Episode 19.4

698 Words

NAGISING si Elizabeth nang marinig ang malakas na pagbubukas ng pinto ng selda na kinaroroonan nila. Kandong pa rin siya ni Jack na mukhang nagising din dahil doon. Napaayos sila ng upo nang makita ang pagpasok ng ilan sa mga tatlong rebelde doon, kasama ang lalaking nakita niya kahapon na siyang namumuno sa mga ito ngayon. Lumakad palapit sa kanila ang mga rebelde. Nakaramdam siya nang takot nang hanggitin ng pinuno ng mga ito ang braso niya at sapilitan siyang napatayo. Napatingin siya kay Jack na pinigilan naman ng dalawa pang lalaki. “Jack!” tawag niya dito habang kinakaladkad siya palabas ng lalaking may hawak sa kanya. “Jack!” napasinghap siya nang makita ang pagsuntok ng isa sa mga lalaking may hawak sa nobyo sa sikmura nito. “No!” pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng lala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD