Savannah Sa paglipas ng araw. Araw araw kung nakikita ang pagbabago sa nakalakihan kung bahay. Maraming tao nandito na abala sa kanilang mga ginagawa. Ang iba nasa putod nila lolo at lola. Abala sa paggawa ng bahay na masisilungan ng mga namatay. Ang iba, nandito sa kubo. Kahit katirikan ng sikat ng araw, patuloy parin sila sa kanilang mga trabaho. Parang meroon silang hinahabol na oras sa bilis nilang gumawa. Baka matapos nila agad ito mamaya o bukas din. Wala naman akong problema pagdating sa pagkain ng mga nagtra-trabaho. May nagdadala pagkain nila kapag oras na ng pagkain nila. Kahit ako mismo ay meroon din. Iyon nga lang sa dami ay hindi ko maubos agad. Kaya tinatabi ko nalang para sa hapunan ko. Habang abala ako sa pagtatanim at sa pag-aani ng mga gulay. Tumitingin ako sa mga tao n

