Chapter Four

2067 Words
Chapter Four   “Sino ba ‘yang tinitingnan mo?” nagtatakang tanong ni Jasmine nang makita ang masamang tingin ko sa kanya. Galit ako! Sinira niya ‘yung moment ko!   I rolled my eyes at her. “May nakita akong gwapo,” parang walang pakialam na sabi ko.   “Saan?” tanong naman niya. Sinamaan ko ulit ng tingin.   “Ay, mahilig ka na sa gwapo ngayon?” tanong ko. “Akala ko ba si Kuya lang ang crush mo?” dagdag ko pa.   Nakita ko kung paano namula ang buong mukha ng kaibigan ko. Tumawa ako ng malakas. Mas malakas pa sa music ng buong club ngayon kaya napatingin yung nasa malalapit na table sa amin.   “Ayiii! Kinikilig siya oh!” biro ko pa kay Jasmine. I know she likes Kuya Rely. Gusto din naman siya ni Kuya pero hindi lang nila alam na may gusto sila sa isa’t-isa. Ako lang ang nakakaalam noon. I want to help them.   Jasmine slapped my hand. “Ano ba, Celie!” saway niya habang tumitingin sa paligid. “Baka may makarinig sa ‘yo,” sabi pa niya.   “I don’t know about you both,” I whispered. “Bakit ba kasi walang umaamin sa inyo?”   “What?” Jasmine asked.   Umiling ako. “Wala!” sagot ko sa kaniya.   “So sino nga ‘yung tinitingnan mo kanina?” tanong na naman niya.   “Nothing… no one,” I answered.   Jasmine glared at me. “Really, Celie?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Sino nga? Who are you looking at?” she asked again.   I looked at where my body guards at. Wala na doon ang lalaki. “Wala na,” dismayadong sabi ko habang nakatingin pa din kung saan ko siya huling nakita kanina.   Jasmine also turned to where I was looking. “Mga body guards mo naman ‘yung nandiyan,” sabi niya. “May gusto ka sa isa sa kanila?” tanong pa niya.   Napabaling ako sa kaniya ng may masamang tingin. “Nakikinig k aba Jasmine Angeles?” tanong ko sa kaniya. “Sabi ko nga wala na siya ‘di ba?” malakas na sabi ko.   Napangiti ng pilit si Jasmine habang n aka peace sign. “Sorry naman. Hindi ko kasi masyadong narinig,” sabi pa niya.   The waiter arrived. Inilapag niya sa mesang nasa harap namin ang order namin ni Jasmine. Maya-maya ay naparami na ang inom namin.   “Celie! Drink slowly!” saway na naman ni Jasmine.   Ibinaba ko ang shot glass na hawak ko nang maubos ko ang laman niyon. “This is my last shot…” sabi ko at tumingin kay Jasmine. Nanlalaki ang mga matang nakatingin siya sa akin. “For this hour,” I added as I watched the time on my watch.   Jasmine sighed as she shook her head. Natatawang tumawa ako. “Come on!” Aya ko  kay Jasmine habang hinihila siya patayo. “Let’s dance!”   I pulled her towards the dancefloor. I danced in front of her while she was just standing and looking at me. “Come on, best friend!” I shouted bago ako tumawa. “Sayaw na!”   Wala nang nagawa si Jasmine kung hindi sumayaw kasama ko. Maya-maya pa ay napapalibutan na kami ng ibang kaibigan at kakilala namin.   “Hi, Celie!” I heard someone called from behind me. Nang lumingon ako ay nakita ko si Drix, isa sa mga kakilala ko sa school. He was dancing behind me with a huge smile on his face.   “Hi!” I greeted back. Drix held my hand and pulled me to face him.   Nabitawan ko si Jasmine dahil doon. I danced with Drix. Ah! It has been so long since I have danced with other guys. For the past three months, si Elton lang ‘yung kasayaw ko palagi. Nakakaumay din pala.   I was dancing with Drix for quiet some time when I decided to stop. “I’m sorry, my feet hurt. I’ll just go back to the couch,” I said to him.   Napakunot naman ang noo niya sa akin. “What?” he asked as he leaned closer to me.   Oh, how I wanted to roll my eyes. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. “I have to go back to my couch!” I shouted beside his hear. I did not wait for him to say anything. Umalis na lang ako bigla sa harap niya.   He is annoying. Ang ayoko sa lahat ay iyong hinahawakan ako kung saan-saan. Kapag sayaw, sayaw lang. No more monkey business.   Nang makabalik ako sa couch namin ni Jasmine, nakita kong nakaupo na siya doon. “I’m sorry,” mabilis na sabi ko nang makaupo na ako sa tabi niya.   “Sorry saan?” nagtatakang tanong naman niya.   “For leaving you,” sagot ko naman. “Drix just won’t leave me alone. Kaya ako na lang ang nang iwan sa kaniya. Nakakairita siya,” reklamo ko pa.   Natatawang umiling na lang si Jasmine sa akin. Kinuha ko ang shot glass na nasa kamay niya at nilagok ang laman ‘nun.   Pumasok na naman sa isip ko ang lalaking nakita ko kanina. Sino kaya ‘yon?   “Jas,” tawag ko sa best friend ko. She was moving her head together with the music. “Sino kaya ‘yon ‘no?” tanong ko sa kaniya nang bumaling siya sa akin.   “Sino ‘yung ano?” naguguluhang tanong din niya.   “The guy I saw earlier,” sabi ko naman.   Kumuha si Jasmine ng shot glass at ininom ‘yung laman noon. Napangiwi siya nang maibaba na niya ang baso. “Aba ewan ko sa ‘yo, Celie,” nakangiwing  sagot niya. “I did not even see him. Kaya bakit ako ang tinatanong mo?” tanong naman niya. “Isa pa, noong tinatanong kita kanina, ayaw mo siyang ituro. Kaya paano ko ‘yon makikilala?”   I sighed. What should I do?   “Kausap niya kasi kanina ‘yung mga body guards ko,” sabi ko naman. “Tapos, noong tinanong mo ako, hindi ko na nakita kung saan na siya napunta,”   “He was talking to your body guards?” Jasmine asked.   Lumingon ako sa kaniya at tumango. “Yeah, why?” I asked.   Nabigla ako nang batukan ako ni Jamine. “Ano ba?!” sigaw ko sa kaniya.   She rolled her eyes at me. “Alam ko matalino ka pero minsan wala ka din talagang common sense,” nailing na sabi ni Jasmine.   Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. “Grabe ka sa ‘kin ha!” sigaw ko ulit sa kaniya. “Ano ba ang ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ko.   “Celie!” malakas na tawag niya.   “Ano ba?!” malakas na tanong ko din. Hindi ko din kasi maintidihan ang ipinaparating ni Jasmine. Naguguluhan din ako.   Pinanlakihan niya ako ng mga mata niya. “Celie! Your body guards!” sigaw naman niyan.   Umiling ako. “Hindi ko talaga gets,” sabi ko na naman.   Jasmine groaned. Hinampas niya ang kamay ko. “Tanungin mo ‘yung mga body guards mo!” sigaw niya sa akin. Ulit. “Baka ka kakilala nila ‘yon. Kasi kausap nila sabi mo ‘di ba?”   Naliwanagan naman ako doon. Oo nga ‘no? Bakit hindi ko naisip agad ‘yon.   “Naunahan mo lang ako. Naisip ko na din ‘yan,” sabi ko kay Jasmine.   Syempre, nakakahiya naman aminin na hindi ko naisip ‘yon. Eh, bakit ng aba hindi ko naisip ‘yon? Minsan tanga ko din ah?   “Ewan ko sa ‘yo, Celie,” hindi naniniwalang sabi ni Jasmine. “Oo na lang,” napipilitang sabi niya.   Tumawa ako ng malakas. “Joke lang. Hindi ko talaga naisip ‘yon,” natatawang sabi ko sa kaniya.   Umiling siya. “Alam ko,” sabi naman niya. “Tara na, umuwi na tayo. Inaantok na ako,” sabi ni Jasmine bago ako hinigit patayo.   Nagpatianod na lang ako sa higit niya. Pumunta muna kami sa table ng mga kaibigan namin. Nag paalam lang kami sa kanila. Nang matapos ay sabay na kaming lumabas ng club ni Jasmine. Nakasunod sa amin ang dalawamg body guards ko.   “Bye, Celie!” sabi ni Jasmine sabay halik sa pisngi ko. Hinatid ko siya sa kotse nila bago ako sumakay sa kotse ko.   The next day, late na ako nagising. Sumakit ng konti ‘yung ulo ko kahit na hindi naman ganoon kadami ‘yung nainom ko.   Naisipan ko pa sana na mag gym kaso anong oras na. Malapit ng mag lunch time.   Inabot ko ang cellphone kong nasa bed side table nang marinig kong nag ring ‘yon. Nakita ko ang pangalan ni Jasmine.   “Hello?” sabi ko pagka sagot ko ng tawag niya.   “Celie!” malakas na sigaw niya sa kabilang linya.”Gising ka na?” tanong pa niya.   Naikot ko ang mata ko sa tanong niya. “Mukha ba akong tulog ng sinagot ko ang tawag mo?” pilosopong tanong ko.   I heard her laugh on the other line. “I’m bored in here, Celie,” she said. “Can I come over?” she asked.   “Of course,” sagot ko naman. “Just have your lunch here. I’ll have Nana Lourdes cook something for us,” I said.   “Oh, okay. I’ll be there within thirty minutes,” she said. “Bye, Celie” sabi niya bago niya ibinaba ang tawag.   Bumangon na ako sa kama at bumaba muna. Nakita ko si Nana Lourdes sa kusina. “Na,” tawag ko sa kaniya.   Lumingon naman agad siya sa akin. “Pwede po bang paluto ng adobo?” nakangiting tanong ko sa kaniya. “Pupunta po kasi si Jasmine dito,”dugtong ko pa.   Tumango naman si Nana Lourdes. “Sige, anak. Magluluto ako,” sabi niya. “Tinanghali ka na ng gising ah,” dugtong pa ni Nana. “’Yung kapatid, Mommy, at Daddy mo maagang umalis,”   Alam kong may trabaho pa sina Mommy at Daddy pero si Kuya Rely? Alam ko wala siyang pasok ngayon. “Saan po pumunta si Kuya?” tanong ko kay Nana.   “Sa gym daw,” sagot naman ni Nana. “Babalik din siya maya-maya,”   Tumango ako. “Okay po,” sabi ko. “Akyat muna ako, Na. Maliligo muna ako bago dumating si Jasmine,”   Tumango din si Nana Lourdes. Umalis ako ng kusina at umakyat ulit. Naligo muna ako at nang matapos ay nagbihis agad. I just wore a white plain shirts and a pair of shorts.Classic pambahay.   Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko. Nakita ko ang text ni Jasmine na papunta na siya. Malapit lang naman ang village nila sa amin kaya bumaba na ako dahil baka mamaya ay nasa baba na siya.   Nang makababa ako ay hindi nga ako nagkamali. Nakita ko ai Jas na nasa living room namin… kasamamsi Kuya Rely. Asus! Mga the moves ni Kuya, oh. At ang kaibigan ko naman ay namumula na habang nakikipag usap sa Kuya ko.   “Hi, Jas!” malakas na tawag ko. Both of them turned to me. Napatayo pa si Jasmine sa gulat. Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanila. Ha! Kayong dalawan ah. “You are here na pala,” sabi ko.   “Celie,” mahinang tawag naman ni Jasmine sa akin. “Kakarating ko lang. Nagkasabay kami ng dating ni Kuya Rely kaya pinapasok na niya ako ng nakita niya ako sa labas,”   “Wala naman akong sinabi,” bulong ko kay Jasmine.   Mas lalong namula ang mukha niya. Totoo naman. Wala naman talaga akong sinabi. Bakit defensive siya?   “Kuya,” tawag ko sa Kuya kong lalampasan na sana kami. Tampo na siya niyan dahil tinawag siyang Kuya ni Jasmine. Gusto kong matawa. Ewan ko na lang talaga sa kanilang dalawa. “Sasabay ka sa amin mag lunch?” tanong ko ng bumaling siya sa amin.   Napatingin siya kay Jasmine bago siya bumaling sa akin. Tumango siya. “Yeah, I will,” sagot naman niya. “I’ll just take a bath,”   Tumango ako sa kaniya. He looked at Jasmine one more time bago siya umakyat sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD