapaniwala na nagawa nitong kontakin ako para kausapin sa pagiging ama ko dito, hindi ako nagdalawang-isip na pumayag dahil matagal ko rin naman itong gustong makita at makasama. Hanggang sa nagdesisyon na lang ako na lapitan ito ng sa ganon ay malaman ko ang dahilan nito at pinili nitong makakipagkita sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD