Chapter 38

2015 Words
Chapter 38 - Will be a Leech (Monday) [Lunch break] ~Russell~ Tumayo na sila Winter at Vincent at lumabas na ng room para pumunta sa canteen. Mukhang sabay na naman silang maglalunch. Kaasar! Pasalamat 'yung Vincent na ‘yon dahil pinagbibigyan ko lang siya! Kung hindi, kanina ko pa nahablot ‘yung kamay ni Winter mula sa kaniya! Kaasar! Tumayo na ako mula sa upuan ko para pumunta na rin ng canteen. Pagkarating ko doon, as usual, sabay na naman silang nakapila at kumukuha ng pagkain sa may kuhaan ng pagkain. Pumunta na ako doon at kumuha na rin ako ng akin. Nakita kong napatingin sa’kin si Winter sa gilid ng mata ko kaya tumingin ako sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng tingin. Ilang linggo na rin kaming nag-iiwasan. Kapag nasasalubong namin ang isa't isa sa hallway, para kaming hindi magkakilala. Pag nakikita ko naman siya na naglalakad sa corridor ay hindi ko siya pinapansin at dinadaanan ko lang siya. Nasasalubong ko rin siya sa gate o sa kung saan png ibang lugar dito sa school... Malamang magkaklase kami. Hindi talaga kami nagpapansinan... kami kasi ‘di niya rin ako pinapansin. Ni walang Hi, ni walang ho. Strangers kung strangers. Nagkakatinginan lang kami pero hanggang doon na lang ‘yon. Kung gano din kacold ‘yung treatment ko sa kaniya ay doble doble naman ‘yung ginagawa niya sa’kin. Masakit. Sobrang sakit na gan’on na ‘yung pagtrato namin sa isa’t isa na dati naman ay close kami. `Yung tipong nakapunta na ako sa bahay niya at ipinagluto niya ko ng sinigang. Nakilala ko ang alaga n’yang si Zen. Nakadate ko siya (well, ako lang siguro nag-iisip na date yon) sa mall... Bumili ako ng couple shirt namin na sinuot talaga namin n’ong araw na ‘yon at nagpapicture kami sa photo booth. Tas pumunta pa kami sa vacation house ko at nagstay doon ng isang buong magdamag na kaming dalawa lang. Ang sakit isipin na wala na ang lahat ng ‘yon. Yun bang parang isang pitik lang ng kamay eh nabura na siya sa mga ala-ala namin kasabay ng mga naramdaman namin n’ong mga araw na ‘yon. Ako, ‘di ko pa rin naman binubura ang lahat ng ‘yon sa’kin pero ewan ko sa kaniya... Mukhang masaya na naman kasi siya si Vincent ang lagi n’yang kasama. Naalala ko rin na dati ay palagi kaming nag-aaway ni Vincent sa atensyon niya pero ngayon ay tahimik lang ako sa upuan ko parati. Ni hindi ako tumitingin sa kaniya kahit isang beses kasi baka bigla ko na lang makalimutan ‘yung gusto kong gawing paglayo sa kaniya para maprotektahan siya tapos mayakap ko siya biglaan sa pagkamiss ko sa kaniya. Minsan nga, naoOAn na ako sa nararamdaman ko. Ganto ba talaga ang mainlove? "Class, you may now take your lunch." Nabalik ako sa sarili ko mula sa malalim na pag-iisip n’ong sabihin ‘yon n’ong teacher namin. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at nagsimula nang mag-ingay saka nagsilabas ng room para kumain. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo na rin tong katabi ko para maglunch na rin. Nakaupo pa rin ako sa upuan ko at bored na bored lang ang expression. Tumayo na rin si Vincent na nasa unahan niya at hinawakan ang kamay niya saka umalis na silang dalawa para pumunta ng canteen. Nalukot bigla ang mukha ko. Tss! Timpi lang Russell! Timpi lang! Baka kapag hindi ka nakapagtimpi, mabigwasan mo sa ang isang yon, magalit pa sa’yo si Winter. Biglang bumagsak ang dalawang balikat ko sa panlulumo sa naisip kong ‘yon. Syempre, hindi gusto ni Winter na saktan ko si Vincent kasi... kasi baka... may gusto na rin siya sa ungas na ‘yon. Para namang may kumukurot sa puso ko sa naisip ko na ‘yon. Tumayo na ako dahil lalo lang akong naiirita sa mga naiisip ko. Napagdesisyonan ko na pumunta rin ng Canteen. Seryoso lang ako sa paglalakad ko at nag-eemit ng dark serious aura. Pagpasok ko sa Canteen, nakita kong nakaupo na doon sa table na parati nilang kinakainan ‘yung dalawa. Medyo malayo sila sa’kin pero tanaw ko pa rin silang dalawa. Kitang-kita kong masayang nagkekwento sa kaniya si Vincent pero hindi ko makita ‘yung mukha ni Winter dahil nakatalikod siya sa’kin. Padabog akong umupo na rin sa table ko na ako lang ang nagmamay-ari. "Hoy! Kuhanan mo nga akong pagkain. I want french dish. Anything but without garlic, brocolli or anything green. I want a bread too." utos ko dito sa lalaking dumaan sa gilid ko. Tinatamad kasi akong kumuha ng pagkain ko. "H-Ha?" nakamaang n’yang tanong. Nairita naman ako. "Kailangan ko pa bang ulitin ‘yung sinabi ko o tutusukin ko yang laman mo para kainin sa gutom ko?" Pinakita ko sa kaniya ‘yung tinidor at small bread knife na hawak ko. "A-Ah... S-Sige..." Umalis na siya sa harapan ko at pumunta sa may mga french cuisine na stalls ng pagkain. Maraming minuto ang lumipas at ang tagal niya bago makabalik. Tsk! Kupad! Dahil sa pagkairita sa paghihintay ng pagkain ko eh tumingin na lang ako doon sa dalawa. Kila Winter at Vincent. Kaya ayokong kumakain na dito sa Canteen kasi lagi ko silang nakikita at aaminin ko, binabantayan ko silang dalawa ng palihim. Palusot ko lang siguro tong kakain ako dito kasi lagi naman akong nagpapahatid sa driver ko sa isang favorite restaurant na gusto kong laging kinakainan. Once in a blue moon lang ako kumain dito dati. Napabuntong hininga ako kasi naiinggit ako kay Vincent kasi lagi n’yang kasama si Winter. Pero n’ong nakita kong hinawakan n’ong gagong ‘yon ‘yung kamay niya at pinipisil pisil pa ‘yon habang nakangiti eh nabwisit ako nang sobra. Napatayo ako sa upuan ko ng padabog kaya nanahimik dito sa may Canteen. Lahat sila, napatingin sa’kin... Nakayuko lang ako at kuyom na kuyom ang mga kamao. Ilang linggo na kong nagparaya. Ilang linggo na kong nagpipigil at ilang linggo na kong nababaliw sa sakit na nararamdaman ko kapag nakikita ko silang dalawa na masayang magkasama parati. Hindi ko na kaya! Hindi ko na talaga kayang manood na lang dito at nagdudusa habang ‘yung gag*ng ‘yon eh enjoy na enjoy kasama si Winter! Hindi ko na kaya... HINDI KO NA KAYAAAAA! Kung ako lang si Saan Goku, super sayan 100 na ako kung meron lang n’on. Napatingin ako dito sa lumapit sa’king may dalang tray ng pagkain. "I-Ito na y-yung pagkain mo..." nauutal na sabi nitong lalaking inutusan ko kaninang kumuha ng pagkain ko. Tumakbo na rin agad siya paalis. Kinuha ko ‘yung tray na ‘yon at naglakad ako sa pwesto nila Vincent. Pagkarating ko sa table nila ay ipinatong ko ‘yon doon. Nakatingin lang silang dalawa sa’kin. Pagkalapag ko n’ong pagkain ko ay kumuha ako ng isang upuan sa malapit na isa pang table dito at inilagay ko dito sa table nila saka ako umupo at nagsimula na akong kumain. Buti at wala nga talagang green tong mga pinili n’ong inutusan ko kaninang kumuha nito. Naramdaman ko na nakatingin pa rin lang sila sa’king dalawa. "You're bosh shrude! Ishtop ishtaring at me while I am eashing! (You're both rude! Stop staring at me while I am eating!)" sigaw ko sa kanila parehas habang puno ‘yung bibig ko pero kinokontrol ko naman kaya walang tumatalsik. Nalukot naman ‘yung noo ni Vincent. I continue eating but both of them are still staring at me. Kinapalan ko ang mukha ko at hindi ko sila pinapansin na parang hindi sila nakatingin sa’kin. Mayamaya ay kumakain na ulit si Winter dahil naramdaman ko ang paggalaw niya. Napangiti ako habang nanguya pero hindi ko pinahalata sa kanilang dalawa ‘yon. Umingay na ulit dito sa Canteen. Si Vincent naman ay kumain na rin. No’ng matapos na kaming tatlo ay hinawakan ulit ni Vincent ‘yung kamay ni Winter pero kinuha ko ‘yung kamay ni Winter sa kaniya at halata namang nagulat sila pareho. "Umaabuso ka namang masyado. Pasalamat ka, nagtitimpi lang ako nitong mga nakaraang linggo pero sa tingin ko, kailangan ko ng itigil ang pagtitimpi ko. Wala rin namang mangyayari sa ginagawa kong ‘to." Napataas ang isang kilay ni Vincent at mukhang magsasalita na... "I will not let you to hold or even touch Winter's hands again." seryosong sabi ko kaya ‘di niya na naituloy ang sasabihin niya at hinila ko na papaalis si Winter doon. Hindi ko na nilingon pa uli si Vincent. Bumalik kami sa classroom na dalawa. Lahat nagulat dahil nakita nilang hawak ko ‘yung kamay ni Winter lalo na ‘yung tatlong babae dito sa unahan. "Russell! Why are you holding her hand! Are you cheating on me?!" sigaw sa’kin ni Kiyu. They're starting again... "Don't be so epal dyan Kiyu! He's akin lang and I will not gonna let you na sabihin na he is cheating on you kasi there is no kayo. kami meron... Hihihi!" si blonde. ‘Di ko tanda ang isang ‘to kaya ‘yan na lang itatawag ko sa kaniya. "You two should shut up!" sigaw sa kanila ni Cherry. "Ikaw na b*tch ka! Bakit umaaligid ka na naman kay Russell ha! Akala ko, tinantanan mo na siya noon pero hindi ka pa rin pala lumalayo sa kaniya! You stupid fuckin' bitc—” Napatigil siya ng itaas ko ‘yung kamay ko at akmang sasampalin ko siya. Napapaling din ang ulo niya sa gilid para ilagan ‘yon eh hindi ko naman tinuloy. Hindi talaga siya nagtatanda sa mga banta ko noon. Para lang silang pagbabantaan mong maigi tapos papasok sa kaliwang tenga tapos ilang araw eh lalabas na rin sa kanan. Tsk! Nuisances talaga! Inangat niya ‘yung ulo niya ng maramdamang walang dumadapong kamay sa mukha niya. "This is my very very last warning. Stop calling her b*tch cause she's not. If you call her that again and try to hurt her, you see this hands? It will slap you thousand times." paninindak ko sa kanila at sana naman eh pagkatandaan na nila lalo na nitong Cherry na ‘to kasi nakakasawa na sila na paulit-ulit na nang-aapi kay Winter. Nakakairita na nang sobra. Napatahimik na sila. Naglakad na kami papuntang upuan namin ni Winter at umupo na kami. Nakita kong nakatingin siya sa’kin. Pumasok na si Vincent at malamig na nakatingin sa’kin pero n’ong kay Winter na siya tumingin ay ngumiti siya. Umupo na siya. Napag-isipan ko ng mabuti. From now on, I will stop avoiding Winter. I realized that this is not the right way to protect her. Kasi napoprotektahan ko nga siya sa mga gugustuhing manakit sa kaniya dahil sa pagiging malayo sa’kin pero hindi ko naman siya napoprotektahan mula kay Vincent. Weh? Bakit kay Vincent mo siya poprotektahan eh doon nga siya masaya? Tsk! Oo na! Dahilan ko lang yan! Aaminin ko na... Kaya talaga napagdesisyonan ko na na itigil na ang paglayo sa kaniya para protektahan ang puso ko. Durog na durog na eh. Hindi ko na rin kinaya. Masyado nang malakas ang tama ko kay Winter na hindi ko kayang makita siyang masaya sa iba. Gusto ko, sa’kin lang siya ngumingiti. Ako lang ang may hawak sa kamay niya. Ako lang ang naghahatid sa kaniya sa bahay nila at ako lang ang pagbibigyan niya ng atensyon kaya ibabalik ko ang lahat sa dati at sa tamang lugar. Hindi ko na hahayaan si Vincent na makalapit sa kaniya and if someone will do bad things to her because of me, I will make sure that I will protect her with all I can and will always stick to her like a leech... so no one can hurt her again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD