Chapter 9

1151 Words
Chapter 9 - Lumang Music Room Napa-angat ako sa pagkakaub-ob ko sa upuan ko. ‘Di ko namalayan na nakatulog pala ko. Hoooooohhh! Nag-inat pa ko habang humihikab. Pagtingin ko sa room, napansin kong kakaunti na lang ang tao. Tinignan ko ang relo ko para malaman ko kung anong oras na at 4:30 na pala. Nagsiuwian na silang lahat. Bigla naman akong napatingin sa upuan na nasa kanan ko pero wala ng nakaupo ro'n. Umuwi na rin siguro. Tumayo na ako at inayos ko muna ang uniform ko saka lumabas na ng room. Lagpas isang buwan na rin ang makalipas simula nang magtransfer dito sa Primo High ang Winter Vasquez na ‘yon. Iba't-ibang pambubully ang ginagawa ko sa sa kaniya pati na rin ‘yung mga kaklase namin at ibang mga estudyante pero nandito pa rin siya sa school na ‘to. Haaaayyyyy! Hanga na talaga ko sa tibay niya. Ang dami ng ginawa sa kaniya pero nasisikmura niya pa ring pumasok at mag-aral dito. Halimbawa, n’ong isang beses, pinagpipilas ng mga nagpaiwang mga babaeng kaklase namin sa room ‘yung mga libro niya sa bag n’ong nakalagay lang sa upuan niya dahil nga may baking class kami n’on. Hindi siya nagalit n’on. Pang-ilang beses na ba n’yang pinalitan ang gamit niya? Pinalabas nga siya ng mga teacher namin sa mga subjects na wala siyang mailabas na libro eh at lumabas nga talaga siya at ‘di man lang nagsumbong. Meron ding isa minsan. Habang nasa library siya, ‘yung mga lalaki sa ibang year level ay pinagtripan siya. Nilagyan nila ng unregistered book ang bag niya at nang lalabas na siya ng library eh nadetect ng detector machine na nasa pinto ‘yung libro. High tech kasi ang library namin kaya wala ka talagang takas kapag hindi mo pinaregister ‘yung libro na galing doon. Ipinatawag naman siya doon sa Guidance office at hindi ko na alam kung anong nangyari sa kaniya doon. Meron naman, ninakaw ‘yung pera at mga cards sa wallet niya na nasa bag lang kaya wala siyang pinangkain n’ong recess at lunch namin dahil wala na nga siyang pera at hindi rin siya makakapag withdraw dahil nga pati cards niya eh ninakaw. At isa pa eh hinagisan siya ng mga bulate n’ong mga kaklase naming lalaki. Nasa garden kasi kami n’on para sa agriculture subject namin. Aba! Wala pa rin siyang reaction kahit na may bulate sa ulo niya. Easyng-easy niya lang na tinanggal ang mga ‘yon sa ulo niya at pinagpatuloy ang ginawa niya. Kami pa ngang lahat ang nandiri sa ginawa niya. Alam ko ang lahat ng mga pinaggagagawa sa kaniya dahil may taga-report ako. `Yung bugok na si Kiel. Gustong-gustong maging kanang kamay ko kaya hinayaan ko na lang. May pakinabang naman siya eh kahit maligalig. Pero hindi ko inaakala na aabot ng lagpas isang buwan sa school na ‘to ‘yung Winter na ‘yun eh ‘yung mga lalaki nga na minarkahan ko ng trash eh hindi nakakatagal ng isang linggo dito at halos sumpain na ako at ang school na to, siya pa kaya na babae at nanggaling pa sa isang Girl's school. Tinatawag na nga siyang Robot dito sa school imbis na trash girl kasi ang manhid niya at ni minsan eh hindi talaga siya nagreact sa mga pinaggagagawa sa kaniya. Dapat lang talaga siyang tawaging gan’on kasi sobrang ang weird weird niya at wala siyang pinapakitang emosyon sa kahit kanino at sa kahit anong sitwasyon. Lalong-lalo na ‘yung mga mata niya. Hindi ko inakalang may tao pala talagang gan’on. Gusto ko ngang makitang umiyak o kaya magalit ‘yung Winter na ‘yon. Baka mamaya robot nga talaga ang babaeng ‘yon na nagpapanggap lang na tao o baka naman, siya talaga si Iron Man-Iron Woman pala! Tss. Puro kalokohan! Ngayon eh naglakad-lakad muna ako dito sa school dahil ayoko pang umuwi sa bahay namin. Ako lang na naman kasi mag-isa doon. Sila Dad at Mom kasi, palagi na lang ‘yung mga works and businesses nila ang inaatupag nila. P arang wala na nga silang anak. Si Dad kasi, bukod sa siya ang may-ari nitong Primo High, meron din siyang malaking kumpanya at doon niya inuubos ang mga oras niya. Kung uuwi man siya ng bahay, dala pa rin niya ang mga unfinish works niya saka magkukulong sa kaniyang office sa bahay. Si Mom naman, may sariling boutique sa may Tagaytay at siya rin ang designer ng mga damit doon sa boutique niya na ‘yon. Doon rin siya nag-i-stay ng ilang mga buwan at malimit lang kung umuwi sa bahay namin kaya ramdam na ramdam ko ang kawalan ko ng halaga sa kanila. Habang nagdadrama ako sa isip ko ay nadaanan ko ang lumang music room kung saan ay may bali-balitang may multo raw na nagtutugtog ng piano sa loob nito. Tss! Hindi naman totoo ang mga gan’on! Ano sila? Mga bata? Masyadong nagpapaniwala sa mga gan’ong bagay! Buti pa ko. Atapang atao. ‘Di atakbo! Napag-isipan kong dito muna ako tumambay sa loob ng music room kasi sigurado akong walang mambubulabog sa’kin dito kasi nga kinatatakutan ‘to. Pipihitin ko na sana ang door knob nang may narinig akong may nagplay ng piano sa loob. Napatigil ako sa pagbubukas ng pinto. Ito na ba ‘yung multong nagpapiano na sinasabi nila? Hindi ko alam pero nanaas ‘yung mga balahibo ko nang maisip ko ‘yun. Atakbo na ba ako este tatakbo na ba ako? Pero napatigil ulit ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang mapakinggan kong mabuti ‘yung tugtog. Napansin ko na napakalungkot n’ong music. Nang may bigla na ring kumanta at Safe and Sound 'yon ni Taylor Swift. Pero parang hindi naman multo ang kumakanta, parang anghel ata. Napakasarap kasing pakinggan n’ong tugtog kahit na malungkot. Hindi ko na tinuloy ang pagbubukas ng pinto at hinayaan ko na lang na medyo nakaawang ‘yun. Sumandal na lang ako sa gilid ng pader sa labas at nakinig doon sa kumakanta. Nararamdaman ko ‘yung kanta. Para bang pumapasok ‘yon sa puso ko na ‘di ko maintindihan. Nang maramdaman kong parang basa na ‘yung pisngi ko ay hinawakan ko iyon. Tss! Hindi ko alam, umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang mga luha ko dahil parang nababaklaan ako sa sarili ko. Baka mamaya, may makakita pa sa’kin dito na umiiyak. Sayang naman ang Bad boy image ko. Dahil sa ‘di ko mapigilan ang curiosity ko ay tuluyan ko nang binuksan ‘yung pinto para malaman ko kung sino ba talaga ‘yung nagpa-piano at kumakanta. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. Hindi ‘yon isang multo o anghel kundi isang robot! "Bangs?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD