Savannah Lumabas ako ng bahay na mag-aagaw na ang dilim sa liwanag. Tahimik na rin ang paligid. Ibig sabihin umuwi na ang mga taong nagtra-trabaho sa bahay. Hindi man lang ako nakapag paalam at nakapag pasalamat saka nila. Paghihinayang ko sa isip ko. Nakatulog pala ako, nang hindi ko namamalayan kanina. Kaya pumasok nalang ako ulit sa loob at nagpunta sa kusena. Pinainit ko ang natirang ulam kaninang tanghali sa maliit na kasirola. At nag-ahin ng makakain sa lamesa. Ang hirap na magisa lang, na kakain, na walang kasama sa hapagkainan. Naupo ako at sinimulan kunang kumain. Nang maalala ko may pupuntahan nga pala ako sa may batis. Kaya may pagmamadali ang bawat subo ko, na hindi kuna inalintana ang sarap ng putahe. Nang matapos na ako. Hinugasan ko kaagad ang pinagkainan ko at nagpunta

