19

2028 Words
Totoo nga yata iyong sinabi ng iba na pagkatapos ng unos, isang nakakahindik na katotohanan ang bubungad sa'yo. Ni ayaw ko ngang paniwalaan na may nangyari na sa'min ni Mayor. Parang ewan, hindi ko maipaliwanag... basta ang alam ko pagod na pagod ang katawan ko ngayon. Tumawag pa ito ng katulong at nagpahatid ng gamot. Hindi ko nga maipaliwanag ang nararamdamang hiya. Basta ang alam ko gusto ko na lang mamaluktot at magtago. "Ihahatid kita mamaya with Fernand, you take rest this weekend and if you'll still not feeling well until Monday... tawagan mo'ko." Tumango na nga lang ako para matapos na 'tong araw na 'to. Nang inihiga ako nito e umidlip lang ako sandali at nagising din ng bandang alas sais. Nagmamadali tuloy ako sa pag-aayos kahit panay ang mura sa isipan. Ganito pala ang pakiramdam, mahapdi na may kasamang guilt. Hindi naman matanong sina Mama't Ate tungkol sa mga lovelife ko, o kung anong nangyayari sa'kin, pero nando'n ang guilt. Na pakiramdam ko isang kisap tingin lang malalaman na nilang may donselyahan palang nangyari. "O dahan-dahan." Seryosong utos pa ni Mayor habang nililigpit ko ang mga gamit. Masamang tingin lang ang pinukol ko rito. Alangan namang sisihin ko ito sa lahat-lahat. Kung iisipin meron din naman akong kasalanan. Pwede akong umayaw kanina, ulo pa lang naman ang nakabaon, pero itinuloy ko. "Hindi! Magcocommute ako. Please, pakitawag ng tricycle!" Iritableng utos ko rito. "Ihahatid ka namin Hanana... sa ayaw at gusto mo." Isang nakalulusaw na tingin na naman ang ibinigay ko rito. "Sa gusto ko at magtatawag ka ng Tricycle!" Naghihisterikal na ako roon. Napaatras ito, umiling pa ito ng isang beses bago lumabas at siguro tumawag ng mauutusan para sabihan na magtawag ng tricycle. Hindi siya pwede mang-utos ngayon na nalilito ako sa nangyari. Wala siyang karapatan. Pagkalabas e busangot ako at isang beses lang tinitigan si Mayor na napailing sa inaasal ko ngayon. Ni hindi na ako nakapagpaalam nang maayos basta ang gusto ko na lang ay umuwi. Ganoon nga ang ginawa ko at nagpahinga, tinanghali na ako nang gising. Mabuti nga at tahimik lang si Ate, hindi namamansin at hindi nang-iinis. Kasi siguro pagod o kung ano, o kung magkaaway sila ng boyfriend niya. Tahimik ko na lang na niluluto ang pananghalian. Si Papa nasa harapan ng bahay at naglilinis ng mga gamit. Magkakalagnat nga yata ako kaso mas pinili ko na lang ang kumilos-kilos para makalimutan ang kinasadlakan. At para na rin mawala sa isipan ko si Mayor. Linggo nang nag-aya si Ate Bobby na magsisimba. E dahil inuusig ako ng sariling konsensya e umayaw ako. Sinamaan nga ako nang titig, na parang makasalanan. Oo nga pala, makasalanan talaga ako. Ngunit di naman ako pinilit pa. Alas dos nang nakaramdam ako ng sinat. Hindi na ako mapakali at naalimpungatan sa tawag ni Ate Bobby mula sa labas ng silid. "Ate, h-hindi kita maintindihan. Masakit ang ulo ko." Lumalabo sa paningin ko iyong imahe ni Ate at parang lutang na wala akong maintindihan sa sinasabi nito. No'ng tumango ako, na wala talagang maintindihan, ay umalis naman ito. Umaga na ako nagising at sinisinat pa rin ngunit mas pinili ko ang gumayak at maghanda para sa eskwela. May naiintindihan naman ako sa lecture, so far, at natapos ang araw na medyo bumaba ang init sa katawan. Nandoon pa rin ang pananakit ng katawan ngunit kaya naman. Dumaan nga muna kami ni Manong Fernand sa Munisipyo at hindi ko na naman makita si Ma'am Bessy. Siguro busy, dahil katapusan na at mas madaming paperworks, kaya siguro nagkakasilisihan kami. Pagkakuha sa mga kailangan ay doon na ako nakaramdam ng kaba. Biglang nagkasinat ulit ako na parang ewan. Iyong singaw ng init ay nasa loob kaya hindi ako mapakali. Mali yatang pumasok ako ngayon. Bigla na naman kasing nag-init ang ulo ko pagkakita pa lang kay Mayor. Nakaupo ito sa sala at nagbabasa ng dyaryo. Tumayo nga itong may saklay at lumapit sa akin. Namimilog naman ang mga mata ko habang pilit na lumalayo sa kanya. Manghahalik eh! E inis pa rin ako sa kanya. "Pakipot..." Tawang-tawa na saad nito. Sa inis ko e nagsitindigan ang buhok ko sa batok. Napasigaw talaga ako sa sobrang inis. Nakalimutan kong si Mayor pala ito at hindi magandang sigaw-sigawan lang. Pero syempre may karapatan ako ngayon. "Bwisit ka! Byernes pa lang inis na inis na ako sa'yo! Sarap mong suntukin!" Mas lalo akong nilagnat. Namaos ako't namalat ang lalamunan. Tinawanan lang ako ng damuho at inabot ako para mahila palapit sa kanya bago hinalikan sa noo. Nakaakbay sa'kin ng madiin kaya hindi ako makaalis-alis. "You have a fever!" Nagulantang ito sa natuklasan. Irap pa rin ako ng irap kahit naduduling dahil sinamahan pa ng masamang pakiramdam. "Gracious! Hanana, I told you to inform me if you're not feeling well. Pumasok ka pa talaga!" Ito pa ang may ganang mainis. Inis na tinulak ko ito sa dibdib kaya lang kahit pilay ay hindi naman natitinag. Sa nangyayari, nagsitindigan ang mga balahibo ko sa katawan. Naalala ko na naman kasi iyong tigas-tigas niyang pamalo! Mahabagin! Hindi normal ang size. Nagtataka nga ako kung paano ko nakaya iyon! E lampa-lampahin pa naman ako at hindi sporty. Saktong pumasok si Inday at agad akong nahiya sa iniisip... At nahiya na rin sa lambing ni Mayor. "Inday, please get me biogesic or any medicine for fever. Dalhan mo na rin ako ng mainit na tubig and face towel." Makapal talaga ang mukha ng isang 'to. Pulang-pula si Inday habang lumalabas para sundin ang utos ng amo. Hindi yata pinapansin ng isang 'to ang nangyayari sa katulong. Paano ba naman kasi kahit sino ay talagang mahihiya kung ganito kalapit si Mayor. Halos gusto yata nito na nakadikit ako sa kanya. "Sinat lang iyan! Bitaw na nga!" Utos ko rito. Umiling ito at hinila ako papunta sa sariling silid. Agad na namilog ang mga mata ko sa gulat, na walanghiyang tinawanan lang nito. "Ano ba yang nasa isipan mo, Hon... You should take a rest." Hiyang-hiya tuloy ako habang nakasunod sa gagawin nito. Hinayaan ko lang muna itong alalayan akong makahiga. Maya't maya e kumatok si Inday at pinasiwang lang nang kaunti ni Mayor ang pintuan bago bumalik na may dalang bimpo at gamot. Pinainom ako sandali at pinunasan ang noo. Kunot na kunot nga lang ang noo ko habang nakatitig ditong nagsasalita. "Mayor, bakit ang ingay mo?" Hindi ko maiwasang itanong dito. Tinawanan lang ako nito at inilingan. "Matigas kasi ang ulo mo. I told you to call me when you'll be not feeling well. Pero makulit ka talaga..." Umatras ito at dinampi ang bimpo sa tuhod ko. Napapiksi tuloy ako sa gulat. Parang kinuryente iyon eh. Na hindi naman dapat kasi masama talaga ang pakiramdam ko. Inangat nito at ibinaba rin... Natatarantang idinikit ko talaga ang mga hita para masiguradong hindi na iyong maiiakyat pa. "Patingin nga..." Tukso nito at pilit na binubuka ang hita ko. Umuusok ang ilong kong pinanlalakihan ito ng mga mata. Umatras ito at itinukod ang hindi napilayang braso at dumukwang sa akin. Kumurap-kurap tuloy ang mga mata kong nakatitig sa kanya. "I'm taking the responsibility, Hanana... Let's call ourselves into a relationship. Hindi ako naniniwala sa fuckbuddy lang, Hon." Hindi ako nakaimik. Hindi ako makapagsalita, ilang minuto rin iyon. Hanggang sa namungay ang mga mata ko at tumango. Nasiyahan yata ito at muling dumukwang para maabot ang labi ko at mahalikan nang mas maayos. Pumikit na lang din ako habang inaanod sa malamyos nitong halik. Parang totoo yatang nasa ulap ako at ganoon na lang kalambot ang labi nito. Ang sarap damhin ng ganito lang... parang nakakalmado. Ito lang pala ang hinahanap ko para mawala ang init ng ulo. "I'll take care of you from now on." Dumampi pa ito ng isang halik sa pisngi bago umayos at dinampian ulit ako ng bimpo. Tumango na nga lang ako at tumagilid para makatulog nang maayos. Nakatitig lang ako rito na seryoso yata sa pag-aalaga sa akin. Kaya dahil do'n ay mas lalo akong inaantok. Na sa halip trabaho ang aatupagin ay antok ang inuna ko. Nagising ako bandang alas sais at nakitang nakaupo sa gilid ko si Mayor. Nagbabasa yata ng reports o kung ano. Umayos lang ito nang nakitang gising na ako. Inunat nito ang braso at dinampi sa noo ko. Ngumiti lang ito nang napansing maayos na ako. Ganoon din ang ginawa ko at bumaba sa kama. "Uuwi na ako, gabi na kasi..." paliwanag ko habang tinatanaw ang singaw ng bintana. Madilim na nga sa labas at kailangan ko na talagang umuwi dahil siguradong magtataka sina Ate. Alam naman ng mga yon na wala na akong boyfriend ngayon... well, except sa biglang instant boyfriend sa katauhan ni Mayor. "Ihahatid ka namin ni Fernand, Hon... this time I insist! No'ng huli para kang batang nagtatantrums." "Aba't—! Syempre sino namang hindi?! Binigla mo'ko!" Nag-init na naman ang ulo ko. Tinawanan lang ako ng walangya! Tinawanan lang ako nito na parang hindi seryoso ang nangyayari. Samantalang halos mabitak ang isipan ko sa kaiisip sa nangyari sa'min ni Mayor. "So this is really what it feels like when you're in a relationship with a teen." Ngumuso nga lang ako at hindi na pinatulan ang panunukso nito. Gusto ko lang munang umuwi ngayon at gigising ako ng maaga bukas. Kailangang kumalma ako ngayon at sana'y maging matiwasay ang araw ko bukas. Hinatid lang ako sandali ni Mayor. Manghahalik nga sana eh ngunit pinili kong sikuhin ito saka pasimpleng sinulyapan si Manong Fernand. Tinawanan na naman ako at tumango... Hindi na ulit nagpumilit pa. Kinabukasan nga eh maaga talaga akong nagising at pinagluto sina Ate at Papa. Kaso nasira kaagad ang araw ko nang lumabas si Papa at may dalang bote ng inumin. Ke aga-aga! Pag yan nagkasakit! Ewan ko na lang talaga... "O? Busangot ka na naman? Si Papa ba?" Nakataas kilay na tanong ni Ate habang may bitbit itong tuwalya. Maliligo yata... "Ate, pakisaway naman sana. Hindi yong ako na lang lagi." Pinanlisikan ako ng mga mata nito at tinuro ang labasan. "Sa tingin mo susunod iyan? Naku! Hanana, gising! Matagal ng lolong sa bisyo iyan!" Hindi na lang ako nagsalita. Mas lalo lang kaming magkakasagutan. Concern lang naman ako at may kasamang inis. Ngunit higit pa roon ay wala na... "Ewan ko sa'yo!" Mula sa pagkakunot noo ay umirap ito bago tumalikod. Nagtataka yata kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko. Sa dalas naming mag-away noon ay talagang walang tumitigil hanggang sa sumuko ang isa. E ngayon ayaw ko munang mag-isip masyado pagtungkol kay Papa. Kung kahapon ay kabado ako pagkatapos ng klasi. Ngayon ay excited ako makabisita ulit sa bahay nina Mayor. Alam kong iinisin lang ako noon ngunit ewan ko ba, atat na akong makarating doon. Mabuti nga pagkapasok ko ay walang katulong na nakatambay doon. Kaya di na rin ako nagtaka kung bakit marubrob ang halik ni Mayor. Iyong halik na maingay at lasahan ng dila. Ewan ko ba rito, masyadong agresibo. Na parang walang pakialam kung biglang may pumasok at nakita kaming nakapikit at todo ang halikan. Ramdam ko rin kung paanong namimisil ang palad ni Mayor. Sa bewang, sa hita at minsan sa braso. Di rin maipagkakaila ang gigil nito... Siguro nagtitimpi, may ganoon ba ito? Kaya ganoon, at pisil-pisil lang. "Hon, pasok tayo. Parang we're both in the mood." Bulong nito at hindi na rin yata nakatiis kaya gumapang papasok ang palad sa loob ng blusa at namimisil sa labas ng manipis na bra. Tinulak ko nga ito. Akala ko pa naman ay kalmado lang ito, na parang kontento sa pagpisil lang sa kung saan-saan. Humalakhak ito at tinulak bahagya ang katawan ko para maipasok ang palad sa loob ng bra, doon ang daan mula sa ilalim. Sinaway ko nga dahil baka pumasok bigla ang mga katulong nito at mahuli kaming nasa ganoong kalaswaang posisyon. "Hm?" Amaze na ngisi nito at binubuksan ang mga butones para mailabas ang namamaga ko pang ituktok dahil sa gigil nitong sipsip nong byernes. Ewan ko ba kung bakit hindi pa bumabalik iyon sa dati. Nangingilo pa rin ako at sensitibo lalo na kapag nasasagi. "I made this..." Proud pang sabi nito bago paboritong isinubo. Susmaryosep! Damulag na 'to eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD