“PAKAWALAN niyo ako!” galit na galit na sigaw ni Jack at malakas na nagpumiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalaking rebelde sa magkabilang braso niya. He wanted to yell. He wanted to kill at that time. Sobra-sobra na ang galit na nararamdaman niya. Hindi niya na alam kung ano ang iisipin. Punong-puno na ng takot ang puso niya habang iniisip kung nasaan na si Elizabeth at kung ano nang nangyari dito. Napatingin siya sa may b****a ng seldang kinaroroonan nila nang pumasok doon ang lalaking may kagagawan ng lahat ng ito. Sinalubong niya ito ng galit na galit na pagmumura. “Nasaan si Elizabeth? Hayop ka! Anong ginawa mo sa kanya?!” he was shaking with rage and with fear. Tiningnan ng lalaking iyon ang mga lalaking nakahawak sa kanya. “Pakawalan niyo na siya,” utos nito. Nang bitawan siya n

