MABILIS na napatayo mula sa pagkakaupo sa sahig si Elizabeth nang makita niya ang pagbubukas ng pinto ng lumang seldang kinaroroonan niya. Nakita niyang pumasok sa loob niyon ang isang lalaking may hawak na armas. Malaking tao ito at mahaba ang buhok na nakapusod lamang sa likod, puno rin ng balbas ang ibabang parte ng mukha nito. Napatingin siya sa likod nito at lumukso ang puso niya nang makita ang pagpasok ni Jack sa loob. Lahat ng takot na nararamdaman niya ay naglahong parang bula nang masilayan ang mukha nito. Hinawakan ng lalaking may armas si Jack at malakas na itinulak palapit sa kanya. Pagkatapos ay walang salitang lumabas na ito at muling isinara ang selda. Hindi na niya inalintana ang mga ito at tumakbo palapit sa nobyo. Buong higpit niya itong niyakap at humagulhol ng iyak s

