bc

Scholar ni Mayor (R18) (Completed)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
12.8K
READ
bxg
serious
male lead
office/work place
small town
virgin
novice
passionate
like
intro-logo
Blurb

Informal writing with an unordinary love story. Hanana and Mayor Pentagon, feelings developed at slow pace.

May mga part na spg kaya pagtyagaan ulit. Tatry kong iupdate along with White Flag. Tingnan ko lang kung kaya ng sched

chap-preview
Free preview
1
Sa dinami-dami ng mga babaeng nandito sa lugar namin, ako yata ang tinamaan ng kamalasan. Halos saluhin ko na nga ang lahat... sabi nila maswerte raw ako kasi naging maalwan ang buhay namin noon. Naranasan ko man lang ang maging mayaman sandali. Sandali. Mula January hanggang December, at naging bato ng sumunod na taon. Paano ba naman kasi, si Papa nalulong sa sugal. Siguro nasilaw sa salapi kaya kung ano-ano na lang ang pinapasok. Sunod-sunod ang talo kaya pati bahay na pinag-ipunan ni Mama noon, nakasangla na sa bangko ngayon. Para bang 1 day millionaire, at naging dukha ng sumunod na mga araw. Kaya siguro di rin ako masisisi ni Ate Bobby kung bakit galit na galit ako kay Papa. Siya naman ang puno’t dulo kaya nanganganib ang pagpapaaral sa akin sa kolehiyo. Graduate na ako ng highschool noong isang araw at iniisip na lang namin ni Ate Bobby ngayon ay kung paano ang enrollment sa Kolehiyo. “Tumigil ka na lang kaya muna,” suhestyon nito na sinamaan ko ng titig. Palibhasa kasi graduate na, may stable job pa, samantalang kakaumpisa pa lang ng buhay ko. Madali lang sabihin iyan kasi tapos na siya... ako nama’y sumasalo sa lahat ng kamalasan. “Gagawan ko ng paraan, wag mo’kong patigilin Ate. Hindi maganda sa pandinig.” Akala yata nito e nagbibiro lang ako. Samantalang nagrerebelde ang utak ko sa mga suhestyon nitong nahuhulog lang sa ‘safe place’. Kaya ng sumunod na araw ay umalis ako ng bahay, pumunta sa mga school. Nagbabakasakali ng scholarship. Pero dahil boba ako e wala ako ni isang naipasa. Diba nakakapanghina pero sabi ay wag daw akong mawalan ng pag-asa. Kaya kinabukasan pinagbuntungan ko si Papa na parang binging walang narinig. Panay pa rin ang kain mula sa budget na ipinadala ni Mama. Sa inis ko ay padabog akong umalis ng hapagkainan. Mabuti wala si Ate, walang magbubunganga sa akin. Si Papa nama’y dahil guilty ay parang wala ring pakialam sa akin. Umalis akong muli, bitbit ang isang maliit na bag na may lamang pera, ballpen, pulbo at cellphone. Patingin-tingin din ako sa Municipal Board, baka may offer na nakaligtaan. Kahit ano, kukunin ko, kahit tagawalis sa plaza... okay lang, para sa scholarship. “Naghahanap ka ba ng trabaho ineng?” Tanong ng empleyado ng Munisipyo. May dala itong mga papel, papapalitan yata ang nasa board. Para namang sa ninja ang mga mata ko at panay silip doon. “Hindi po Ma’am, scholarship po kasi ang hanap ko.” Paliwanag ko rito. Ngumiti ito, ngiting parang may ginhawa. “Sakto, hiring sa office ni Mayor. Kailangan ng part time... may scholarship na kasama iyon.” Tulak nito sa akin na ikinaningning ng mga mata ko. “Paano po?” Sinabi nito sa akin ang mga kailangan. May summer job na mangyayari dahil nga summer pa lang at hindi pa pasukan. Habang bakasyon, magtatrabaho ako... at kapag school time na, maghahati ang oras dahil nga hindi naman daw grade ang pagbabasihan kundi trabaho. Pagkakuha sa mga requirements ay tumungo na ako at nagpapicture ng 2x2 saka gumawa ng resume sa isang masikip na cafe. Pagkabalik sa Munisipyo ay bahagya akong nanghina dahil humaba bigla ang pila. Napasilip tuloy ako sa board at nakitang may mga nagbabasa na roon. Mukhang ipinaskil kaya ngayon biglang ganito. Tiniis ko ang tagal, ang gutom at haba ng pila. No’ng ako na ay bigla akong nanlamig. Unang beses na makikita ko sa personal ang Mayor. Hindi naman ako nakaboto noong huling eleksyon dahil kaka-17 ko lang noon, kaya kabado ako ngayon. Ng tinawag na nga ang susunod ay para bang hindi maipinta ang mukha ko habang mahigpit ang pagkakahawak sa folder. At minus points ako sa langit dahil talagang pinagnasaan ko kaagad ang kapogian ni Mayor. Palibhasa kasi bata pa saka single kaya siguro maraming tangang babae ang naghahabol dito. Masyado nga lang seryoso sa buhay. “Have a seat Miss,” turo nito sa katapat na upuan. Nagising naman ako sa sariling pagpapantasya. Kailangan ko ng scholarship, ngayon o titigil ako sa pag-aaral. “Anong year ka na ngayong pasukan?” Tanong nito kaagad. “1st year College po,” “Course?” “Financial Management po,” “Saan ka mag-aaral?” “Diyan lang po sa Saint Luis, malapit sa National Highway po,” Tumango ito at pinaabot sa akin ang yakap-yakap kong folder. Para naman akong natatarantang inabot rito. Pinasadahan niya iyon... saka tumitig sa akin. At dahil kanina pa ako titig na titig sa mga mata nito ay para bang nahihiya akong umiwas. Ngayon, napapatanong ako kung talaga bang sa kawang gawa kaya ito nanalo? O dahil parang artistahin si Mayor kaya ganoon? Nalito tuloy ako. “Sa pagkakaalam ko, halfday-halfday ang mga classes diyan sa St. Luis... And I need a part-timer. Kahit kalahating araw lang... morning classes ba ang kukunin mo?” Tanong nito habang binabangga-bangga ang dulo ng ballpen sa namumula nitong labi. Naks, pagnasaan ba naman ulit. “Oo, yon po sana Mayor. Pero kung sakali naman pong kukunin niyo akong scholar. It’s up to you naman po.” Ngiti ko. Unti-unti naman itong ngumiti kaya para bang nalaglag ang panty ko pagkakita pa lang sa mapuputi nitong ngipin. Mas gwapo pala ito kapag nakangiti! Susko, magkakasala pa yata ako. “Okay, don’t tell everyone yet that I hired you now. Nandito naman ang contact details mo ano?” Tanong nito. Ha? Totoo ba? Hired na ako? Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o ano... nakangiti na kasi ako habang nagpapasalamat. Kaso sinabi nitong, “Hindi ka pwedeng makita na nakangiti sa labas. Mamaya na kapag nakauwi ka na.” Pinilit ko na lang ang sariling sumimangot. Na tinawanan niya kaya mas lalong nag-init ang tenga ko sa hiya. Saka ang gwapoooo talaga ni Mayor! Ang malandi kong hormones talaga, Oo. Pagkauwi sa bahay ay hindi maalis-alis ang ngiti ko sa labi. Nakalimutan kong kanina pa pala ako gutom... basta ang importante tanggap na ako. At kakaunti na lang ang poproblemahin ko ngayon. Siguro allowance na lang o kung ano? Medyo mura naman ang pamasahe galing dito sa bahay hanggang highway... lalakarin ko na lang din patungong Mayor’s office. Mag-eenroll na rin siguro ako sa susunod na buwan. O kung ano man. Kinabukasan may tumawag sa’king numero. Wala naman akong inaasahang tawag pero naalala ko natanong nga pala ni Mayor kung nandoon ba ang mga contact details ko kaya inasahan ko talagang si Mayor ito. Kaso hindi, empleyado rin sa Munisipyo at inuutusan akong bumalik sa office dahil mag-oorient pa ng kung ano-ano. Saka mag-uumpisa na ako sa Lunes. Since summer naman at kailangan ko raw magrender ng whole day doon. Okay fine... gusto ko rin naman iyon. Kaya ng dumating doon ay akala ko maaabutan si Mayor, kaso ang sabi nasa Sitio Balong daw ito at naghahatid ng relief goods dahil binaha nong isang araw. Saka magtitingin-tingin daw ng lugar dahil siguro ipapa-evacuate ang mga nakatirang nandoon. “Ang sipag naman po ni Mayor,” komento ko kay Ma’am Bessy, name niya talaga. “Naku! Sinabi mo pa. Sa susunod ngang eleksyon bobotuhin ko ulit iyan. Malayong-malayo ang ugali sa bugnutin nitong ama.” Hagikhik nito. Oo nga pala, political dynasty... mula pa sa ninuno. Kaya siguro malakas pa rin sa tao dahil may nauna na. “May girlfriend ba si Mayor?” Chismosa na kung chismosa. Sabi ay single pero baka naman tinatago ang girlfriend. Tulad ng ibang politika for sure may tinatago iyan. “Wala no! Single na single iyan... ewan ko ba, lagpas kalendaryo na e ayaw pa ring lumagay sa tahimik. Sayang ang lahi.” Tawa ito ng tawa habang tinuturo sa akin ang gagawin. Tinulungan pa nga ako nito sa bagong pwesto ng mesa. Gusto kasi raw ni Mayor na kitang-kita ng sekretarya para raw mabilis mautusan. Kaya dito ako sa isang glass office na adjacent ng office ni Mayor. May privacy pa rin naman. Hindi kita sa labas ang loob, maliban kung galing mismo sa office ni Mayor, makikita talaga. “Landiin mo kaya...” tukso nito. Laglag naman ang panga ko ngunit unti-unti ring natawa. Di naman siguro baliw si Mayor para pumatol sa akin. Isang hamak na estudyante pa lang ako... ni wala pang maipagmayabang. “Biro lang, hindi basta-basta pumapatol iyan. Kahit sabihin pang maganda ka hija.” Oo na. Ewan ko ba rito kung nang-iinsulto ba o kung ano. Hindi ko na lang masyadong pinansin, dahil siguro wala lang naman dito. Pagkatapos noon ay umalis na ako at tumungong plaza para manood ng laro. Saka nangalumbaba at pasilip-silip sa bungad ng Munisipyo. Nang pahapon na ay umalis na lang ako. Hindi na yata dadaan pa si Mayor, sayang. Pagkarating sa bahay ay para bang nag-init kaagad ang ulo ko ng nakita si Papa sa harapan at naninigarilyo. Di ba ito nakakaintindi na bawal nga! Bakit ba ang kulit nito? “Pa! Ayan ka na naman, magkakasakit ako sa’yo!” Aburidong pagbubunganga ko, kakarating pa lang pero mainit na kaagad ang ulo. Hindi ito nagsalita at parang invisible ang tingin sa akin na kumaway pa doon sa dumaang kumpare nito. Hindi ako pinansin! Lumabas ng gate saka nakipaghuntahan ng kwentuhan sa kasabong din nito. Umirap na nga lang ako at nagdadabog na pumasok. Nahagip pa ng paningin ko si Alex na ngumingisi at kumaway pa sa akin. Dahil mainit nga ang ulo ko e ito ang nakatanggap ng pamatay kong irap. Wala ako sa mood, kaya pati si Ate Bobby nainis na rin ako na naman ang nabungangaan ngayon. “Hayaan mo Ate, kapag ako nakapagtapos... aalis na ako sa pamamahay na ‘to.” Mas lalo itong nainis at hinila ang buhok ko na inarayan ko lang. Kapag ganitong namimisikal na ito ay talagang hindi ko na lang pinapansin. Magkaiba kami ni Ate, kapag ito ang napikon namimisikal. Samantalang kapag ako ay bubunganga lang at wala na. “Drama mo, Hanana! Pumasok ka nga sa kwarto mo! Baka majumbag kita!” Okay fine! Kinagabihan ay nagbait-baitan ako para lang makapanghiram ng pera, kailangan ko kasi sa Lunes saka babayaran ko naman kapag nagkapera na ako... kapag nga lang binigyan ako ni Mama. “Bilhan mo’ko noong sikat na damit ngayon sa t****k, may sobra iyan ah! Iyan ibili mo.” Para talaga kaming aso’t pusa. Minsan bati minsan hindi. Pero madalas talaga ay hindi. Dahil siguro malayo ang agwat kaya hindi nagkakatagpo sa mga gusto. Dahil Lunes na e excited akong pumasok. Makikisabay sana ako kay Ate kaso nauna na ito, makakalibre sana ako eh... kaya lang parang may hinahabol ito tungkol naman sa trabaho. Lumapit kaagad si Ma’am Bessy, doon pa lang sa labas ng Munsipyo at sinabi nitong may flag ceremony muna bago pumasok sa loob. Magkanda haba naman ang leeg ko sa kasisilip kay Mayor, kaso puro mga pulis at BFP ang nahahagip ng mga mata ko. Yong iba, masyadong halata sa pagpapansin. Kaso, ekis, hindi ko tipo. “Sino bang sinisilip mo diyan?” Tawa nito. Parang alam din ni Ma’am kung sino talaga. Hindi ko nga sinagot at ngiti lang ang inabot ko. Mas lalo itong natawa at tinuro si Mayor na may kaabresitang babae. Sumimangot tuloy ako na mas nakadagdag sa tawa ni Ma’am Bessy. “Sinasabi ko sa’yo, Hanana, mahirap mag-invest ng feelings diyan. Hindi iyan masyadong namamansin ng babae. At saka, pamangkin niya iyan... ano ka ba.” Malisyosang sabi nito. Napangisi na lang tuloy ako at parang si Jollibee, bidang-bida na nilapat ang palad sa dibdib at nakikanta. Pagkatapos ng ceremony eh may lumapit kay Ma’am Bessy at tinuro ako. “Pwede ba daw’ng hingiin iyang number ng kasama mo Ma’am? Type ni Lopez,” Nganga naman si Ma’am Bessy hanggang sa natatawang sumilip sakin. Pinanlakihan ko ito ng mga mata para sabihing ayaw ko. Dahil hindi ko naman type ang MIU. “Choosy mo ano? Pero sabagay, bata ka pa... saka mag-aaral.” Tukso nito habang sabay kaming pumapasok sa loob. Nasa tapat lang si Mayor, kaya para akong bingi na hindi narinig ang sinabi nito. Lumingon pa dito si Mayor kaya natigilan ako at nahihiyang nag-good morning. Sumilip din iyong pamangkin nitong nakangiti sa akin kaya bumati na rin ako. “Good morning, Hanana...”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook