Rain POV Napangisi ako ang galing pala niya talaga. Ibang-iba sa childish na lalaking kasama ko palagi. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. Una niya akong sinugod. Iniwasan ko lang ang mga suntok na pinapakawalan niya pero nakakapagod din pala kaya sinabayan ko narin siya. Sinipa ko siya nang tangkain niyang baliin ang kamao ko. Napaatras siya sa 'kin pero sumugod ulit siya, napangiwi ako nang masuntok niya ako sa sikmura, ang sakit. "Give up, accept that you will never be one of us." "That will never happen." Pilit kong hindi pinansin ang sakit ng suntok niya. Sinugod ko siya ulit, sinipa ko siya pero agad niya rin naiwasan, hindi naman niya inaasahan na ginamit ko ang isang kamay ko para masuntok siya. Solid ngang tumama. Napaatras siya sa 'kin at dumura ng dugo. Ngumisi

