Pagkatapos ng araw na yon naging normal naman kami ni Mayor. Iniiwasan ko lang na pag-usapan ang ganoong bagay lalo na kapag naiiwan kami na kaming dalawa lang. Ayaw ko munang maulit pa ang nangyayari. Natakot kasi ako lalo na noong isang Linggo ay naging maugong ang balita tungkol sa isang ka-blockmate na buntis nga raw kaya tumigil sa pag-aaral. Ayaw ko namang umabot pa sa ganoon. At mabuti na lang ay para namang nakakaintindi si Mayor. Nilalandi nga ako kaya lang hanggang doon na lang yon. Hindi na nagpumilit na tuksuhin pa ako. Siguro napapansin nito na umiiwas ako lalo na kapag nagiging mapusok na kaming pareho. Nito nga at nalaman ko ang dahilan ng pagpipigil niya. Maraming paraan kung paanong makakaiwas kami sa unprepared pregnancy, ngunit pinili namin ang sigurado. "Nakakagigil

