Chapter 7

3032 Words
Chapter 7 - Level 10 Naglalakad na ako papasok ng campus nang matanaw ko na naglalakad si Bangs. Aba! Himala at naabutan ko siyang pumasok ngayon. Hindi pa naman late at hindi rin masyadong maaga. Sakto lang ‘yung oras ng pagpasok namin at marami ng mga estudyante na pakalat kalat dito. Mga nagkwekwentuhan lang pero pag nakikita na ko, nagsisialisan. Tiningnan ko ‘yung relo ko, may 5 minutes pa bago magstart ‘yung klase namin at 5 minutes ang pagpunta sa room namin. Tiningnan ko ulit si Bangs at nakita ko na tinalapid siya n’ong isang lalaki. Nagtawanan naman ‘yung mga kasama n’yang iba pang mga lalaki at ilang mga babae. Pati ‘yung mga nadaan, tumawa rin. "They're starting." I smirked while just watching them. Marahas na kinuha sa kaniya ‘yung bag niya n’ong lalaking namatid sa kaniya. Tumayo siya para kunin ‘yon pero itinaas n’ong lalaking ‘yon ‘yung bag niya sa ere. Matangkad 'yon kaya ‘di niya makuha. Inihagis nito sa isa nitong kasamahan ‘yung bag kaya napatingin siya doon. "Everyone, 5 minutes before the start of your classes." announce n’ong girl voiced machine sa speaker na nakakalat sa buong school. Wala namang paki ang iba sa announcement na ‘yon at nakatingin lang rin kina Bangs. Mga halatang naaaliw. "Kunin mo ‘to para makapasok ka na." mapang-asar na sabi n’ong lalaking may hawak na n’ong bag niya. Kunwari ay inaabot niya na ‘yon kay Bangs kaya lumapit naman ito sa kaniya pero hinagis niya naman ‘yon doon sa isa niya pang kasamahan. Enjoy na enjoy talaga sila pero si Bangs, null expression pa rin ‘yung mukha niya. Tawa lang sila nang tawa. "She looks stupid." "Well, she really is." "Ang creepy niya no? Kahit ginagan’yan siya parang ‘di siya naaapektuhan." Napatingin ako sa mga babaeng nagsabi n’on at weird na weird silang nakatingin kay bangs pero halatang natatawa naman. Tumingin na ako kay Bangs at naglakad na ulit siya para bawiin ‘yung bag niya doon sa lalaki na kunware eh ibinibigay na ‘yon sa kaniya pero lumiko siya bigla at papunta na siya sa hallway papuntang building namin. Walang lingon likod at dere-deretso lang talaga siya. Nakatingin lang sa kaniya ‘yung mga nantitrip sa kaniya pati ‘yung mga nanonood na hindi makapaniwala na hindi niya na tinangkang bawiin ‘yung bag niya sa kanila at nilayasan lang sila. At isa ako doon. Dyan talaga siya magaling. Sa pagwowalk out! Aba't nga namang talaga. Nabiktima rin sila. Napahiya tuloy ‘yung grupo na ‘yon na nantrip sa kay Bangs. Dahil sa inis n’ong lalaki na may hawak sa bag niya dahil sa nangyari eh binato niya sa sahig ng napakalas ‘yung bag tapos pinagsisipa. Umalis na rin sila at pinabayaan lang na nakakalat ‘yung bag. *—***—* Pumasok na ako ng room at wala pa ‘yung teacher namin. Nakita ko si Bangs na nakaupo lang sa upuan niya. Nakatingin sa unahan pero ‘di katulad ng dati, walang nakapatong na gamit sa desk niya. Walang ballpen at notebook doon. Wala sa kaniya ‘yung bag niya eh. Naglakad na ako papunta sa upuan ko pero nang malapit na ako sa kaniya ay inihagis ko sa kaniya ‘yung hawak ko. Nalaglag lang ‘yon sa harapan niya at hindi man lang siya nagulat. Tiningnan niya kung ano ‘yon. Umupo na ako sa upuan ko at nangalumbaba na nakatingin sa kaniya. "Yan , ‘di ba ‘yung bag mo?" tanong ko sa kaniya. Pinulot niya na ‘yung bag niya. Napatingin ako sa mga kaklase ko at halatang hindi sila makapaniwala sa ginawa ko. Tumingin na ulit ako kay Bangs at binuksan niya na ‘yung zipper ng bag niya at kinuha ‘yung gamit niya sa loob pero napatigil siya saglit. Tinuloy niya na ‘yung pagkuha ng gamit niya at nang mailabas niya na ‘yon ay gutay-gutay na mga notebook at libro ang nandodoon at nanlilimahid sa lagkit ang mga ‘yon dahil sa transparent glue na binuhos ko doon kanina. Bigla namang sabay sabay na nandiri ‘yung mga kaklase namin at ‘yung iba eh nagtawanan. Napasmirk ako. Akala niya siguro tutulungan ko siya o kaya magpapakahero ako sa kaniya but that will never happen kasi alam kong ako ang nakatakdang maging villain sa buhay niya! Nakatingin lang siya doon sa hawak n’yang nanlilimahid na mga papel. Umubos pa ko ng tatlong bottle ng transparent glue na super sized pa para epic talaga ‘yung magiging reaction niya! Nakatitig lang ako sa kaniya pero wala pa rin. Wala pa ring nagbabago kahit konti sa expression niya. Aba't nga namang talaga! Nakahulma na bang talaga na gan’yan ‘yung mukha niya kaya ‘di nagbabago? "Goodmorning class!" bati sa’min ng math teacher namin pero ‘di siya pinansin ng mga kaklase ko at nakatingin lang kay Bangs. Mga nag-aantay pa rin nang magiging reaction niya. Mukhang napatingin rin ‘yung math teacher namin sa kaniya at nanlaki ‘yung mga mata niya. Buti pa tong teacher, kung makareact pero siya, wala eh! "Ms. Vasquez! What's that? What happened to your things?" Nilapitan pa niya tong si Bangs at tiningnang maigi ‘yung mga gamit n’yang may glue. Halatang nandidiri rin siya. Oo nga pala. Nakalimutan kong banggitin na bakla ang isang ‘to. "Who did this?" tanong niya kay Bangs. "Ako bakit?" sagot ko agad sa kaniya kaya napatingin siya sa’kin. Nakatingin lang ako ng seryoso sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin sa’kin at tumingin na ulit kay Bangs. "Pumunta ka muna sa C.R para hugasan yang kamay mo. Excuse ka na rin muna sa activity natin ngayon." utos niya saka bumalik na siya sa unahan. Tumayo naman nga si Bangs dala ‘yung bag niya at lumabas ng room. Nagtatawanan lang ‘yung mga kaklase ko. Ano kayang gawin ko para makita ko reaction sa mukha n’ong Bangs na yon? Mas lupitan ko pa siguro ‘yung pambubully sa kaniya. Masyadong mild eh. * * * Nakaupo lang ako sa upuan ko at nakapasak ang headset sa tenga ko habang nakapikit. Vacant kami kaya magulo ang mga tao dito sa classroom pero may klase naman sa iba. kami lang yata ang vacant ngayon. "Hoy Russell!" sigaw sa tenga ko ng isang asungot kaya napapitlag ako at napamulat sa gulat. "Bullsh*t!" Tinanggal ko ‘yung headset sa tenga ko saka ko kinutusan nang malakas kung sinoman ‘yung sumigaw sa tenga ko. "Aray!" angal ni Kiel sa pagkakakutos ko sa kaniya. "F*cking sh*t ka! Ba't ka ba naninigaw ha?!" asar na asar na tanong ko sa kaniya at akmang kukutusan ko ulit siya. "Woah woah woah! Calm down Russell. I don't mean any harm. Hindi mo kasi ako naririnig gawa ng nakaearphone ka kaya sinigawan na kita,” sabi niya habang nakataas pareho ‘yung kamay niya na parang nasurrender. Sinamaan ko siya ng tingin. Lintek! Nananahimik ako dito tapos biglang maninigaw sa tenga ko tong bugok na ‘to! "What are you doing here?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. Binaba niya na ‘yung mga kamay niya at may kinuha na nakalapag sa sahig tapos ngumiti ng malawak sa’kin. "I'm here to bring you joy and happiness! Excitement and thrill!" ngiting ngiti niya na sabi. Nangunot ang noo ko sa mga pinagsasabi niya. Pinakita niya na sa’kin ‘yung isang litro ng mantika na hawak niya. May nakalagay kasi na oil na label kaya nalaman kong mantika ‘yon. Lalong napataas ang kilay ko. "Anong gagawin mo dyan? Iinumin mo sa harapan ko para magshow? Sige, entertaining nga ‘yon. Gusto kong makitang bumula ang bibig mo." sarcastic na sabi ko sa kaniya. Bigla naman siyang napabulalas nang tawa at hinampas pa ko sa balikat ko. Sinamaan ko nga siya ng tingin. "Grabe ka naman! Hindi noh! Eh ‘di namatay ako! Basta! Sumama ka sa’kin dali!" hinila niya ko patayo. Binawi ko agad ang braso ko na hawak niya pero bago pa ko makareklamo eh kinaladkad niya na ako palabas ng room. Halatang excited na excited talaga siya. Napadaan kami pababa ng second floor at napatingin ako sa pader doon. May nakadrawing na babaeng may bangs tapos null expressioned na kamukha ni Bangs pero may saboy saboy na pulang pintura sa mukha niya tsaka may guri guring iba't ibang kulay ng pintura sa paligid. Ang laki ng vandal na ‘yon na sakop na sakop ang buong pader. Hindi ko ‘yan napansin kanina ah. Pababa na kami ngayon papuntang first floor pero n’ong makababa na kami eh tumigil tong bugok na Kiel na ‘to bigla. Hinarap niya ako at kunot lang ang noo ko na binawi ang braso kong hawak niya. "Dito ka lang muna. Isasagawa ko na ang aking tunay na show,” sabi niya habang ngiting ngiti at naglakad na paalis. Nakasunod lang ako ng tingin sa kaniya. Ano naman kaya ang pinaplano ng isang to? Tsk! Pag wala lang talagang kwenta yang gagawin niya at inaksaya niya lang ang oras ko, ipapainom ko talaga sa kaniya ‘yung mantikang dala niya. Binuksan niya ‘yung bote ng mantikang hawak niya at binuhos ‘yon sa sahig. Kinalat niya talagang mabuti tapos tinapon niya na lang kung saan ‘yung bote na ‘yon. Naglakad siya palabas nitong building at kita ko pa rin naman siya.Para siyang may hinahanap at nang mukhang makita niya na ay nagmamadali siyang tumakbo papunta sa’kin. "Ayan na si Winter!" sigaw niya na mahina sa’kin. Walang katao-tao dito ngayon kasi may klase pa sila. Ahhh... Kung gan’on eh gusto niya lang palang pagtripan si Bangs at ipapanood sa’kin. Masakyan ko na nga lang at baka magenjoy nga talaga ako. Nakita kong papasok na si Bangs at null expressioned lang siya habang naglalakad at yakap ang libro niya. Galing siyang library sigurado. Bookworm. "Ayan na! Ayan na!" bulong sa’kin nitong Kiel na ‘to at parang pusang ‘di na makaire sa pagiging excited sa mangyayari kay Bangs. Napatingin na ulit ako kay Bangs at malapit na n’yang maapakan ‘yung langis sa sahig. "Ms. Vasquez!" tawag ng isang babae sa kaniya kaya napatigil siya. Si Ms. Ledesma ‘yung tumawag sa kaniya. "Can you come with me first? I need to discuss something to you,” sabi nito sa kaniya at tumango naman siya saka umalis na sila. "Argggghhhhh! Kaasar!" gitil na gitil na si Kiel dito sa tabi dahil hindi natuloy ‘yung plano niya. "Letseng teacher yon! She ruined my brilliant plan!" inis na inis na sabi niya. Napa-iling iling na lang ako. Tsk! He really wasted my time in this nonsensical thing. Kahit gusto ko siyang sapakin sa pagaaksaya ng oras ko eh naisipan ko na lang na umalis na lang at baka lalo lang akong mabadtrip sa kaniya. "Bullsh****t!" papaalis na sana ako pero napalingon ako sa kaniya kasi inis na inis siyang pumunta doon sa lugar na binuhusan niya ng langis tapos asar na asar na sinipa ‘yung nakakalat lang doon na bote na pinaglalagyan n’on kanina. Napatalon talon naman siya habang hawak ‘yung paa niya kasi mukhang nasaktan siya sa pagsipa n’on. Weak. Biglang may magbabarkadang mga lalaking dumating at may tinamaan sa kanilang n’ong bote na ‘yon. Mukhang ‘yung leader pa yata nila ang tinamaan sa mukha. Namula agad ‘yung noo niya. Lima sila at mukha pang mga gangster sa mga porma. Bukas ang mga butones at iba't-iba ang suot na polo sa loob n’on. Iba't-iba ang kulay ng buhok na katerno n’ong mga polo nila. Pwede na silang miyembro ng teletubbies at power rangers sa mga hitsura nila. "What the f*ck! Who did that?!" galit na galit na sigaw n’ong tinamaan sa kanila na leader nila at hinanap kung sino ‘yung bumato sa kaniya n’ong bote. Nang makita niya si Kiel at naisip niya na ito ang may gawa n’on eh napuno ng galit at pagkainis ang mukha niya. "You sh*t! How dare you!" sigaw niya at susugurin na nila si Kiel na takot na takot na ngayon at hindi makatakbo kasi masakit ‘yung paa niya pero sabay-sabay na nadulas doon sa langis na nasa sahig ‘yung mga teletub—ganster na ‘yon. Para silang mga nagdive kaya hindi ko napigilang matawa. Hindi pa sila makatayo nang maayos. Hindi nila ako napansin kasi malayo ako sa kanila. Kahit palpak ‘yung plano kay Bangs, naeentertain naman ako sa kanila. Halatang lalong nagalit ‘yung mga gangster sa nangyari sa kanila at para na silang mga naging toro at pulang tela naman ang tingin nila kay Kiel. "I'll kill you!" sigaw n’ong leader nila. "Waaaaaaahhhh! Russell!" hinging tulong sa’kin ni Kiel at ika-ikang tumakbo papunta sa’kin pero naglakad na ako paalis bago pa siya makalapit sa’kin. Bago ako makaliko ng papaakyat na hagdan papuntang second floor eh naabutan na siya ng isa sa mga gangster na ‘yon sa paghawak sa paa niya kasi nadudulas dulas sila gawa ng tiles ‘yung sahig tapos may langis pa. "Bahala ka dyan. Katangahan mo yan,” sabi ko lang sa kaniya habang siya eh nagmamakaawa pa rin sa’kin at umakyat na ako pabalik ng room. *—***—* Swimming class... Nandito kami ngayon sa may pool area dahil sa swimming class namin. Kameng mga lalaki mga nakatrunks tapos ‘yung mga babae eh mga naka swimsuit, not the one na ginagamit sa mga pagent o ano. ‘yung mga rubber ‘yung mga tela ng suot nilang erk... bra? at short shorts na rubber din. Pinag wawarm up na sila. Nagwawarm up na rin ako kasi ito lang naman ang gusto ko sa lahat ng ginagawa namin, ang pagsiswimming kasi mahilig ako ron. Marunong din akong magsurfing at other activities na related doon. Tinuturuan kami ng iba't-ibang position sa pagsiswimming pero ako, ‘di ko na kailangan n’on cause I know it all. Napatingin ako kay Bangs. Siya lang ang nakalongsleeves na babae at hanggang tuhod ‘yung dapat ay shorts niya. Nakatayo lang siya at hindi nagwawarm up. "Okay! Lets start!" sigaw ng teacher namin na si Sir. Eron. Mga nasa twenties pa lang siguro siya kasi ang bata pa ng itsura niya kaso may lumapit sa kaniyang babeng estudyante. "Sir, Nasa labas po si Sir. Roger. May itatanong lang daw po saglit." Lumabas muna siya saglit at naiwan kaming lahat dito. Tsk! Making us wait! Nagkekwentuhan lang ‘yung mga babae pero ‘yung mga lalaki eh halatang pinagmamalaki ‘yung mga katawan nila. Ako? No need ko nang ipagmalaki kasi kahit wala akong gawin, lahat ng babae dito, nangingintab ang mga mata habang pasekretong sumusulyap sa’kin. Tiningnan ko ulit si Bangs kung ano nang ginagawa niya at nakaupo lang siya sa gilid ng pool habang nakatubog ‘yung dalawang paa niya sa tubig. Lahat ng babae dito nakaswimming cap na (yung nakabilot sa ulo ng swimmer) kaya nakatago ‘yung buhok nila pero siya, nakalugay pa rin at may bangs. Wala siguro siyang planong lumangoy. I think, she doesn't know how to swim. May dumaan na dalawang lalaki sa likuran niya at nagtatawanan ng walang tunog tapos parang may pinag-uusapan. Mayamaya eh sabay nilang siyang itinulak sa may pool nang malakas. Napatingin sa kanila ang lahat ng nandito lalo na kay Bangs na lumubog sa tubig. Nagkukumahog siya sa ilalim ng tubig. Here comes level 10. "Wahahahah! Parang palaka!" tuwang-tuwang sabi n’ong dalawang tumulak sa kaniya habang hawak pa ‘yung mga tyan nila. Pinagtatawanan lang siya ng mga kaklase namin at walang may balak na tumulong sa kaniya. May mga nangvivideo pa nga. "What's happening?!" Napalingon kami lahat kay Sir. Eron at nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa nalulunod ng si Bangs. Hinubad niya agad ‘yung shirt niya at akmang tatalon na siya sa tubig pero nakarinig kami ng mga pagaspas sa tubig kaya napatingin ulit kami sa pool kung nasaan si Bangs at nagulat kaming lahat ng lumalangoy na si Bangs roon papunta sa kabilang side ng pool. Para siyang professional swimmer kung pumagaspas siya sa tubig. Napakaganda pang tingnan ng mahabang buhok niya sa tubig. Napanganga naman ako kasi parang kalevel ko na siya sa galing sa paglangoy. Nakarating na siya sa kabilang side ng pool at umahon na parang walang nangyari. Basang-basa siya at tumingin siya sa’ming lahat. Mabilis ang paghinga niya pero gan’on pa rin ‘yung mga mata niya. Emotionless. Nakatingin lang din kaming lahat sa kaniya pati na ‘yung dalawang lalaking tumulak sa kaniya eh halatang halatang hindi nila inasahan ‘yung nangyari. Agad siyang nilapitan ni Sir. Eron at binalutan siya ng tuwalya. "Who did that to her?!" galit na galit na sigaw ni Sir. Eron sa’min. Walang nagsasalita. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa bench. "Ako." Lahat sila napatingin sa’kin pati na si Bangs. Huminga nang malalim si Sir. Eron at pinaningkitan ako ng mata. "I'll report what happened here to Ms. Ledesma,” sabi lang niya saka sinamahan na n’yang lumabas si Bangs. Tiningnan ko ‘yung dalawang nanulak kay Bangs kanina at nakatingin lang sila sa’kin. "Do you want to become trash?" I said with one eyeborw raised. "N-No, Russell. We'll fix that." "Y-Yeah. We'll tell it was us who pushed her." Tumakbo na sila paalis at sinundan nila sila Sir. Eron at Bangs. Cool na cool lang akong umupo. Level 10 na ‘yon pero kinaya pa rin n’ong Bangs na ‘yon. Sisiguraduhin ko na ‘yung susunod eh hindi mo na kakayanin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD