Chapter 18

2781 Words
Chapter 18 - Smile ~Russell~ Nagpanic ako nang sobra. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tatawag ba ko ng ambulansya? Dadalhin ko na ba si Winter sa hospital? Tama! Ospital! Hindi na kasi maganda ang kalagayan niya ngayon. Nagpapawis siya masyado at namumutla na rin siya. Kinuha ko ‘yung cellphone ko sa bulsa ko para tumawag ng ambulansya pero bigsh*t naman oh! Deadbat ako! Nag-isip ako ng ibang paraan. Kung hindi ko mapapapunta dito ang ambulansya, wala akong magagawa kundi ako mismo ang magdala sa kaniya sa ospital. Lumapit ako sa kaniya at binuhat ko siya. Bigla naman siyang numulat. Hinang-hinang tumingin muna siya sa paligid niya at pagkatapos ay sa’kin. ~Winter's First Ever P.O.V~ Ang init ng pakiramdam ko Ramdam ko rin ang mga pawis na tumatagaktak sa noo ko. Pati hininga ko, mainit din. Minulat ko ng konti ang mga mata ko pero mabibigat ang mga ‘yon. Naalala ko bigla ‘yung mga nangyari kanina. `Yung pag-iyak ko sa dibdib n’ong katabi ko sa classroom. Siya ‘yung mahilig mambully sa’kin, si Russell. Mayamaya ay biglang sumakit ang ulo ko na parang binibiyak kaya napaungol ako. Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon. May bigla akong naramdamang umupo sa gilid ko kasi gumalaw ‘yung kama. Gusto kong tingnan kung sino ba ‘yon pero hindi ko talaga kayang imulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko, sobra akong nanghihina. Naramdaman ko ring may dumikit sa noo ko pero bigla rin namang nawala ‘yon at naramdaman kong tumayo na ‘yung umupo sa gilid ko kanina. Pipilitin ko sanang makatayo dito mula sa pagkakahiga ko pero may biglang bumuhat sa’kin. Naramdaman ko ang matigas n’yang dibdib at mga braso. Nagkaroon ako ng konting lakas para maimulat tong mga mata ko. Gusto kong makita kung sino tong bumuhat sa’kin. Bumungad sa’kin si Russell na alalang-alala. Napatingin din ako sa paligid at nagtaka ako kung bakit ako nandito sa isang kwarto kasama siya pero hindi ko pinakita sa kaniya ang pagtataka ko. "Later, I will explain it. Kelangan muna kitang dalhin sa ospital." seryosong sabi niya at halata kong natataranta siya pero nang marinig ko kung saan niya ko dadalhin ay itinulak ko siya at nabitawan niya ko sa may kama. "F*ck!" napamura siya dahil sa ginawa ko. Pinilit kong umupo ako at yumuko. "Mommy! Please wag mo kong iwan! Please!" bigla ko na namang naalala ang nakaraan ko. Ang napakasakit na nakaraan ko sa lugar na tulad n’on na kahit kailan ay ayoko nang maalala pa. Sinubukan niya na naman akong buhatin pero itinutulak ko lang ulit siya. Naluluha na naman ako pero pinipigilan ko. "Don't be stubborn in this kind of situation! Your life is at stake here so stop it and let me bring you to the hospital!" sigaw niya sa’kin pero hindi pa rin ako nagsasalita. Nanatili akong nakatungo. Sumakit lalo ang ulo ko at nahihirapan na rin akong huminga. "Ayoko doon. Please... Wag sa ospital." nanghihina kong sabi sa kaniya na hindi tumitingin. Sinubukan niya ulit akong buhatin pero katulad kanina, tinutulak ko lang siya palayo. "Ano ba?! Are you that eager to die?!" sigaw niya ulit sa’kin at dahil doon ay hindi ko na nakayanang itago pa ang emosyon ko. "Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa pumunta sa lugar na 'yon!" I mean what I've said. Kahit na mamatay pa ko ngayon, hinding-hindi ako pupunta sa lugar na ‘yon kung saan nakatago ang madidilim kong mga alaala. Hinding-hindi. Tumingin naman siya sa’kin na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Hindi ko siya masisisi. Hindi niya alam kung bakit ako nagkakaganito. Walang nakakaalam kung ano ang dinanas ko noon para maging ganito ako ngayon. No one knows and I know that no one will care. "Lahat na lang takot ka! Takot kang magsalita! Takot kang lumaban! Magalit! Ngayon, ospital?! Be reasonable naman Winter! It's your life we are talking about here kaya itigil mo na yang pagiging duwag mo!" Nabigla ako sa mga sinabi niya. Parang may tumagos na kung ano sa puso ko nang marinig ko ang mga ‘yon. Para ring may pilit na nagbubukas ng puso ko na matagal ko nang kinandado at kinulong sa kadiliman. Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang dahilan kung bakit ayoko sa lugar na ‘yon pero sa huli ay naisipan kong sabihin na rin sa kaniya. "My mom died in a hospital because she was murdered when I was young." nahihirapan ako na sabihin ang mga ‘yon dahil malinaw pa sa aalala ko ang nangyari no'ng araw na ‘yon. Ayokong maalala pero ngayon ay nagbabalik sa’kin ang lahat. Flashback... Nasa loob kami ng ambulansya ng araw na iyon. Punong puno ng dugo ang damit ko n’on pero hindi ko iyon iniisip dahil n’ong mga oras na ‘yon ay nasa harap ko si Mommy at naghihingalo na siya. Marami siyang saksak sa kaniyang katawan ngunit maswerte dahil hindi siya nawalan ng buhay sa mga ‘yon. Kasama ko ang nakatatanda kong kapatid doon sa loob at patuloy na tumutulo ang mga luha niya. Ako naman ay iyak na rin ng iyak. "Tumigil ka nga sa kakaiyak mo! Wala kang karapatan dahil ikaw ang may gawa ng lahat ng ‘to! Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari ‘to!" sigaw sa’kin ng nakatatanda kong kapatid. Nasaktan ako nang sobra sa sinabi niya at talaga namang tumatak sa murang isip ko ang mga salitang ‘yon. Nakita namin na medyo minumulat ni Mommy ang mga mata niya kaya dali-dali kaming lumapit sa kaniya. "Mommy!" sigaw ko habang humahagulgol ng iyak. "M-mga an-anak... M-ma-hal na m-mahal nam-min k-kayo ng da-ddy n-nyo ha..." hinawakan niya kami pareho sa mukha ni Ate. Hinawakan rin namin ang kamay niya na puno ng dugo. "P-pasensya na k-kung iiwan n-namin ka-yo..." pilit na tinatapos niya ang bawat salitang sinasabi niya. Humagulgol na ang ate ko at tuloy tuloy naman ang agos ng mga luha sa mga mata ko. "Mmy, wag kang magsalita nang gan’yan ha. Malapit na tayo sa ospital. Gagamutin ka doon ng mga doktor. Please! 'Wag mo rin kaming iwan. Hindi namin kaya na pati ikaw, mawala sa’min. Please Mommy! Nakikiusap ako sa’yo. Lumaban ka ha." Lalo akong naiyak sa mga naririnig ko sa ate ko pero nginitian lang kami ni Mommy at bumagsak na ang mga kamay n’yang nakahawak sa pisngi namin. "Mommy!" sigaw namin pareho. Inasikaso siya n’ong dalawang nurse na kasama namin dito sa loob ng ambulansya. Nangangatal ako. Nangangatal ako dahil sa takot na baka tuluyan na nga kaming iwan ni Mommy gaya ng sabi niya. Buti na lang at nakarating din agad kami sa ospital. Sinubukan siyang gamutin ng mga doktor doon sa Operating Room. Katabi ko noong nakaupo sa upuan sa tapat ng operating room ang ate ko at pareho kaming naghihintay sa paglabas ng doktor. Patuloy pa rin siyang umiiyak. "A-ate..." gumagaralgal ang boses kong tawag sa kaniya. Tiningnan niya ko nang masama at kitang-kita ang pamamaga ng mga mata niya. May sasabihin sana siya pero biglang lumabas ang doktor kaya n’ong tinawag kami nito, dali-dali kaming tumayo. Tinanong naman agad siya ni ate kung kamusta na ang kalagayan ni mommy. No’ng mga panahon na yon, umaasa ako na magandang balita ang sasabihin niya sa’min pero... "I'm sorry to say pero hindi niya na kinayanan ang operasyon. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kaniya. I'm sorry." malungkot na sabi sa’min nito na ikinasinghap ko. Ang ate ko naman ay napahawak sa kaniyang bibig at napahagulgol nang malakas. Tinapik pa siya n’ong doktor sa balikat niya saka ay umalis na. Hindi pa noon nagsink-in sa isip ko kung ano bang nangyayari pero nang maisip ko na ito ay napahagulgol na rin ako. Hindi ko inaakala na mangyayari ang lahat ng ‘to sa’min... sa’kin. "Ate... I'm sorry! I'm sorry..." humahagulgol na sabi ko sa ate ko. Tumingin naman siya sa’kin na puno ng luha ang mga mata niya. "Sorry? Sorry?! Mabubuhay ba ng sorry mo sila mommy at daddy ha?! Alam mo, dapat sa’yo na lang nangyari ‘to eh! Ikaw na lang dapat ang namatay at hindi sila mommy!" sigaw niya sa’kin at bakas na bakas sa boses niya ang matinding galit.. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napatakip naman siya ng bibig. Tuloy na tuloy na umagos lalo ang mga luha ko. Ilang sandali lang ay umalis na siya sa harapan ko at iniwan na akong mag-isa doon. Napaupo naman ako sa sahig. Pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan dahil nakatulala lang ako. Punong puno ng guilt ang puso ko n’on at lalo pang nadagdagan ‘yon sa mga sinabi ng kapatid ko. Matagal na oras lang akong nakaupo doon at nang ilabas na ang katawan ni mommy mula sa operating room ay tumayo ako sa pagkakaupo ko at tiningnan ko ang mommy ko. Nakataklob na siya ng kumot. Nanginginig ang kamay kong tinanggal ang nakataklob sa mukha niya at napahagulgol akong muli ng masilayan ko ang wala ng buhay kong ina. "M-mommy... H-hindi. H-hindi ka pa patay , ‘di ba? Gumising ka na Mommy... Imulat mo yang mga mata mo." hanggang ngayon ay kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng ito. Na natutulog lang ang aking ina sa harap ko ngayon pero hindi siya gumagalaw. Hindi niya minumulat ang mga mata niya. "M-mommy naman eh. W-wag ka na ngang m-magjoke dyan... Alam kong nagtutulugtulugan ka lang... D-diba b-buhay ka pa?... Diba hindi mo ko iiwan? Kung galit ka sa’kin dahil sa sinabi ko sa inyo kanina, sorry na ha kaya tumayo ka na dyan at umuwi na tayo..." Unti unti nang nagsisink in sa’kin ang sitwasyon ngayon... Na kahit anong gawin kong paggising sa kaniya ay alam kong hindi na siya mumulat pang muli. Na hindi ko na makikita ang mga ngiti niya sa’kin at hindi ko na mararamdaman pa kahit kailan ang mapagmahal n’yang mga haplos. Hindi ko na rin maririnig pa ang malambing n’yang boses. Niyakap ko siya nang mahigpit habang nakahiga siya. Nagsimula na namang mag-unahan sa mga mata ko ang mga luhang hindi maubos ubos. "Mommy! Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya yon! Wag mo na kong iwan please! Ayoko! Ayokong iwan mo ko... Isama mo na lang ako Mommy kung nasaan man kayo ni Daddy, wag n’yo lang akong iwan! Please... " patuloy akong umiiyak at nagsosorry sa kaniya. At ng araw na yon, kasamang nawala ni Mommy ang buhay ko. Nabuhay na kong parang isang patay na walang nararamdaman. I'm a living dead. Ang tanging naiwan sa’kin ay sobrang kalungkutan at pagdadalamhati. Flashback ends... Nang bumalik sa’kin ang mga alaalang ‘yon ay kasabay n’on ay pagbalik din ng pagluluksa at pagsisisi sa puso ko. "Kung babalik ako sa lugar na yon, babalik sa’kin ang mga alalang dati ko pang gustong takasan. So please... 'Wag mo kong dalhin doon. I don't want to be there again." umiiyak ko nang sabi saka ko tinakpan ang mukha ko ng mga kamay ko. Ayoko na sana ulit na makita niya akong nagkakaganito pero hindi ko na talaga kaya pang pigilan at itago pa ang emosyong ‘to dahil naipon ang mga ‘to sa mga panahong dumaan. Narinig ko namang bumuntong hininga siya. ~Russell~ "Kung babalik ako sa lugar na yon, babalik sa’kin ang mga alalang dati ko pang gustong takasan... So please... Wag mo kong dalhin doon. I don't want to be there again." ngayon ay umiiyak na siya. Tinakpan niya ng kamay niya ang mukha niya habang humahagulgol ng iyak. Parang nasasaktan ang puso ko ngayon dahil sa nakikita ko sa kaniya. Mukhang mas malalim pa talaga siya kaysa sa iniisip ko. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko mapantayan ang pagiging stubborn niya! Akala ko, ako na ang pinakamatigas ang ulo sa mundo, may mas hahardheaded pa pala kaysa sa’kin. "Fine, Fine. I will not bring you there if you don't want to. I can't force you so stop crying. I can't face girls who are crying so hard like you." sumusuko kong sabi sa kaniya. Tumingin naman siya pagkasabi ko n’on sa kaniya. Puno pa rin nang mga luha ang mga mata niya. "Tatawagan ko na lang ‘yung family doctor namin para papupuntahin dito." mahinahon kong sabi sa kaniya. Wala naman akong magagawa kung ayaw n’yang pumunta sa ospital. Nararamdaman ko kasing sobra talagang naging traumatic sa kaniya ang pagkamatay ng nanay niya doon sa mura pa lamang n’yang edad. Mabuti sana kung namatay lang ito sa sakit o aksidente pero iba ‘yung nangyari, she was murdered. Haaayyy! Ang lalim talaga ng nakaraan ng taglamig na ‘to. Pero ayos lang dahil unti-unti ko namang naiintindihan kung bakit naging ganito siya at unti-unti ko na ring nalalaman kung ano ang mga gusto niya at ayaw niya. Mwehehehehe... Mayamaya ay bigla siyang napahawak sa ulo niya. Alam ko na sumasakit ‘yon kaya umupo ako ulit sa gilid niya. Naku naman! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. "Lay down first so it will lessen the pain you feel in your head. Don't worry, tomorrow, you'll be feeling well." I said while smiling but I am still worrying for her. Masyado ng mataas ang lagnat niya kaya kailangan ko ng macontact si Dr. Firer. But before I do that, inalalayan ko muna siyang humiga dahil alam kong mas makakabubuti kung nakahiga siya para hindi niya maramdaman ‘yung sakit ng ulo niya at makapagpahinga siya. Nang maihiga ko na siya ay napatingin ako sa mukha niya na sobrang lapit sa’kin. Nararamdaman ko ang mainit na hininga niya sa mukha ko pero ang bango bango n’on. Parang amoy mint... Hindi ko alam kung sino ang nagkontrol sa kamay ko at pinunasan ko ang mga luha sa mga mata niya gamit ang thumb ko. Ngayon, pakiramdam ko, tumigil na din ang pagtibok ng puso ko pero hindi ko ineexpect sa tala ng buhay ko ang sumunod na nakita ko. She smiled sheepishly... Parang biglang tumigil ang pag-inog ng mundo ko. Tumigil ang lahat sa’kin habang nakatingin lang ako sa mga ngiti niya. Dugdugudugdug! Dugdugudugdug! Dugdugudugdug! Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog n’on. Kung kanina parang tumigil ‘yung t***k ng puso ko, ngayon, sobrang bilis na parang hinahabol ng milyong-milyong kabayo kaya tumayo na ako dahil kung magtatagal ako sa gan’ong pwesto namin ay baka hindi na ako makahinga. Napalunok ako. "A-Ahhh S-sige. I-I should go out now to call our family Doctor para makarating siya ng mas maaga." pautal-utal pa ko doon sa una kong mga sinabi habang kumakamot sa ulo ko kahit hindi naman makati ‘yon. Hindi rin ako makatingin nang deretso sa kaniya at dahil sa hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko kaya nagmadali na kong lumabas. Nang makalabas ako, napasandal ako sa pinto habang nakahawak sa dibdib ko. Alam kong pulang-pula ang mukha ko ngayon. "What just happened?" napatanong ako sa nawawala kong sarili. Para rin akong tinakasan ng kaluluwa ko at hindi pa rin magsink in sa’kin ang lahat ng nangyari sa loob kanina. "Am I dreaming?" kinurot ko ang pisngi ko nang malakas para tingnan ko kung totoo ba talaga ang nangyayari. "Aray!" reklamo ko habang kinukuskos ‘yung pisngi kong kinurot ko. "I think I'm not!" ~Winter~ "A-Ahhh S-Sige. I-I should go out now to call our family Doctor para makarating siya ng mas maaga.,” sabi ni Russell na hindi makatingin sa’kin habang kumakamot sa ulo niya at doon ay nagmadali na siyang lumabas. Napahawak ako sa mga labi ko. Hindi ko sadya ang mapangiti kanina. Bigla na lang akong napangiti ng hindi ko naiisip. Ngayon ay naiwan akong mag-isa dito sa kwarto na nagtataka sa sarili ko... Hindi ko alam kung bakit ako napangiti. Siguro nakita kong nag-aalala talaga siya sa’kin. Ilang taon na rin ang lumipas simula n’ong huli akong ngumiti at merong taong nag-alala at nag-alaga para sa’kin. Napatingin ako sa may pinto kung saan siya lumabas. At doon ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD