Chapter 2 - You'll Pay For This!
~Bully~
Bullsh*t talaga!
Dapat talaga 'di na ako pumasok ngayon!
Nangyari na nga 'yung kahihiyang naranasan ko kanina do'n sa wirdong babae na 'yon tapos ngayon eh bored na bored na naka-upo lang ako sa upuan ko habang iniintay ‘yung first subject teacher namin!
Hindi pa kasi dumadating 'yung walanghyang teacher na 'yan! Kami pa ang pinaghihintay eh kanina pa time!
Bwisit kasi si Dad! He kept on nagging me na pumasok ako ngayon kasi nasisira daw ang image ng school namin dahil sa hindi ko pagpasok. Hindi raw porket kami ang may-ari ng school eh pwede ko nang gawin ang kahit anong gusto kong gawin.
Tss! Para lang naman sa business niya yon!
Kaya badtrip na badtrip ako kaninang umaga! Sumabay pa 'yung Kimpee na 'yon.
At dumagdag pa 'yung babaeng nanghubo sa’kin kanina!
Kapag talagang matyempuhan ko 'yung babaeng walang manners na 'yon, ipapahiya ko siya triple pa ng ginawa niya sa’kin!
Walang pwedeng mangpahiya sa isang Gino Russell Primo!
I am the heir of Charlie Primo who's the owner of this school so no one should bend my rules here. Ako ang prinsipe ng school na ‘to o mas kilalang Bully Prince kaya kapag may nangahas na galitin ako o inisin man lang, I will marked them as a "Trash" then after that, they'll experience their worst nightmares.
Trash as in basura!
Kaya kapag nalist ka as Trash sa trash list, kahit sino pwede bumully sa’yo kaya ‘yung iba, nagtatransfer out na.
Tss! Kahit magtransfer pa sila sa kung saang lupalop ng mundo, wala akong pakialam!
Hindi sila kawalan sa school na ‘to!
Sila pa nga ang naghahabol dito dahil #1 ang school na ‘to sa mga elite schools sa bansa.
Ako ang nagpauso ng Trash list na ‘yon at ako lang ang pwedeng magmark n’on sa kung sinong gusto kong ibully kaya lahat ng estudyante rito, takot sa salitang Trash.
Napansin ko na marami ang nakatingin sa’kin. Siguradong kaya sila gan’yan, dahil 'yon sa pagkahubo ko kanina.
"Sige! Tingin pa! Tutusukin ko lahat ng mata n'yo kapag nahuli ko pa kayong nakatingin sa’kin!" singhal ko sa kanila.
Napaiwas naman sila ng tingin at mga nanahimik na sa upuan nila.
"Good Morning class!" narinig kong bati ng Adviser namin na si Ms. Ledesma pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa room namin.
Kanya-kanya namang tayo ang mga kaklase ko at sabay-sabay na bumati rin ng Good Morning.
Hindi ako tumayo para batiin siya. Hindi ako grade schooler. Isa pa, pinapainit niya ang ulo ko sa paghihintay sa kaniya! Teacher na teacher, siya pa ang kailangang intayin ng mga estudyante niya? Bago na ba ang patakaran sa school na ‘to ngayon na ang teacher na ang may karapatang malate kaysa sa mga students? At lalong asar rin ako sa teacher na ‘yan kasi siya ang spy ng Dad ko.
Siya kasi ang inutusan ni Dad na magbantay sa’kin dito sa school at binigyan din siya niya ng permission na pagalitan at sawayin ako kaya kahit pagalitan niya ako, hindi siya pwedeng patalsikin sa pagiging teacher dito sa Primo High. siya lang ang hindi ko makalaban sa school na ‘to dahil siguradong kapag ginawa ko ‘yun, isusumbong niya ko kay Dad. At sesermonan na naman ako n’on ng walang humpay. Kukunin pa n’on mga credit cards ko. Pati pc ko, siguradong ipapatanggal niya sa room ko.
"Sorry if I'm late. Wala ang first subject teacher n’yo kaya ako muna ang magbabantay sa inyo but I have an announcement so listen. You have a new classmate and she's a transferee from Lerim Academy. From now on, she will study here with all of you."
Umupo na ‘yung mga kaklase ko.
Pakialam ko naman sa transferee na ‘yan.
Makapaglaro na nga lang ng games sa phone ko.
Kinuha ko ‘yung phone sa bulsa ko. Pagtingin ko doon sa menu n’ong game na huli kong nilaro, may continue. Malayo na nga level ko dito na talagang sinave ko kahapon para ‘di mawala ‘yung level ko. Pinindot ko ‘yung Continue at naglaro na ako.
"Ma'am! Ibig sabihin po ba, may bago kaming kaklase at isa siyang transferee galing sa Lerim Academy? At simula ngayon, dito na siya mag-aaral?" tanong n’ong isa sa mga kaklase kong lalaki na nakasalamin nasa unahan ko kaya narinig ko ‘yung tanong niya.
‘Di ko alam pangalan niya.
Seryosong-seryoso akong naglalaro lang dito pero hindi ko maiwasan na hindi marinig ang sinabi ni Ms. Ledesma.
"Wow Carlo! Marunong ka palang magtranslate ng english sa tagalog... What a talent you have...Hindi namin kaya ‘yan. Ikaw lang yata ang marunong n’yan. Paturo minsan ha." sarcastic na sabi ni Ms. Ledesma sa kaniya.
Naghiyawan ‘yung mga kaklase ko sa pagkapahiya n’ong Carlo daw at pinagbabato siya ng mga papel.At dahil nga nasa unahan ko siya, tinatamaan din ako ng mga papel na ibinabato sa kaniya.
Malapit na akong magnext level pero nadidistract ako sa hiyawan nila at sa mga papel na napupunta sa’kin! Kaya naman...
(Game over...)
Anak ng! "Bullsh*t! Isang stage na lang eh, natalo pa!" sigaw ko sa pagkainis ko sabay tumayo. Sinipa ko rin ‘yung upuan na nasa unahan ko. Siya naman kasi ‘yung nagpasimuno nito!
Natahimik naman ang lahat at pagtingin ko sa kanila, mga nakatingin rin sila sa’kin. Anak talaga ng! "Anong tinitingin-tingin n’yo?" nabibwisit kong tanong sa kanila. "Pick up these papers kung hindi, ipapalamon ko lahat sa inyo ‘to!" gitil na gitil na sigaw ko sa kanila.
Nakakabuset talaga! Nananahimik lang ako dito at naglalaro tapos ginanon nila ko! Sinong ‘di maasar?!
Umupo na ako sa upuan ko ng pasalampak habang kunot na kunot ang noo. Nagsitayuan naman sila at pinulot ‘yung mga papel sa pwesto ko.
Nang magsibalikan na sa upuan nila ‘yung iba ay may natira pang isang lalaking pilit inaabot ‘yung papel na nasa ilalim ng upuan ko.
Nabwisit ako sa kaniya kaya sinipa ko siya palayo. "Go away. You disgust me." seryosong sabi ko sa kaniya.
Nagmamadali naman siyang bumalik sa upuan niya habang hawak ‘yung tuhod niya na sinipa ko.
Seryoso lang akong nakaupo sa upuan ko.
Narinig kong may bumuntong hininga sa unahan kaya tumingin ako doon. Si Ms. Ledesma.
Sinamaan ko siya ng tingin pero ‘di niya ko pinansin at pinapasok niya na ‘yung transferee. Kainis talaga tong teacher na ‘to! Kung ‘di ka lang talaga— Kaasar!
Tinigil ko na ang paglalaro sa cellphone ko.
Baka mamaya isumbong pa ako n’yan kay Dad.
May pagsumbungera pa naman yan!
Pumasok naman ang isang babae sa entrance door ng room namin.
Naalis ang pagkakakunot ng noo ko.
Pagkapasok niya, napatingin agad ako sa kaniya.
‘Di ko alam pero naagaw niya agad ang pansin ko.
Lalo na n’ong buhok niya.
Ang haba n’ong buhok niya na hanggang bewang at kumikintab pa pag natatamaan ng ilaw.
Saka 'yung bangs niya na buong noo.
Siya 'yung walang manners na babaeng nanghubo sa’kin kanina!
Nagsimula na namang mag-init ang bunbunan ko sa galit sa kaniya.
Napakuyom ako ng kamao ko.
Nang makapunta na siya sa unahan, humarap siya sa’min.
Deretso siyang tumingin sa’min.
Her eyes are still like earlier. Plain and expressionless.
`Yung mga kaklase kong lalaki eh mga sumisipol n’ong humarap siya.
`Yung mga babae naman, halatang mga naiirita sa atensyong nakukuha niya.
"Quiet class!" saway ni Ms. Ledesma sa kanila.
Tumingin na ulit siya kay bangs. Yes, BANGS. From now on, that's what will I call her. Dapat nga No Manners na lang kaso mahaba.
"Ms. Vasquez, please introduce yourself to us." Si Ms. Ledesma kay bangs.
Tinitigan niya lang si Ms. Ledesma.
Halatang hindi magsasalita para iintroduce ang sarili niya.
Sa kahihintay ni Ms. sa kaniya na mag-introduce na siya eh tinitigan na rin siya nito.
Parehas lang silang parang tanga sa unahan.
"Ahh, ehh, Ms. Vasquez, I said please introduce yourself to us,” sabi ulit ni Ms. Ledesma with hand gestures pa para siguro ipaintindi sa kaniya na kailangan n’yang iintroduce ‘yung sarili niya pero nakatitig pa rin lang siya sa kaniya.
(Fwoo....oooohhhh) hanging dumaan.
Baka ‘di nakakaintindi ng english ang isang ‘yan kaya ‘di sumasagot.
Bopols siguro o baka naman pipe.
"Oh sige, ako na lang ang magpapakilala sa’yo." pilit ang ngiting sumusukong sabi Ms. Ledesma sa kaniya.
"She is Winter Vasquez and like I said earlier, she came from Lerim Academy. Class! Ang Lerim Academy ay isang girl's school kaya siguro ngayon ay nahihiya pa siya sa inyo so please, be nice to her, okay?" ngiting-ngiting pakilala niya rito.
So Winter pala ang pangalan niya.
At nga pala!
Hindi ko pa rin nakakalimutan ‘yung nangyari kaninang umaga!
`Yung pagkakapahiya ko!
"Alam kong nagtataka kayo kung bakit nakapagtransfer pa siya dito kahit fourth year na siya pero dahil matataas ang mga grades niya at ang nagrefer sa kaniya dito ay may mataas na posisyon sa school na ‘to." Tumingin ulit si Ms. Ledesma sa kaniya. "Winter, may idadagdag ka pa bang information about yourself so your classmates will know you more?"
Tumingin naman ulit sa kaniya si bangs at nagtitigan lang ulit sila.
Para talagang mga tanga.
"Ah sige. Pauupuin na nga kita." Inalis niya ang tingin niya kay bangs at naghanap ng mauupuan no'n.
Nang makita niya na ang available seats lang eh ‘yung parehas sa tabi ko, napangiwi siya at tumingin ng may awa doon kay bangs.
"Winter, mamili ka na lang kung saan mo gusto doon..." sabay tingin sa pwesto ko "...tutal naman parehas lang naman yang mga upuan na makakatabi mo si Russell."
Nasa dulo ang upuan ko at sa may parteng sulok.
Lahat ng mga kaklase ko, mukhang nagulat sa sinabi ni Ms. Ledesma.
Alam kasi nila na ayokong may tumabi sa’kin kaya nga binakante ko parehas ‘yung mga upuan sa tabi ko.
Tumango lang siya at nagsimula na siyang maglakad papunta sa dereksyon ko.
Marunong naman palang makaintindi ‘to eh!
Akala ko bopols talaga...
Pero teka!
Uupo sa tabi ko?
Sinong may sabi?!
At siya pa talaga ang tinanong hah!
What if I don't want that no manners stupid creepy girl to sit beside me?
Makakapalag ba yan?
Naglakad na nga siya papalapit sa pwesto ko.
`Yung sa kanan ko ‘yung pinili niya.
At talaga namang!
Ang lakas ng loob niya pagkatapos ng ginawa niya sa’kin kanina!
Pero napa-isip ako.
Hmmmm...
Paano kung ipahiya ko rin siya?
Akala ko ako pa ang hahunting sa’yo pero ikaw na pala mismo ang lalapit sa’kin.
A prey should never show itself to the predator 'cause once the predator gone wild and attacked it, it will never escape from its grasp!
Like what I will do to you!
Nang malapit na siya ay inihararang ko agad ‘yung kamay ko para ‘di siya makadaan at makaupo. "You're not allowed to sit there."
Tumingin ako sa kaniya ng malamig.
Wala pang hindi naiintimidate sa’kin kapag cold stare na ang pinag-uusapan.
"I don't want you to sit beside me... Pero since ang vacant seats lang ay ‘yung sa kanan at kaliwa ko, sa sahig ka na lang umupo o kaya naman eh tumayo ka na lang hanggang mamayang uwian." nagsmirk ako sa kaniya.
Lahat sila nakatingin lang sa’ming dalawa.
Anticipating of what will happen next.
Mwehehehe.. Siguradong naintimidate ko na ‘to ngayon.
Sa angas ko ba naman!
Mapahiya ka na sana!
Deretso siyang tumingin sa mata ko.
Anak ng!
‘Di man lang natakot?!
Tumingin din ako sa mata niya pero ewan ko kung bakit n’ong tumingin ako sa kaniya, parang may naramdaman akong kakaiba.
Parang nakaramdam ako ng chills. Brrrrrrrr...
Meron kaming aircon sa room pero iba ‘yung lamig na naramdaman ko n’ong tumingin ako sa kaniya.
Masyado niya atang pinaninindigan ang pangalan niya.
Ewan!
Pero wala na akong pakialam don!
Hindi ko dapat ipakita na natatalo niya.
She should be the one who'll be humiliated and not me!
Siguro kulang lang sa angas ‘yung pagkakasabi ko kaya ‘di siya natakot.
Tama. Tama.
Kaya nakipaglaban ako sa kaniya ng titigan.
Kala niya siya lang ang may kayang tumitig!
Inalis niya rin naman agad ‘yung tingin niya sa’kin at binangga ang braso ko ng katawan niya kaya nakadaan siya at nakaupo sa upuan sa tabi ko.
Kinuha niya ‘yung notebook niya sa bag niya at ipinatong na sa desk niya saka tumingin na sa unahan na parang walang nangyari.
Nagkaroon ng mga bulungan.
Napatayo naman ako sa inis.
I can't believe this!
Bakit hindi umayon ang lahat sa plano ko?!
"Hoy! I already told you not to sit there! Bingi ka ba o sadyang tanga ka lang?!" sigaw ko sa kaniya.
Dumagundong ang buong classroom dahil sa lakas ng boses ko kaya napatahimik ang lahat ng mga nagbubulungan.
Nanggagalaiti na naman ako dahil sa pagkakapahiya niya sa’kin!
Wala siyang karapatang ipahiya ako ng gan’on sa sarili kong school!
Kanina pa siya!
Mas lalo n’yang dinadagdagan ang pagkabwisit ko sa araw na ‘to!
Tumingin lang siya sa’kin na parang walang taong galit na galit at gitil na gitil sa harap niya na handa na siyang isalvage anumang oras.
Nagulat ako dahil hindi na naman siya natakot sa’kin kahit na makaputol litid ‘yung sigaw ko sa kaniya.
She really has guts to straightly look into my eyes without a little bit trace of fear or anything else.
Kung iba ‘yun, siguro nangangatog na ‘yun sa takot dahil sa lakas ng sigaw ko o kaya eh iiyak tsaka magwo-walk-out.
Pero siya, hindi eh.
She didn't even flinch.
I cannot see any reaction in her face either.
Just... Just null expression.
"Naku! Patay na! Liligawan ko pa naman sana."
"Lagot. Ginalit niya si Russell! Katapusan niya na."
"Tsk! tsk! tsk! Maganda pa naman sana."
"Anu ba yan, first day na first day niya dito, ininis niya na agad si Russell, baka bukas mag transfer-out na rin agad ‘yan dito." naririnig kong mga sinasabi ng mga kaklase ko.
"Russell! Why are you shouting at her?! It's just a seat! Don't you know how to respect a girl?! Don't make a big deal out of such a trivial thing!" pagalit na sigaw sa’kin ni Ms. Ledesma.
Ang mga kaklase ko naman, nagsibungisngisan kaya naman tiningnan ko sila ng masama.
Nanahimik naman sila.
Sa inis ko, sinipa ko ‘yung upuan ko na naglikha nang malakas na tunog at natumba ‘yon.
Tiningnan ko tong babaeng nagpagbwisit lalo sa’kin.
"You'll f*cking pay for this b*tch!" gitil na gitil na sigaw ko sa kaniya pero siya, parang walang narinig.
Lumabas na ako ng classroom na badtrip na badtrip.
Ginalabog ko rin ‘yung pagsara ng pinto.
This is bullsh*t!
What a f*cking day!