Chapter 11 - Her Weakness
Three days later...
"Class! May meeting kami ng Parents n’yo tomorrow and it's a must for all of you na maka-attend sila. Kahit isa lang sa kanila ang isama nyo, okay lang. Naiintindihan ba?" pag-aannounce ni Ms. Ledesma sa’min.
"Yes ma'am!" sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko.
"Ah! Oo nga pala, Russell, palagi ko namang nirereport sa Dad mo ang mga pinaggagagawa mo dito sa school so okay lang na hindi na siya pumunta sa meeting,” sabi niya habang nakatingin sa’kin.
Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya at tumingin na lang ako sa katabi ko. Hindi ko alam pero parang namalikmata yata ako sa nakita ko.
I saw a glimpse of sadness in her eyes. Kahit naman kasi side view lang niya ang nakikita ko eh kita ko pa rin ‘yung ekspresyon ng mga mata niya. Kinusot-kusot ko ang mata ko para siguraduhing hindi lang ako namamalikmata pero pagtingin ko ulit sa kaniya eh nakatayo na siya at naglakad na palabas ng room. Hindi ko na namalayan na dinismiss na pala kami ni Ms. Ledesma dahil uwian na.
Siguro namalikmata lang talaga ako kanina.
Pero bigla kong naalala ‘yung time na naglalakad siya at nasa kotse ako. ‘yung sinusundan niya ng tingin ‘yung masayang pamiya na kasabay n’yang maglakad. Hindi ko nakita ‘yung mukha niya n’on gawa ng humarang ‘yung matabang babaeng kasabay niya ring maglakad.
Hmmmmm... Mukhang may naiisip na akong isang bagay tungkol doon.
Tumayo na ako at lumabas na rin ako ng classroom. Nakita kong naglalakad siya sa may hallway kaya naman sinundan ko siya at nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ‘yung braso niya at iniharap ko siya sa’kin.
Napatingin naman siya sa’kin. Null expressioned.
"Bakit naging ganun ka n’ong pinag-usapan ‘yung about sa meeting ng parents?" seryosong tanong ko sa kaniya.
Nakita ko na nagulat siya sa tanong ko.
Sabi na nga ba! Ito ang unang emosyon na nakita ko sa mukha niya. Ay hindi pala kasi ‘yung kanina, ‘yung nakita kong malungkot ‘yung mga mata niya. ‘Yun ang una. "So, you're that sensitive when it comes to your parents huh?" sabi ko sa kaniya habang deretso akong nakatingin sa mga mata niya.
Nakatingin lang din siya sa’kin at hindi sumasagot sa mga tanong ko.
"Wala ka sigurong magulang na pupunta sa meeting para sa’yo, ‘no?!"
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. So, ganito lang pala kababaw ang trigger sa ganitong side niya.
"Hahaha! Kawawa ka naman pala. ‘Di ka siguro nila mahal kaya ka ganya—“
Paaakkkkk!
Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla niya kong sinampal nang malakas. Napahawak naman ako sa pisngi ko dahil doon. Bullsh*t! Ang hapdi ng mukha ko!
"Ano bang problema mo hah!" sigaw ko sa kaniya pero pagtingin ko sa kaniya, nakatungo siya.
May narinig akong mga hikbi mula sa kaniya kaya napatigil ako at napaluwag ang kapit ko sa braso niya. Umaalog na rin ang mga balikat niya.
Hindi kaya...
Nang iangat niya ang mukha niya ay may luha na sa mga mata niya. Yoon ang hindi ko inaasahan sa lahat. Nanlaki ang mga mata ko.
Dugdugdugdugdugdug...
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Sobrang bilis na parang hindi na ako makahinga.
Naramdaman ko na naman ‘yung katulad n’ong naramdaman ko noong binuhusan siya ng tubig ni Kiel pero ngayon, mas mabilis na ‘to na parang sasabog na. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko.
"Masaya ka na ba, hah?!" sigaw niya sa’kin habang patuloy na tumutulo ang mga luha niya. Pagkasabi niya n’on, tumakbo na siya paalis.
Ako naman ay naiwang nakatulala sa sinigaw niya sa’kin. Hindi ko inaakalang dahil doon sa mga sinabi ko eh mapapaiyak ko siya nang gan’on.
Hindi ko talaga inakala ‘yon.
I think...
I've gone too far.
Ilang sandali lang eh naghiyawan ‘yung mga tao dito sa hallway. May mga pumapalakpak at sumisipol pa nga. Nakita pala nila ‘yung nangyari sa’min ni Winter.
"Wow! Ang galing mo Russell! Napaiyak mo na rin ‘yung Robot na Winter na yon!" biglang sulpot sa harap ko si Kiel na abot-tenga ang ngiti.
Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Pano mo nagawa yon? Akala ko kasi mas mapapaiyak ko siya kung ipahiya ko siya sa harap nang maraming tao. Share mo naman sa’kin kung pano mo nagawa ‘yun para magaya ko."
Napanting naman ang tenga ko sa narinig kong sinabi niya.
"Shut that f*ck up or I'll kill you, you sh*tty bastard..." mahina pero may diin ang bawat salitang iyon na sabi ko sa kaniya.
Napaatras naman siya at halatang hindi niya inaasahan na ‘yun ang sasabihin ko sa kaniya.
Parang umuusok ngayon ang tenga ko sa galit.
Tinabig ko siya saka naglakad na ako paalis.
Binigyan naman ako ng daan ng mga taong hanggang ngayon eh naghihiyawan pa rin.
Habang naglalakad ako, hindi ko pa rin maintindahan tong wirdong nararamdaman ko.
Para akong nagiguilty at nagsisisi sa ginawa ko kay Winter kanina.
Bullsh*t!
Ayoko nitong nararamdaman ko ngayon!
Ayoko talaga!
Kinagabihan…
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga sa King sized bed ko habang nakatingin lang sa kisame.
Tiktak. tiktak. Tiktak.
Napatingin naman ako sa alarm clock na nakapatong sa table sa gilid nitong kama ko. 12:32 na ng hatinggabi at napakatahimik ngayon.
Tumitig ulit ako sa kisame.
Prukprukuw... Prukprukuw... prukprukuw.
Napatingin din ako sa bintana. Huni siguro ng kwago ‘yon. Alam ko, may kwagong nadapo sa bubong namin kapag gabi eh.
Ngeow! Ngeoooooowww! Kissssssshhhhh!
Napaupo agad ako sa higaan ko sa pag-aaway na ‘yon ng mga pusa sa labas. Wala naman kaming pusa ah!
Pumunta ako sa may bintana at sinilip ko ang labas. May dalawang pusa ang nag-aaway. Kinuha ko ‘yung alarm clock sa mini table sa gilid ko at inihagis ko ‘yon sa kanila kaya nagtakbuhan sila paalis. Kainis!
Bumalik na ulit ako sa higaan ko at humiga na.
Tuko... Tuko.. Tuko...
Kanina kwago tapos dalawang nag-aaway na pusa, ngayon tuko naman!
Kelan pa naging Zoo tong bahay namin? Nevermind. Sa kisame ulit ako tumingin. Nakatulala lang ako doon kanina pa dahil hindi na naman ako makatulog. Kahit anong gawin kong pikit eh hindi pa rin ako makatulog. Nagpabiling-biling na ako sa higaan. Dumapa na rin ako pero wala talaga.
Parang nangyari na ‘to sa’kin dati ah. No’ng narinig kong kumanta si Winter. Gantong-ganito rin ako nun eh.
‘’Masaya ka na ba, hah?!”
Napapikit naman ako ng mariin.
"Bigshiiiiiiiiiiiiiiiiiit!" sabi ko sabay dinagan ko ‘yung unan ko sa mukha ko.
Ini-invade niya na naman ang isipan ko.
...
..
.
Sandaling katahimikan...
"Teka nga!" inalis ko ‘yung nakadagang unan sa mukha ko at inilagay ko ‘yon sa gilid ko.
"Bakit ba masyado kong binibig deal ‘yung pag-iyak n’ong Winter na yon?! Wala naman akong pakelam kung magalit sa’kin ‘yung robot na ‘yun! siya nga tong sobrang sensitive eh! Porket sinabi ko lang na hindi siya mahal ng mga magulang niya, sinampal niya agad ako nang malakas.Ang sakit kaya non! Dapat nga ako pa magalit sa kaniya dahil sa p********l niya saken eh." defensive na sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame.
"Sino ba siya sa buhay ko hah?!" sigaw ko pa rin doon sa kisame.
Para na kong baliw dito na kinakausap ‘yung kisame mag-isa.
Pero pagkasabi ko nun ay parang napa-isip naman ako.
Sino nga ba siya sa buhay ko?
Isa lang naman siyang robot na kaklase ko na manhid at hindi marunong magpakita ng nararamdaman niya kahit na sinasaktan na siya ng iba.
Yun lang naman ang papel niya sa buhay ko.
Biglang nagflash ‘yung mukha ni Winter habang umiiyak doon sa may kisame...
Kaasar! Ayoko na talaga! Kanina pa ko hindi makatulog dahil sa kaniya at flash din ng flash sa isipan ko ‘yung nangyari kanina.
Pinagsisipa ko ‘yung kama ko habang nakahiga ako. Para akong uod na inasinan ngayon sa paglilikot ko sa kama ko. Nagpagulong-gulong pa ko para lang maalis na siya sa isip ko. Para na nga kong tanga dito ngayon.
Tumigil ako sa pag-gulong saglit. Naisipan ko na aliwin na lang ang sarili ko para hindi ko na maalala ‘yung kanina. Kumanta na lang ako ng Twinkle Twinkle little star.
Sabi nila, nakakaantok daw ‘yung gan’on.
Try ko lang. Baka effective.
...Twinkle twinkle little star...
...How I wonder where you are?...
...Up above the world so high...
...Like a diamond in the sky...
...WINTER WINTER little st-...
Teka lang...
Bakit naging Winter na ‘yung Twinkle n’ong Twinkle Twinkle little star ko?
Ano ba toooooooo?!
Naiinis na ako ha!
Gustong-gusto ko nang matulog pero hindi ako makatulog-tulog dahil sa Winter na ‘yon.
Siguro gumaganti siya sa’kin ngayon sa pamamagitan nito.
Kaasar talaga!
Tumayo ako.
Naisipan kong magjogging dito sa kwarto ko para mapagod ako.
One two!
One two!
One two!
One two!
Hinihingal na ako kaya humiga na ulit ako sa kama ko.
Pumikit ako para matulog na.
1 minute...
5 minutes
15 minutes
30 minutes...
Minulat ko ‘yung mga mata ko. Wala talaga.
Nag-isip pa ko ng ibang paraan para makatulog...
Ahh! Alam ko na! Manonood na lang muna ako ng T.V para antukin ako...
Mweheheheh. Ang genius ko talaga!
Kinuha ko ‘yung remote na katabi lang ng alarm clock ko at binuksan ko na ‘yung T.V at ang palabas pagkabukas nito ay isang Documentary na palabas.
"Ok! Maganda ‘to ah! Mukhang mabobored ako na panoorin ‘to tapos makakatulog na ako." tuwang-tuwang sabi ko.
Nagpatuloy ako sa panonood.
"Nandito po ako ngayon sa Japan at kasalukuyan pong ang temperature ngayon ay -17 degree celcius...” sabi n’ong nung nagdodocumentary.
Medyo napapapikit-pikit na ako ngayon.
Ayos! Effective nga!
"Sobrang lamig talaga dito sa Japan dahil nga WINTER season nila ngayon..."
Pagtingin ko doon sa may T.V, hindi na ‘yung reporter ‘yung nakita ko kundi ‘yung mukha na ni Winter na umiiyak.
Pero iba ‘to doon sa tunay na pag-iyak niya kanina kasi parang nagpapacute siya dito sa T.V ngayon.
"Masaya ka na ba, hah..." cute na pagkakasabi niya na ikinakabog naman ng dibdib ko.
F*ck!
Dali-dali ko namang pinatay ‘yung T.V.
Huminga muna ako nang malalim.
(+_+*)
Shete naman oh!
Kung anu-ano nang pumapasok sa utak ko!
"Bakit ba ayaw mo kong tigilang Winter ka!" naiinis kong sabi sabay bato ko doon sa remote control.
Toink!
Nagkahiwa-hiwalay ‘yung parts n’on at tumama sa ulo ko ‘yung isang battery kaya napaaray ako.
Ang sakit nun ah!
Naisipan kong magmeditate muna para mablangko ‘yung isip ko.
Nag-indian sit ako sa kama ko tapos para akong monghe sa position ng kamay ko ngayon.
Ipinikit ko na ‘yung mga mata ko.
'Go away thoughts... Go away...'
'Go away thoughts... Go away...'
'Go away thoughts... Go away...'
"Masaya ka na ba, hah..."
Bigla akong napamulat.
"Masaya ka na ba, hah..."
"Masaya ka na ba, hah..."
"Masaya ka na ba, hah..." paulit-ulit na nagplay sa isip ko ‘yun.
"Arggggghhhhh!" napasabunot pa ko sa buhok ko sa inis.
Imbis na mablangko utak ko, lalong ‘yon ang napuno sa isip ko!
Tsk!
Napatingin ako sa cabinet dito sa gilid ng kama ko.
Nakapatong doon ‘yung cellphone ko.
Napag-isipan kong mag browse na lang nang magbrowse sa internet para antukin na ako.
Nagpunta ko sa website ng youtube at nakita ko doon sa recommended ‘yung mga fliptop battles.
‘Di ako mahilig sa mga ganito pero try ko na rin.
Pinapanood ko lang ‘yung video at aliw na aliw ako kasi ang aastig nilang magrhyme ng mga words.
Nakakatawa pa ‘yung mga laitan nila.
Tapos na ‘yung laban at iaannounce na kung sino ‘yung mananalo.
"And the WINTER is...(Winner po ‘yon)"
Bullsh*t!
Anong Winter- este Winner?!
Kinulikot ko ‘yung tenga ko kasi baka may problema lang ako sa pandinig.
Kakalinis ko nga lang n’on kaninang umaga.
Gawr!
Makapaglaro na nga lang!
Hanggang sa videos, sinusundan ako ng robot na ‘yon na may bangs!
Baka dito sa pagegames ko eh makatulog na talaga ko.
Napa evil grin ako.
Marami pa namang bagong laro ‘yung phone ko ngayon na hindi ko pa naitatry.
Pumili muna ako ng laro at inopen ko na ‘yon.
- WINTER your name -
( - ENTER your name - po talaga ang nakalagay doon.)
What the f*ck!
Smallsh*t
Mediumsh*t!
Bullsh*t!
All of the sh*t in the world!
Pati ba naman dito sa games ko, may Winter pa rin!
Aba! Sumosobra na siya!
Inihagis ko rin tong phone ko sa saheg kung saan ko hinagis ‘yung remote kanina pero tinakpan ko ‘yung ulo ko.
Baka kasi battery naman n’ong cellphone ko ‘yung tumama sa ulo ko.
Mas malaki pa naman ‘yon.
Napatulala na lang ako sa kawalan....
Winter dito, Winter doon!
Kabanas kahit taglamig ang pangalan niya!
Hinding-hindi na talaga ako magbabakasyon sa mga bansang may Winter season!