Chapter 13 - SuperMarket
~Russell~
"Dito ka lang pala pupunta,” sabi ko kay Winter pagkababa namin.
"Parang sasabihin mo lang na S.M eh. Sabihin mo nga, Sssss ehmmmmm..." pang-aasar ko sa kaniya.
Hindi niya na ako pinansin at naglakad na siya papasok ng mall. Psh!
Sumunod na ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit ko ‘to ginagawa ngayon. Feeling ko kasi sobrang saya ko n’ong nakita ko siya kanina at n’ong malaman ko na hindi naman pala siya galit sa’kin.
Siguro pambawe ko na rin ‘to doon sa pang-iinsulto ko sa kaniya.
Tama. Yon nga ‘yon. Wala ng iba period!
Bumabawi lang ako para mawala na ‘yung guilt na nararamdaman ko.
Nang nasa loob na kami ng Mall, sinabayan ko siya sa paglalakad.
Nagtitingin tingin lang ako sa paligid.
Walang masyadong tao kasi weekday ngayon.
May mga pasok sa school at trabaho ang mga tao.
Tumigil naman bigla si Winter sa paglalakad at tumingin sa’kin.
Napatingin rin ako sa kaniya.
Wala... Nakatitig lang siya sa’kin.
"Anong tinitingin-tingin mo? Hindi ako sumusunod sa’yo kasi gusto ko. May bibilhin din kaya ako dito." pagdadahilan ko sa kaniya.
Nahalata niya yata kasi na hanggang ngayon eh sumusunod pa rin ako sa kaniya.
"Hayaan mo, kapag nabaryahan na tong pera ko, babayaran kita doon sa pamasahe ko kanina,” sabi ko na lang sa kaniya.
Wala na kong maisip sabihin eh.
"Atsaka tigilan mo na nga yang habit mo ng pagtitig sa tao. Nakakapangilabot,” sabi ko pa sabay kuskos sa mga braso ko.
Pagkasabi ko n’on, naglakad na ulit siya.
Psh!
Pinagtitinginan kami ng mga babaeng nadadaanan namin o ako lang yata kasi iba ‘yung tingin nila kapag sa kaniya na.
Parang may gusto silang gawin na masama sa kaniya.
Pero ngayon, nagtataka pa rin ako sa kasama kong ‘to.
‘Di man lang nagreact doon sa pagkakahalik ko sa ilong niya kanina.
Kung ibang babae siguro yon, baka hinimatay na.
Hay... Ewan! Ewan at ewan!
Mayamaya, pumasok siya doon sa loob ng Supermarket.
Ahhhh... Maggogrocery pala siya.
Kumuha na siya ng cart at nagsimula na kaming mag-ikot-ikot dito sa loob.
Namimili lang siya ng mga bibilhin niya.
Mga gulay, mga meat at iba pang abubot na pagkain sa kusina ang mga kinuha niya.
Ako naman eh nagtingin-tingin rin.
Habang nagtitingin-tingin ako sa isang section kung nasaan rin siya...
"Miss. Wala ka bang kasama? Sama ka na sa’min. Siguradong mag-eenjoy ka sa pupuntahan naten." narinig kong sabi ng isang lalaki sa may bandang pwesto niya.
Napatingin naman ako doon at nakita kong napapaligiran na siya ng tatlong lalaki.
Hinawakan n’ong isa sa mga ‘yon ‘yung braso niya.
Halatang may malisya ‘yung paghawak niya.
Anak ng mukhang tukong yan!
Nag-init agad ang ulo ko sa nakita ko.
Lumapit ako sa kanila at kinulbit ko ‘yung nakahawak doon sa braso niya.
"Ako ang kasama niya. May problema ba kayo? Ako? ‘Di n’yo ba ko aaluking sumama? Gusto ko sana kasing mag-enjoy,” sabi ko sa kanila na parang nanghahamon.
Halatang mga nakadrugs ang mga ‘to kasi namumula ‘yung mga mata.
Bakit sila nagpapapasok ng mga ganitong tao dito?
"Eh g*go ka pala eh!" sabi sa’kin n’ong humawak kay Winter saka inambahan ako ng suntok pero nakailag ako saka ko naman siya inundayan ng suntok sa sikmura kaya tumalsik siya doon sa mga lagayan ng products at naglaglagan ang mga ‘yon sa kaniya.
Mga malalaking delata pa naman.
Eh bigsh*t eh!
Susuntukin ko pa sana ‘yung isa sa kanila pero nagsitakbuhan na silang dalawa at iniwan pa ‘yung kasama nilang nasuntok ko.
"Hoy! Hintayin n’yo ko!" sabi n’ong naiwan at padapa-dapa pang tumakbo pero nahuli siya ng mga guard.
`Yung iba naman eh hinabol rin ng iba pang mga security guard.
Nilapitan kami ng Manager n’ong Supermarket.
"Mam, Sir. Okay lang po ba kayo?" tanong niya sa’min.
May mga staff na na nagliligpit n’ong mga nahulog na mga delata.
"Yes. We're alright. Just capture that assholes and it is settled."
"Ahhh.. Yes Sir.. We're really sorry Sir,” sabi n’ong manager na parang nabunutan ng tinik.
Pero ng makita niya ‘yung I.D ko, nanlaki ‘yung mata niya.
"I-Ik-kaw ba ‘yung a-anak ng may-ari ng P-P-Primo High?" sabi niya sa’kin na utal-utal at parang ‘di makapaniwala.
"Oo." maikling sagot ko sa kaniya na para namang ikakahulog niya pero hindi niya itinuloy.
Mayamaya..
"Security! Hulihin n’yo ‘yung tatlong lalaking nanggulo dito sa Supermarket! Kahit anong mangyari, Hulihin n’yo sila. Naiintindihan n’yo ba?" sabi niya doon sa mga lumapit sa’ming mga security guards.
Tss!
Nginitian niya ko pero hindi ko na siya pinansin.
Naglakad na paalis si Winter at sinundan ko naman siya.
Bakit parang kung umakto ang isang ‘to eh parang walang nangyari sa kaniya.
Pati pala sa mga ganitong bagay, gan’on pa rin siya.
Haaayyyy! Ngayon lang talaga ako nakakita ng ganitong tao...
Ngayon lang talaga!
Nagikot-ikot na ulit kami at nang makuha na niya ‘yung mga kailangan niya eh naglakad na kami papunta sa Cashier section.
Pero habang papunta kami doon eh bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya nabangga ko ‘yung likod niya.
Hindi kasi ako nakatingin sa harapan ko kaya hindi ko napansin na tumigil pala siya sa paglalakad.
Bigla na naman siyang tumingin sa’kin sabay tingin sa kamay ko.
Naintindihan ko naman ‘yung ibig n’yang sabihin kaya dumampot na ako ng kung anong madampot ko na maliit na box doon sa gilid namin.
"Eto ‘yung bibilhin ko oh. Kala mo naman dyan."
Inalog alog ko pa ‘yung box na hawak ko pero siya nakatingin pa rin sa’kin.
"Bilisan mo, pumila ka na. Baka maunahan ka pa,” sabi ko sa kaniya at naglakad na ulit siya.
Hoooh! Buti naman!
Nang nasa Cashier na kami, nauna siyang magbayad sa’kin.
Habang pinapunch ‘yung mga pinamili niya eh nagtitingin-tingin ako sa paligid.
Matagal na kasi akong hindi nakakapasok sa mga Supermarket eh.
Nang makabayad na siya eh ako na ‘yung magbabayad.
Inabot ko doon sa cashier ‘yung maliit na box na nadampot ko at naghalungkat ako sa wallet ko ng pera.
Nang iaabot ko na ‘yung 1000 pesos ko, nakatingin lang sa’kin ‘yung cashier pati ‘yung kasunod kong babae na may bitbit na baby.
Nagtaka naman ako.
Pagtingin ko doon sa nadampot ko na maliit na kahon...
Anak ng bullsh*t yan!
Feminine Wash!
Bigla naman akong namula n’ong mapagtanto ko kung nasa anong sitwasyon ako ngayon.
Nakita ko naman si Winter na papaalis na dala ‘yung mga pinamili niya.
Kaasar!
Pano na ‘to ngayon!
Naka uniform pa naman ako ng Primo High tapos ito ‘yung bibilhin ko!
Binigay ko na lang ‘yung pera doon sa cashier habang siguradong namumula ako.
Nahalata ko naman na parang natatawa ‘yung cashier pagkabigay niya sa’kin ng sukli ko.
Bullsh*t talaga oh!
Hindi ako nagkaron ng lakas ng loob para komprontahin ‘yung cashier dahil sa sobrang hiya ko kaya umalis na ako dala ang FEMININE WASH na nabili ko.
GRRRR...
Sa lahat naman ng madadampot ko, ba't ‘yun pa?!
Agad-agad kong tinapon ‘yung Feminine Wash sa basurahan na nakita ko.
Kinilabutan pa ko ng maalala ko ‘yung nangyari kanina.
Pero teka, nasaan na ‘yung Winter na yon?
Ang hilig mang-iwan!
Nagikot-ikot ako sa mall para hanapin siya.
Hindi ko pa naman alam kung pano bumalik sa Village namin.
Naiwan ko kasi ‘yung phone ko sa kotse kaya hindi ko rin matatawagan ‘yung Driver ko para sunduin ako.
Nagtingin-tingin ako sa paligid then Boom!
Nakita ko rin!
Buti naman!
Hilong-hilo na ako sa pagfhahanap sa kaniya eh.
Nasa may tapat siya ng isang Vase shop.
Nakatayo lang siya sa labas ng shop na ‘yon at nakatitig doon sa Vase na nakadisplay.
Lumapit ako sa kaniya pero habang papalapit ako sa kaniya, mas lalo ko ring nakikita ang lungkot sa mga mata niya.
Para siyang nangungulila.
Nagulat naman ako sa nakita ko.
No’ng last week ko lang nagsimulang makita ‘yung ganitong side niya.
Tumabi ako sa kaniya at tiningnan ko rin ‘yung tinititigan niya.
Wow! Ang ganda naman ng Vase na ‘to.
Medyo malaki siya tapos ang ganda n’ong design.
Flurry Snowflake Vase siya.
Kung titingnan mo, talagang mapapahanga ka kasi ang ganda nang pagkakagawa.
Marunong akong tumingin ng mga ganito kasi mahilig ang mommy ko sa mga vase.
Tatanungin ko na sana siya kung anong meron sa vase na ‘yon pero biglang may nagsalita.
"Ahh. Ma'am, Sir., Ang swerte n’yo po sa araw na ‘to dahil may 50% discount po kami ngayon sa mga products namin. Pasok po kayo sa loob para po mas makita n’yo nang maayos tong mga products namin,” sabi n’ong saleslady pagkalabas niya sa shop nila kaya napatingin ako sa kaniya.
Nang makita niya naman ako eh bigla siyang napasinghap at kumislap ‘yung mga mata niya sabay ngumiti ng malawak.
Tss. Not this again.
Tumingin naman ulit ako kay Winter pero balik na naman sa dati ‘yung mga mata niya.
"Oh! Miss! `’Di ba, ikaw parati ‘yung nandito at tinitignan tong vase na ‘to. Halos araw-araw nandito ka ah,” sabi n’ong saleslady sa kaniya.
Napatingin naman siya sa’kin tapos bigla na lang siyang tumalikod at naglakad paalis pagkasabi n’ong saleslady n’on.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang naglalakad siya paalis.
Naisip ko na baka may kung ano dito sa vase na ‘to kaya niya binabalik-balikan ‘to.
Kaya naman...
"Ms. Magkano tong vase na to? I'll buy it,” sabi ko doon sa saleslady habang nakatingin ako sa kaniya na naglalakad palayo.
Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad.
"A-Ahh, 80,000 po. Ito kasi ang Snow Vase na gawa ng isang kilalang kilalang potter,” sabi sa’kin n’ong saleslady.
"So, 160,000 pesos kung walang discount? Kahit tanggalin n’yo pa ‘yung discount, bibilhin ko..."
Initsa ko ‘yung Black Card ko doon sa saleslady.
Nanlaki naman ‘yung mata niya n’ong nakita niya ‘yung Black Card ko at natulala siya doon.
"Ibebenta mo ba ‘yan o hindi?" tanong ko sa kaniya na naiinip kasi naman kanina pa siya nakatulala doon sa card ko.
"A-Ahh o-opo Sir!" sabi naman niya na mukhang tuwang-tuwa.
Bigla namang may humawak sa kamay ko na parang hinihila ako paalis kaya napatingin ako kung sino ‘yon.
Si Winter.
Nakayuko lang siya habang hinihila ako.
Para siyang batang nag-aakit umuwi.
"Oh? Bakit? Akala ko ba aalis ka na? Ba't ka bumalik?" tanong ko sa kaniya saka ko naman hinawakan ang kamay niya para alisin sa pagkakahawak sa braso ko pero napatigil ako saglit nang mahawakan ko na ‘yung kamay niya.
Ang lambot.
Tsaka para akong nakuryenta na dumaloy sa mga kamay ko.
Dugdugdugdugdugdug...
Ito na naman ‘yung puso ko.
‘Di ko na naman maintindihan.
Binitawan ko na agad ‘yung kamay niya nang makita kong papalapit na sa’min ‘yung saleslady.
Pagkalapit niya sa’min, ngiting-ngiti lang siya.
"Ahhh.. Mr. Gino Russell Primo, gusto n’yo po bang ipadeliver na lang tong product?" tanong niya sa’kin tapos tumingin din siya sa katabi ko.
"Ahhhhh... S-sure. Alangan namang bitbitin namin ‘yan habang naggagala dito sa mall..." pamimilosopo ko sa kaniya para mawala ‘yung weird na nararamdaman ko.
"Sige po, pakisulat na lang ng address kung saan namin ‘to ipapadeliver at ito na rin nga po pala tong Card n’yo tsaka papirma na lang po dito..."
Inabot sa’kin n’ong saleslady ‘yung papel at ballpen kasama ‘yung Card ko.
Si Winter naman, nakayuko lang sa tabi ko.
Umaatake na naman ang kawirduhan niya.
Pagkatapos kong isulat ‘yung address at pinirmahan ko ‘yung pinapapirmahan sa’kin eh binalik ko na ‘yung papel doon sa saleslady.
"Thank you po Sir! Have a nice day!" sabi niya saka ngumiti ulit ng malawak.
Sabay kaming lumabas ni Winter doon sa shop.
Tahimik lang siya at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
"Saan tayo sunod na pupunta? Gusto mo, kumain muna tayo? Gutom na ko—”
"Bakit binili mo yon? Alam ko namang hindi mo gusto ang mga bagay na gan’on,” sabi niya kaya ‘di ko natapos ‘yung sinasabi ko.
"Sa lahat ng bibili n’on, bakit ikaw pa?" sabi niya ulit sa’kin habang nakayuko saka naglakad na palayo.
Napanganga naman ako.
Hindi ko ineexpect ‘yon ah.
Sandali lang akong napatulala at maya-maya rin ay sumunod ako sa kaniya.
"Alam mo ba kung bakit ko binili yon?"
Magkasabay na kaming maglakad.
"Cause I don't want it to be bought by someone else,” sabi ko sa kaniya na hindi nakatingin...
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na napatingin siya sa’kin.
Tss.
Importante talaga sa kaniya ‘yung vase na ‘yon.
Ang haba n’ong sinabi niya eh.