Chapter 12

2514 Words
Chapter 12 - Manong, Bayad Po 12:30 (lunch) "Gosh! Anong nangyari kay Russell my loves? Bakit mukha siyang zombie ngayon?" "Syempre Girl! kasi kahapon sinabi niya sa’kin na gusto niya daw ako pero nireject ko siya." "Talaga girl?!" Utut mo! Ano ka sinuswerte! Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ko ng masama ‘yung babaeng nagsabi na nireject niya "raw" ako at napaatras naman siya. Mukhang natakot ata. "Tara na girl! Gagawa pa pala ko ng assignment naten." narinig kong sabi niya doon sa kasama n’yang nakatitig lang sa’kin tapos hinila niya na ito palayo. Ang galing namang mag-imbento n’ong isang ‘yon. Pasalamat siya, wala akong energy para ipahiya ko siya ngayon. Naglakad na ulit ako. Kung gusto n’yong malaman kung nakatulog ba ko kagabi... Ang sagot ay hindi! Kanina lang ako nakatulog ng mga 6:00 ng umaga hanggang 11:00 ng tanghale. Nagbasa na ako ng libro habang nakabukas ‘yung ilaw sa kwarto ko kagabi. Nagpush-up pa ko. Sumayaw na rin ako ng kung anu-ano para mapagod at makatulog pero wala pa rin. Walanghyang Winter Syndrome yan! Ang hirap magkaron non! Pero teka, nagtataka ba kayo kung bakit pumasok pa rin ako kahit na limang oras lang ang tulog ko? Ako rin eh. Nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit pumasok pa rin ako ngayon. Ayaw na ayaw nga katawan kong bumangon kanina pero gustong-gusto naman ng utak kong pumasok. Para kasing may gustong-gusto akong makitang tao ngayon. Si Taglamig. Kasi pag nakita ko siya, Ipapabawi ko ‘yung sumpang nilagay niya sa’kin! Hindi naman ako magkakagan’on kagabi kung hindi niya ko nilagyan ng kung anong hokus pokus niya! Pagkarating ko sa room namin, agad na hinanap ng mata ko ang kaisa-isang babaeng hindi nagpatulog sa’kin kagabi pero pag tingin ko doon... bakante. Hindi siya pumasok. Dahil siguro doon sa ginawa ko sa kaniya kahapon. Teka, bakit parang sobrang nalulungkot ako doon sa naisip ko? Parang akong sinakluban ng langit at lupa sa nararamdaman ko. Sayang lang ‘yung effort ko na pagpasok ngayon. Parang hindi kumpleto ‘yung araw ko. Parang may kulang. Tss. Ano na ba tong nangyayari sa’kin? Nakilala ko lang ‘yung Winter na yon, kung anu-ano nang nangyari sa’kin. Naaabnormal na ko! Tinawagan ko ‘yung Driver ko para sunduin ako at mabilis naman siyang nakarating. Hindi pa kasi siguro siya nakakalayo gawa nga ng kahahatid niya pa lang sa’kin kanina. Habang nasa loob ako ng kotse ay isinandal ko ang ulo ko sa may bintana. Nagtingin-tingin muna ako sa mga lugar na nadadaanan ng sasakyan namin ngayon. Tapos bigla na naman akong napaisip sa nangyari kahapon. Parang panaginip lang kasi ‘yung Winter na nakita ko. Iba kasi ‘yung nakita ko sa mga mata niya. Parang sobrang kalungkutan na hindi ko maintindihan. Unti-unti na naman akong parang kinukurot sa puso. "Kaasar!" sabi ko na lang sa sarili ko saka ako humiga sa upuan ng kotse. Doon ay tumulala lang ako. Siguro bukas mawawala rin ‘to.. Siguro nga.... 3 days later... (Tuesday) Tumingin ako sa relo ko habang naglalakad ako papasok sa school. 3 o'clock na pero ngayon pa lang ako papasok. Isang oras na lang at mag-uuwian na. Pumasok lang naman ako para tingnan kung pumasok ba si Winter. Pakiramdam ko kasi wala na ‘yung guilt na naramdaman ko sa kaniya. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng classroom namin. Kinakabahan ako. Namamawis na rin ‘yung kamay ko kaya ipinunas ko ‘yun sa pants ko. Baka kasi hanggang ngayon absent pa rin si Winter. Pero ng maisip ko na pumasok siya ngayon at nasa loob siya ng classroom ay bigla namang parang ayoko ng pumasok sa loob. Teka nga! Bakit ba? Parang siya lang, kailangan ko bang kabahan ng ganito? Diba nga, hindi na ako nagiguilty? Tama! Hindi na nga! Huminga muna ako nang malalim saka ko pinihit ‘yung door knob at pagkabukas ko, nakatingin sila sa’kin lahat pero nagulat ako kasi ibang mga mukha ‘yung nakita ko. Pati ‘yung teacher, hindi ko rin kilala. Nagtaka naman ako. Hindi naman sila ‘yung mga kaklase ko ah. "Ah... Mr. Primo, do you need something?" sabi sa’kin n’ong teacher. Napatingin naman ako sa letter na nasa taas ng pinto. Section A kami pero napatigil ako nang makita ko kung anong section tong pinasukan ko. Section B. Nanlaki ng onti ‘yung mata ko pero hindi ako nagpahalata na mali ‘yung napuntahan kong classroom. "N-Nothing. I'm just checking on someone." palusot ko saka ako umalis pero habang papaalis na ako ay nagtilian naman ‘yung mga babae doon. Tss! Palusot lang eh. Naglakad na ako papunta doon sa kasunod na classroom. Tumingin muna ako doon sa nakasulat sa itaas na letter. Eto na talaga. Classroom na talaga namin ‘to. Sa sobrang kaba ko kasi kaya ako nagkamali ng room na pinuntahan. Bakit ba kasi ako kinakabahan ng ganito?! Kaasar! Pero seryoso na. Binuksan ko ‘yung pinto at una agad na tiningnan ko eh ‘yung pwesto niya pero wala na naman siya doon. Nakatingin lang sa’kin ‘yung mga kaklase ko at pati na rin ‘yung teacher namin sa English na last subject namin. Bago pa makapagtanong ‘yung teacher namin eh lumabas na agad ako at isinara ‘yung pinto. Bakit parang mas lalong nadagdagan ‘yung bigat sa dibdib ko? "Kaasar talaga!" sabi ko sabay sipa ko doon sa pinto kaya lumagabog ‘yon. Naglakad na lang ako paalis. Ngayon ay nakasakay ako sa kotse ko kasama ‘yung driver ko. Nakasilip lang ako sa bintana. Nasa loob na kami ng village namin pero may nakita akong tao na ikinadahilan nang biglang pagpapapreno ko sa kotse. "Bakit po Sir?! May nangyari po ba?!" tanong ng Driver ko habang nakalingon siya sa’kin. Hindi ko na pinansin ‘yung tanong niya at dali-dali akong bumaba. "Winter Vasquez!" tawag ko doon sa babaeng mahaba ang buhok na pantalon at nakaT-shirt na black. Lumingon naman siya at humarap sa’kin. Sabi na nga ba at siya yon! Simple lang ang suot niya pero napatulala ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit gandang-ganda ako sa kaniya. Siguro kasi first time ko lang siyang nakitang hindi naka-uniform? "Bakit ka nandito?" tanong ko agad sa kaniya. Titig ang sagot. "May binisita ka lang ba?" tanong ko ulit. Titig ang sagot ulit. "Okay! Okay! Dito ka ba nakatira?" Sa wakas at sinagot niya ko sa pagtango niya. Dito pala siya sa village namin nakatira ngayon ko lang nalaman. ‘Di ko kasi siya nakikita kapag pumapasok ako sa school at umuuwi sa bahay. "Saan banda ka nakatira?" May tiningnan siya kaya tinignan ko rin ‘yon. Isang bahay ‘yon na katamtaman lang ang laki. "Aaahhh...Malapit lang ka lang pala sa’min." Mas nauuna pala ang bahay niya kaysa sa’min. Tumingin lang siya sa’kin. Napangiti naman ako ng ‘di sinasadya. Mukhang hindi na siya galit sa’kin kasi sinasagot niya ‘yung mga tanong ko kahit patango-tango lang. Buti naman... Hoooh! Nakahingang maluwag! Naglakad na siya paalis dahil napansin n’yang wala na kong maitanong sa kaniya. Sinundan ko naman siya. "Saan punta?" tanong ko ulit sa kaniya. Ewan ko pero nag-eenjoy akong kausapin siya ngayon lalo na't may sinabi na siya sa’kin dati. Nga lang, pinaiyak ko siya n’on. "Sir. Saan po kayo pupunta? Gusto n’yo po bang ihatid ko na po kayo?" tanong n’ong driver ko pagkalapit niya sa’min. Ipinarada niya muna ‘yung kotse sa gilid ng kalsada. Tumingin naman ako kay Winter pero nakatingin lang din siya sa’kin. "Ahhh..Ehhh... Hindi na. Hindi naman nagsasalita tong kasama ko kaya hindi rin natin malalaman kung san tayo pupunta,” sabi ko doon sa Driver ko. "Ahh ganun po ba Sir. Sige po. tawagan n’yo na lang po ako kapag magpapasundo na kayo." ngiting-ngiting sabi naman niya. Problema nito? Makangiti eh... Model ng toothpaste? Pagtingin ko dito sa katabi ko, wala na kaya naman hinanap ko siya. Aba't nauuna nang maglakad. Iniwan pa ko. Kaya naman hinabol ko siya. ‘Di pa naman siya gan’on kalayo kaya mabilis ko siyang nahabol. "Saan ka ba talaga pupunta hah? Sabihin mo na kasi. Nakakapagsalita ka naman , ‘di ba?" sabi ko sa kaniya habang nakapamulsa ako. (Silence...) Hay nako! Ang hirap talagang kausapin nitong isang ‘to. Paiyakin ko kaya ulet para magsalita. Joke lang... Ayoko nga! Baka ‘di na naman ako makatulog mamayang gabi. Sobrang hirap kaya n’ong dinanas kong ‘yon. Nakalabas na kami ng village eh lakad pa rin ‘to ng lakad tong kasama ko. Ang layo na ng nilakad namin! Mayamaya eh may dumaang jeep at tumigil ‘yun sa harap namin. Bigla namang sumakay doon si Winter tapos ako naman eh ‘di magkandaugaga sa pagsakay. Ngayon lang kasi ako nakasakay ng jeep sa tanang buhay ko. Simula bata ko kasi, meron na kong sariling driver na naghahatid-sundo sa’kin kaya hindi ko naranasang sumakay sa mga ganitong sasakyan. Pagkaupo namin, buti, walang masyadong tao sa loob. Nakakita na kasi ako ng ganitong jeep na puno ng mga tao kaya siksikan sila sa pag-upo. Bakit kaya sa ganitong sasakyan sumasakay tong Winter na to? Imposible namang mahirap lang siya dahil hindi siya makakapag-aral sa Primo High at magkakaroon ng bahay sa Village namin kung hindi talaga siya mayaman. Ang mysterious niya talaga! Pagtingin ko sa kaniya, ang layo n’ong inupuan niya dito sa inupuan ko. Dun pa siya sa pinakadulo ng jeep umupo. ‘yung malapit doon sa Driver. May katabi rin siyang lalaking mukhang ‘di mapagkakatiwalaan at nakatitig pa sa kaniya. Wala naman siyang kaalam-alam tungkol doon sa katabi niya kaya naman nilapitan ko siya. Dun muna ako umupo sa kabilang side at katapat ko sila. "Pwede bang umurong ka doon." malamig na sabi ko doon sa katabi ni Winter. Mukhang manyak ang gago! Nang papalag pa sana eh tinitigan ko nga ng masama kaya naman umurong na siya ng medyo malayo kay Winter. Lumipat ako ng upuan at tumabi ako kay Winter. Siya naman eh nakatingin lang sa unahan. Napakacareless talaga nitong babaeng ‘to! Kaya palaging napagtitripan sa school eh. "Dapat kasi sinabi mo na sa’kin kung saan ka ba talaga pupunta para nagpahatid na lang tayo sa Driver ko,” sabi ko sa kaniya ng hindi nakatingin. Nakita sa peripheral vision ko na nakatitig siya sa’kin kaya naman napatingin din ako sa kaniya. Napa-isip naman ako doon sa sinabi ko. "Oy! Kung iniisip mo na nag-aalala ako sa’yo at ayokong mapahamak ka sa pagsakay sa mga ganitong sasakyan, nagkakamali ka. Gusto ko lang na ano...na maexperience kung pano sumakay ng jeep. Yon! Yon nga." Nakatingin pa rin siya sa’kin kaya napatingin din tuloy ako sa kaniya. Ang ganda pala ng mata niya sa malapitan. Itim na itim tapos ang haba haba ng pilik mata niya. "Para!" Biglang prumeno tong jeep kasi biglang pumara ‘yung manyak na katabi niya kanina kaya nagkaroon ‘yon ng impact sa’ming mga nakasakay. At nangyari ang ‘di inaasahang mangyari. I accidentally kissed her... Nose! Dugudugudug.... dug ...dug... Dugudugudug.... dug ...dug... Anak ng teteng! Nagulat ako doon ah! Buti ilong lang niya ‘yung nahalikan ko! Kung hindi, baka masampal ako ng wala sa oras dito. Napayuko naman ako para maitago ang pamumula ko. "Sorry, ‘di ko sadya." nahihiyang sabi ko sa kaniya. Tumingin na ulit siya sa unahan. Walanjo talaga tong taong ‘to oh! Ni hindi man lang naapektuhan doon sa nangyari. Ako nga, parang sinilihan na ang mukha ko dito sa pamumula pero siya parang wala lang. Kaasar! Hindi dapat ganito ang image ko! Isa akong Bad boy! Dakilang Bully! Tama! Umayos ako ng umupo at tumikhim ng konti. Mayamaya, tumigil ulit ‘yung jeep at nagsakayan na ‘yung mga estudyante ng isang public school. Puro mga babae ‘yung mga sumakay. Hindi naman masyadong napuno ‘yung Jeep kasi ang konti lang nila. Mga lima lang silang sumakay. Cutting siguro tong mga ‘to. May klase pa eh. Parang ako, hindi ah. Nakauniform rin nga pala ko. Pagkaupo nila, nagdaldalan na agad sila ng kung anu-anong mga walang kakwenta-kwentang bagay. Hindi ako chismoso. Sadyang ang lalakas lang talaga ng mga boses nila kaya ‘di ko maiwasang marinig ‘yung mga pinag-uusapan nila. Konting sandali lang eh tumahimik na rin sila sa wakas pero nagtaka ako kasi biglaan ‘yung pagtahimik nila. Napatingin tuloy ako sa kanila. Pagkatingin ko, mga nakatingin rin sa’kin tapos mga nagkukurutan at nagsisikuhan. No’ng problema ng mga to? Kanina lang eh halos magsigawan na sila, ngayon naman mga nagsisikuhan. Ang hirap talagang intindihin ng mga babae! Para tong katabi ko. Para silang mga pang out of the world. "Kuya, bayad po...” sabi n’ong isa doon sa mga babae tapos parang inaabot niya sa’kin ‘yung mga barya. Talagang umusod pa siya palapit sa’kin. Nagtaka naman ako kung bakit binibigyan niya ko ng barya. "Bakit mo ko binabayaran ng barya? May binebenta ba ko sa’yo? O Muka ba kong pulubi? I have my own money. Bigyan pa kita. Gusto mo?" masungit na sabi ko sa kaniya one eyebrow raised. Napanganga siya doon sa sinabi ko. Nagbubungisngisan naman ‘yung mga kasama niya. Nang makabawi na siya eh lumipat siya ng upuan doon sa kabilang side at lumapit siya doon sa Driver. "Manong bayad ko po oh." padabog na sabi niya sabay bigay n’ong baryang ibinibigay niya sa’kin kanina. Ahhhh... Ganon pala ‘yon. Kuha ko na. Magbabayad pala doon sa Driver. Malay ko ba! Ngayon lang ako nakasakay sa ganito eh. Sa driver ko kasi, ‘di naman ako nag-aabot ng barya. Nang maisip ko ‘yon ay kumuha ako ng pera sa wallet ko at naglabas ako ng 1,000 peso bill. "Manong bayad ko..." ginaya ko ‘yung sinabi n’ong nagbayad kanina. "Wala ka bang barya iho?" tanong sa’kin n’ong Driver. "Wala. 500 lang,” sabi ko sa kaniya. "Barya kako iho, papel pa rin ‘yon eh..." nangangamot ng ulo n’yang sabi sa’kin pero nasa manibela pa rin ‘yung isa n’yang kamay. Magsasalita pa sana ako pero naglabas na ng barya si Winter at siya na ang nagbayad para sa’ming dalawa. Tss. Nagkautang pa tuloy ako sa kaniya. Tumigil ulit ‘yung Jeep sa tapat ng SM. Nagsibabaan na ‘yung mga estudyanteng babaeng nakasakay habang naghahagikgikan pa rin. Doon eh bumaba na rin si Winter pero ang ikinangiti ko ng abot tenga eh hinawakan niya muna ‘yung braso ko bago kami bumaba parehas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD