Chapter 3

2000 Words
Akira's Point of View "Akira, bilisan mo magbihis!" sigaw sa akin ni Alliyah sabay katok niya pa nang malakas sa pintuan ng kwarto ko. Maghintay siya kung gusto niya. Isa pa, ideya niya naman ito kaya dapat marunong talaga siyang maghintay. Pero sabi nga ng mga nakakarami, lower your pride. Huwag maging attitude. "Malapit na! Saglit nalang. Inaayos ko pa ang buhok ko eh! Just give me another 5 minutes!" balik kong sigaw sa kanya habang sinusuklay ang buhok. Ano kayang magandang ayos sa buhok ang gagawin ko? Kung titirintasin ko naman, magmumukha naman akong bata. How about... a ponytail? Right! A ponytail should do. "Ano? Nabasag na ba ang salamin sa kakatitig mo?" sarkastikong sigaw ni Alliyah sa akin. "Bilisan mo na diyan at naghihintay na si Kirt sa bar!" "Coming, madam!" Akala mo naman ikakamatay ng jowa niya ang paghihintay. Tsaka, ano na naman kaya ang trip ng dalawang iyon? Napakadisente ng trabaho tapos napapadpad din pala sa bar. Well, tama nga siguro ang kasabihan na seeing is decieving. True self can't be defined by physical appearance anyways, but soul does. Anyway... Lumakad na ako palabas sa kwarto. Pagbukas ko sa pinto, bumungad sa akin ang mukha ni Alliyah na nakataas ang kilay at nakapameywang. I think I know the reason. Pero sa totoo lang she looks so gorgeous with her wavy blond hair, light make up and a black above the knee offshoulder dress na bumabagay sa maputi niyang kutis. She's sexy as well. Pero alam kong hindi dahil sa physical na anyo niya kaya nahulog si Kirt sa kanya. Kirt is always a target of bullies back then. Magkaklase sila ni Alliyah. Alliyah and I took different course's major kaya nasa iisang school lang kami pero minsan lang maging magkaklase. Palaban na babae si Alliyah, kaya nga no'ng hindi na niya kinaya ang pambubully ng nakakarami kay Kirt, siya na mismo ang kumalaban sa mga ito. There is a time nga na na-guidance siya dahil nakipagsuntukan sa isang lalaki na lider kuno sa grupo ng mga bullies. Kirt, on the other hand, felt safe and loved. For him, Alliyah is someone whom he can lean on. Naging magkaibigan sila na eventually, naging kaibigan ko rin. Alliyah taught him to be strong and fight back against bullies. Natutong lumaban si Kirt at sa gulat ko nalang, isang araw, naging sila na. Ede sanaol soulmate! "Hoy, Akira! Are you there? Hello?" Napabalik ako sa aking ulirat nang iwinagayway ni Alliyah ang kanyang kamay sa harapan ng aking mukha. "Napatulala ka? Ganyan na ba talaga ako kaganda?" She even flipped her hair. So proud! Pero mas mabuti na rin ito kaysa bunganga niya ang tatalak sa bagong labas sa silid kong sarili. "Don't we have to go to the bar?" "Of course, pupunta tayo! Sabi ko nga dalian mo 'di ba?" I agreed her with a smile. Agad siyang lumakad papuntang garahe na sinundan ko naman. Alliyah's family is indeed rich. Pero alam kong hindi siya masaya sa kung anong mero siya dahil hindi naman niya nakakasama ang Daddy niya. Palagi kasi itong busy sa business nila. Hindi namin alam kung saan nananatili ang Daddy niya at umuuwi lang ito kapag gustuhin nito or once a month to be exact. Sumunod naman akong pumasok kay Alliyah sa kotse niya. Ito 'yong Ferrari na kotseng natanggap niya noong graduation namin galing sa kanyang Daddy. Ang yaman 'di ba? Pero ewan! Sa tinagal-tagal na taon kong tumira sa bahay nila Alliyah, hindi ko alam kung anong klaseng negosyo ang nilalakad ng Daddy niya. Ang alam ko lang, milyon-milyon ang kinikita nito. Sa katunayan, parang libangan na nga lang ang clinic na pinapangalagaan ni Alliyah ngayon. Anyways, whatever may her Dad's business, I hope it is a decent one. Difficult is mahirap ya' know! "Fasten you seatbelt," bilin sa akin ni Alliyah na agaran ko naman na sinunod. Kilala ko siya. Kapag sinabi niyang fasten your seatbelt... may balak siyang paliparin ang kotse niya. "Yohoooo! This is too much fun!" sigaw niya habang tila walang kaluluwang pinatakbo ang kotse sa sobrang bilis. Too much fun daw? Tang na juice! Masaya ba ang parang nagpapakamatay? Kahit ilang beses na akong nakasakay sa kanya, hindi ko pa rin talaga keri ang pagpapatakbo niya. "Alliyah..." May panginginig sa tuhod kong tugon. Kahit nakaseatbelt na ako, napahawak pa rin ang kamay ko sa aking inuupuan. "Dahan-dahan lang sa pagpapatakbo, please? Maawa ka. Gusto ko pang mabuhay ng matagal-tagal sa mundo." Muntik na akong mapapikit nang akala ko'y mababangga na kami sa isang kotse pero parang mani niya lang niliko ang kotse at nag-overtake sa naunang sasakyan. "Don't worry! I've got this!" aniya at ngumiti pa. Lord, bless our souls. Nawa'y linisin mo ang aming kalooban at kaluluwa. Patawarin niyo po kami sa aming kasalanan. Sumalangit sana kami. "Andito na tayo," sambit ni Alliyah. Napahinga naman ako nang maluwag. Thank you, Lord. Amen! Napahawak ako sa aking dibdib na sobrang lakas ng kabog. Buti nalang talaga at wala akong sakit sa puso. Kung nagkataon, malamang kanina pa ako patay. "Do you have fun?" baling niya sa akin habang tinatanggal ang kaniyang seatbelt. Matalim ko siyang tinignan. Sa tingin niya ba masaya 'yon para sa akin? Eh, muntik na nga akong himatayin sa kaba at takot. Buti nalang at buhay pa ako hanggang ngayon. "Masaya 'yon? Masaya?" sarkastikong turan ko. "Mamamatay yata ako nang wala sa oras dahil sa 'yo," saad ko habang tinanggal din ang aking seatbelt. "Sagot ko naman lamay at libing mo kaya huwag kang mag-alala," natatawang sabi niya sabay labas sa kotse. Aba't... tsk! I rolled my eyes heavenwards, "Such a good friend I have." Napapadalas na talaga ang pagiging sarkastik ko. Nakakahawa talaga ang babaeng 'to. "Tara na! Pumasok na tayo." Sumunod nalang ako sa kanya sa paglalakad papasok sa bar. Bumungad agad sa amin ang malakas na tunog ng musikang nakakaindak sa mga paa. Agad kumaway si Kirt sa amin nang makita niya kami kaya doon kami ni Alliyah nagtungo sa bandang counter kung saan si Kirt nakaupo. Plano yatang maglasing ng mga 'to. "What took you both so long?" pasigaw na tanong ni Kirt dahil sa ingay ng musika habang nilinisan ang upuan na uupuan ni Alliyah. Sanaol may taga-linis ng upuan. Nginusuan naman ako ni Alliyah na ikinatawa lang ni Kirt. "As expected. Why do I even bothered to ask." Naku! Kung hindi lang talaga siya boyfriend ng kaibigan ko, kanina pa siya nakatikim ng sapak galing sa akin. "Kung marunong nga lang siguro magsalita ang salamin malamang nagreklamo na iyon dahil sa sobrang tagal niya itong kaharap," dagdag naman ni Alliyah na ngayon ay nakaupo na sa bagong linis na upuan. "Malay natin. Baka nga gustuhin pa ng salamin na humarap sa akin in a long period of time," taray-tarayan kong sagot sabay flipped ng nakaponytail kong buhok. I am gorgeous, I must say. In this kind of situation, I only have myself to support myself. Self support sabi nga nila. "By the way, anong klaseng alak iinumin niyo?" ani Kirt na katabi ni Alliyah. Ang sitting arrangement namin ngayon ay Kirt-Alliyah-Ako. "I want some hard drinks," sagot ko. I want to drown myself with hard drinks. Gusto ko lang makalimutan ang nangyari kanina sa clinic. That guy? His threat? I want to erase those in my mind and totally forget! Drinking hard drinks may not be a medicine, but I know it will help. "How about you, langga?" Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa narinig. Hindi pa rin talaga ako sanay sa endearment nila. Sa dinami-raming pwedeng endearment, bakit langga pa kasi? Pwede namang sweetie pie, hubby and wifey, o 'di kaya ay babe o bebe. Bakit langga pa talaga? "I'm taking the same as Akira," sagot ni Alliyah. Napatango naman si Kirt at agad na nag-order sa bartender na nasa harap namin. "Give us 3 glasses of your available hardest drinks." Agad naman sinunod ng bartender si Kirt. Nagsalin ito sa tatlong baso sabay abot nito sa amin pagkatapos. I'm not a hard drinker. Sa katunayan, I only drink occasionally. And take note, ladies drink pa iniinom ko niyan. Ngayon lang talaga ako magpapakalasing. "Thank you!" pasalamat ko nang inabot sa akin ni Kirt ang baso ng alak. "Nga pala..." Kirt put his fingers to his chin, "What pushed you to drink such hard drinks tonight?" he asked, as if he's also guessing what might be my reason. "Oo nga!" Alliyah seconded. "May kinalaman ba rito ang pangyayari kanina?" tanong niya pa. I just nodded as an answer. I raised my glass and directly asked them for a cheers. "Cheers?" "Cheers!" They both said in unison sabay tunggab namin ng alak sa bawat naming baso. Ang pait naman nito. Atsaka, ang init sa dibdib. Ewan ko ba kung bakit andaming tao ang baliw sa alak gayong napakapangit naman ng lasa nito. Mas maganda pa sigurong sa polutan nalang. "Ano palang trip niyo at nagpag-isipan niyong magpunta rito sa bar?" tanong ko. Both of them looked each other, intimately. Argh! They disgust me! Hindi ba sila marunong magkonsidera sa mga walang jowang kagaya ko? "It's our 5th anniversary!" Alliyah answered. "Oh?" tanging sambit ko. Why are they taking me anyway? Nagiging abala pa ako sa anniversary nila. Nagmumukha pa tuloy akong third wheel sa relasyon nila. Haist! "Congrats and stay strong!" aniko sabay tunggab ulit sa baso kong puno ng alak. Lumipas ang isang oras at medyo natatamaan na nga ako sa alak na aming ininom. Medyo tipsy na rin si Kirt at Alliyah. Biglang tumayo si Alliyah mula sa pagkakaupo at agad na hinila kami ni Kirt papunta sa dance floor. "Let's not end this night without having fun!" banggit nito at kumembot-kembot pa. Lumabas na nga ang pagka-wild ng bestfriend ko. Sinabayan naman siya ni Kirt na ngayon ay magkaharap na silang nagsasayawan. At heto naman ako't nagmumukhang taga-nood nalang sa kanila. Medyo natutulak pa ang katawan ko dahil sa tumatamang katawan ng ibang taong nandito sa dancefloor. Dancing isn't my thing kaya napag-isipan ko nalang na umihi nang maramdaman ang pagsakit ng aking pantog. "Iihi lang muna ako," pasigaw na bulong ko kay Alliyah dahil sa natatabunan ang boses ko sa malakas na tugtog. Napatango siya kaya agad na akong nagpunta sa restroom. Pagiwang-giwang akong naglakad dala ng tama sa alak na ininom. Medyo sumakit na rin ang paa ko dahil sa heels na suot. Nanlalabo rin ang aking paningin kaya napapahawak ako sa pader para kumuha ng supporta. Binilisan ko kaunti ang aking paglalakad nang tanaw ko na ang restroom. Akmang papasok na sana ako nang may humarang sa akin mula sa pagpasok. Binalingan ko ang taong humarang sa akin. Malabo ang aking paningin kaya hindi ko siya namukhaan. But one this is for sure, it's a guy. "Who are you?" tanong ko. Medyo nahilo naman ako nang maramdaman ang biglaang pag-ikot ng mundo. "Umalis ka dyan! Naiihi ako!" nakapikit kong tugon pero nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan at tila walang planong padaanin ako. Akmang hahawiin ko sana siya para makadaan ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko sa aking palapulsuhan ng marahas. Namilipit ako sa sakit. "Ano ba?! Bitiwan mo ako!" Nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak niya. "Sumama ka nalang ng maayos babae kung ayaw mong masaktan," banta niya sabay hila sa akin sa kung saan. What's wrong with this guy? Ihing-ihi na ako oh? Tang na juice naman 'to! Marahas kong hinablot ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ngunit sadyang masikip ang pagkakahawak niya rito kaya hindi ako nagtagumpay. Akmang lalaban ako sa kanya nang unahan niya akong suntukin sa aking tiyan. Napayuko ako at namilipit sa sakit. Gusto kong sumigaw ng tulong pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. "Sabi kong sumama ka ng maayos 'di ba? Ayan tuloy!" Rinig kong wika ng lalaki before my sight went black. Help me...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD