Chapter 5

1506 Words
"Sa loob ng pitong araw gusto ko ako lang ang nasa-isip mo, ako lang, Mhaex. Wala ng iba." Seryoso niyang sabi. Umiling ako. "That's impossible," hindi ko makapaniwalang sabi. Nakatatak na si Drake sa utak ko at palagi siyang nasa isip ko kaya imposible ang hinihiling niya. He sighed. "Fine," pagsuko niya. "Nasaan tayo?" Tanong ko at nilingon ang buong paligid. "Nandito tayo sa isang resort sa Batangas," nanlaki ang mga mata ko. "HA?!" gulat kong tanong. Walanghiya! Nahimatay lang ako ng ilang sandali, paggising ko nasa Batangas na kami?! Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Don't worry mag e-enjoy ka dito," aniya. Paano ako mag e-enjoy kung siya ang kasama ko? Kung sanang si Drake baka kahit sa isang bukid pa kami magpunta ay magiging masaya ako. "Paano ako makakapasok ng school?" Tanong ko na lang. "Syempre hindi ka papasok ng school, kaya nga kidnap diba?" Pambabara niya saakin. Pinaningkitan ko siya ng mata. "O sige nga! Ano ang damit na susuotin ko? Sa loob ng pitong araw ganito lang ako?!" Inis kong tanong. "Don't worry pinag planuhan ko na ang lahat ng bagay na iyan," sabi niya. Kumunot ang noo ko. "Bago paman kita kidnappin ay inihanda ko na ang lahat ng bagay na kailangang ihanda," napa-iling na lang ako. Ibang klase. "Anong gusto mong kainin?" Tanong niya bigla. Sa tanong niyang iyon ay bigla akong naka-isip ng magandang ideya. "Meron ba silang kimchi dito?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya. "Kimchi? Walang kimchi dito." Sagot niya. Lihim akong napangisi. "Sayang naman, gusto ko pa naman nun." Malungkot kong sabi. Umepekto sana, umepekto sana. I heard him sighed. "Ibibili kita," sabi niya. Nagliwanag naman ang mukha ko. "Talaga?" Nakangiti kong sabi. Hindi siya sumagot, tinitigan niya lang ako na para bang may ginawa ako. "f**k, you're so beautiful when you smile." Wala sa sarili niyang sabi. Unti-unti namang naglaho ang mga ngiti sa labi ko. "Bumili ka na nga lang, gutom na ako." Sabi ko. Nagkibit balikat lang siya at lumabas na ng kwarto. Nang makalabas na siya ay kaagad akong bumaba ng kama at tinignan siya sa may bintana. Likod lang niya ang kita ko, this beast has a sexy back. Pumuputok ang muscles niya sa suot niyang itim na T-shirt. Siguro kaya nai-in love ang mga babae sakanya dahil sa mukha at katawan niya, hindi nila pansin ang ugali niya. Nang mawala na siya sa paningin ko ay nagpalipas ako ng limang minuto bago ko binuksan ang pintuan at lumabas na. Nagmadali akong maglakad at hinanap ang fire exit, nang makita ko iyon ay kaagad akong lumabas. Ayokong makasama siya sa loob ng pitong araw, hindi ko kakayanin iyon. Makasama ko lang siya ng ilang minuto ay napaka bigat na sa kalooban ko. Paglabas ko ng fire exit hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naglakad-lakad ako. Hindi ko kabisado ang Batangas kaya bahala na. Sa kalahating oras kong paglalakad napadpad ako doon sa main road, pumara ako ng taxi. Tumigil yung taxi sa harapan ko kaya binuksan ko yung pintuan, akmang papasok na ako nang may humamblot saakin. Ang mga braso niyang malaki at maugat ay nakahawak sa may tiyan ko at binuhat niya ako palayo. He's so strong, kahit isang braso lang ang gamit niya ay nabuhat niya pa rin ako. "Ugh! Let me go!" Sigaw ko habang nagpupumiglas, amoy pa lang alam ko na kung sino ito. Isinakay niya ako sa kotse niya sa passenger seat at mabilis siyang umikot papunta sa driver's seat. He started the engine at nagsimula ng mag drive, ang seryoso ng aura niya. "Bakit ka tumakas?" Seryoso niyang tanong, hindi siya nakatingin saakin naka focus lang siya sa daan. Napalunok ako. "H-hindi ko kayang makasama ka," mautal kong sabi. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sakanya ang bagay na iyon. Humigpit ang hawak niya sa manibela and he clenched his jaw. "This is crazy, I'm so crazy." Aniya at tumawa ng pagak. Hindi pa rin siya tumitingin saakin. "I'm a gangster pero nag papaka kidnapper ako dahil sayo," mapait niyang sabi habang umiiling. Hindi ako makasagot, hindi ko alam ang isasagot ko. I feel guilty. Kung bakit kasi ako pa ang minahal niya. Actually, wala naman akong nakikitang dahilan para mahalin niya ako ng ganito. May mga babae namang mas sexy, maganda at mayaman kaysa saakin. At ang mga babaeng iyon ay sila pang mismo ang naghahabol sakanya, bakit hindi na lang sila? Bakit ako pa? Buong biyahe kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa resort, bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba naman ako, hinawakan niya ang wrist ko at inakay ako papasok ng resort hindi na ako nagpumiglas. Tinitignan ko ang bawat madaanan namin, ngayon ko lang na appreciate ang ganda ng resort. May mga puno na nakatanim at maraming mga pools. Nakakabilib lang dahil isa itong beach resort. May harang ang resort, dito sa loob pools sa labas naman ay beach. Nakadating na kami sa kwarto, inikot ko ang paningin ko. Maganda ang kwartong ito, may aircon, flat screen TV, ref at may balcony pa. May dalawa palang kama dito, ngayon ko lang na realize ang lahat ng mga ito dahil busy ako sa pagtakas. "Kanina ka pa na a-amaze diyan ah," nakangising puna ni Laxy. Naibaling ko ang atensiyon ko sakanya. "Ngayon mo lang na realize ang ganda ng resort at ang ganda ng kwarto no?" Panghuhula niya. Tumango ako. He chuckled. "Ganon talaga, hindi mo ma re-realize ang ganda ng mga bagay na nasa paligid mo dahil nakatuon lang ang buong atensiyon mo sa isa pang bagay." Humuhugot ba siya? "Nasaan ang mga damit ko?" Pang-iiba ko ng topic. Inginuso niya ang dalawang bag doon sa isang sulok. "Yung kulay black na bag mga damit ko yun, yung sky blue yung sayo." Sabi niya. Tumango ako na lang ako at kinuha ang bag na sky blue at isinama ko ito papasok ng banyo. Naligo na ako dahil kanina pa ako lagkit na lagkit sa katawan ko. Habang naliligo ako hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot, parang hindi ko kayang mag survive na kasama si Laxy. Halos mag da-dalawang oras na rin bago ako lumabas ng banyo, suot ko ang checkered pajamas na binili ni Laxy, oo bago lahat ng damit ko at siya lahat ang bumili. Pati undies at bra, pinamulahan naman ako. Paglabas ko ng banyo nakita ko si Laxy na nakatitig sa kimchi na binili niya. Hindi naman talaga ako kumakain ng kimchi e, ginawa ko lang dahilan yun para makatakas. Tinignan niya ako. "Kainin mo na yung kimchi," sabi niya at tumayo na mula sa pagkaka-upo niya doon sa isang kama. "Hindi ako kumakain niyan," sagot ko at nag-iwas na ng tingin. "Okay let me guess, ginamit mo lang na excuse yung kimchi para makatakas ka." Hindi iyon isang tanong, isa iyong statement. "Brilliant," sarcastic niyang sabi kinuha yung bag niya at pumasok na rin sa banyo. Habang nasa loob siya ng banyo ay napag pasyahan kong lumabas, lumabas ako para mag pahangin at hindi para tumakas. Wala na rin naman akong magagawa e. Nagtungo ako doon sa beach at umupo sa white sand, wala ng tao rito. Dahil siguro gabi na. Tanging alon lang ang mga maririnig mo rito at ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag, pinagmasdan ko ang paghampas ng mga alon habang kaunting tinatangay ng hangin ang buhok ko. Napatingin ako sa mga bitwin sa langit at bigla kong naalala si Drake, noon ay nakita ko si Drake na nakatingin sa mga bitwin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya nang mga oras na iyon pero umaasa ako na sana, sana ako ang iniisip niya noong nakita ko siyang nakatingin sa mga bitwin. Pero malabo, he rejected me. Wala daw siyang panahon saakin. Ang sakit, ang sakit sakit. Hindi ko napigilin ang pagtulo ng mga luha ko, parang tinutusok-tusok ang puso ko tuwing naalala ko ang mga sinabi niya. 1st year pa lang ako gusto ko na siya, kaya napakasakit para saakin na ma reject niya. Wala akong ibang pinangarap kung hindi siya. "Save your tears for someone who deserves it," awtomatiko akong napatingin doon sa nagsalita. And there I saw Laxy standing beside me, nakatingin siya sa dagat habang naka pamulsa, nag re-reflect ang liwanag ng buwan sakanyang mukha. Pinunasan ko ang mga luha ko habang nakatingin ako sakanya, inilipat niya ang tingin niya saakin at umupo siya sa tabi ko. Kahit pinunasan ko na ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pagtulo ang mga ito. He wiped my tears using his thumb. "You still look perfect even when you're crying." Sabi niya at tipid na ngumiti. "A-ang s-sakit," humihikbi kong sabi. Hindi ko na kayang pigilan ang sakit na nararamdaman ko. Niyakap niya ako bigla, isinubsob niya ang mukha ko sa matipuno niyang dibdib. Hinahagod-hagod niya ang likod ko para patahanin ako pero lalo lang akong naiiyak. "Ako na lang kasi Mhaex. I promise that I won't make you cry, hinding-hindi kita sasaktan Mhaex. Try me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD