Chapter 20- Beside You
~Russell~
Hooooohhh! Napahikab ulit ako.
Mukhang inaantok na talaga ako at pagod din ako sa buong maghapon.
Umalis na ako sa pagkakaupo ko sa tabi ni Winter at kinumutan ko na siya.
Napatingin ulit ako sa kaniya na mahimbing na natutulog.
Parang kailan lang n’ong asar na asar at iritang irita ako sa kaniya.
No’ng gusto ko pang siyang paalisin sa Primo High dahil sa mga pamamahiyang nakuha ko sa kaniya.
Binully ko pa siyang mabuti n’on.
Nilagyan ko ng pintura ‘yung upuan niya, pinagbabato namin siya ng papel, sinabunutan siya sa canteen, pinagbabato namin ng bugok na itlog ‘yung locker niya, pinagbintangan pa siyang magnanakaw dahil sa kagagawan ko, binuhusan pa siya ng tubig ni Kiel sa harap nang maraming tao and so on pero sa lahat ng yon, ang pinakamatinding ginawa ko sa kaniya ay inunsulto ko ang mga magulang niya.
Kaya pala ganun na lang ‘yung reaksyon niya n’on n’ong sinabi kong walang pupuntang magulang niya sa meeting dahil hindi siya mahal ng mga ‘yon.
Yun pala, patay na ang isa sa mga ito.
Haayyy!
Napakasama ko pala.
Pero ngayon, parang ako na ang savior niya sa mga masasamang bagay na nangyayari sa kaniya.
Bakit nga ba ko nagkakaganito?
Matagal na tanong na ‘to sa isip ko pero hindi ko pa rin mahanap ang sagot.
Makita ko lang na may mga taong nananakit sa kaniya ay halos gusto ko ng ibaon sa lupa ang mga ‘yon para hindi na nila siya masaktan pa pero ako naman ang may gawa kaya sinasaktan nila siya.
Haaaaaaaayyy! Ang gulo!
Hindi ko na maipaliwanag tong nararamdaman ko sa sarili ko!
Kailangan kong malaman kung ano ba to?
Sino kayang mapagtatanungan ko?
Wala naman akong kaibigan na pwede kong tanungin.
Napatigil ako sa pag-iisip ko ng may biglang kumatok sa pinto kaya naman pumunta ako doon para buksan ‘yon at bumungad sa’kin si Manang Rosa..
May dala siyang tray ng pagkain.
"Oh! Manang Rosa. Bakit kayo nandito? Hindi na ba masakit ang likod mo?" tanong ko sa kaniya ng may pagtatataka.
"Alam kong hindi ka pa nakain kaya naman ginawan kita ng makakain. Ikaw talagang bata ka ha! Pati pagkain nalilimutan mo na tsaka wag mo ngang problemahin tong likod ko, yang tyan mo ang problemahin mo,” sabi niya habang papasok ng kwarto ko saka inilapag ‘yung dala n’yang tray sa may study table ko na wala namang silbi kasi ‘di naman ako nag-aaral doon.
"Ganon ba? Ayos lang naman ako. Mamaya na ako kakain. Hindi pa naman ako gutom. Babantayan ko muna si Winter kasi baka tumaas na naman ‘yung lagnat niya. Wala namang pasok bukas kaya ayos lang na magpuyat ako,” sabi ko sa kaniya pero ang totoo n’yan ay gutom na talaga ako.
Napatitig naman siya sa’kin.
Nagtaka naman ako.
Bigla siyang ngumiti.
"Sige kung gan’on eh iiwan ko na lang ‘to dito at kainin mo kapag gutom ka na,” sabi niya habang nakangiti pa rin.
Nang akma na siyang lalabas ay pinigilan ko siya.
"Bakit? May problema ka ba?" tanong niya naman.
"Ano.. Ano kasi..." hindi ko malaman kung pano ko ba sisimulang sabihin ‘yung gusto kong itanong sa kaniya.
"May gusto kang itanong noh?" sabi niya naman na ikinagulat ko.
Ang galing talaga nito ni Manang Rosa na basahin ang kilos ko.
"Sa labas ko na lang sasabihin kasi baka magising pa si Winter sa pag-uusap natin."
Lumabas na kami pareho at nang nasa labas na kami ay hindi ko talaga alam kung pano sisimulan ‘yung gusto kong itanong sa kaniya pero nilakasan ko ‘yung loob ko.
"Ano ba ang ibig sabihin kapag nagiging mabait ka na sa taong kinaiinisan mo nang sobra noon?" lakas loob kong tanong.
Halata namang nagulat siya sa tanong ko.
Wala na kasi akong maisip na mapagtatanungan kaya naman si Manang na lang ang kakausapin ko tungkol sa problema ko. siya naman palagi kong kinukwentuhan sa mga bagay-bagay na nangyayari sa’kin na ‘di ko maintindihan.
Napansin kong natahimik siya doon sa itinanong ko.
Nagkaroon ng katahimikan sa’ming parehas.
"Gusto mo siya no? Si Winter..." biglang sabi ni Manang na ikinatingin ko sa kaniya.
Nakatingin kasi ako sa kung saan saan dahil alam ko na namumula na ako ngayon.
"Ano ul-?" ‘di ko pa tapos ‘yung tanong ko eh nagsalita na agad siya.
"Sabi ko, kung gusto mo ba siya?" ulit naman niya.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa katawan at pumunta sa mukha ko.
Bigla ring lumakas ang t***k ng puso ko.
"Tingnan mo... Namumula ‘yung tenga mo! Wahahaha!" tawang-tawa n’yang sabi.
"Hi-hindi noh! Ba't ko naman magugustuhan ‘yung isang yon?! Swerte n’yan naman!" defensive namang sabi ko.
Bakit parehas sila kung magtanong ni Dad sa’kin ng gan’on!
"Ahhh... gan’on ba? Ikaw naman, binibiro lang kita. Hahahah..." patawa-tawa niya pa ring sabi.
Tssh! To talagang tabang ‘to oh, kung anu-anong sinasabi.
Nagulat kaya ako don!
"Sige. Sasagutin ko na ang tanong mo." bigla siyang sumeryoso.
"Kapag nagiging mabait ka na sa taong dati ay galit na galit ka, ibig sabihin lang n’on ay nagkakaintindihan na kayo pero kung babae ang taong ‘yon at lalaki ka naman, may ibang ibig sabihin naman ‘yon....” sabi niya na talagang nagpacurious pa lalo sa’kin.
"Ano naman yon?" curious na curious kong tanong.
"Siya lang ba ang tanging nakikita mo sa mga babaeng nakakasalamuha mo? Naiirita ka ba kapag may kasama siyang iba? Malungkot ka ba pag nakikita mo siyang malungkot at masaya naman kapag nakita mo ang mga ngiti niya? At ang higit sa lahat ng mga ‘yon..." pabitin niya naman.
"...Gusto mo ba siyang protektahan sa lahat ng mga nananakit sa kaniya?" lalong nanlaki ang mata ko sa huling sinabing iyon ni Manang.
Tama lahat ng sinabi n’yang yon!
Lahat ng yon, nararamdaman ko kay Winter lang!
Pano naman kaya nalaman ni Manang tong mga nararamdaman ko?
May psychic abilities kaya siya?
"Sa nakikita ko sa reaksyon mo ngayon, lahat ng sinabi ko ay tama, hindi ba?" tanong niya sabay ngiti sa’kin.
Tumango-tango naman ako bilang pag sang-ayon.
"Isa lang ang ibig sabihin n’yan..." nakangiti na siya ngayon.
Kanina kasi sobrang seryoso niya eh.
"Gusto mo ang taong ‘yon." biglang kumabog na naman nang malakas ang dibdib ko pagkasabi niya n’on.
Bigla ring nagflash sa isip ko ang nakangiting mukha ni Winter kanina.
Napalunok ako bigla...
`Yung Winter na yon?!
Gusto ko?
‘Di nga?
"Manang naman eh! Tumigil ka na nga sa kakabiro mo dyan!" sigaw ko sa kaniya na ikinagulat naman niya.
Hindi ko kayang seryosohin ‘yung sinabi ni Manang.
Parang mas nauuna ‘yung ego ko kaysa makinig ako sa sinasabi niya tsaka imposibleng magkagusto ako kay Winter!
Naaawa lang ako sa kaniya dahil nararamdaman ko na may hindi magandang nangyari sa kaniya dati pero hindi ibig sabihin n’on, may gusto na ako sa kaniya.
"Eh bakit? ‘Di naman ako nagbibiro ah. gan’on kaya kami nagsimula ni Mang Rudy mo noon.."
`Yung tinutukoy n’yang Mang Rudy eh ‘yung asawa niya na hardinero namin...
Napatitig naman ako sa kaniya n’ong sinabi niya ‘yon...
"Nagsimula kami noon sa pagiging aso't pusa namin n’ong kabataan pa namin. No’ng araw, asar na asar kami sa isa't isa at kapag nagkikita kami ay parang magsasabong na kami pero naunang mainlab sa’kin ang Mang Rudy mo. Hahaha... Pag naaalala ko kung gaano siya kapatay na patay sa’kin n’on, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon kahit matanda na kami parehas pero ang maganda n’on, hanggang ngayon, sweet pa rin siya sa’kin,” sabi niya na parang nagdedaydream.
Napangiwi na lang ako sa itsura niya ngayon. Para siyang teenager na kilig na kilig.
Haayyyy....
Hindi na nga ko makikipagtalo.
Baka mahambalos pa ko dito ng wala sa oras.
Pumasok na lang ako ng dahan-dahan sa loob ng kwarto ko at iniwan ko siyang mag-isa doon na nagdedaydream pa rin.
Umupo ako sa may sofa sa may gilid ng kwarto ko at tiningnan ko muna si Winter mula rito sa inuupuan ko.
Napa-isip ako.
Gusto ko ba talaga siya?
Ganon ba talaga ang batayan ng pagkakagusto sa isang tao?
I've never been in love with a girl before that's why I really don't know how it feels to like someone.
I don't know what are the symptoms or anything na makakapagsabi na inlove ka na nga bang talaga.
Tsh! Why do I need to?
Nako! Ito na ba ang epekto ng puyat?
Nakikipagdebate na ako sa sarili ko mag-isa...
Humiga muna ako sa sofa saglit dahil parang hinihila n’on ang likod ko para humiga.
Iidlip lang ako tapos mamaya, gigising ako para bantayan ulit si Winter.
Pero pagkatapos n’on ay nakatulog na ako. zzzz...
*—***—*
Few hours later...
Naalimpungatan ako ng may marinig akong umiiyak.
Napabangon ako bigla.
Alam ko ng si Winter ‘yon dahil siya lang naman ang nasa loob ng kwarto kasama ko.
Narinig ko siyang nagsasalita nang mahina kaya naman lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.
"Mommy! Please... Don't die..." mahinang sabi niya habang umiiyak.
Nakatagilid siya ngayon ng higa.
Tiningnan ko ‘yung mukha niya at mukhang tulog naman siya.
Mukhang nananaginip siya ng masama.
Naririnig ko sa labas na malakas pa rin ang ulan kaya napatingin ako sa may bintana.
Kanina pa yang ulan na ‘yan ahhh.
"Ate! Don't leave me alone... Please... Sorry na... Hindi ko sinasadya... Wag ka nang umalis... Wag mo kong iwan katulad nila..." umiiyak pa ring sabi niya kaya napabalik ‘yung tingin ko sa kaniya.
Bigla akong nalungkot sa mga naririnig ko sa kaniya ngayon.
Hinaplos ko ‘yung noo niya at hinawi ko ‘yung mga buhok niya sa mukha na basa na sa pawis.
Sa nakikita ko ngayon sa kaniya, pakiramdam ko, may sumasakit sa parte ng puso ko.
Ibang sakit ‘yun na hindi ko maipaliwanag.
Yumuko ako at niyakap ko na lang siya nang mahigpit.
Naramdaman ko namang kumapit siya sa T-shirt ko sa may dibdib ko.
Umiiyak pa rin siya.
Parang napakasakit talaga ng mga pinagdaanan niya sa buhay niya.
"Shhhh... Tahan na. Hindi ka nag-iisa. Nandito ako sa tabi mo at hindi kita iiwan hangga't kailangan mo pa ko..." bulong ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga ‘yon...
Basta ang alam ko, ‘yun ang gusto kong sabihin sa kaniya and I think I mean it...
...
..
.
Matagal kaming nasa gan’ong posisyon kaya naman nangalay na ako.
Nakakapit pa rin siya sa T-shirt ko na parang ayaw niya kong pakawalan pero tingin ko, tulog na siya...
Haayyy...
Pano na ako makakaalis nito?
Inaantok na rin ako nang sobra kasi madaling araw na...
Baka kasi magising pa siya pag tinanggal ko ‘yung kamay niya sa T-shirt ko.
Para akong nag-aalaga ng baby na iyakin.
Napangiti ako sa naisip ko.
Ang cute naman ng baby na inaalagaan ko kung gan’on...
Pero mamaya na nga ako magloloko sa sarili ko.
Hindi ko alam kung pano ko aalis dito sa kama ko.
Ano? Hihiga ba ko sa tabi niya?
Oy! Hindi ko gagawin ‘yon no!
Hindi ko sasamantalahin ang kahinaan niya!
Hindi ako p*****t noh!
Gulp!
Pero...
Ayaw niya naman akong bitawan eh.
Wala akong choice.
Tinanggal ko ‘yung kumot niya ng dahan-dahan lang at humiga na ako ng nakaharap pa rin sa kaniya.
Magkaharap kami ngayon sa isa’t isa.
Sobrang lapit namin pareho gawa nga ng nakakapit nga siya sa’kin.
Nakatingin lang ako ngayon sa mukha niya na natutulog.
May mga luha pang nasa gilid ng mata niya kaya pinahid ko ‘yon gamit ang daliri ko.
"Gusto mo siya noh? Si Winter..." biglang nagflashback ‘yung sinabi sa’kin ni Manang Rosa kanina.
Gusto ko nga ba talaga siya?
Tong babaeng hindi nagpapakita ng emosyon pero iyakin naman pala talaga.
Tong babaeng akala ko eh robot na n’ong ipinanganak, ‘yun pala eh may malalim na dahilan ang pagiging gan’on niya.
Tong babaeng hindi nagsasalita pero maganda naman pala ang boses sa pagkanta.
At tong babaeng nasa harap ko ngayon na natutulog at mala anghel ang mukha.
Naputol ang malalim na pag-iisip ko ng bigla siyang gumalaw at sumiksik sa dibdib ko.
`Yung parang batang napagbigyang tumabi sa higaan ng nanay niya.
Hinaplos ko na lang ang buhok niya at hindi ko namalayan na naka nakatulog na ako.