Chapter Two

1162 Words
Chapter Two   Nang makapasok ako ng kwarto ay dumiretso ako ng banyo para mag toothbrush. When I was done, I decided to work on my assignments. Nang matapos ako ay saktong 8 PM na. Nakita kong may text si Jasmine.   From: Jas Celieee! Maaga ka ba bukas?   Mabilis akong nag reply.   To: Jas We have no class in the morning. You want to have brunch with me?   Alam ko naman kasi kung bakit siya nagtatanong. Jasmine is a clingy person. Gustong gusto niya akong palaging kasama. And it’s fine with me. Gusto ko din siyang kasama. She’s my best friend after all.   Mabilis naman siyang nag reply. She said yes. She told me na magkita na lang daw kami sa pancake house malapit sa school.   The next day was Friday. Maaga akong umalis ng bahay. Aayain kong lumabas si Jasmine mamaya. May event daw sa club na palagi naming pinupuntahan.   Nakarating ako sa restaurant. Wala pa doon si Jas kaya ni text ko na. Mabilis naman siyang nag reply at sinabing malapit na siya.   True enough, dumating din naman siya agad. Nag order lang kami pagka upo niya. Nang umalis ang waiter ay bigla siyang nagsalita.   "How are you and Elton?" She asked.   Kumunot ang noo ko. "Okay naman kami. Why?" Tanong ko sa kanya. Siyempre, alam kong okay kami. Magkasama lang kami kahapon, eh.   She shrugged. "Nothing," she said and looked down.   What the hell?   "Hey, what is it?" Tanong ko ulit. Alam kong may mali eh.   Jasmine remained silent. “Jas, what is it?” I asked again. I’ll keep on asking her hanggang sa sumagot siya.   She sighed. "I have to tell you something," she said. "Alam kong hindi ka maniniwala so I took a picture of it as a proof," she said. She took her phone out of her bag. Kinalikot niya ito at may hinanap. Nang makita na niya ay ipinakita niya iyon sa akin.   “Please don’t be mad at me,” mahinang sabi niya.   At first, hindi pa nag re-register sa utak ko kung sino ang nasapicture. But my eyes widened at the photo of Elton and Ericka. They were kissing under the tree inside the school.   "Oh, wow!" I uttered. I do not know what to say or how to react. I have expected this already. Elton’s a horny teenage boy, I know that. At hindi ko kayang ibigay sa kanya iyon kaya hinahanap niya sa ibang babae.   Napangisi ako. I know Elton's that kind of guy but I did not expect he would be caught kissing someone inside the school grounds. Nakakasuka.   "Hey, are you okay?" Jasmine asked.   I nodded. Of course, I am okay. As I have said, I have had boyfriends since I can remember. And all of them have the same issues. Sure, I can play with them. I can be their girlfriend. I can make out with them. But I know to myself that I cannot do it with any of them.   I value myself. And seeing what Elton did, hindi ko na kailangan pang makipag-usap sa kanya. I respect myself so much na hindi na ako magsasayang ng oras sa lalaking nang gago sa akin.   Dumating ang waiter at inilapag ang orders namin. Tahimik lang kami nang nagsimula nang kumain.   I heard Jasmine smiled. Natawa ako sa kaniya. “I’m fine, Jasmine,” sabi ko sa kaniya. “You know me,”   Tumango siya. This time, she smiled. “I’m really fine,” pag uulit ko pa. Alam ko kasing nag-aalala si Jasmine sa akin pero hindi talaga ako apektado. Nagulat siguro, oo. Pero wala naman akong pakialam. Marami pa namang lalaki diyan. Why would you stay with someone who could not be contented with you?   Kumain lang kami nang nag-uusap lang tungkol sa mga gawain sa school. Jasmine was my best friend since high school. May iba pa naman kaming friends, pero kami talaga ‘yung magkasangga mula noon.   Nang matapos kami ay nag pasya na kaming pumasok. Sumama si Jasmine sa aking. Her driver left already.   We arrived at the school at the same time I received a message from Elton. He was asking kung nasaan na daw ako at kung pwedeng magkita kami bago ako pumasok sa klase. Too bad, my class will start five minutes from now.   I ignored his message. Hinigit ko na lang si Jasmine papunta sa classroom kung saan mag kaklase kami. Minor subjects lang naman kaya kami mag kaklase. We have different courses so we have different majors. Kaya kami hindi mag kaklase kagabi kung saan naka uwi na ako at si Jasmine naman ay may klase pa.   The Professor arrived a minute after a minute Jasmine and I took a seat. Nagsimula na ang klase. It was just an hour lecture. Nang matapos ang klase ay  break time na naman namin.   “Nagawa mo ba ‘yung assignment for next subject?” tanong ni Jasmine. Naglalakad kami ngayon sa school grounds. Naghahanap ng mauupuan at masisilungan dahil sobrang init.   Tumango ako sa tanong ni Jasmine. “Nagawa ko na kagabi,” sagot ko. “Ikaw?”   She nodded. “Yeah, nagawa ko na din,” sagot niya.   Naupo kami sa upuan sa ilalim ng puno. I decided to study in advance for our next class’ lesson. Ganoon din ang ginawa ni Jas. I was so focused on what I was reading when I heard Jasmine called my name.   Inangat ko ang ulo ko. “Yeah?” tanong ko.   Ngumuso siya sa likod ko. Lumingon ako at nakita na si Elton iyon, papalapit sa amin. I rolled my eyes bago ko ibinalik ang tingin ko sa handouts ko.   “Celie,” I heard Elton’s voice. He was already behind me pero hindi pa din umaangat ang tingin ko.   “Hey,” tawag niya sabay hawak sa buhok ko. Mabilis kong tinampal ang kamay niya. Tiningnan ko siya ng masama.   “Ano ba?!” reklamo ko.   Kumunot naman ang noo niya. “What’s your problem?” nagtatakang tanong niya. Ay aba! Magaling mag maang-maangan ang isang ‘to.   Nilingon ko siya ulit. Nakatayo  pa din siya sa tabi ko. “We’re done,” diretsong sabi ko. Kumunot naman ang noo niya. “So leave me alone,” dugtong ko pa.   “What the hell?” bulaslas niya. “Bakit bigla ka na lang nag de-decide diyan?” hindi makapaniwalang tanong niya.   Tinaasan ko siya ng kilay. “Tanong mo sa halikan niyo ni Ericka,” sabi ko bago ko ibinalik ang tingin sa handouts ko. Nahagip pa ng paningin ko si Jasmine na nakatulala lang na nakatingin sa sagutan namin ni Elton.   Nang hindi na nakasagot ang kupal kong ex-boyfriend ay nilingon ko siya. “Go, now,” sabi ko sa kanya saby muwestra ng kamay ko.   Umiling na lang siya. “Fine, whatever,” sabi niya bago naglakad palayo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD