Rain POV "Aww," napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Napabangon ako. Hirap kong minulat ang mga mata ko. Siguradong namamaga 'to. Hindi ko man lang alam kung paano ako nakapunta dito sa kama sa sobrang lutang ko kagabi. Kinuha ko ang first aid kit ko at ginamot muna ang sugat ko sa tagiliran, pinalitan ko narin ng benda. Gumagaling na rin, hindi na masyadong kumikirot. Pumasok na naman sa utak ko ang mga nakita at narinig ko kagabi. Hindi ako makapaniwalang traydor sila Butler George kay C.H pero sino ang sinasabi nilang Master? saka Empire na pinagsasabi nila? Naiinis ako sa sarili ko dahil gusto kong malaman pero natatakot ako. Natatakot akong, ako nga talaga ang jewel na pinaghahanap nila. Naalala ko ang mga lalaking sumugod sa isla may hinahanap silang chip sa 'kin.

