Rain POV Dama ko ang kakaibang tingin ng mga tao sa 'kin pagpasok ko. Sariwa pa siguro ang una kong laban. Wala akong laban ngayon pero siguradong mapapalaban pa rin. Buo na ang desisyon ko, I will join their gang. Ito na 'yung tanging paraan para wala ng buhay na mamatay sa mga kamay ko, mas magagawa ko pa ang misyon ko dahil malapit na sila sa 'kin. Its like hitting two birds in one stone. May isang rason pa. I want to know who is that Jewel? And why they keep finding her? Nanood muna ako ng laban sa arena. Napatingin ako sa mga papasok nang makita ko sila. Umupo sila sa usual spot nila. Maghahanap muna ako ng tyempo para makalapit mamaya. Siguradong kailangan mo na nila akong itest bago ako makapasok bilang bagong membro nila. Ibang-iba ang personalidad nila tuwing nandito sila s

