Chapter 3 - The Monster Inside
~~Bully~
Habang naglalakad ako sa hallway, busangot na busangot ang mukha ko.
Pinagsisipa ko rin ang mga nadadaanan kong mga bagay kaya naman nagkalat ‘yung mga ‘yon sa daan.
`Yung mga teacher naman na nakakakita sa ginagawa ko eh patuloy lang sila sa pagtuturo sa loob ng mga classroom nila na parang wala silang nakikita at hindi ako pinapakelaman ni pinapagalitan.
Takot lang nila sa’kin lalo na at napakalaki ng dark aura sa paligid ko.
Lalong kumunot ang noo ko nang maalala ko ‘yung nangyari kanina sa room.
Kaya sobrang lakas kong sinipa ang isang trash can na nasa harapan ko ngayon at nagkalat ang mga laman nitong basura.
Tumama naman ang lalagyan n’on sa pader.
Grrrrrrrrrrrrr!
Nagngingitngit talaga nang sobra ‘yung kalooban ko!
Hindi ako makakapayag na ang isang tulad lang niya ang makapagpapahiya sa’kin.
Not even anyone!
Wala pang nakakapagpahiya sa’kin nang gan’on sa tanang buhay ko!
Bullsh*t talaga!
Badtrip na nga ko, lalo niya pa kong binwiset!
Baka ‘di niya alam, nasa teritoryo ko siya!
Napakuyom ako ng kamao ko sa inis pero nang napatingin ako sa mga nagkalat na basura, lahat ng pagkainis ko ay napalitan ng pagkathrill...
Basura?
Hmmmm... Alam ko na kung paano ako makakaganti sa Winter na ‘yon...
This time, I will make sure that she is the one that will be filled with humiliation!
"Tingnan na lang natin ang tatag mo pag minarkahan kitang Trash... Kahit na babae ka pa."
Napangiti ako sa naisip kong evil plan...
I can go this far just to avenge myself, even more my EGO!
Bwahahahaha!
Hindi ako makakapayag na hindi ako makakaganti sa isang ‘yon.
Ako pa ang kinalaban niya!
Poor thing, annoy anyone but not ME!
Nang magbell na dahil uwian na, bumalik ulit ako sa room namin pero hindi ako pumasok sa loob.
Sumandal lang ako sa gilid ng pinto ng room namin sa labas...
I'm waiting for someone...
We will do a show here outside our classroom.
What's the title of the show?
MARKING MY NEW TRASH!
Sumilip muna ako sa loob para siguruhing hindi pa siya nakakauwi at nakita ko nga siya na papalabas na ng room...
Sumandal ulit ako sa gilid ng pinto at hinintay ko siyang dumaan.
May ibang mga lumabas na mga kaklase ko na mukhang dadaan dapat sa harap ko pero kapag nakikita nila ako dito na nakasandal eh hindi na sila tumutuloy at naglalakad na lang paalis.
Ilang saglit lang eh lumabas na si Bangs kaya pagkadaan na pagkadaan niya, pasimple kong iniharang ‘yung paa ko kaya natalapid siya.
Napasubsob siya sa sahig na ikinatigil ng lahat ng tao na naglalakad sa corridor.
Napangisi naman ako sa itsura niya ngayon.
Para kasi siyang nagdive sa sahig.
"Ang lakas rin naman ng loob mo na ipahiya ako. I know you're a transferee so you don't know what I am in this school but I can't let you slip just for that reason. You'll pay for it. In this school, annoy me equals a miserable life here. No one endured that punishment 'cause that punishment is harsher than what you can imagine." malamig at seryosong sabi ko habang nakapamulsa at nakatingin sa kaniya.
Cool na cool lang ako.
Unti-unting nawawala ‘yung bigat sa dibdib ko dahil ngayon ay nakakaganti na ako.
"From now on, you'll be a trash of this school! You'll regret that you ever stepped in this school! " malakas kong sabi kaya naman nagkaroon ng bulungan ‘yung mga taong nasa corridor.
May mga may hawak ngayon ng cellphone at halatang busyng busy sila sa pagtetext at pag e e-mail.
Ngayong alam na ng ilang mga tao dito ay mabilis ng kakalat ang balita.
Mas mabilis pa sa apoy.
Napatingin ako kay sa kaniya na ngayon ay dahan-dahang tumatayo.
Ako naman eh nakasmirk dahil sigurado ako, paiyak na rin ‘to katulad n’ong bumangga sa’kin kanina.
Ngayong markado ka ng trash, wala ka ng kawala!
Pasensya siya! Wala kasi akong sinisino kapag kinabwesitan ko na kung sino ‘yung kabwisitbwisit na nangbwisit sa’kin.
Anyways, ngising ngisi na ako dahil sa wakas ay makakabawi na ako sa kaniya!
Pagkatayo niya, pinulot niya ‘yung bag niya na nabitawan niya n’ong tinalapid ko siya at naglakad na paalis na... na parang walang nangyari.
Ni hindi niya nga pinagpagan ‘yung uniform niya na nadumihan dahil sa pagkakasubsob niya sa sahig at hindi niya rin ininda ‘yung sugat niya sa tuhod.
Lahat ng mga nakakita sa nangyari, nagulat dahil sa ginawa niya.
I , myself did not expect that too to happen kaya napatulala ako.
Lalong umugong ang bulungan.
Is this really happening?
Nananaginip lang ba ako na may isang taong hindi pumansin sa pagiging trash niya?
Pero nang makabawi ako ay tiningnan ko siya habang naglalakad na siya paalis.
Unti-unting umakyat ang dugo sa batok ko.
The f*ck!
Why did I let her to disgrace me again?!
At sa harap pa nang maraming tao!
It's a slap in my face!
Napupuno na ako sa babaeng yon!
I can't accept this shame she has done to me!
ME?!
Isang Gino Russell Primo!
I knew it!
Maybe she's looking down on me just because she doesn't know what I can do but that makes me more furious!
Sinuntok ko ‘yung pinto namin sa inis ko.
Gumalabog ‘yon dahil nagbounce back sa pader.
"Pffttt." napatingin ako sa kung sino ‘yon.
Isang lalaki at napatakip siya sa bibig niya.
Lalong kumulo ‘yung dugo ko na kulong kulo na.
I want to kick someone's face now!
Nilapitan ko siya at kwinelyuhan.
I heard gasps of the people here.
Naipon na ng naipon ang kabadtripan ko sa araw na ‘to kaya lumalabas na naman ang pagiging bayolente ko.
"You sh*t! Did you just laugh at me? Huh?! Did you just laugh at me?!" gitil na gitil na tanong ko sa kaniya habang mahigpit kong hinahawakan ‘yung kwelyo niya na halos mapilas na.
Mabilis siyang umiling at halatang takot na takot.
Huli na para matakot siya!
Sa tuwing mapapahiya ako, may tumatawa!
Gustong gusto talaga nila ‘yung mapapahiya ako dahil doon lang sila nakakaganti sa’kin!
"You know what I don't like the most?" tanong ko sa kaniya pero umiling umiling lang ulit siya.
"Those who are disgracing me and big stupid liars who are very obvious in lying!" I punched his faced with so much strength because of the anger filling me.
Pumutok ‘yung labi niya at napaupo siya.
Napahawak siya sa bibig niya at nang makita ang dugo ron ay nanlaki ang mga mata niya at napapasigaw sa takot.
Kung hindi ko mailalabas ang galit na ‘to sa mga tao, nagbabasag ako ng mga gamit at naninira ng kung anu-anong makita ko.
That's why I don't like nuisances.
They're triggering the wild monster inside me!
Nagsilayuan ‘yung mga tao.
Sinipa ko ‘yung mukha niya kaya napahiga siya at nawalan agad ng malay.
Tumingin ako sa mga taong nakapalibot sa’min.
"Who wants to be next?" I smiled.
More like evil grin.
Nagsitakbuhan sila palayo.
"So, this is what you are doing in school." napalingon ako doon sa nagsalita dahil pamilyar na pamilyar sa’kin ang boses niya.
Nagulat ako kung bakit nandito siya pero hindi ko pinakita sa kaniya ‘yon.
"What are you doing here Dad?" I asked him coldly.
Hindi ko aakalain na makikita ko siya dito.
May kasama siyang bodyguard at binuhat n’on ‘yung binugbog kong lalaki saka umalis na kaya naiwan kaming dalawa na lang dito.
"Go home now and fix yourself. Stop doing violent things. Nothing will change if you continue doing these things. You're just ruining yourself." seryoso n’yang sabi.
Napangisi naman ako sa mga narinig ko sa kaniya.
"Acting like a father now? Why now? Anong nakain mo? O baka naman trip mo lang magtataytatayan sa’kin ngayon?" sarcastic kong sabi sa kaniya pero hindi nagbabago ang striktong expression niya.
Bago pa man siya bumawi sa mga sinabi ko ay umalis na ako at iniwan ko na siyang mag-isang nakatayo doon.
Paglabas ko ng school ay nandon na ‘yung driver ko pero napatingin ako doon sa babaeng papasakay pa lang ng taxi.
Si Bangs.
Naalala ko tuloy ‘yung mga nangyari buong araw.
Siya ang dahilan kung bakit ako naging bayolente kanina.
Dahil sa mga pamamahiya niya sa’kin.
Nag-iinit na naman ang dugo ko.
Hindi pwedeng hindi siya matakot sa’kin!
Dapat lahat ng estudyante dito sa school na to, nanginginig ang tuhod kapag nakikita ako!
Ganon ang gusto kong scenario pero dahil sa kaniya, nasisira yon!
Hindi maaari ‘to!
Gaganti ako!
Hindi pa tapos ang lahat sa’ming dalawa!
Nagsisimula pa lang kami!
Sisiguraduhin kong pagsisisihan n’yang dito pa siya nagtransfer sa school na ‘to dahil bukas na bukas, ako mismo ang kikilos para turuan siya ng leksyon!