Chapter 19 - Nursing Her
~Russell~
Habang naglalakad ako papunta sa kung saan nakalagay ‘yung telepono namin, hindi pa rin maalis sa isip ko ‘yung mga ngiti ni Winter.
Napangiti rin tuloy ako ng hindi ko alam.
Kakaiba sa pakiramdam ‘yon.
Feeling ko nasa cloud 9 ako.
Habang nalulunod ako sa pag-iisip ko n’ong mga ngiti ni Winter kanina, may bumangga sa’kin kaya napaupo ako.
Ang laki n’ong nabangga ko eh.
"Oh Gino! Naku pasensya ka na!" sabi n’ong nakabangga sa’kin.
Tinulungan niya kong makatayo.
"Bakit ka ba kasi pangiti-ngiti dyan. Ayan tuloy at nabangga kita. Ikaw talagang bata ka...” sabi niya pa.
Si Manang Rosa.
She's our maid.
Nasa 60's na siya at matagal na siya sa’ming nagtatrabaho.
Siya lang din ang nakaka-usap ko ng matino sa bahay na ‘to.
"Masakit ‘yon Manang ah! Pahara-hara ka kasi sa daan. Kala mo naman, ang sexy mo..." pang-aasar ko sa kaniya habang nakangiti ng nakakaloko.
"Aba't ikaw talagang bata ka! Naglalakad ka kasi ng nananaginip kaya hindi mo ako nakita. Pangiti-ngiti ka pa nga. Bakit? May maganda bang nangyari sa’yo?" pang-uusisa niya.
Naalala ko naman bigla si Winter.
Oo nga pala!
Kailangan ko nga palang magmadali!
"Sige Manang! Mamaya mo na ako tanungin."
Nagmamadali akong pumunta sa may sala para gamitin ang telepono doon.
Wala kasi n’on ako sa kwarto ko.
Ayoko ng mga gan’ong bagay kasi para sa’kin, ang old fashion n’on...
Dinial ko agad ‘yung number ng family doctor namin.
Buti at sinagot naman agad...
Hindi pa nakakapagsalita ‘yung nasa kabilang linya eh nagsalita na agad ako...
"Hello, This is Russell Primo. Can I speak to Dr. Robert Firer?"
"Ah.. Sir. We're sorry but Dr. Firer is in Singapore today for his duty there. Should I connect this line t—”hindi ko na siya pinatapos at pabagsak kong ng ibinaba ‘yung telepono.
"F*ck! Bakit ngayon pa siya pumunta ng Singapore?!" napasabunot ako sa buhok ko sa inis.
"Abay Gino! Nababaliw ka na ba iho?"
"Ay butiki!" nagulat ako nang biglang magsalita si Manang Rosa sa tabi ko.
Nakalimutan ko kasing nandito pa rin siya.
"Kanina ay pangiti-ngiti ka, ngayon naman naiinis ka?" sabi niya na ikinasimangot ko.
"No, I'm not going crazy. I am just... irritated,” sabi ko sa kaniya ng lantutay.
Pano na si Winter?
Ayaw n’yang magpadala sa ospital at nasa Singapore po si Dr. Firer...
Napatingin ako doon sa may pinto ng kwarto...
Napatingin naman ako kay Manang Rosa.
May naisip naman akong ideya.
"Manang Rosa! `’Di ba, marunong kang mag-aalaga ng may sakit?" bigla naman tanong ko sa kaniya na ikinapagtaka niya.
"Abay oo. Bakit? May sakit ka ba?" hinipo niya naman ‘yung leeg ko pero hinawakan ko ‘yung kamay niya at hinila siya papunta sa kwarto ko.
Nakita ko namang nagulat siya ng makita niya si Winter sa kama ko.
"Husmiyo por pabor! Bakit may babae dito?!"
"She is sick and she doesn't want me to bring her to the hospital so I want you to take care of her." nakatingin ako kay Winter habang sinasabi ‘yon pero napatingin ako kay Manang Rosa kasi hindi siya nasagot.
Nakangiwi lang siya.
"Eh, anong sabi mo nga ulit. Wag mo kasi akong dinadali ng ingles mo para magkaintindihan tayo,” sabi naman niya na ikinangiti ko.
She's really amusing.
"Basta, alagaan mo siya kasi may sakit siya. Pagpalitin mo na rin siya ng damit. Teka. Wala nga pala siyang damit na ipagpapalit. ‘Di naman pwedeng ‘yung iyo ‘yung ipahiram sa kaniya kasi over oversized ‘yon." tiningnan ko pa ‘yung malaking tyan niya na medyo natatawa.
Umakma naman siyang hahambulisin ako pero tumawa lang ako.
"Oo sige. Alam ko na. Ako na ang bahala sa kaniya,” sabi niya sa’kin saka lumapit na kay Winter at tinanggal ‘yung kumot niya.
Hinubad ni Manang Rosa ‘yung dalawang medyas niya.
Wala siyang malay ngayon.
Baka nakatulog na siya.
Naalala ko na naman ‘yung ngiti niya.
Sayang! Sana may CCTV dito sa kwarto ko para mapanood ko ulit ‘yung ngiti niya.
Tsk!
Tinatanggal ni Manang isa-isa ‘yung butones niya at napatingin naman ako sa iba.
"Manonood ka ba sa pagtatanggal ko ng damit niya?" mapang-asar na tanong niya sa’kin kaya namula naman ako at doon ay lumabas na ako.
Hooooh!
Naiinitan na naman ako.
Patay na naman ba ‘yung aircon?
Naghintay lang ako sa labas ng pinto.
Lakad dito lakad doon ang ginagawa ko.
Bigla namang bumukas ‘yung pinto at lumabas doon si Manang Rosa.
Nagulat pa siya sa’kin pagkalabas niya.
"Oh Gino. Anong ginagawa mo dyan?"
Nag-isip naman ako ng palusot.
Tapos bigla akong nagpush up.
"Nothing. Nag-eexercise lang ako,” sabi ko habang nagpupush up.
Tumayo rin agad ako at pasimple ako sa kaniyang nagtanong.
"Kamusta na siya?"
Napangiti naman siya.
"Napalitan ko na naman siya ng damit pero ang ginamit ko ay ‘yung iyo ha. Kinuha ko sa drawer mo ‘yung panjama mo tsaka t-shirt mo at isinuot ko sa kaniya. Ngayon ay kukuha ako ng maligamgam na tubig para punasan siya. Masyadong mataas ang lagnat niya kaya kailangan niya ng gamot. Magpapabili na lang ako sa ibang katulong para gumaling siya agad,” sabi niya sa’kin.
"Ako na lang!"
Napatingin naman siya sa’kin.
"Ang bibili ng gamot?" nagdududa niya pang tanong.
"Ano bang bibilhin? Ako na ang bibili." nahihiya ko pang sabi sa kaniya.
Napangiti ulit siya.
Bakit ba ang hilig ngumiti ng mga tao ngayon?
Sinabi niya sa’kin ‘yung mga pangalan n’ong gamot at nagmamadali akong kunin ‘yung susi n’ong motor ko.
Hindi ko na tinawagan ‘yung driver ko dahil siguradong nakauwi na ‘yon sa kanila.
Day off niya na kasi bukas kaya umuwi na ngayon.
Nagsimula na kong magmotor papunta sa pinakamalapit na drugstore pero biglang umulan ng pagkalakas-lakas.
Basang-basa na ako pero hindi ko ‘yon alintana.
Tuloy pa rin ako sa pagmomotor para bumili ng gamot at ng makarating ako doon, ayaw pa sana akong papasukin n’ong security guard n’ong drugstore kasi nga basang basa ako pero nagpumilit akong pumasok.
Mukhang naawa naman siya sa’kin kaya pinapasok na nila ako at nang makabili na ako n’ong mga gamot ay dali-dali na rin akong umuwi.
Pagkarating ko sa bahay, hingal na hingal at parang basang sisiw akong pumasok sa loob ng kwarto ko at nandon si Winter, tulog na.
May nakapatong rin na bimpong nakatupi sa noo niya pero wala na si Manang Rosa.
Asan na ‘yun?
Tumingin ako sa labas pero wala siya.
Bumalik ako kay Winter at nakita ko ‘yung palanggana ng tubig sa gilid ng kama sa may desk ko sa gilid.
Mukhang tapos na siyang punasan ni Manang.
Bigla akong nakaramdam ng lamig dahil basang basa nga ako kaya nagpalit ulit ako ng damit saglit.
Pagkatapos kong magpalit ay kinuha ko na ‘yung binili kong gamot na ipinatong ko doon sa desk pero bigla akong napa-isip.
Paano ko siya paiinumin ng gamot?
Tubig!
Malamang!
Lumabas muna ako ng kwarto ko para kumuha ng tubig sa may kusina.
Nakita ko naman na papalabas si Manang Rosa sa office ni Dad kaya nilapitan ko siya.
"Oh! Gino! Buti at naka-uwi ka na. Ang lakas ng ulan sa labas ah! Ipapasundo na nga sana kita,” sabi n’yang alalang-alala habang papalapit sa’kin.
"Manang, bakit po kayo umalis don? Pano na si Winter?" sabi ko sa kaniya na hindi pinansin ‘yung unang sinabi niya.
Nagtaka naman siya doon sa tinanong ko.
"Sinong Winter ba ‘yun, Gino?" natawa naman ako sa tanong niya.
"`Yung babae sa kwarto ko na pinapaalagaan ko sa inyo."
Nakita ko naman na parang naalala niya na nga.
"Ay, siya ba?" sabi niya tapos biglang humawak sa likod niya nat ngumiwi.
Inalalayan ko naman siya.
"Oh! Bakit po? Masakit ba ‘yung likod?" tanong ko naman sa kaniya kasi parang sumasakit ‘yung likod niya.
"Naku, oo eh. Biglang sumakit ang likod ko kaya hinid ko maaalagaan si Winter na yon,” sabi niya na nakangiwi pa rin.
Mukhang masakit nga talaga ang likod niya.
May edad na rin naman kasi siya kaya hindi nakakapagtaka na marami na ang sumasakit sa kaniya.
"Magpahinga na nga lang kayo. Sabihin n’yo na lang sa’kin kung ano ang mga gagawin ko para mawala ‘yung lagnat ni Winter."
Inalalayan ko siya papunta sa kwarto niya.
May sarili kasi siyang kwarto.
"Ayos lang ako Gino. Puntahan mo na si Winter at pakainin mo ng lugaw na niluto ko doon sa may kusina saka mo siya painumin ng gamot para bumaba na ‘yung lagnat niya. Punasan mo rin siya."
Tango lang ako ng tango doon sa sinabi niya.
Nang pumasok na siya sa loob ng kwarto niya ay umalis na ako at dumeretso sa kusina.
Kumuha ako ng mangkok at naglagay doon ng lugaw na niluto ni Manang.
Nilagay ko ‘yun sa tray at nilagyan ko ng kutsara tsaka baso ng tubig sa gilid.
Dinala ko ‘yun sa kwarto ko at inilapag doon sa desk ko sa gilid ng kama.
Ginising ko muna si Winter para pakainin.
"Winter. Wake up. You need to eat this para makainom ka ng gamot."
Dahan-dahan ko siyang niyugyog.
Nagising naman siya.
Hindi ako marunong mag-alaga ng taong may sakit but I will try my best.
Tinanggal ko ‘yung bimpo niya sa noo at inalalayan ko siyang umupo dahil hinang hina talaga siya
Nang makaupo na siya ay kinuha ko ‘yung lugaw doon sa desk pati ‘yung kutsara.
Kinutsara ko ‘yung lugaw at itinapat ko ‘yun sa bibig niya.
Napatingin naman siya sa’kin.
Alam ko kasing hindi siya makakakain nang maayos kasi nanghihina pa siya.
"Sige na. Kainin mo na ‘to. Sige ka. Dadalhin kita sa ospital pag ‘di mo kinain ‘to." pananakot ko sa kaniya.
Binuksan niya naman ang bibig niya at kinain ‘yung sinusubo ko sa kaniya.
"Good girl!" tuwang-tuwang sabi ko habang hinaplos ko pa ‘yung buhok niya.
Ang lambot ng buhok niya.
Sinubuan ko siya ng maka-ilang ulit at ng maubos na ‘yung lugaw ay kinuha ko ‘yung tubig at gamot niya.
Binigay ko sa kaniya ‘yon at ininom niya na ‘yon.
Haaaay! Salamat at ‘di siya nagpasaway ngayon.
Nang tapos na siyang uminom ng gamot ay idinikit ko ‘yung noo ko sa noo niya para malaman ko kung gano pa kataas ‘yung lagnat niya.
Nakatingin kami ngayon sa isa't isa.
Masyado pa rin siyang mainit.
Inilayo ko na ‘yung noo ko.
Namumula pa rin ‘yung pisngi niya dahil sa lagnat niya.
"Humiga ka na para makapagpahinga ka na,” sabi ko na lang sa kaniya pero nakatingin lang siya sa’kin ngayon.
"Alam kong nagtataka ka kung bakit ka nandito pero bukas ko na lang ipapaliwanag sa’yo kaya matulog ka na,” sabi ko na lang sa kaniya para humiga na siya at buti na lang at sumunod naman siya.
Kinuha ko ‘yung palanggana ng maligamgam na tubig at ‘yung bimpo.
Isinawsaw ko ‘yon doon at pinunasan ko ‘yung mga braso niya gently.
Ganto ginagawa sa’kin ni Manang kapag nagkakasakit ako.
Ang lambot ng mga braso niya.
Parang hangin lang ‘yung laman niya tsaka amputi puti niya kaya konting mahigpitan lang ang hawak sa kaniya eh namumula na agad nang sobra.
Nakita ko na nakatulog agad siya.
Nang tapos ko na siyang punasan ay idinadaw ko ulit ‘yung bimpo sa may tubig atsaka ko piniga.
Hinawi ko muna ‘yung bangs niya saka ipinatong ko na ‘yung bimpo sa noo niya.
Nakatingin lang ako sa mukha niya.
Mas humimbing na ‘yung tulog niya kaysa kanina.
Napangiti ako.
Dati, wala akong pakialam sa iba kahit na ano pang mangyari dyansa harap ko pero ngayon, inalagaan ko ang babaeng binubully ko lang sa school.
Tumingin na ako sa orasan.
9 o'clock na pala ng gabi.
Hindi ko na namalayan ‘yung oras.
Mayamaya ay nakaramdam ako ng pagod...
Hooooooooohhhh!
Napahikab na rin ako....
What a day!