Chapter 8

3391 Words
Chapter 8 - Warning Patapos na ang lunch time namin pero ngayon ko lang naisipan na kumain. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom kaya lumabas muna ako ng room. Nakapamulsa lang ako habang pababa ng hagdan nang makita ko sa second floor na pinaliligiran si Bangs ng mga lalaking senior din sa may sulok ng hagdan. Anim sila at mukhang pinagkakatuwaan nila si Bangs kasi hindi siya pinapadaan. Ang dami n’yang yakap na mga papel at may libro din doon. Siguradong ‘yun ‘yung project na pinagagawa sa English subject namin. English book ‘yung yakap niya eh. Mini thesis yata ‘yung project na ‘yon. Sipag niya talaga. 3rd period pa pasahan n’on pero may gawa na siya. Tumigil muna ako para panoorin sila. "Ano trash girl? Ngitian mo naman kami dyan oh! O kaya tarayan mo kami? Hindi mo ba kaya?" "Gusto mo bang turuan ka namin? Kaso baka pag-iyak ang lesson 1 namin sa’yo, sige ka! Wahahahaha!" Pinapaligiran nila siya at hindi talaga siya makaalis. Poker faced pa rin siya at mukhang walang epekto sa kaniya ang pantitrip nila. Halatang naasar na ‘yung isa doon sa anim gawa ng napapahiya na sila kasi ‘di nila mapabago ‘yung expression niya pero nang mapatingin sa yakap n’yang mga papel eh napangiti na parang may naisip. Bigla n’yang hinawakan ‘yung mga papel na ‘yon at hinila mula sa kaniya. Nabitawan niya agad ‘yon kasi ‘di niya inaasahan na hihilahin sa kaniya ‘yung project niya. Nalaglag sa sahig ‘yung libro niya tsaka ‘yung ilan sa mga papel na ‘yon. "Eh pano kaya kung sunugin namin tong mga assignments mo? Iiyak ka kaya at magmamakaawa sa’min na wag na naming ituloy?" panghahamon n’ong isang ‘yon na kumuha n’ong mga papel sa kaniya. ‘Di siya umimik at deretso lang siyang nakatingin sa lalaking ‘yon. "Wow! Talino mo talaga pre! Ba't ‘di ko naisip yon!" sabi naman n’ong isa pa sa anim. Kinuha n’ong lalaking ‘yon ang isang lighter sa bulsa niya at sinisindihan habang nakatapat sa mga project niya habang ngising ngisi. Tiningnan ko siya pero walang expression lang na nakatingin sa project niya. Bago pa masunog n’ong lalaking ‘yon ‘yung mga projects niya eh lumapit na ako sa kanila. Napatingin silang lahat sa’kin at pinatay na n’ong lalaking may lighter ‘yung apoy doon. Hinablot ko sa kaniya ‘yung mga papel na hawak niya. "Don't ever try to burn things here. Kapag nagkasunog dito sa school na pagmamay-ari ng pamilya ko, baka kahit apo ng apo ng apo mo eh ‘di mabayaran lahat ng magiging utang n’yo." seryoso kong sabi sa kaniya. "S-Sorry." nakayuko n’yang sabi at halatang sindak sa’kin. Nagtutulakan na silang umalis. Tumingin ako kay Bangs at ipinakita ko sa kaniya ‘yung projects niya. "Cry." utos ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa’kin. Null expressioned ko rin siyang tiningnan. Nang akmang aalis siya at wowalk outan ako eh hinawakan ko ‘yung braso niya kaya napatigil siya. "I said cry." seryosong seryoso kong sabi sa kaniya. Wala pa rin. Tiningnan ko ‘yung hawak kong papel at tama nga ako kanina. Yun nga ‘yung mini thesis na project namin sa English. Binitawan ko na siya at inaabot ko na sa kaniya ‘yon pero ‘di niya kinukuha. "If you don't want this then..." pinagpipilas ko sa harapan niya ‘yung mga papel na ‘yon. Napakakapal n’on kaya nahirapan ako pero wala akong itinirang maayos. Isinaboy ko sa kaniya ‘yung mga papel na ‘yon pero hindi pa rin nagbabago ‘yung expression niya. Nagkalat na sa sahig ‘yung mga pilas na papel. Lumalaki ‘yung urge sa’kin na makita kong magkaron ng emosyon ‘yung mukha niya kapag hindi niya ginagawa. Nagagalit din ako nang sobra kasi ‘di ko siya manipula ‘di katulad ng iba na kapag pinasayaw o pinagawa ko ng kahit anong gusto ko eh agad agad na sinusunod. Hinawakan ko siya sa balikat niya and I pinned her on the wall. Narinig ko ang pagbell. Simula na ng afternoon class sa buong school. Nakatitig lang kami sa isa’t isa. Mas lalo akong naiinis sa kaniya. I need to tame her at kailangan ako ang maging master niya sa school na to, "Gusto mo ba talaga akong banggain?" tanong ko sa kaniya na seryoso. Hindi siya umimik. Hinawakan ko ‘yung baba niya sa inis. "Kapag nakita pa kita bukas dito sa Primo High, hindi lang ganito ang mararanasan mo. If you really want to know what are those things, then pumasok ka... pero wag na wag mo kong sisihin kasi binalaan na kita." Binitawan ko na siya at lumayo na ako sa kaniya. Wala pa ring pagbabago sa mukha niya at nakatingin lang sa’kin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at naglakad na ako paalis. Kapag nakita ko pa ulit ang pagmumukha niya dito bukas pagkatapos ko siyang pagbalaan, baka mas matindi na ang mga magawa ko kaysa sa mga una ko ng nabully. Kinabukasan... Naglalakad na ako papunta ng classroom namin. "Russell!" Napalingon ako sa kung sino ‘yung tumawag sa’kin. Si Kiel pero napansin ko na putok ‘yung labi niya. "Bakit ‘di mo ko tinulungan kahapon! Tingnan mo tuloy tong sugat ko sa labi. One of them punched me!" angal niya agad sa’kin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ba't kita tutulungan? Close ba tayo?" pambabara ko agad sa kaniya. Ngumuso siya na parang nagtatampo pero ngumiti rin agad. "Parang napapansin ko na lagi ka ng pumapasok ah? Siguro may inspirasyon ka na no? Baka mamaya si Winter ‘yan ah." nakangiti n’yang sabi pero ‘yung tingin niya sa’kin, parang may ibang sinasabi. Parang inoobserbahan niya ko o ano. Pero n’ong narinig ko agad ‘yung sinabi n’yang ‘yon eh nangunot agad nang sobra ang noo ko. "Anong pinagsasabi mo dyan?! Bakit ko naman magiging inspirasyon ‘yung trash na yon?!" inis na inis na tanong ko sa kaniya. "Joke lang uy! Ito! Masyadong defensive!" patawa-tawa n’yang sabi. Sa inis ko eh hinawakan ko ‘yung kwelyo niya at inilapit ko siya sa’kin. "Gusto mong paputukin ko rin yang kabila ng labi mo para pantay?" seryosong tanong ko sa kaniya. Halatang nasindak siya sa’kin at umiling. "S-Sorry na. S-Sige na. ‘Di na kita aasarin." natatakot n’yang sabi. Binitawan ko na ‘yung kwelyo niya at pinagpag ko ‘yung kamay ko. Baka may germs. "Ikaw talaga! Laging ang init ng ulo mo,” sabi niya sa’kin. Tiningnan ko siya ng masama. "Bye,” sabi niya at tumakbo na agad siya paalis. Tsk! Panira agad ng araw! Naglakad na ako papuntang room namin at titingnan ko kung pumasok pa rin ba si Bangs. Tinignan ko ‘yung orasan ko at kanina pa simula ng klase. Nalate ako gawa n’ong Kiel na ‘yon pero wala naman akong pake. Binuksan ko na ‘yung pinto at napatingin ako sa tahimik kong mga kaklase. Tahimik sila at mga nakaayos ng upo. Napatingin ako sa teacher namin sa unahan at nakatingin din siya sa’kin pero tiningnan ko na rin agad ‘yung upuan ni Bangs at wala siya doon. Wala din ‘yung bag niya doon. Napangisi ako. Marunong naman pala siyang makinig sa mga babala eh. Kunwari pa siyang matibay. "Any problem Mr. Primo?" tanong sa’kin ng teacher namin kasi ‘di pa ko napunta sa upuan ko at nakatayo lang dito sa may pinto. "Your face." tinatamad kong sabi sa kaniya. Natawa naman ‘yung mga kaklase ko at halatang napahiya siya. Nagulat ako nang may bumangga sa gilid ko kaya napausod ako at may dumaan doon. Napatingin ako kung sino ‘yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Bangs ‘yon at dala niya ‘yung bag niya. Nakahabol tingin lang ako sa kaniya. "Oh! Ms. Vasquez, buti na lang at nahanap mo na ang bag mo. Saan mo nahanap yan?" tanong sa kaniya n’ong teacher namin. Tinuro niya lang ‘yung labas na saktong nakaturo sa’kin kasi nga nakaharang ako sa pinto. "Kay Mr. Primo?" Napatingin sa’kin ‘yung teacher namin. Tinaasan ko siya ng kilay. "S-Sige na at maupo na kayong dalawa." utos niya sa’min. Naglakad na nga papuntang upuan niya si Bangs. "Tsk! Nahanap niya pa yon! Tinago nating mabuti ‘yung bag niya ah!" "Kaya nga eh!" narinig kong pag-uusap ng dalawang lalaki dito sa second row. So, kaya pala wala ‘yung bag niya sa upuan niya eh tinago nila at hinanap lang ni Bangs kaya wala siya dito sa classroom. Akala ko talaga eh nakinig siya sa babala ko pero hindi. Nabwisit agad ako. Binalewala niya na naman ako! Hindi ako makakapayag! Hinding-hindi! Kinabukasan... ~Tagapagsalaysay~ Pumasok na ng classroom si Winter at wala pang katao-tao sa room nila. Siya pa lang ang nandon. Umupo muna siya sa upuan niya at inayos ang gamit niya. Bumukas ang pinto at may pumasok na isang babae kaya napatingin siya doon. Inirapan lang siya n’on at umupo na rin sa sariling upuan niya. Inayos rin nito ang gamit niya at lumabas ng classroom kaya naiwan na naman siyang mag-isa doon. "Paging paging. Ms. Winter Vasquez. You need to go to Ms. Ledesma's office,” sabi sa speaker sa loob ng classroom nila kaya naman lumabas na siya ng classroom at pumunta sa may Office ni Ms. Ledesma. Pagkapunta niya doon ay pumasok na siya sa loob ng office. Napatingin naman sa kaniya si Ms. Ledesma na kanina ay tutok na tutok ang mga mata sa monitor na nasa harap nito. Nakatingin lang siya sa kaniyang adviser. "What happened to you the other day? Nireport sa’kin ni Sir. Eron ang nangyaring pagtulak sa’yo sa pool but ngayon lang kita nagawang mapatawag dahil may inattendan akong meeting kahapon. Ayos ka lang ba?" tanong niya sa kaniya. Tumango naman sa kaniya si Winter. "Involved ba si Russell sa nangyaring ‘yon sa’yo?" Hindi siya umimik. Ayaw n’yang umiling at ayaw n’yang tumango kaya nanahimik na lang siya. "I'm sorry Winter sa pinaggagagawa sa’yo ng batang ‘yon. Kulang lang kasi talaga siya sa atensyon kaya sa ganitong paraan niya ginagawa ang mga bagay para makakuha ng atensyon sa iba. So now, mag-iingat ka na lang na wag ng mainvolved sa kaniya at kapag may ginawa na naman siya sa’yo, report it to me asap at irereport ko na ‘yon nang deretso sa Dad niya." Nakatingin lang siya dito pero tumango na rin siya. "Sige na. I can see na ayos ka lang naman kaya you can now go. Baka malate ka pa sa first class mo." nakangiti nitong sabi sa kaniya kaya tumango lang siya ulit at lumabas na. Pagkabalik niya sa classroom nila ay nandon na ang marami sa mga kaklase niya. Mga nagkekwentuhan. `Yung iba mga naghahabulan at naghaharutan. May ibang mga nakaupo sa desk nila at ang ilan sa mga kababaihan naman ay nagmemake up at nananalamin. Nang makita siya ng mga ito ay bigla silang nanahimik. Naglakad na siya papuntang upuan niya. Nakita n’yang nakatingin lang si Russell sa kaniya na bored na bored. ~Russell~ Umupo na sa upuan sa tabi ko tong si Bangs. Inayos niya lang saglit ‘yung gamit niya at tumingin na sa unahan. Napangiti ako. May surprise kasi ako sa kaniya. Pagkatapos ng ginawa pangbabalewala niya sa warning ko n’ong isang araw. Dumating na ulit ‘yung first subject naming baklang teacher sa math. Rodrigo pala pangalan niya. Ang baho. "Goodmorning Class!" bati niya. "Oh my gosh! Nawawala ‘yung I Phone ko sa bag ko!" sigaw n’ong isa naming kaklaseng babae habang halungkat na halungkat sa bag niya kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "What's the problem, Kiyu?" tanong sa kaniya ni Rodrigo. Ayoko siyang i sir kahit teacher namin siya kasi ‘di bagay sa kaniya kaya sa pangalan ko lang siya tatawagin. Mukhang miserableng miserable naman ‘yung Kiyu sa pagkawala n’ong phone niya. "Sir! ‘yung phone ko! Nawawala! I just put it here inside my bag and now it's gone! What to do?! Nandon pa naman ‘yung mga prettiest selfies ko na ‘di ko pa naaupload!" parang pinagbagsakan ng langit at lupa n’yang paghihysterical. Woman. "Calm down Kiyu. Ano bang nangyari bago ‘yon nawala? Saan ka pumunta? May pinag-iwanan ka ba ng bag mo? Baka namisplace mo lang o ano." sunod-sunod na tanong ni Rodrigo. Napapadyak padyak pa siya sa sahig na parang nagtatantrums. "Eh Sir- Wait. I remember. Maaga akong pumasok kanina at ang nandito lang eh si trash girl- I mean ‘yung Winter na yan( sabay turo kay Bangs) then lumabas ako saglit 'cause I feel suffocated kasama lang siya tapos pagbalik ko na nauna lang ako sa’yo ng konti sa pagdating dito sa room eh wala na ‘yung phone ko!" Napatingin ang lahat dito sa katabi ko. Siya eh nakatingin pa rin sa unahan. "Teka lang Kiyu. Don't accuse someone so suddenly dahil wala ka pa namang proof na siya nga ang kumuha ng phone mo. Ang maganda ay kapkapan natin ang lahat ng classmates mo para malaman natin kung sino talaga ang kumuha,” sabi pa ni Rodrigo. "What?! We'll never steal things!" "The heck! Meron din kaya akong gan’yan!" "Oo nga! Kaya naming bumili ng gan’yan! Bilhan pa kitang sandaan!" pagpoprotesta ng mga classmates ko kaya tumayo na ako. "What if unahin na nating kapkapan tong Winter na ‘to. Tutal, siya naman ang primary suspect , ‘di ba?" sabi ko na cool na cool. "Okay. Okay. We'll do this to clarify this things. Winter, no hard feelings, okay?" Lumapit na siya kay Winter at kinuha ang bag niya. Pumunta sila pareho sa unahan. "Kiyu, ikaw ang kumapkap sa kaniya." utos sa kaniya ni Rodrigo kaya kinapkapan agad siya n’ong Kiyu. Mukhang wala naman siyang nakapkap sa kaniya. Binuksan na ni Rodrigo ‘yung bag niya at tinanggal ‘yung mga bagong bago niya na namang mga gamit. Pinagtatanggal niya ‘yon at wala naman siyang nakita. "See? Mali talaga na nag aaccused tayo agad agad. Wala sa kaniya ang phone mo Kiyu,” sabi niya habang nakatingin doon sa Kiyu. Mukhang nairita naman ‘yung Kiyu na ‘yon at hinablot niya ‘yung bag doon kay Rodrigo at siya ang naghalughog n’on. Bigla siyang napatigil at parang may binuksan siya sa loob. Napangisi ako. Pagkalabas ng kamay niya mula sa bag ay hawak niya na ang isang touch screen na I Phone. Napasinghap naman ‘yung mga kaklase namin pati na si Rodrigo eh nagtaka rin kung san niya nakuha ‘yon. "Sinabi na nga ba't ikaw ang nagnakaw nito! Nilagay mo pa talaga sa secret pocket ng bag mo para hindi namin mahanap agad! Magnanakaw! Thief!" sigaw niya kay Bangs saka hinablot ng sabunot ‘yung buhok niya. Inawat naman siya ni Rodrigo. "Stop it Kiyu! You should not use violence in any kind of situation! Walang nareresolba kung gan’on lagi ang ginagawa mo!" pagalit na sigaw niya doon sa Kiyu. "But Sir! She stole my phone pero siya pa rin ang kinakampihan mo!" "Okay. Okay. We three will talk in my office." Lumabas na silang tatlo pero bago sila lumabas ay tumingin sa’kin si Bangs. Nakatingin lang siya sa’kin at wala akong mabasa sa mga tingin niya. Alam niya kaya? Malamang alam niya. Bakit ‘di man lang siya nagsasalita? Aba! Baka pipe nga talaga ang isang yon! ‘Di man lang niya dinepensahan ang sarili niya. Well, that's the price of not listening to my warning. Naghiyawan ‘yung mga kaklase ko pagkaalis nila. "Magnanakaw pala ang isang ‘yon no?" "Bagay pala talaga siyang maging trash kasi she's a thief!" "Hindi ko inakalang may magnanakaw pala sa school na ‘to. Like hello. All students here came from high classed families then may isang sisira doon." Kanya-kanya na sila ng usapan at ako eh nagpasak ng headphone. Naalala ko kung ano ‘yung ginawa ko kaninang umaga. Pagkapasok ko kanina ng room eh walang tao. Napaaga kasi ako ngayong araw. Ewan ko kung bakit sinipag akong maaga pumasok. Nag-iisip pa nga rin ako kung ano pang gagawin ko kay Bangs pero wala akong masyadong maisip na malupit lupit. Nangangalawang na yata ang pagiging bully ko. May nakita akong isang bag dito sa harapan na pang babae. Meron na rin palang nauna sa’kin. Baka lumabas lang saglit. Naglakad na ako papunta sa upuan ko at nakita ko rin ang bag ni Bangs. Expected ko na ‘yon kasi may pagkaearly bird talaga siya pero nasan kaya ang isang yon? Ting! Biglang may pumasok na ideya sa isip ko. Mwehehehehhe! Mukang ‘di pa pala ako nangangalawang. Pumunta ako sa inahan at binuksan ko ‘yung bag na pangbabae doon tapos nakita ko ang isang touch screen na phone doon. Kinuha ko ‘yon tapos inayos ko na ulit ‘yung bag. Pinuntahan ko naman ‘yung bag ni Winter at inilagay sa loob n’on ‘yung cellphone pero ‘di ako nakuntento na basta na lang ilagay. Nakakita ako ng isang secret pocket sa loob kaya doon ko ‘yon nilagay. Sinara ko na ‘yung bag at cool na cool na umupo sa upuan ko habang may ngiti sa mga labi ko. Siguro naman, kahit pagkunot ng noo niya, magkakaroon siya dahil sa bintang na makukuha niya mamaya. Mweheheheheh! Ano kayang mangyayari sa kaniya? Sana wag ng suspension kasi ‘di ko siya mabubully pag gan’on. Iba naman dapat. Ayaw ko na siyang papasukin pero nagbago na isip ko. Gusto ko ng wag siyang umabsent gawa ng wala akong mapagtitripan pag gan’on. Bumalik na sa classroom si Rodrigo pati ‘yung Kiyu na busangot na busangot ‘yung mukha. Wala si Bangs. "Sir, nasan po si Winter?" tanong ng isa naming kaklase. "Nasa may reflection room siya at doon lang siya buong araw habang nagrereflect siya sa ginawa niya. Hindi kasi siya sumasagot sa mga tanong ko." sagot niya naman dito. "That's unfair Sir! Dapat kinick-out n’yo na ang isang yon! Baka mamaya, makarating pa sa ibang school na may magnanakaw dito sa Primo High!" gitil na gitil na sabi ni Kiyu sa kaniya at padabog na umupo sa upuan niya. "We'll end that issue now. Magi-start na ako ng klase ko." Takte. Baka pipe talaga ang Bangs na ‘yon ah. Pero nevermind, buti hindi suspension ‘yung punishment sa kaniya. Hindi magiging boring ang mga susunod na araw. Uwian... Tumambay muna ako sa may terrace kasi alam kong magkakaroon ng show sa baba. Nakita ko na ‘yung bida n’ong show na naglalakad lang sa baba at papauwi na. Si Bangs. Biglang may nagliparan sa kaniyang mga water balloons at sapol na sapol siya ng mga ‘yon kaya napaupo siya. Napangisi ako. Simula na ng show. "Magnanakaw! Magnanakaw! Magnanakaw!" sigaw n’ong mga tao sa baba habang pinagbababato siya ng water ballons. Basang basa na siya kasi pag tumatama sa kaniya ‘yung mga water balloons eh sumasabog ‘yon dahil sa sobrang lakas ng pagbato n’on sa kaniya. "Get lost!" "Umalis ka na dito thief!" "Magnanakaw! Salot ka sa lipunan!" "Wag ka ng pumasok dito magnanakaw!" sigawan nila at patuloy lang siyang pinagbabato. Kung nakinig na lang siya sa’kin at ‘di na pumasok ngayon para ‘di niya naranasan na mapagbintangan na magnanakaw ng buong school. This is her choice and I'm glad na ito ang pinili niya para may plaything pa rin ang buong Primo High.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD