Chapter 36

1428 Words
Chapter 36 - Found a New Friend ~Winter~ "Winter, Partneran mo si Russell." Napatingin ako kay Sir. Roger. Nakita kong parang nagulat din si Gino doon sa sinabi ni Sir. Hindi pa ako medyo sanay na tawagin si Russell na Gino pero ‘yon naman ang gusto n’yang itawag ko sa kaniya kaya ‘yun ang gagawin ko. "Ako na ang papartner kay Russell, Sir." lumapit si Vincent kay Sir. "No need Vincent. Mawawalan naman ng kapartner si Carlo kapag ikaw ang pinartner ko kay Russell. Si Winter na lang ang ipapapartner ko sa kaniya." pigil ni Sir. sa kaniya. Magpoprotesta pa sana siya pero nilapitan na ako ni Sir. "Ikaw ang ipapartner ko sa kaniya kasi alam kong mas kumportable siya sa’yo kaysa sa iba." nakangiti n’yang sabi sa’kin. Napatingin ako kay Gino pero nag-iwas siya ng tingin sa’kin. Sumama na ako kay Sir. kung saan ipapacurl ups ‘yung mga boys. Humiga na sila. Wala na ring nagawa si Gino kundi ang humiga. Tinuunan ko na ‘yung paa niya at hinawakan ko ‘yung tuhod niya. Kinakabahan ako. Si Gino naman ay blanko ang ekspresyon. Isang linggo din siyang hindi pumasok. Alalang-alala ako sa kaniya n’on pero nahihiya akong pumunta sa bahay nila para bumisita. Sinubukan ko na dati pero nahihiya talaga ako kaya hindi ko naitutuloy. "Start!" sigaw ni Sir. Roger kaya nagstart na ‘yung ibang magcurls up. Nagsimula na rin si Gino na iangat ang katawan niya habang ‘yung mga kamay niya ay nakahawak pareho sa likod ng ulo niya. Ang lapit ng mukha niya sa’kin at tumigil siya saglit pero hindi ko inalis ang pagkakatingin ko sa mga mata niya. Tiningnan ko ang noo niya na palagi kong nakikitang nangungunot kapag naiinis o nagsusuplado siya pati sa mga kilay n’yang tamang tama lang ang pagkakakapal. Kapag nagsusungit siya, pagtaas ng kilay niya agad ang indikasyon n’on. Humiga ulit siya at inangat niya ulit ang katawan niya. "2." bilang niya. Sa mga mata niya naman ako nabaling. Parang hinihipnotismo ako ng mga ‘to sa tuwing matititigan ko ‘to. Ang mga itim na itim n’yang mga matang ‘to na kapag natitigan ko ay para na kong matutunaw at hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Pati na rin ang ilong n’yang tamang-tama lang ang pagkatangos na bagay na bagay sa hugis ng mukha niya. Humiga ulit siya at umupong muli. "3." Sa mga labi niya naman ako napatingin. Ang mga labi niya na ‘to ang minsan nang dumampi sa ilong at noo ko. Ang malalambot n’yang labi. "Don't stare at me like that... You're melting me..." may nakakalokong ngiti siya ngayon sa labi niya. Napansin ko na hindi na siya humiga. Nakaupo pa rin siya hanggang ngayon tapos binaba niya na ‘yung kamay niya na kanina ay nakahawak sa likod ng ulo niya. Nginitian niya ko ng malawak. Nakita ko ang pantay pantay at napakaputing ngipin niya na parang nakislap na sa kaputian. Mas gwapo talaga siya kapag nakangiti siya pero naalarma ako nang nakita kong tumitig siya sa mga labi ko. Unti-unti n’yang inilalapit sa’kin ‘yung mukha niya. Biglang parang nawalan ako ng hangin na masisinghap at hindi ako makahinga sa gagawin n’yang ‘to. Natulala rin ako sa kaniya at para nang napako na ako dito sa pwesto ko dahil hindi ako makagalaw. Pero nagulat ako nang biglang may humablot sa kamay ko saka ako itinayo. Napatingin ako kung sino ‘yon. Si Vincent at kitang-kita kong ang galit sa mga mata niya. Galit na galit siyang tumingin kay Gino. "Sir. Roger. Tapos na kami ni Carlo. Ako na ang papartner kay Russell." malamig na tumingin siya kay Sir. Wala nang nagawa si Sir. kundi payagan na siya. Lumayo na ako sa kanilang dalawa pero kita ko pa rin ang mga side view ng mukha nila. Nakita kong nginisian ni Gino si Vincent pero seryosong tingin lang ang ipinukol sa kaniya ni Vincent. Nagsimula ng magcurls up ulit si Gino pero nagulat ako n’ong tumingin siya sa’kin. Tumingin lang siya sa’kin pero tinuloy niya na ulit ‘yung pagkecurls up niya. Nagkakatitigan sila ni Vincent pag umuupo si Gino at parang may nagsasalubong na kuryente mula sa mga mata nila. Saglit lang ay umayaw na si Gino kaya pinagsimula na kami ni Sir. na tumakbo para doon sa one kilometer run namin. Walong beses naming iikutin ‘yung malaking gym na ‘to para mabuo namin ‘yung one kilometer. Nagsimula na kaming tumakbo. Halatang nagpapaunahan sila Vincent at Gino sa pagtakbo kasi nakakakalahati pa lang ako ng gym eh pangalawang ikot na nila o sadyang mabagal lang akong tumakbo? Konti pa lang ‘yung natatakbo ko eh hinihingal na ako. `Yung dalawa, patuloy pa rin sa pagpapaunahan. May sumabay sa’kin na babae. Napatingin ako sa kaniya. Siya ‘yung kapartner ko sa curls up kanina. Nginitian niya ko. "H-Hello Winter..." nahihiya n’yang sabi sa’kin. Nakatingin lang ako sa kaniya. Nagjajog lang kami parehas. Ganon din ‘yung iba. "Ako si Sophia. Magkagroup tayo sa may Music and Arts natin." pagpapakilala niya sa’kin. Tinanguan ko siya. Tumingin na ulit siya sa harapan. Ganon din ako. Magkasabay lang kaming nagjajog. "Ahhh... Ano... kasi....” sabi na naman niya. Napatingin ulit ako sa kaniya. Nakatingin rin siya sa’kin. "Pwede ba kitang ano... Maging k-kaibigan..." nag-aalinlangan n’yang tanong sa’kin kaya napatigil ako sa pagtakbo n’ong marinig ko ‘yon. Napatigil din siya. Tumingin ako sa kaniya ng hindi makapaniwala. Nakita kong mukhang nagulat siya sa reaksyon ko. "Pwede ba kitang ano... Maging k-kaibigan..." "Maging k-kaibigan..." "Kaibigan..." Nagpaulit-ulit sa tenga ko ‘yung sinabi niya. Hindi ako makapaniwala doon sa sinabi niya. Ngayon lang may nag-alok sa’kin ng pagkakaibigan na babae. Si Vincent ang pinakauna kong naging kaibigan at sumunod naman si Gino. Hindi ko aakalaing mayroon pa palang ibang gustong makipagkaibigan sa’kin. Lumapit siya sa’kin. Napaatras ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. "Wag kang matakot sa’kin... Magiging mabuti naman akong kaibigan sa’yo." pag-aassure niya sa’kin. Nakatitig pa rin ako sa kaniya. Tuluyan na siyang nakalapit sa’kin. Hinawakan niya ‘yung dalawa kong kamay. Nakaramdam ako nang sobrang warmth sa paghawak lang niya ng kamay ko. Nginitian niya ko. Hindi ko pa rin maalis ang titig ko sa kaniya. Naramdaman kong parang may basa na sa gilid ng mga mata ko. Nagpanic naman siya dahil doon. "What's happening here?! Why is she crying?!" narinig namin pareho ang isang pamilyar na boses. Napatingin kami pareho doon. Si Gino at nasa likod niya si Vincent. Halata ang galit sa mukha niya. "N-No... I-I d-did'nt do anythi—”hindi na niya natapos ‘yung sasabihin niya dahil niyakap ko siya. Niyakap ko siya nang mahigpit. Nangilid ang mga luha ko. She asked me to be her friend... Alam kong ang babaw n’on para sa iba pero napakalaking bagay n’on para sa’kin. Para akong nakahanap ng isang kayamanan na dapat ingatan. Kayamanan na pagkakaibigan. Oo, natatakot akong mapalapit sa kaniya. Natatakot akong pag nakuha niya na ‘yung dadamin ko ay bigla niya na lang akong iiwanan pero matagal na panahon ko ring hiniling na merong makipagkaibigan sa’kin. `Yung makakaintindi sa’kin at maiintindihan ko rin. `Yung magiging kasama ko sa masasaya at malulungkot na oras katulad n’ong ibang mga magkakaibigan na nakikita ko lang sa paligid. Nang bumitaw ako sa kaniya, kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi niya. Pinunasan niya ang luha mga mata ko. Napatingin ako kina Vincent. Halatang hindi man nila alam kung ano ang nangyari sa’ming dalawa pero nakangiti lang sila sa’kin. Tumingin na ulit ako kay Sophia. "Tara?" aya niya sa’kin. Nakangiting tumango ako sa kaniya. Sabay na kaming tumakbo. Lahat ng madadaanan naming mga kaklase ko, napapatingin sa’min—”sa’kin dahil nakangiti ako ngayon. Mukhang nagulat sila dahil sa pagngiti ko. I hope, Sophia will never abandon me. Dahil isa na siya ngayong malaking parte ng buhay ko. Natapos ang araw na ‘yon na masayang masaya ako. On this day, I found a new jewel of my life to treasure. I found a friend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD