Chapter Three

1280 Words
Chapter Three   Tahimik lang kami ni Jasmine nang makaalis si Elton. Inangat ko ang ulo ko mula sa binabasa ko at tumingin kay Jasmine.   “Jas,” tawag ko sa kanya. Nagbabasa din siya bago niya ako tiningnan.   “Yeah?” tanong niya.   “There’s a party later at the club. Wanna come?” I asked.   Tinitigan niya muna ako bago tumango. “Yeah, sure,” sagot din naman niya. “What’s the party all about?” tanong niya.   Nagkibit balikat ako. “Post-Undas break, I think,” sagot ko naman.   Tumango naman si Jasmine. “Okay,” she said. She stared at me for a while. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya?   “What?” Tanong ko.   Nag alinlangan pa siyang magsalita noong una pero hindi din naman niya natiis. “Are you sure you’re okay?” nakangiwing tanong niya.   Tinawanan ko siya. This usually happens to me every time I have a boyfriend. As I have said, hindi ko maibigay ang hinahanap nila kaya nila nagagawa iyon. And it was fine with me. I am sport when it comes to that.   Si Jasmine ay alam naman na palaging nangyayari ito. But every time it happens, nagtatanong pa din siya kung okay lang ako. I understand why, though. Mahal ako ng best friend ko at nag aalala lang siya.   “I’m fine, Jas,” I said and smiled at her. Alinlangan tumango naman siya.   Nagpatuloy kami sa pagbabasa. Nang oras na ng klase, sabay kaming tumayo at nag lakad papuntang classroom. Nakabuntot naman sa likod ko ang dalawang body guards ko. Tinotoo talaga ni Daddy ‘yung sabi niya kagabi. Napailing na lang ako.   “Isnt it awkward?” tanong ni Jasmine sa akin habang naglalakad kami.   Napalingon ako sa kanya. “Of course it is,” sagot ko naman sabay ikot ng mga mata ko. “But I have no choice. Mabuti ka pa,” sabi ko sa kanya.   Jasmine is rich too. Their family businesses are in line with Real Estate. Their company is a client of ours, too. Pero hindi naman ganoon ka higpit ang Mommy at Daddy ni Jasmine. Wala siyang body guards. She only has a driver.   Natawa na lang si Jasmine sa mga reklamo ko. Pumasok kami sa classroom at naiwan ang body guard ko sa labas. Naikot ko na lang ang mga mata ko. Nakakahiya. Ang laki ko na may body guard pa. Ewan ko na lang talaga kay Daddy.   Nagsimula na ang klase. We passed our assignment first bago nag start ang lesson. Nakinig lang ako kahit na nakakaantok na. Isang oras lang naman ang klase namin dito. Pagkatapos ay isa pang klase tapos uwi na.   “You going home na?” tanong ko kay Jas nang papalabas na kami ng classroom. Huling klase na namin ito para sa araw na ‘to.   Tumango naman siya. “Ikaw?” tanong niya.   I nodded. “I’ll just see you later?” tanong ko na mabilis naman niyang tinanguan.   Sabay kaming lumabas ni Jas. Nandoon pa din ang mga body guards ko at sumunod na lang sa amin. Naglakad ako kasama si Jas papuntang parking lot ng school. We saw their car kaya kumaway na siya sa akin.   “Bye, Celie!” aniya bago humalik sa pisngi ko. “Call me later!” paalala niya bago lumapit sa sasakyan nila. Pinagbuksan siya ng driver nila. Kumaway ulit siya. I waved back before I went to where our car was parked. Nang makita ko iyon ay mabilis din naman akong pinagbuksan ng body guard ko na nakasunod sa akin. Pumasok ako sa sasakyan bago siya umikot at pumasok sa kabilang pinto. Naupo siya sa tabi ko. Nasa shotgun seat kasi ang isa pang body guard at nasa driver’s seat naman ‘yung driver talaga namin sa bahay.   “Uwi na po tayo, ma’am?” Tanong ni Kuya Arnold, ‘yung driver namin.   “Opo, Kuya,” sagot ko naman. Tumango lang siya at nag drive na. Nag cellphone lang ako habang pauwi. I saw a message from Leon, the organizer of the party that I will be attending later.   From: Leon Will you be at the club later?   Mabilis naman akong nag tipa.   To: Leon Yeah. I will be with Jas. Reserve us a table, please.   He replied immediately.   From: Leon Noted! See you later, Celie!   Nang makarating sa bahay ay wala pa si Daddy at Mommy. Si Kuya ay wala pa din kaya dumiretso na lang ako sa kwarto. I took a bath before I changed for the party.   I texted Jasmine to have dinner first before we go to the club. Um-oo naman siya. We decided to have dinner at a restaurant near the club.   Nagbihis na din ako. I applied light make up on my face first before I got my bag. I only brought a small chain bag. Inilagay ko sa loob ang compact powder at lipstick pati na din ang wallet ko. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba.   Naabutan ko si Kuya sa sala. “Saan ka pupunta?” tanong niya nang makitang bihis na bihis ako.   “Mag d-dinner kami ni Jasmine, Kuya,” sagot ko sa kanya. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang pangalan ng kaibigan ko. Crush niya ‘yun eh! “Alis na ‘ko!” sabi ko bago naglakad palabas ng bahay. Napailing na lang si Kuya Rely at hindi na nagsalita pa.   Sumakay na ako sa sasakyan kung saan naghihintay sina Kuya Arnold kasama ang mga body guards ko. Sinabi ko kay Kuya Arnold kung saan ako pupunta. Medyo traffic lang papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Jasmine. It was traffic since rush hour na, pero sakto lang din ang dating namin dahil kakarating lang din naman daw ni Jas.   We had our dinner at the restaurant. Nang matapos ay nagpasya muna kaming tumambay doon. Nagsisimula na ang party pero maaga pa naman.   “Sinong pupunta?” biglang tanong ni Jasmine. Inangat ko ang tingin ko mula sa pagtitingin ng stories ng ibang kaibigan namin.   “Nandoon na sina Theo at Claudine,” sagot ko naman sa kanya. They are our friends. Marami pa kaming ibang kaibigan pero kami talaga ni Jasmine ‘yung magka close.   Tumango naman siya. Nag-usap lang kami saglit tungkol sa mga gawain sa school ng nag-aya na akong umalis. Pumayag naman si Jas kaya nilakad na lang namin.   Nakasunod pa din ang body guard ko sa likod namin.  Napabuntong hininga na lang ako.   Nang makapasok kami sa club ay sumunod din ang body guard ko. Hindi na lang ako nagsalita at dumiretso na sa mga kakilala namin ni Jas. Nakahawak lang ako sa kamay ng kaibigan ko.   Binati namin ang iilang mga kakilala. Masayang nag-usap at nagkamustahan. Nang nakita kong medyo nahihiya nasi Jas ay nag desisyon akong umupo na sa couch na ni-reserve para sa amin.   “You okay?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.   Kahit na palagi ko naman siyang sinasama sa club ay may mga pagkakataong hindi pa din siya kumportable.   I raised my hand to call for a waiter. Mabilis naman itong lumapit. I ordered for us since I know what Jasmine likes. Nang umalis ang waiter ay inilibot ko ang paningin ko. I saw my body guards at the side talking to a guy.   I stared at the guy for a moment. He looks handsome. Deep, dark eyes, thick eyebrows, proud nose, and thin lips. And the jaw line? Ugh.   Nakita ni Jasmine na natulala na ako kaya kumaway na siya sa mukha ko. Tiningnan ko siya ng masama. Panira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD