Chapter 37 - Our Gimik is...
Two weeks later...
(Saturday)
~Russell~
Nakasandal lang ako dito sa may poste nitong Coffee House kung nasaan kami ngayon habang nakaupo sila Winter, si Sophia at si Carlo dito sa isang table.
"Si Vincent na lang ang hinihintay natin,” sabi ni Sophia.
Ibang-iba talaga siya doon sa mga kasama n’yang tatlong babae. Kumpara sa mga yon, siya ‘yung pinakamahinhin at mabait.
Pero napapansin ko na hindi na siya masyadong nagsasasama sa mga ‘yon.
Close na rin sila ni Winter.
"Tss! Paimportante!" nasabi ko na lang sa inis ko.
Natanaw ko na kabababa lang ni Vincent sa isang taxi.
Lalong nangunot ang noo ko dahil nakangiti pa siya sa’min.
Nang makalapit siya sa’min.
"Hoy! Who are you to make me wait for you?! Hah!" salubong ko agad sa kaniya pero dinaanan niya lang ako at umupo na siya doon katabi ni Winter.
Magsasalita sana ako pero...
"Sorry guys ha, nalate ako. Hindi ko kasi masyadong alam ‘yung pagpunta dito kaya natagalan ako ng konte sa pagbyahe." pagdadahilan niya.
Kinalma ko ang sarili ko.
Padabog na kong umupo doon sa upuan sa pagitan ni Carlo tsaka ni Sophia.
"Okay lang. Five minutes ka lang naman late,” sabi ni Sophia sa kaniya habang nakangiti.
Psh! Five minutes o one minute pa man, late pa rin yon!
Kung gusto n’yo namang malaman kung bakit kami lahat nandito ngayon?
Kasi dahil doon ‘yun sa project n’ong Music and Arts naming teacher.
Diba nga, kami ang magkakagrupo doon.
Bakit ako ngayon nandito?
Flashback...
3 days before...
Simula n’ong mapagdesisyonan kong iwasan si Winter, ginawa ko na talaga ‘yon.
Hindi ko siya pinapansin pagkatapos n’ong nangyari sa P.E at gan’on din siya sa’kin.
`Yung mga nangyari sa P.E, ‘yun na ‘yung nagsilbing pagpapaalam ko sa kaniya.
Kasi nga, ‘yun na ang last ko at tuluyan ko na siyang lalayuan.
Dahil doon, palaging sila ni Vincent ang magkasama.
Bumalik na sa normal ang lahat.
Katulad ng dati, bumalik ako sa pagiging pala absent ko.
Madalang na ulit ako kung pumasok.
Siya ay medyo gan’on din.
Noon, medyo nakakausap na siya ng mga tao dito pero ngayon, bumalik na siya sa pandedeadma.
Si Vincent na lang ang kinakausap niya at pati si Sophia ay kinakausap niya na rin na palagi niya na ring kasama kaya silang tatlo ang magkakabarkada.
Wala na ring mga bakas ng kahit anong pasa sa kaniya.
Ngayong Wednesday ay naisipan kong pumasok kasi three days akong ‘di pumasok last week at two days naman ngayong week...
Namiss ko kasi siya.
Hanggang tingin lang ako sa kaniya pero nakukuntento na ako doon.
May picture niya naman ako kaya ‘yun na lang ang tinitingnan ko at minsan pa nga eh kinakausap ko kahit parang timang lang.
"Class! Three weeks na lang at mag aacquaintance party na ninyo. Kamusta naman ang paghahanda n’yo?" tanong sa’min ni Ms. Gomez.
Ayan na naman ‘yung mukha n’yang masungit at parang mangangain ng tao na buhay.
May pagkacanibal talaga ang mukha niya, pwera lait.
"Mabuti po..." sagot sa kaniya n’ong mga kaklase ko.
"Mabuti kung gan’on. Alam n’yo naman siguro ang consequences kapag hindi kayo nakagawa n’ong performance nyo, hindi ba?" biglang nanahimik ang klase.
Parang wala ng gustong huminga.
Ako, humikab lang ako at nakita kong napatingin sa’kin si Winter kaya napatingin ako sa kaniya.
(Silence)
Ngayon ko na naiintindihan ang salitang AWKWARD.
Tumingin na ulit ako sa unahan.
"Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang consequence ng hindi paggawa ng performance nyo, paglilinisin lang naman kayo ng field for one month pero dahil ako ang magbibigay ng punishment, tama na siguro hanggang graduation n’yo no?"
Nanlaki ang mata ng lahat doon sa sinabi niya.
Ano yon? Graduation na, pinaglilinis pa rin niya ng field?
"Walang pwedeng makaangal dito dahil humingi ako mismo ng pahintulot sa may-ari nito na si Mr. Charlie Primo na payagan ako sa consequence na ‘to kaya hindi ka lusot doon, Mr. Primo."
Napatingin ako sa kaniya.
Nginitian niya ko na parang may ibang kahulugan.
Parang sinasabi niya na wala na akong magagawa dahil si Dad na ang mismong nagbigay sa kaniya ng permission.
Eh ‘di wow.
Naalala ko na kagrupo ko nga pala si Winter doon pati na si Vincent.
"Okay! Galingan n’yo class... Kayo ang Section A kaya dapat ay hindi kayo magpatalo sa mga mabababang section katulad ng E at F. Isang malaking kahihiyan ‘yon sa section n’yo pag natalo nila kayo. Sige, you can now take your lunch..." doon ay lumabas na siya ng pinto ng room.
Haaayyy... Sasali pa ba ako?
Sige, sasali na ako...
Kahit doon lang, gusto ko ulit makasama si Winter kahit na may asungot pa na Vincent.
Flashback ends...
"So guys, ano ba ang naisip n’yong gimik natin?" tanong ni Sophia habang isa-isang tumingin sa’min pero n’ong sa’kin na siya tumingin, bigla siyang namula tapos kay Winter na ulit tumingin.
"Magtheater act na lang kaya tayo gaya ng sabi ni Mam. Romeo and Juliet?" suhestyon naman ni Vincent.
Napatingin kaming lahat sa kaniya at napangisi rin ako sa sinabi niya.
"Ang ganda naman ng suggestion mo. Tumingin ka nga sa katabi mo. Kung ‘yun ang iaact natin eh siguradong ang kalalabasan lang n’on eh baka Iron Man at Wall-e dahil sa malarobot n’yang acting. Baka maging instant comedy pa ang dapat ay drama." nagcross arms pa ko para mas cool akong tignan.
Napatingin nga sila sa katabi ni Vincent na si Winter.
Napatango-tango naman silang tatlo na sumasang-ayon sa sinabi ko.
Isipin n’yo naman kasi.
Kung kunwari si Winter si Juliet o kaya ay supporting character man tapos ang line niya eh kailangang umiiyak... Walanjo... Baka kailangan pa naming lumapit sa kaniya habang nasa stage siya para patakan lang siya sa mata ng tubig o ‘yung pang sore eyes.
At pwede ring magmukha lang siyang napadaan sa play na ‘yon na nagbabasa ng tula na dapat ay line niya.
Marami pa kong gustong idescribe sa malarobot na magiging acting niya pero kayo na ang bahalang gamitin ang imagination n’yo.
"Eh ikaw. May naisip ka na bang idea?" nanghahamong tanong sa’kin ni Vincent kasi siguradong napahiya siya doon sa sinabi ko.
Hmm! Akala mo ha! Meron kaya akong naisip.
"Mag acrobatics na lang tayo para mas cool. Sure win pa." nagmamalaki kong sabi.
Napanganga sila lahat sa sinabi ko except kay Winter. Natuwa naman ako sa reaksyon nila. Galing na galing siguro sila sa’kin ngayon. Bwahahaha! Ano ka ngayong Vincent ka ha! Wala ka namang originality, gusto mo lang kopyahin ‘yung sinabi ni Ms. Gomez. Ano ka ngayon sa idea ko?
"Ikaw Carlo, may naisip ka ba?" biglang tanong niya kay Carlo.
Napatingin naman ako sa kanilang dalawa at para nilang hindi narinig ‘yung suggestion ko.
"Oy teka! Pano ‘yung sugge—“
"Bumuo na lang tayo ng banda." pamumutol naman ni Carlo sa sinasabi ko.
Napatingin ako kay Winter at doon na rin siya nakikinig sa usapan n’ong dalawa.
"Mas maganda nga ‘yung acro—”
"Sige. Anong instrument kaya mong laruin?" si Vincent na parang hindi pa rin naririnig ‘yung mga sinasabi ko.
"Wag na kasi ‘yan. Acrobatics n—”
"Marunong akong mag drums. Ikaw?"
Tumayo ako. "Could you please listen to me first?!" sigaw ko kaya napatingin sa’kin ‘yung mga tao dito sa Coffee Shop.
Nakatulala lang sila sa’king tatlo.
Si Winter, nainom lang n’ong kapeng inorder niya kanina.
"Bakit mo ba pinagpipilitan yang acrobatics na yan?! Marunong ka ba?!" tumayo rin si Vincent at sinigawan ako.
Napaisip ako sa sinabi niya.
"Hinde." maikling sagot ko sa kaniya.
Napafacepalm naman siya tapos umupo na ulit siya at nakipag-usap na kay Carlo tungkol doon sa bandang sinasabi nila.
Sige na nga!
Hindi rin naman ako marunong n’on.
Eh sa ‘yon ang naisip ko eh.
Sobrang hilig ko kasing manuod ng mga gan’on.
`Yung tipong malalaglag ‘yung puso mo kasi akala mo mahuhulog sa lubid o kaya mapipigtal ‘yung lubid na pinagbibitinan, ‘yung mga gan’on.
Kung ‘yun siguro gawin namin, kami na champion pero mahirap rin naman talagang gawin ‘yon.
Buwis buhay.
(Mahilig po ako sa mga acrobats and likes kaya namintion ko. Wihi!)
Umupo na ako sa upuan ko at nakinig na lang din doon sa mga pinag-uusapan nila.
"Sinong marunong kumanta sa inyo?" tanong ni Carlo sa’min.
Napatingin ako kay Winter pero nakatingin lang siya sa kape niya.
Mukhang walang balak magtaas ng kamay.
Sayang naman ‘yung talent niya kung hindi niya ipapaalam sa iba.
Pero nahihiyang nagtaas naman ng kamay tong katabi ko.
Si Sophia.
"Si Sophia at Winter ang magiging mga lead singers natin."
Nakita ko naman na napatingin si Winter kay Vincent pero nginitian lang siya nito.
Mukhang alam din niya na maganda ang boses ni Winter.
Kaasar!
Pati ‘yung gan’ong bagay, alam niya!
Napasimangot na naman ako.
"Keyboard ako,” sabi ni Winter kaya nakuha niya lahat ang atensyon namin.
"Ayaw mong maging vocalist?" tanong ni Carlo sa kaniya.
Pokered face lang siyang umiling.
Nagkatinginan sila ni Vincent at parang chinicheer pa siya nito na mag lead siya pero sa’kin na siya napatingin.
Pokered face lang din akong nakatingin sa kaniya at nag-iwas na siya ng tingin saka uminom n’ong kape niya.
"Ganto. Ang mga lead singer natin eh si Sophia. Si Winter ang keyboarder, si Carlo ang drums, ako ang electric guitar at ikaw Russell..." napatingin ako kay Vincent ng kung anong role ko na ang sasabihin niya.
Siguraduhin mo lang na ako ang pinaka star ng gagawin natin kung hindi pupulbusin kita!
"Ikaw Russell ehh..." nag-isip pa siya nang malalim habang nakahawak sa baba niya.
"Tagapalakpak ka na lang."
Bigla kong hinawakan ‘yung dalawang kwelyo niya at inilapit ko ‘yung mukha niya sa’kin.
"Ano ulit role ko?" nanlilisik ang mga matang tanong ko sa kaniya.
Tawa naman nang tawa tong si Carlo.
Si Sophia naman, pinipigilan ‘yung tawa niya.
Wag n’yo ng tanungin ‘yung kay Winter.
...
Alam na.
"Joke." poker face n’yang sabi.
Lalo kong hinigpitan ‘yung hawak ko sa kwelyo niya.
"I know you mean it!" nanggigigil kong sabi.
Pinaghiwalay naman kami ni Carlo.
"Wag nga kayong mag-away dalawa. Pano natin matatapos ‘to kung away kayo nang away." saway niya sa’min.
Kinalma ko ‘yung sarili ko pagkatapos sabihin ni Carlo ‘yon.
"Bakit ba kasi kailangan natin tong gawin?" naiirita kong tanong.
Ang hassle sa buhay!
"Para ‘to sa grades natin." nakatingin si Carlo kay Sophia n’ong sinabi niya ‘yon tapos umiwas naman si Sophia ng tingin.
Nu naman kayang problema nitong dalawang to?
"Pati na rin ‘yung consequences na sabi ni Ms. Gomez. Kung tama ang narinig ko, may mas grabe pa doon sa consequence na binigay niya. Ibig sabihin, hindi lang paglilinis ng field ‘yon at may iba pa." paliwanag ni Vincent.
"Russell, ano ba ang instrument na kaya mong tugtugin?" tanong sa’kin ni Sophia.
Naramdaman ko namang nag-iba ‘yung aura ni Carlo.
Naging kulay black.
"All around... Pumasok ako sa music school dati kaya marami akong instrument na kaya kong tugtugin." sagot ko sa kaniya.
Nagspark naman ‘yung mga mata ni Sophia.
Bigla namang tumayo si Carlo.
"Guys, magsiC.R lang ako saglit." seryoso n’yang sabi tapos n’on ay umalis na siya.
Ibang-iba ‘yung aura ng isang ‘yon kumpara dati.
Para kasi siyang sinto-sinto pag nasa room kami pero ngayon, normal naman siyang kausap.
Trip niya lang kaya ‘yon o may pagkabipolar?
Nevermind.
"Ikaw din, electric guitar ka na rin para mas malakas ‘yung impact natin sa tao." pagpapatuloy ni Vincent doon sa topic kanina.
Hindi ko lang siya pinansin.
Tss! Alam ko naman na gusto niya talaga akong maging tagapalakpak lang.
"Ang problema na lang natin ay ‘yung tutugtugin natin. Kelangan nating pag-isipang mabuti ‘yung kantang pipiliin natin para may tsansa tayong manalo."
Seryoso siya ngayon.
Kala mo naman, sasali kami sa X Factor UK.
Nagcrossarms na ako habang nakadekwatro.
Nagsisimula na kasi akong mabored.
Napatingin ako sa paligid.
Ang ganda ng ambiance ng shop na ‘to pero naiba ‘yung atensyon ko ng makita kong ang daming nakatingin sa’min.
"Grabe! Ang gwapo naman n’ong dalawang ‘yun oh." narinig kong sabi n’ong isang babae na malapit sa’min.
Dumating na si Carlo galing sa C.R.
"Oh! May bagong poging dumating! Grabe! Nakakasilaw sila!"
Nakita ko na narinig din nila Vincent ‘yung pinag-uusapan n’ong mga babae malapit sa’min.
"Tindi talaga ng kagwapuhan ko. Pati kayong dalawa, nahahawa...” sabi ko at tiningnan ko silang dalawa at nginisian.
"Tara na guys, maggala-gala muna tayo. Sayang rin naman kasi ‘yung ipinunta natin dito kung saglit lang pala tayo." yaya ni Vincent sa’min at dineadma ‘yung sinabi ko kanina tungkol doon sa kagwapuhan ko.
Deadma King ang dapat itawag sa kaniya kasi mamaya madedead talaga siya kasi papatayin ko na talaga siya!
Kaasar!
Tumayo na kaming lahat at lumabas doon sa may shop.
Naglakad kami sa pinakamalapit na mall dito.
Dito rin kami pumunta ni Winter n’on eh.
Habang naglalakad kami, si Vincent at si Winter ang nauuna tapos kasabay ko tong si Sophia sa paglalakad.
Bigla namang sumingit sa gitna namin si Carlo at seryoso lang siya.
Binilisan ko ‘yung lakad ko at ako naman ang sumingit sa gitna nila Vincent at Winter.
Seryoso lang ‘yung mukha ko n’ong tumingin sa’kin si Winter.
Balak ko talagang hindi siya pansinin pero hindi ko naman hahayaan na si Vincent lang ang lagi n’yang makasama!
Aba! Abusado yang Vincent na ‘yan pag gan’on!
Lumipat naman si Vincent doon sa kabila ni Winter kaya si Winter na ang nasa gitna namin.
"Grabe! May pageant bang gaganapin dito?"
"Ang gagwapo at gaganda naman nila!"
Nakukuha namin masyado ‘yung mga atensyon ng mga tao.
May nadaanan kaming Blue Magic Shop.
"Guys, teka lang. May titingnan lang ako dito saglit..." pumasok si Sophia doon sa loob ng shop.
Sumunod naman sa kaniya si Carlo.
"Winter, gusto mo bang bilhan kita ng stuff toy? Tara! Bibilhan kita." narinig kong sabi ni Vincent kay Winter at pumasok na silang dalawa doon.
Pumasok na rin ako.
Syempre, ayoko namang maghintay lang doon sa labas.
May mga bakla rin kasing kanina pa nakasunod at nakatingin sa’kin.
Parang may balak pa silang kakaiba sa’kin.
Kakilabot! Kamukha pa naman ni Chuckie ‘yung isa.
Nang makapasok na ako ay tiningnan ko kung sinundan nila ko pero buti at umalis na sila.
Hinanap ng mga mata ko sila Winter at nakita kong nagtitingin-tingin lang silang dalawa ng mga stuff toys.
Nakatingin lang ako sa kanila.
"Ipipili kita ng stuff toy dito pero hindi ko ipapakita ‘yon sa’yo para sa bahay mo na lang tingnan. Surprise ko sa’yo." nakangiting sabi ni Vincent sa kaniya.
Tumango-tango lang siya.
Nagtingin-tingin na si Vincent ng mga stuff toys at halata sa mukha n’yang excited na excited siya.
Psh! Pasurprise surprise pang nalalaman! Bigwasan kita dyan eh!
Nilapitan ko si Winter na nakatayo lang at tinitingnan ‘yung mga stufftoy na nakadisplay.
Kinuha niya ‘yung isang stuff toy na aso na golden retriever ang breed.
Napangiti ako kasi kamukha ni Zen ‘yon.
Napatingin ako sa mga display dito sa parte dito.
Puro mga aso.
Napalayo ako kasi umaatake na naman ang trauma ko sa mga aso pero dahil kay Zen ay medyo nabawasan na ‘yung takot ko kahit papaano..
`Yung pasaway na Zen na ‘yon.
Kamusta na kaya siya?
Inaalagaan kaya siyang mabuti ng taglamig na to?
Pero napatigil ako sa pag-iisip ko nang makita ko ang mukha ni Winter.
Parang napakasaya niya habang tinitingnan lang ‘yung stuff toy na kamukha ni Zen.
Kitang-kita ko sa mga mata niya na parang gusto niya talaga ‘yung stuff toy na ‘yon.
Nagulat ako nang tumingin siya sa’kin kaya tumingin ako sa ibang direksyon.
Mayamaya ay nakita ko sa gilid ng mata ko na lumapit sa kaniya si Vincent at may hawak na blue na plastic na may tatak na blue magic at sa loob n’on ay may lamang kahon.
Ngiting-ngiti n’yang ipinakita kay Winter ‘yung plastic na ‘yon.
Binitawan na ni Winter ‘yung Zen na stuff toy.
Naalis ang atensyon ko sa kanila nang lumapit sa’kin si Sophia na may hawak na teddy bear.
Yakap-yakap niya ‘yung teddy bear tapos nilapit niya sa’kin ‘yon.
"O-Okay lang ba na ito bilhin ko?" tanong niya pero sa ibang direksyon siya nakatingin.
Nakatingin lang ako sa kaniya.
Tumingin na siya sa’kin na parang hinihintay akong sumagot.
Tumango lang ako at bigla naman siyang ngumiti ng malawak.
Parang tuwang-tuwa siya tapos umalis na siya at pumunta sa counter para bayaran na ‘yon.
Napatingin naman ako kay Carlo na seryosong nakatingin sa’kin.
"Tara na guys, labas na tayo..." naalis ang pagkakatingin ko kay Carlo ng magsalita si Vincent.
Bumalik na rin si Sophia pagkatapos n’yang bayaran ‘yung teddy bear na gusto niya.
Napansin ko na parang parehas lang ‘yung plastic na dala niya tsaka ‘yung plastic na hawak ni Vincent pero sa size lang n’ong laman ‘yung nagkaiba.
Meron din siyang isang maliit na kahon na hawak.
Nahihiyang ibinigay niya kay Winter ‘yung maliit na kahon na ‘yon.
Napatingin naman sa kaniya si Winter.
"Regalo ko sa’yo..." nahihiya n’yang sabi rito.
Sigurado na talaga ako na mabait ang Sophia na ‘to.
Kita ko naman sa pakikitungo niya kay Winter eh.
"Salamat..." nakangiti niya namang sabi kay Sophia.
Naramdaman ko doon sa pagkakasabi niya na talagang masaya siya.
Lumabas na silang apat pero napatingin ako doon sa Zen na stuff toy na tiningnan ni Winter kanina.
May naisip naman ako.
May dumaan sa harap ko na isang saleslady kaya kinausap ko siya.
Sinenyasan ko siya na may ibubulong ako sa kaniya kaya naman nilapit niya ‘yung tenga niya sa bibig ko.
Para kaming tangang nagbubulungan ngayon.
*—***—*
Umupo na kami sa may sa may isang bakanteng table sa may foodcourt pagkatapos naming bumili sa may Blue Magic.
"Russell, bumili ka rin ng stuff toy sa Blue Magic?" tanong sa’kin ni Sophia.
"Oo." sagot ko sa kaniya.
Katabi ko siya ngayon at sa kabila naman niya si Carlo.
Kaharap ko naman si Winter at katabi niya si Vincent.
Nakita ko na ibinaba ni Vincent ‘yung plastic sa baba nitong table.
Ibinaba ko rin ‘yung akin.
"Sinong gustong kumain?" tanong niya sa’min.
"Ako!" si Sophia.
"Ako..." si Carlo.
... si Winter.
... ako.
"Ikaw Winter? Anong gusto mong orderin?" baling niya kay Winter.
Nakatigtig lang ito sa kaniya.
"Sige, ako na lang ang mamimili n’ong sa’yo..." nakangiting sabi nito tsaka tumayo na.
Tumayo na rin si Carlo tsaka si Sophia.
"Ako na oorder n’ong sa’yo. Ano bang gusto mong kainin?" tanong ni Carlo kay Sophia.
Biglang nagbago ‘yung atmosphere sa’ming lima.
Parang naging awkward na ewan.
"Kahit ano, wag lang ‘yung may Chicken o shrimp..." mahinang sagot niya kay rito tsaka umupo na siya at yumuko.
Kanina ko pa napapansin tong dalawang ‘to.
Para silang nag-iiwasan sa isa’t isa.
Nevermind.
"Ikaw Russell? Hindi ka ba kakain?" tanong sa’kin ni Sophia.
"Don't mind me. I'll eat whenever I want." malamig kong sabi sa kaniya kaya napayuko siya.
"Bahala ka, It's your choice,” sabi naman sa’kin ni Carlo na parang naiinis.
Pagkasabi niya n’on ay umalis silang dalawa.
Naiwan kaming tatlo nila Winter at Sophia dito.
Inisip ko na kung pano ko magagawa ‘yung plano ko.
Ahhhh! Alam ko na!
Kinuha ko ‘yung wallet ko at naisip kong kunwari ay nalaglag ‘yun sa sahig.
Binitawan ko ‘yung wallet ko at nalaglag nga ‘yon.
Napatingin naman si Sophia sa’kin.
"F*ck! Nalaglag ‘yung wallet ko... Kailangan kong pulutin..." scripted na scripted na sabi ko.
Ang totoo n’yan ay hindi ako marunong umacting kaya ayoko rin sa theater act na gusto ni Vincent na gawin namin sa acquiantace party.
Baka maging dalawang Iron Man pa kami doon ni Winter pag nagkataon.
Kukunin sana ni Sophia ‘yung wallet na nalaglag ko kunari pero hinawakan ko ‘yung kamay niya para pigilan siya.
"Ako na." nakita ko naman na namula siya bigla tapos umayos na siya ng upo.
Tumingin siya sa ibang direksyon kaya nagkaroon ako ng tsansa para magawa ‘yung plano ko.
Pinulot ko ‘yung wallet ko at mabilis kong pinagpalit ‘yung dalawang plastic ng blue magic.
Nang mapagpalit ko ‘yon ay nagulat ako kasi biglang sumilip dito sa ilalim si Winter kaya umupo na ako nang maayos.
Yeees!
Success!
Mukhang hindi naman niya nahalata ‘yung pagpapalit ko n’ong dalawang plastic ng Blue Magic kaya ‘yung binili ko na ‘yung maiuuwi niya!
Bwahahahah!
Sinabi ko kasi doon sa saleslady doon sa Blue Magic kanina na ikahon din katulad n’ong kahon n’ong kay Vincent ‘yung binili kong Zen na stuff toy para kay Winter.
Talagang dinescribe ko pa kung gano kalaki ‘yung kahon kaya parehas na parehas kami n’ong kay Vincent.
Speaking of the devil, dumating na siya kasunod si Carlo.
Umupo na sila at hinintay na nila na dumating ‘yung inorder nila.
"Nga pala Russell, , ‘di ba malapit na ang birthday mo? Ngayong wednesday na ‘yon , ‘di ba?" biglang nagsalita si Sophia.
Napatingin naman ako sa kaniya.
Pati ‘yung tatlo, napatingin rin sa kaniya.
"How did you know?" taas kilay kong tanong sa kaniya.
"Nabigyan kasi ako ng invitation sa party mo kaya alam ko... Tsaka ang totoo, two years na kong pumupunta sa mga Birthday celebration mo." nahihiya n’yang sabi.
"Don't come. I won't be there again." malamig na sabi ko.
Biglang nagbago ‘yung mood ko nang maalala ko na uuwi na si Mom bukas o sa mismong party ko.
"Bakit pag tuwing birthday celeb mo, wala ka?" tanong ulit ni Sophia kaya nairita na ako sa kaniya.
"Could you please stop asking me! Mind your own life!" sigaw ko sa kaniya at parang nasaktan naman siya doon sa pagsigaw ko sa kaniya.
"Bakit ba ang rude mo sa kaniya?! Nagtatanong lang naman siya ah! Anong masama don?!" tumayo pa si Carlo habang galit na sinasabi sa’kin ‘yon.
Nagtaka naman ako eh hindi naman siya ‘yung sinigawan ko.
Tumayo na rin ako.
"I'm going." aalis na sana ako doon pero nasipa ko ‘yung plastic ng blue magic sa ilalim kaya naalala ko ‘yun.
Kinuha ko na ‘yon at bago ako umalis ay tumingin muna ako kay Winter.
Nakatingin lang din siya sa’kin.
"S-Sorry Russell. Wag ka ng umalis dahil sa’kin." pigil sa’kin ni Sophia.
"Don't worry. It's not because of you." pagkasabi ko n’on ay umalis na ako.
Wala na ako sa mood na makipaggalaan kasama sila.
Ayoko namang masira rin ‘yung bonding nila dahil sa’kin kaya mas maganda kung umalis na ako... kasi ako lang ‘yung panira sa kanila.
*—***—*
Pagdating ko sa bahay, tinapon ko sa sahig ‘yung dala kong plastic ng blue magic at humiga ako sa kama ko.
Nakatitig lang ako sa kisame.
Totoo ‘yung sinabi ko kay Sophia kanina.
It is not because of her why I became like that.
It is because of me.
I hate hearing things that are related to my Mom.
It's making me miss her more...
Nangilid ang mga luha sa mga mata ko kaya pinunasan ko ‘yon.
Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ‘yung plastic ng blue magic ni Vincent.
Kinuha ko ‘yon kung saan ko ‘yon tinapon kanina at binuksan ko ‘yung kahon n’on.
Napangiwi ako doon sa nakita kong laman n’on.
Ang corny naman n’ong Vincent na yon!
Anong trip naman niya at baboy na stuff toy ang binili niya para kay Winter?
Kung ito nga ‘yung nakuha ni Winter at binuksan niya to, masusurprise talaga siya.
Mukha bang baboy si Winter sa kaniya para regaluhan niya ng ganito?
Malakas rin pala ang topak ng isang ‘yon.
Pumunta ako sa may mga quarters ng mga maid namin.
May nakita akong isang papasok pa lang sa kwarto niya kaya nilapitan ko siya.
"Oy." tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya sa’kin.
Nagtataka naman siyang tumingin sa’kin dahil ngayon lang ako napadpad sa lugar na ‘to dito sa bahay.
Kapag kailangan ko kasi sila eh tinatawagan ko lang sila sa cellphone ko tapos pupunta na sila sa kwarto ko.
Inabot ko sa kaniya ‘yung plastic ng blue magic na binili ni Vincent kanina.
Kinuha naman niya.
Umalis na ako at iniwan siya dong nagtataka.
BInigay ko sa kaniya ‘yon kasi sayang rin naman kung itatapon.
~Winter~
Pag-alis ni Gino, nagdesisyon si Sophia na umuwi na rin.
Ganon din si Carlo kaya naman kami na lang ni Vincent ang naiwan dito sa may foodcourt.
Kinakain ko lang ‘yung binili niya sa’king pagkain.
Ayoko naman kasing mag aksaya ng pagkain katulad n’ong ginawa n’ong dalawa.
"Winter, pahingi naman ako ng number mo para pwede kitang makatext. Ang tagal tagal na nating magkasama pero ngayon ngayon ko lang naisipang hingin ‘yung number mo."
Nilabas niya ‘yung cellphone niya at nahihiyang tumingin sa’kin.
Sinubo ko na ‘yung na ‘yung huling tirang pagkain ko.
Napatingin ako doon sa plato niya at hindi niya pa nababawasan ‘yung laman n’on.
"Wala akong cellphone." plain na pagkakasabi ko.
Parang nagulat naman siya.
Nakatingin lang ako sa kaniya.
Bigla naman siyang tumayo at hinawakan ako sa braso.
"Tara, may pupuntahan tayo."
Dahil doon ay tumayo na rin ako at naglakad na kami paaalis pero napatingin ako doon sa mga pagkaing naiwan na hindi man lang nabawasan o nagalaw.
Sayang.
Sinama ako ni Vincent sa may shop ng mga cellphone at bitbit din niya ‘yung plastic ng blue magic.
Pagkapasok namin ay sinalubong kami ng isang saleslady.
"Mam, Sir. Ano pong hanap nila?" tanong niya sa’min.
Kinuha ni Vincent ‘yung cellphone niya sa bulsa niya at pinakita ‘yon doon sa saleslady.
"I want to buy a cellphone like this one."
Hanggang ngayon ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko at mukhang wala siyang balak bitawan ‘yon.
"`Yung gan’yan po Sir? Meron po kami n’yan. Kayo na lang po ang bahalang mamili ng kulay na gusto nyo,” sabi n’ong saleslady habang nakangiti.
Sinundan namin kung saan siya pupunta.
Ngayon ay nandito na kami sa mga display na kaparehas ng cellphone ni Vincent.
Abalang abala siya sa pagpili doon sa mga cellphone pero hindi niya pa rin binibitawan ‘yung kamay ko kaya ginalaw ko ng onti ‘yon kaya napatingin siya sa’kin.
Tumingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko kaya napatingin din siya doon.
Napabitaw siya at napakamot siya sa ulo niya na parang nahihiya sa’kin.
"Hehehe... Pasensya na, ‘di ko napansin eh." nahihiya n’yang sabi.
Naalala ko si Gino.
No’ng sinama niya ko sa mall at tinanong ko rin siya sa titig ko kung bakit hawak niya ‘yung kamay ko, nagpalusot siya n’on na baka daw mawala ako kahit wala namang gasinong tao n’on doon.
"Pili ka na dito kung ano gusto mo,” sabi ni Vincent kaya nabalik ako sa sarili ko.
Umiling-iling lang ako sa kaniya.
"Wala akong pera."
Napatawa naman siya doon sa sinabi ko.
"Ano ka ba, I'll be the one who'll pay for it. Regalo ko ‘yan sa’yo." nakangiti n’yang sabi.
"Pero hindi ko birthday." plain na pagkakasabi ko sa kaniya.
Natawa naman siya bigla pero saglit lang.
Wala pa rin siyang pinagbago.
Ganong gan’on pa rin siya tumawa.
Nalabas ‘yung dimples niya ng kaunti.
"Bakit? Sa birthday lang ba pwedeng magregalo?" naaamuse n’yang tanong.
Nakatingin lang ako sa kaniya.
Siya naman ay nakangiti pa rin sa’kin.
Wala akong nagawa kundi tanggapin na nga lang ‘yung bibilhin niya sa’king cellphone at pinili ko na lang ‘yung kulay n’ong katulad n’ong kaniya.
Binilhan din niya ‘yon ng sim at sinave niya ‘yung number niya doon kaya siya pa lang daw ‘yung nasa contacts ko.
Kinuha niya rin ‘yung number ko at sinave niya sa cellphone niya.
Hinatid niya ko sa bahay ko sakay ng isang taxi.
Nasa tapat na kami ng bahay ko ngayon.
Inabot niya na sa’kin ‘yung blue magic na plastic.
"Salamat,” sabi ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya sa’kin.
"Salamat din." narinig kong sabi niya bago ako makapasok sa gate kaya napalingon ako sa kaniya.
Nginitian niya ulit ako pero parang may kakaiba sa ngiti niya.
Parang may pagkalungkot pero kasiyahan naman ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Ako ang protector mo kaya wala kang dapat ipasalamat. Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako ha."
Tumango ako atsaka pumasok na sa loob ng bahay.
Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay sinalubong agad ako ni Zen na wagwag ng wagwag ang buntot sa tuwa sa pag-uwi ko.
Umupo ako sa harap niya at dinambahan niya ko saka ako dinilaan sa pisngi ko kaya sa laki niya ay tuluyan na kong napa-upo sa sahig.
Umalis rin naman siya agad at naupo sa tabi ko.
Nang mapatingin ako dito sa blue magic na binili para sa’kin ni Vincent ay binuksan ko ‘yon.
Para kasing bigla akong naexcite na makita ang loob n’on pero n’ong ibigay naman sa’kin ‘to ni Vincent kanina n’ong nasa blue magic store pa kami eh hindi naman ako naexcite.
Nandon din sa loob ‘yung regalo sa’kin ni Sophia.
`Yung kay Sophia muna ang una kong binuksan.
Isang maliit na pusa.
Mabalahibong pusa na stuff toy ang laman n’on na kulay gray tapos blue ‘yung mga mata.
Napangiti ako.
Sobra akong natuwa kanina n’ong ibigay niya sa’kin ‘to kasi hindi ko talaga ineexpect.
Ngayon lang ako nakatanggap ng regalo mula sa kaibigang babae kaya itatago ko tong mabuti.
Kinuha ko naman ‘yung kahon sa loob n’on na galing naman kay Vincent at binuksan ko ‘yon.
Nangunot ‘yung noo ko sa pagtataka.
Hindi ko kasi inaasahan ‘yung nakita kong laman n’on.
Pero paanong?
Kinuha ko ‘yung stuff toy na kamukha ni Zen at tinitigan ko yong mabuti.
Hindi naman alam ni Vincent na ito ang gusto ko kanina.
Panong ito ‘yung nabili niya sa’kin?
Naalala ko bigla si Gino kanina.
Siya lang naman kasi ang nakita kong nakatingin sa’kin kanina habang tinitingnan ko ‘to.
Tsaka bumili rin siya sa may blue magic kanina.
Nagkakahinala na ako.
Bigla ko ring naalala ‘yung doon sa may foodcourt.
`Yung nalaglag ‘yung wallet niya.
Ang tagal n’yang nakayuko sa ilalim ng mesa n’on kaya sumilip din ako sa ilalim.
Nandon parehas ‘yung mga plastic ng blue magic sa ilalim ng mesa.
Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko nang maisip ko na binili niya talaga ‘to para sa’kin at pinagpalit niya ito doon sa talagang binili sa’kin ni Vincent.
Nakaramdam ako nang sobrang kasiyahan at k-kilig nga ba ang tawag don?
Hindi ko napigilang hindi mangiti nang sobra habang nakatingin lang ako dito sa stuff toy na binili niya para sa’kin.
Niyakap ko ‘yon.
Ang tagal niya kong iniwasan at hindi kinausap.
Akala ko, galit siya sa’kin dahil sa nangyari sa kaniya sa kagagawan nila Kiel kaya ‘di niya ko pinapansin.
Akala ko, ayaw niya na kong maging kaibigan kasi sinaktan siya dahil gusto niya kong ipagtanggol.
Sobrang lamig ng pagtrato niya sa’kin nitong nakaraang mga linggo ‘di katulad dati na lagi siyang nakangiti sa’kin.
Nalungkot ako nang sobra n’on kasi sabi niya, magkaibigan na daw kaming dalawa at hinayaan pa kong tawagin siya sa una n’yang pangalan pero mukhang ayaw niya nang maging kaibigan ang katulad ko...
Kasi napapahamak lang siya kaya iniwan niya na ako sa ere ng pagkakaibigan namin pero baka naman mali ang mga nasa isip kong ‘to.
Nakatitig lang ako sa stuff toy na hawak ko.
"Mali ba talaga ang mga akala ko?" tanong ko dito kahit alam kong ‘di naman ‘to sasagot.
Mayamaya ay biglang tumayo si Zen sa tabi ko.
"Arf!" tahol niya sa’kin kaya napatingin ako sa kaniya.
Pinakita ko sa kaniya ‘yung stuff toy na kamukha niya.
"Zen, meet Zan..." at dinilaan niya ‘yung stuff toy kaya napangiti ako.