3

2054 Words
Nilinis ko na lang ang buong silid, tanging mesa lang ni Mayor ang hindi ko pinakialaman. Mahirap na baka mapagbintangan. Pagkatapos ng mag-alas 10 ng umaga ay umalis muna ako roon at naglakad-lakad bago bumaba, sakto namang kakarating lang ni Mayor... kasama iyong dalawang pulis at tatlong personal na bodyguard. Natigilan nga ako at gumilid, tumitig pa iyong isa na naalala kong Lopez yata bago bumuntot kay Mayor na hindi man lang ako napansin! Pulang-pula tuloy ako at umiwas na lang. Saktong pagkalingon sa kaliwa e nandoon si Ma'am Bessy na pigil-pigil ang tawa. Mas lalo lang akong nahiya. "Ano, sabay tayo maglunch mamaya." Aya nito pagkatapos na mapansing napahiya ako roon. "Sige po," Aalis na sana ako para bumili ng pagkain, bored na ako sa itaas, at siguro bibilhan ko na rin ng damit si Ate Bobby... para kumalma lang ito... kaso iyon nga bumalik ang pulis, si Lopez yata, at tinitigan ako. Pansin ko ngang para siyang nahihiya. Kahit na mas bata itong kaharap niya. "Ma'am, tawag po kayo ni Mayor sa itaas." Turo nito. Napasalat na lang ako sa sariling ilong bago sumunod. Panay nga ang sulyap noong pulis, para bang tatakasan ko eh kailangan kong sundin si Mayor. "Mayor," pansin ko dito. Ngumiti ito at may inabot saking supot. Nagtataka naman ako ngunit tinanggap ko na lang at napatikom ng bibig ng nakitang pagkain iyon. "Salamat po," Isang tango lang ang natanggap ko mula rito. Ako nama'y... ah, paano ko ba sasabihin? Kinikilig? Shoot! Tama ba iyon? Halos mapunit nga ang labi ko sa kangingiti habang pumapasok sa loob ng sariling opisina. Binuksan ko na lang ang monitor kahit na wala naman akong gagawin doon. At muling sinilip si Mayor, na nakayuko. Yon nga lang, nabura rin ang ngiti ko ng napansin na tinititigan ako noong mga bodyguard at mga pulis. Para bang nanunukso, ako naman na sadyang pikunin, ay tumalikod sa kanila at nahihiyang nilagay na lang sa isang tabi ang pasalubong. Kaso, hindi pa nga ako kumakalma sa hiya e naalala ko na naman ang baong nilagay ko sa ibabaw ng mesa ni Mayor. Halos manlaki ang mga mata kong sumilip muli roon. Kanda haba nga eh ang leeg ko para lang mahanap ang nilapag kanina. Kaso... wala naman eh. Saan na kaya iyon? “It’s okay, iwan niyo na ako rito. Hindi pa ako bababa...” utos ni Mayor pagkatapos ng ilang minuto. Tumango ang mga julalay at umalis na roon. Pagkaalis nga e tumayo na ako at lumabas bago parang bata na pumwesto sa tapat ni Mayor. “O? Hanana, bakit?” Hilaw ang naging ngiti ko bago ibinuka ang bibig. Nakakahiya ano, pero kasi... kailangan kong malaman kung nasa’n na iyon. Baka kako hindi nagustuhan nito kaya nagdesisyon na lang itapon sa basurahan. Basurahan? Pinilit kong silipin, kaso nakatakip. “M-mayor, ano kasi... may nilagay akong baunan dito kanina. Nakita niyo po ba?” Tanong ko kalaunan. Ngumiti ito at may kinapa mula sa ilalim. Ipinakita sa akin ang kulay pink na lalagyan. “Salamat dito, kakainin ko mamaya.” Halos lumundag ang puso ko sa tuwa. Ngising-ngisi na naman akong naglalakad pabalik ng opisina. Kaso natigilan ako at bumalik sa puwesto, doon sa tapat ni Mayor. At nagtanong... “Wala po ba akong gagawin, Mayor?” Bahagyang kunot ang noo ko nang nagtanong nito. “Nabobored ka ba?” Ngiting tanong nito. Medyo namula tuloy ang pisngi ko at hindi alam kung ano ang isasagot. “Can you file those documents for me?” Tinuro nito ang mga cabinet na nandoon malapit sa pintuan. Tumango-tango na lang ako at mabilis na nilakad iyon. Panaka-naka ngang sinisilip ko si Mayor na nakayuko, ni hindi na umangat ang mukha mula pa kanina, at tinuloy ang trabaho. Pagkatapos nang natapos na ay tumayo na naman ako at tinitigan ang orasan. Saktong nasilip ko si Ma’am Bessy na nagsesenyas. Mag-aaya yatang kumain, kaya lang naisip ko rin si Mayor. Paano iyan? Hindi ko naman pwedeng iwanan na lang bigla ito. Nakakahiya ano, naturingan pa namang sekretarya. Umiling ako kay Ma’am Bessy at tinuro si Mayor. Ngising mapanukso ang tango nito bago umalis. Pumasok naman ako sa loob ng salaming opisina at kinuha ang baon pati pasalubong ni Mayor at tumayo ulit sa tapat ni Mayor. Doon naman ito napaangat ang mukha at tinitigan ako. “Mayor, lunch na po. Sabay po tayo.” Makapal yata ang mukha ko at ako pa ang nag-aya. Ngayon, napapaisip ako kung saang parte ba rito ang masungit? Kasi sa nakikita ko, nagpapatianod naman ito... hindi nagsusungit. “Thank you for reminding me, Hanana.”ngiting-ngiti ito habang nilalabas ang baunan na binigay ko sa kanya. Ganoon din ang supot at lumipat kami sa adjacent nitong mesa, para doon ilatag ang mga pagkaing dala. May supot rin ito tulad ng akin... at doon na nga, nag-umpisa kaming kumain. Kaso halos mabilaukan ako sa tanong ni Mayor. “Nagkaboyfriend ka na ba?” Maya’t iyon ang tanong nito. Ngiting ngiwi yata ang binigay ko sa kanya bago umiling. Never. Hindi dahil natatakot akong mapagalitan, kundi, hindi lang ako interesado? “You should try, my nieces who are younger than you had them when they’re just 14. Iba naman ang mga kabataan ngayon, they explore.” Mapanukso ang mga mata nito, iyon bang pinagtatawanan ako. Nag-init tuloy ang tenga ko at natigilan sa pagsubo. Kung sana ganoon lang kadali, baka nga matagal ko ng ginawa. “Hindi naman po ako basta-bastang pumapatol Mayor, saka... wala pa akong nagugustuhan.” Mali! Dapat sinabi kong wala pa akong nagugustuhan noon, maliban ngayon... hay, ano na lang kaya ang iisipin nito? Kapag inamin kong crush ko siya? “Siguro, mapili ka...” hindi tumitigil na tanong nito. Ngiti lang ang naging sagot ko, ngiting nahihiya. Mukhang nagets naman nito. “Narinig kong pinag-uusapan ka ng mga pulis diyan sa ibaba. You’re their type, Hanana. Bakit hindi iyon? May mga stable ng trabaho.” Medyo nangasim ako roon sa sinabi nito. Para bang binebenta ako sa mga taong hindi ko naman gusto. Paano ko ba ipapaliwanag. “Hindi ko naman po sila gusto, Mayor. Saka, kaka18 ko lang... wala pa sa isipan ko ang magboyfriend.” Paliwanag ko. Tumango ito bago sumubo. Natulala naman ako at tumitig sa mapupula nitong labi. Napakurap pa nga bago tumitig sa kanyang nakatitig sa akin. “Mayor, naninigarilyo po ba kayo?” Wala sa sariling tanong ko rito. Matawa-tawa itong umiling. Kaya pala... “I just drink, Hanana. Ba’t mo natanong?” Takang tanong nito. Napangiti na lang ako, nahihiya sa isasagot pero kasi kanina pa talaga makapal ang mukha ko. “Ang ganda kasi ng labi niyo po, Mayor. Namumula.” Halos sakupin nito ang buong silid sa lakas ng halakhak nito. Napahawak pa nga sa labi nito kaya lalo akong natukso. “May girlfriend po ba kayo Mayor?” Maya’t maya ay tanong ko kahit alam ko naman talaga ang sagot. Ngunit mas gusto kong marinig mula rito... pakiramdam ko mas magiging panatag ako kapag galing mismo rito. “I had, but now I’m single. Sa dami ng trabaho Hanana, wala na akong oras para diyan.” Ngisi nito. Nangapal pa lalo ang mukha ko sa nalaman. Galing na mismo sa kanya! At dahil sadyang crush ko ito eh, may nasabi akong ako rin ang nagulat. “Mayor, pwede po ako...” Ha??!! Teka, ba’t ko naman nasabi iyon? Nakakahiya, lalo na at nagulat din si Mayor. Titig na titig din sa akin na para bang aparesyon lang ako roon. “Are you... uh, Hanana, sigurado ka?” Awang ang labing tanong nito sa akin. Ako na naman ang dumoble ang gulat. Papatulan ba nito? Parang oo na parang hindi. Kapag umoo ito, lagot! Magkakaroon ako ng instant boyfriend na hindi naman handa. “A-ah, kasi po Mayor, crush ko po kayo.” Hala? Ano ba ‘tong pinagsasabi ko? Iwas na iwas nga ako sa ibang lalaki pagkatapos pagdating dito kay Mayor, parang ako pa mismo ang nagbibinta sa sarili. “You sure? I’m already 35, Hanana. Mas matanda ng ilang taon sa’yo. Hindi ka ba mandidiri?” Kunot noong tanong nito. Ngumiti ako, hiyang-hiya. Bago umiling, age doesn’t matter nga diba? Nakakamatay ba iyon? Iyong iba nga parang lolo na nila pero pinapatulan pa rin. “Sige, walang problema.” Halos malaglag ako sa inuupuang silya pagkarinig sa sagot nito. Sobrang nag-init ang pisngi ko, halos mamanhid nga. Nanindig ang balahibo ko sa kilabot at nauwi sa panlalamig. “M-mayor, hindi naman siguro ito laro lang ano?” Ngumiti ito, iyong ngiti na malumanay... “It isn’t, Hanana.. tingnan natin kung hanggang saan tayo aabot.” Patay! Tinotoo nga! Crush ko naman ito e pero natatakot akong baka gusto lang nitong makipaglaro. Kaya lang dahil sa sinabi nito kanina, parang gumaan naman kakaonti ang loob ko. “Should we seal our relationship now?” Tanong nito bago tumayo at idinantay ang kamay sa gilid ng mesa, malapit sa akin at bumaba ang mukha. Para lang abutin ang labi ko. Ako nama’y mulagat... para bang nilipad ng sitwasyon ang diwa ko kaya parang lumulutang ako roon. Ang lambot ng labi ni Mayor, parang alapaap... nasa ibang dimensyon yata ako. Lalo na noong diniin nito ang labi at bahagyang ibinuka bago lumayo sa akin. “That’s it.” Nanlalambot yata ako habang nagtotoothbrush at pinakikiramdaman ang loob ng opisina. Paanong sa dalawang araw pa lang e naging boyfriend ko na ang Mayor ng Munisipyong ‘to? Parang hindi naman yata nakikipaglaro si Mayor, siguro nabigla lang, siguro matagal hindi nagkagirlfriend kaya parang buang na pumayag na lang bigla. Siguro sa makalawa, babawiin rin nito. Kaya might as well enjoy it. Oo, ieenjoy ko. Kaya kinabukasan, dalawang baon na ang dinala ko at puro kay Mayor iyon. Kalahating araw na naman itong wala sa loob ng opisina. Lunch time nang dumating ito, kasama iyong Pulis na Lopez at nakatitig na naman ng seryoso sa’kin. Tawang-tawa nga si Mayor ng mapag-isa kami. “Tanong ng tanong iyon, tipo ka talaga, Hanana.” Mapanuksong sabi nito na ikinanguso ko lang. Inabot ko sa kanya ang binuksang baon at pinakita ang niluto kong ulam. Mukhang natuwa pa eh, ganado kung kumain. Halatang nagustuhan naman nito. “May lakad tayo sa susunod na Linggo, 3 days seminar sa kabilang bayan... prepare what you have to prepare, Hanana.” Paalala nito. Excited naman ako at halos hindi makatulog. Ilang araw ding ganoon hanggang sa dumating na nga ang hinihintay ko. Pakiramdam ko mas malawak ang kalayaan ko ngayon. Malayo kasi sa Bayan kaya pwede kong landiin si Mayor, oo yon ang iniisip ko habang naghahanda. Dinala ko nga lahat ng sexy dress na meron ako. Pati si Ate Bobby kunot ang noo habang tinitingnan akong mag-impake. “Hoy! Anong gagawin mo doon ah? Puro seksing damit iyan ah?!” Makahulugang ngiti lang ang inabot ko rito, wala akong sinabi. Sayang-saya pa ako habang nasa likod ng sasakyan, katabi si Mayor. Kaso, akala ko magiging masaya ang stay naming tatlong araw doon. Para akong tinakasan ng bait, exagge, but that is what happened. Hindi ako umiyak, hindi ako umatungal. Nanlamig lang ako bigla habang nakatitig kay Mayor na kunot ang noo. Na para bang ang labas ako pa itong may kasalanan. Kung tutuusin, pwede niya namang sabihin na ayaw nito sa alok ko noon. Maiintindihan, pabigla-bigla kasi. Ngayon... para bang nagtatapon lang ito ng tissue habang sinasabing— “Hanana, I know you’re young and naive, but I have to break up with you...” Tiniis ko pa ang isang araw, trabaho naman ito kaya walang kinalaman sa unti-unting pagbuo ng pagkamuhi ko sa Mayor na ‘to. Sa isang iglap, naglaho lahat ng paghanga ko rito. Pati nga si Ma’am Bessy nagtataka sa pag-iba ng ugali ko. Pati nga ang pinsan nitong BJMP, nagulat noong pumayag akong makipagdate. “Kevin, pagkatapos nito kailangan kong mag-enroll.” Paalala ko rito habang bumabyahe kami patungong City. Manonood daw kami ng Sine, pagkatapos kakain sa labas. Uuwi rin kami mamayang hapon, at sasamahan niya akong mag-enroll. Gentleman naman si Kevin, in fact, mas nga habang inaalalayan akong maglakad. Na para bang may sakit ako. “Han, sa susunod na Linggo... pwede ba kitang ayain ulit?” Tuwang-tuwa na aya nito hindi pa man natatapos ang araw. Ngumiti ako at tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD