Chapter 14

1955 Words
Chapter 14 - What Exactly Happened? ~Russell~ Nasa bahay ako ngayon at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa vase na binili ko kanina. Address ko kasi ‘yung inilagay ko doon sa papel na ibinigay sa’kin n’ong saleslady. Plano ko naman talagang ilagay ‘yung address ni Winter pero ‘yung akin na lang ‘yung nilagay ko kasi baka kung ano pang isipin niya. Baka sabihin niya may gusto ko sa kaniya! Pero ngayon namomroblema talaga ako sa vase na ‘to. Marami namang espasyo dito sa bahay na mapaglalagyan nito pero binili ko naman talaga ‘to para talaga sa kaniya kasi kitang-kita ko sa mata niya kanina na parang may kung ano para sa kaniya tong vase na ‘to. Hindi naman sa nagmamalasakit ako sa kaniya at concern pero parang may nagtutulak lang sa’kin na gawin ‘yung bagay na ‘yun sa kaniya na kahit kailan eh hindi ko ginagawa sa kahit kanino. Napatingin ulit ako doon sa Vase... Isiiiiiiippp... Isiiiipppp... Ting! (A Good Idea!) Kinuha ko ‘yung phone ko sa bulsa saka ko dinial ‘yung number ng Driver ko. Kriiiing... Kriiiing... Kriiiing... "Ah Hello Sir. Russell. May kailangan po ba kayo?" tanong n’ong Driver ko sa kabilang linya. "Pick it up again after three rings and you're fired,” sabi ko ng seryoso sa kaniya. "Sorry po Sir." "Anyway, I want you to do something,” sabi ko na iba na ‘yung tono ko. ‘yung parang naeexcite. "Ah sige po. Ano po ba 'yon?" sabi niya naman na parang nagtataka. "Ganito. Blah... Blah .. Blah..." Sinabi ko na ‘yung mga dapat n’yang gawin at pagkatapos kong ipaliwanag sa kaniya eh pinatay ko na ‘yung tawag. (After 10 minutes) "Oh ano? Nagawa mo ba ‘yung pinapagawa ko? Nadala mo ba ‘yung Vase sa bahay niya? Tinanggap niya ba? Anong sabi niya? Galit pa rin ba siya sa’kin?" sunod-sunod na tanong ko sa Driver ko pagpasok na pagpasok pa lang niya ng pinto. Kanina pa kasi ako paikot-ikot dito at hinihintay ko na dumating siya. "A-Ahhh...Opo Sir. Sinunod ko ‘yung sinabi n’yo. Ako na po ‘yung nagpasok sa loob ng bahay niya,” sabi niya sa’kin na ngiting-ngiti. "Anong sabi niya?" tanong ko sa kaniya na excited na excited. "Wala po...” sabi niya na ikinakutos ko naman sa sarili ko. Nga pala. Hindi nga pala siya mahilig magsalita sa ibang tao. Bigla naman akong napaisip. Ibig sabihin, ako pa lang ang kinakausap niya? Napangiti naman ako ng ‘di sadya sa naisip ko na ‘yon. Napatingin naman ako sa Driver ko na ngayon eh nakikingiti rin. "O bakit nandito ka pa? Okay na. Wala na kong ipapagawa,” sabi ko sa kaniya ng pasungit. "Ah sige po Sir. Mauuna na po ako,” sabi niya saka lumabas na. Hmm.. Sigurado bukas. Hindi na galit sa’kin ‘yun. Mwehehehe... Papasok na sana ako ng kwarto ko pero narinig ko na may nagbukas ng pinto. "Yes! Yes! Finish that this week because we need to polish the details about our project in Bohol. Of course! Yes! Set a meeting so we can talk about it." narinig kong sabi ni Dad. May kausap siguro siya sa phone niya. Sumilip ako sa baba para tignan si Dad. Nasa second floor kasi tong kwarto ko. Nakita niya ako na nakatingin sa kaniya pero hindi niya na ako pinansin at tuluyan ng pumunta sa may office niya. Tss! A great Dad, isn't he? ‘Di ko na lang pinansin ‘yung nangyari dahil lagi namang gan’on dito sa bahay na ‘to. Strangers ang tingin sa isa’t isa. Pumasok na ako ng kwarto ko at maagang natulog. *—***—* Kinabuksan... (P.E Time) "Okay class... Bumuo kayo ng grupo na may limang miyembro dahil magkakaroon tayo ng labanan sa batohang bola. Kung sino ang mananalo sa lahat ay siyang may pinakamataas na grade. Okay ba yon?" sabi ng P.E teacher naming si Sir. Roger na may hawak na bola. Tss. Ayokong sumale. Pagpapawisan lang naman ako dyan. Umupo na lang ako sa may upuang monoblock na medyo malayo doon sa court. "Oh! Russell! Wag mong sabihing hindi ka na naman sasale sa activity natin ngayon?" lumapit sa’kin si Sir. Roger na kunot ang noo. Hindi naman siya mukhang galit kasi sanay na siyang hindi ako sumasali sa mga pinapagawa niya. Hindi ako nagsalita. "Uy! Ang sabi ko, hindi ka na naman ba sasali?" sabi niya pagkakulbit niya sa’kin kasi hindi ako tumitingin sa kaniya. "Sabi mo, wag kong sabihing hindi na naman ako sasali, eh hindi naman talaga ako sasali..." Napa-isip naman siya saglit... "Sinabi ko ba yon?" kamot ulo niya pang sabi. "Ah! Basta! Bahala ka.. Masaya pa naman sigurado tong laro n’yo ngayon. Sige ka. ‘Di mo maeenjoy ang buhay teenager mo kapag masyadong mong binabagot ang sarili mo." "Okay lang. Mahaba pa naman buhay ko...” sabi ko sa kaniya ng hindi nakatingin. "Ikaw talaga..." ginulo niya pa ‘yung buhok ko bago bumalik na ulit siya doon sa mga kumpulan n’ong mga kaklase ko. Napangisi na lang ako... Nagtataka siguro kayo kung bakit ‘di ako nairita doon sa ginawa niya no? Kasi parang siya na ang tumatayong pangalawa kong tatay dito sa school. Komportable ako sa kaniya at minsan, pumupunta pa siya sa bahay namin para lang kamustahin ako pag napapadalas ang ‘di ko pagpasok sa school. Naiintindihan niya rin ang ugali ko. Ganon ang gusto ko sa isang tatay... May malasakit sa’kin at naiintindihan ako. "Ah... R-Russell..." biglang may nagsalita sa harapan ko na na nagpatigil sa pag-iisip ko nang malalim. Apat na babae ngayon ang nakatanga sa’kin. Mga nakatulala lang sila sa’kin. Naghihintay ako na may sabihin sila pero wala namang nagsasalita sa kanila. Talagang mga nakatingin lang sila sa’kin. "What?!" sigaw ko sa kanila na ikinagulat nilang apat. Umayos naman sila ng tayo. "Ah kasi... P-pwede ka bang sa’min ka na lang?" sabi n’ong isa sa kanila. ... ... ... "Sorry pero may sarili akong bahay at ‘di mo ko pwedeng iuwe." "Ahh.. Hindi ‘yun Russell pero pwede na rin. What we mean eh kung pwede ka ba naming maging kagrupo kasi wala ka pang kagroup , ‘di ba?" sabi naman n’ong isa na may maikling buhok. Napataas naman ang kilay ko. "I don't want to...Pero teka, sino ba kayo ha?" naiiritang tanong ko sa kanila. Nanlake naman ‘yung mga mata nila sa tanong ko. `Yung isa naman, umarte pa na parang mahihimatay at sinalo naman siya ng mga kasama niya. No’ng problema ng mga to? "Hindi mo kami kilala Russell?" sabay-sabay nilang sabi pwera doon sa isang mukhang mahiyain na ikinatakip ko naman ng tenga. "Magtatanong ba ko kung alam ko?" "Magkakaclassmate tayo simula n’ong second year pa lang pero fourth year na tayo at ‘di mo pa rin kami kilala? How cruel you are!" sabi n’ong nag-inarteng nahimatay. Siguro, siya leader ng mga ‘to. Siya pinakamaarte eh. Ano ba to?! Nakakairita na tong mga ‘to! Nuisances! "Sige. Sasabihin ko mga pangalan namin para maalala mo kami. I'm Cherry (turo niya sa sarili niya) She's Kiyu (turo niya naman doon sa maikli ang buhok. Tanda ko siya. siya ‘yung kinuhanan ko ng cellphone para pagbintangan si Winter.) That's Sophia (yung mahiyain naman ang tinuro niya na hindi man lang makatingin sa’kin) and last, Ellalene (lumapit sa’kin ‘yung blonde ang buhok para makipag shake hands pero ‘di ko siya pinansin)" "And we are The Pretty Girls!" sabay-sabay nilang sabi at nagformation pa sila na parang mga ewan lang. Napatakip ulit ako ng tenga. Anak ng! Ang titinis naman ng mga boses ng mga ‘to! Nabibwisit na talaga ako sa mga ‘to ha. Kung makipag-usap sa’kin, kala mo mga close kami. Susungitan ko na dapat sila pero biglang pumito si Sir. Roger na ikinatingin naman naming lima sa kaniya. "Girls! May nahanap na ba kayong kagrupo n’yo? Meron pa ditong isa na walang kagrupo oh,” sabi niya sa kanila. "Pero Sir—!" "No buts! Sige na. Magsisimula na tayo oh!" Nagdadabog na umalis sa harap ko ‘yung tatlo. `Yung isa naman, tumingin pa muna sa’kin at ngumiti na parang nahihiya bago sumunod doon sa mga kasama niya. Pero napaisip ako nang may maalala ako. Ahh! Sila ‘yung apat doon sa Canteen! `Yung tatlo ‘yung nanabunot kay Winter at ‘yung isang mahiyain ‘yung gustong umawat. Kaklase ko pala sila. Ba't ‘di ko alam? Tss! Nevermind. ‘Di naman sila importante. Nagsimula nang pumwesto sa court ‘yung mga kaklase ko habang ako eh prenteng nakaupo lang dito ng naka dekwatro pa. Unang naglaro ‘yung apat na maarteng babaeng ‘yon kasama ‘yung ipinagrupo sa kanila ni Sir. Roger. Mga nakabusangot mga mukha nila. At ang kalaban naman nila ehhhh.... Napatingin naman ako sa kalaban nilang grupo. Nandon si Winter! At puro lalaki mga kagrupo niya. Nandon din si Carlo. ‘yung aanga-anga sa room namin. Parang nagsisi ako na hindi ako sumali sa kanila. Kaasar! Pumito na si Sir. at nagsimula na ‘yung laro. Nakita ko sa mukha n’ong apat na maaarte na mukhang ang pinupuntirya nila ay si Winter pero tatlo lang talaga ‘yung maaarte kasi mukhang mahiyain ‘yung isa. Well, birds with the same feathers flock together nga , ‘di ba. Halatang-halata ko na talagang si Winter ‘yung tinatarget nila kasi kung saan ‘yung direksyon ni Winter eh doon nila binabato ‘yung bola. Pero ang nakakamangha doon, imbis na matamaan si Winter, ang mga kasama niya ‘yung tinatamaan. Naglalakad lang siya ng naglalakad ng pabalik-balik pero hindi siya tinatamaan ng bola... Woooow! May powers ba siya na nakakapag-predict? O baka naman sadyang tanga lang bumato ‘yung tatlo? Siya na lang ‘yung natira sa grupo nila at pati na rin ‘yung Carlo. Tumingin ako doon sa tatlo. Gitil na gitil na sila pero hindi pa rin siya tinatamaan. `Yung isang mahiyain, hindi man lang siya humahawak n’ong bola. Nakatayo lang siya doon at pinapanood ‘yung mga kasamahan niya na nagbabato ng bola. Nagulat ‘yung apat ng kunin n’ong isang kasama nila ‘yung bola. Lalaki ‘yon at mukhang hindi maganda ang naiisip n’yang gawin. Nakangisi siya na parang aso. `Yung tatlo naman, mukhang mga nakahanap ng kakampi sa pagkakangiti. Matalas na tiningnan si Winter n’ong lalaking ‘yon na may hawak ng bola. Si Winter naman.. Sinimulan na n’yang paikutin ang braso n’yang may hawak ng bola at pagkalakas lakas na ibinato kay Winter. Napatayo naman ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong itulak si Winter paalis doon sa kinatatayuan niya dahil siguradong pag tinamaan siya ng bola eh baka may mangyaring masama sa kaniya. Tatakbo na sana ako pero medyo malayo ako sa kanila. Mas binilisan ko pa ang takbo ko. Malapit ng tamaan ng bola si Winter. Pinulspeed ko na ang takbo ko pero napatigil ako ng makarinig ako nang malakas na lagapak... Napatingin ako sa pwesto niya. Napahiyaw naman nang malakas ‘yung mga kaklase naming babae at napa woow naman ‘yung iba... Pagtingin ko, nakahiga na si Winter at nakadagan siya kay Carlo. What exactly happened?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD