Akira's Point of View
"Refuse to answer and your death will be the consequence!"
And that made my system shocked. Is this the end of me? What the hell is going on? Is this how curiosity kills the cat?
"Who are you?" tanong niya ulit sa akin pero nanatiling nakatikom ang bibig ko. Gusto kong magsalita pero para bang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Kinakabahan ako. Nanginginig ang mga tuhod ko. C'mon, Akira! Gusto mo pang mabuhay 'di ba? Magsalita ka!
"A-Akira," banggit ko sa aking pangalan. Sa wakas lumabas din sa aking bibig ang mga salitang nais kong bitiwan. Ramdam ko ang pamumuo ng malamig na pawis sa aking noo. Compose yourself, Akira. You put yourself into this trouble kaya mag-isip ka ng mabuting paraan para makalabas sa gulong ito. Think, Akira! Think!
"Why are you following me?" His cold voice gives chills down to my spine. The goosebumps that were growing earlier were doubled. I bowed my head as I see no sign of escaping from this man. Hindi ako makapag-isip ng mabuti. Natatakot ako sa maaaring kahihinatnan sa kamay ng taong nagayo'y nasa aking harapan.
"Answer me!" I was astonished by his sudden loud voice. I close my eyes, enduring the fear I'm feeling. I slowly moved my head upwards to face him. I tried hard to hide that I'm scared and bravely gave him a gaze.
"I-I j-just..." But seems like my mouth isn't going to follow what my mind tells it to do. Halata pa rin talaga ang takot ko dahil sa panginginig ng mga labi ko. "I j-just wa-want..." Come on, Akira! Speak it!
"Don't waste my time, woman! 10 seconds. Speak in 10 seconds. If you fail, then embrace yourself to your death." Kita ko ang paghugot ng kamay niya mula sa pagkakahawak sa baril na nakatutok sa noo ko. He's deadly serious. Anong klaseng tao ba kasi itong sinundan ko. Argh! This is what I get from being too nossy.
I closed my eyes as I exhaled huge amount of oxygen to calm myself. As I opened my eyes, I noticed a red liquid coming from this guy's head. Is it a blood? Lalo ko pang diniinan ng tingin ang ulo niya at napagtantong dugo nga ito. Hindi ko alam kung paano ko ginawa at paanong nawala ang takot ko ngayong nasa gilid na niya ako.
"You're head is bleeding!" aniko. In an instant, he faced and directed his gaze into me. I don't know what kind of look he's giving to me dahil sa natatabunan ito ng suot-suot niyang sunglasses. He put down his hand with a gun beside him. And right after giving me a look, he collapsed.
Oh, c'mon! What a drag!
Napasandal ang ulo niya sa balikat ko. Agad ko naman siyang niyakap para hindi humiga ang katawan niya sa sementadong kalsada. This is my chance to escape. Iiwanan ko nalang ba ang lalaking ito rito at tatakas na? Paano kung walang makakakita sa kanya rito dahil nga walang masyadong dumadaan dito at may mangyari pang masama sa kanya? Konsensiya ko pa 'pag nagkataon.
Argh! What to do?
Napabuntong hininga ako at namalayan nalang ang sarili na naghihirap lumakad kasama ang walang malay na katawan ng lalaking hindi ko naman kilala. I guess my doctor instinct wins this time.
Medyo nangangalay na ang balikat ko sa sobrang bigat. Nagsisimula na ring tumulo ang mga pawis ko mula sa noo papunta sa mukha ko. Bakit pala ako nagpapakahaggard sa taong may balak pa akong patayin? Sarcastically speaking, ang bait ko naman yatang doctor.
Nasa gilid na kami ng mataong kalsada pero ni isa ay walang tumulong sa akin na aswatin ang mabigat na lalaking nakasandala ang ulo sa balikat ko. Sa tingin ba nila isang lasing lang itong inalalayan ko't lalampasan lang nila ako? Tsaka, nagaaktong bingi pa sila sa paghingi ko ng tulong. Hindi ba nila nakikita ang dugo sa lab gown ko? Wala na akong ibang choice kung hindi magpatuloy maglakad nang walang tulong na natanggap mula sa iba.
Agad kong tinawag si Alliyah at Kirt nang nasa tapat na kami ng clinic. Mabilis naman nila akong pinagbuksan ng pintuan at tinulungang alalayan ang lalaking walang malay. Inilapag namin ang katawan ng lalaki sa bakanteng hospital clot. Napahinga ako nang malalim dahil sa pagod. I'm so exhausted.
"Sino siya?" tanong ni Alliyah sa akin. Iling lang ang isinagot ko sa kanya. Hindi ko naman kasi talaga alam ang pangalan ng lalaking nasa harapan namin ngayon.
"Kirt, pakikuha nga nung first aid kit." Alerto namang sinunod ni Kirt ang utos ko.
"Nabagok ba siya somewhere kaya dumugo ang ulo niya?" Ang dami rin ng tanong nitong si Alliyah eh, noh? Naku! Kung hindi ko lang talaga siya bestfriend kanina ko pa siya pinalabas.
"Siguro," sagot ko. Inuulit ko, hindi ko nga kasi alam ang nangyari sa kanya. "It just happened that he seemed suspicious kaya sinundan ko."
"With that handsome face?" Hindi makapaniwalang bulyaw niya. "Ang disente nga tingnan ng lalaking 'yan eh!" Kung alam mo lang, Alliyah. Napahawak ako sa bulsa ng lab gown ko kung saan ko nilagay ang baril ng lalaki kanina. Kung alam mo lang gaano kademonyo ang nasa likod ng maamong mukha ng lalaking 'yan.
"Ito na ang first aid kit," singit ni Kirt bitbit ang first aid box. Inabot niya ito sa akin na agad ko naman na tinanggap.
Binalingan ko ng tingin ang lalaking nakahiga sa hospital clot. Gwapo nga siya, matangos ang nanunurong ilong, manipis ang perpektong hugis niyang namumulang labi, tamang kakapalan ng kilay at well-sculpted face. Idagdag pa ang mala-adonis niyang katawan na tinatabunan ng disenteng kasuotan. Pero sa likod ng maamo niyang natutulog na mukha, paniguradong ang pagkagising ng mala-demonyo niyang ugali.
Binuksan ko ang first aid kit. Hindi naman pala masyadong malubha ang pagdurugo ng ulo niya. Sana pala iniwan ko nalang siya kanina at tumakas nalang ako. Hayst!
Kumuha ako ng sterile guaze at ginamit ito para alisin ang dugo sa kanyang ulo. I applied firm pressure to the wound with sterile guaze.
"Look at that long eyebrows. Para siyang anghel na hinulog ng langit." Alliyah can't help but to give compliment.
'Inihulog kasi ang sama ng ugali!' I murmured at the back of my mind.
"You know bestfriend, seeing is decieving." Diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko para dama niya naman ang tama ng mga salitang 'yon.
Matapos kong linisin ang sugat ng lalaki sa ulo, inapply-an ko na agad ito ng bandage. Minor injury lang naman natamo niya kaya it won't call for hospital confinement. Naagapan ko na naman ang pagdurugo kaya maya-maya lang ay magigising na rin siya. Pero ang weak naman ng lalaking ito. Ang siga niya tingnan kanina pero sa kaunting sugat sa ulo lang at kaunting dugo nahimatay na agad siya. So ironic!
"Ah, basta! Hindi mo dapat pinaghihinalaan ang ganyang mukha!" Padabog na lumabas si Alliyah sa kwarto at nagtungo kay Kirt na ngayon ay inasikaso ang isang kliyenteng may dalang pusa.
Isinarado ko na ang first aid kit matapos at inilagay ito sa lagayan kanina. Napatingin ako sa balikat na parte ng lab gown ko at bumungad sa akin ang dugong nagbibigay mantsa sa kaputian nito. Ang hirap pa naman nitong tanggalin. Buti nalang at may extra pa akong lab gown sa closet dito sa clinic.
Nagtungo ako sa closet at kinuha ang isa ko pang lab gown. Kumuha na rin ako ng tuwalya at pares ng damit pambihis. Maliligo nalang muna ako't sobrang lagkit na ng katawan ko. Matapos makuha ang kinakailangan, agad akong nagtungo sa restroom.
"Stay still, Kitty. This won't hurt that much. Parang kagat lang 'to ng langgam, okay?" sambit ko habang maingat na itinurok ang injection sa katawan ng pusa. Parang naintindihan naman ako nito dahil nanatili nga siyang nakahiga at hindi umangal sa pagtusok ko. "Very good!" I complimented.
Binunot ko na ang injection at nilagay ito sa tray na lalagyan nito. Akmang kakargahin ko na sana siya nang isang malakas na tunog ang aking narinig sa katabing hospital clot. Napatingin ako sa direksiyon nito at bumungad sa akin ang nahulog na katawan ng lalaki sa sahig. Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan siyang tumayo.
"Are you okay?" tanong ko. Napahawak naman siya sa ulo niya at namilipit sa sakit. I guess he's not! Ang tanga ko sa part na 'yon. Alam ko naman na nahulog siya mula sa hospital clot kaya malamang hindi siya okay. Argh!
Hindi niya ako sinagot bagkus umupo lang siya sa hospital clot. They say silence means yes pero ngayon parang ayaw kong maniwala.
"What happened?/Anong nangyari?" Alliyah and Kirt came dashing to the door. As always, they both came late in action. Tama ngang nagkatuluyan sila. Magkavibes eh.
"Nahulog siya sa sahig."
"What?!" Heto na naman si Alliyah sa pagiging overacting niya. Lumapit siya sa lalaki at hinawakan ito sa balikat. "Are you fine? May masakit ba sa 'yo?"
Patago akong napakagat sa aking labi dahil sa maaaring magiging reaksyon ng lalaki. Gayong nakita ko kanina kung gaano ito kademonyo.
"Ahem!" Kirt cleared his throat that made Alliyah taken aback. Napacross arms si Kirt kaya napasmile nalang si Alliyah at lumayo sa lalaki. Lumapit naman siya kay Kirt at niyakap ito. Landi!
"Sir, are you fine?" tanong ni Kirt. "Bakit ka pala nahulog?" dagdag pa nito. But instead of answering, tinignan lang siya ng lalaki sabay tingin naman nito sa direksyon kung saan ko nilagay ang injection.
"Where am I?" Nabigla ako sa narinig. Bakit parang ibang lalaki ang nasa harapan ko kumpara kanina? Bakit napaka-angelic ng boses niya.
"Animal Pet Clinic," sagot ko.
Ang maano niyang mukha at mala-inosenteng tingin ay napalitan ng pagkademonyo. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"What the f**k?! What do you think of me? A pet?!" galit niyang sigaw na ikinagulat nila Alliyah at Kirt.
Akmang tatayo siya nang pigilan ko, "Hindi ka pa masyadong magaling. Masakit pa ulo mo 'di ba?" sabi ko. Pero parang wala siyang narinig. Hinawi niya ako para makatayo siya. Nang medyo nagmatigas ako, marahas at malakas na niya akong hinawi dahilan para ma-out of balance ako't malaglag sa sahig. Agad na napatakbo papunta sa akin sina Kirt at Alliyah. Halata rin ang takot sa kanilang mga mukha. The guy's presence is overruling us. Nakakatakot siya.
"Hindi pa tayo tapos, babae! You will gonna pay for bringing me shame!" giit niya at mabilis na lumabas sa kwarto. Inalalayan naman akong tumayo nila Kirt at Alliyah at sinundan ang lalaki pero huli na dahil nakalabas na ito ng clinic at hindi na namin mahagilap pa.
Is what he said supposed to be a threat? If so, then I'm dead!