Ilang araw na ang nakakalipas nang aminin saakin ni Laxy na mahal niya ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapinawala, nakakagulat na ang isang Laxy ay kayang mag-mahal. Ilang araw ko siyang itinuring na parang hangin, kapag nag papakita siya saakin para pestehin ako hindi ko na lang siya pinapansin at tuloy-tuloy akong maglalakad na para bang wala siya, hindi katulad noong dati na nilalaban ko siya, ngayon ay hinahayaan ko na lang siya. Baka sakaling ma-realize niya na hinding-hindi ko siya magugustuhan kaya titigil na lang siya.
Napangiti ako nang hindi ko maramdaman ang presensiya ni Laxy, dati rati ay hindi pa man ako nakakapasok sa classroom ko ay magpapakita na siya saakin. Siguro ay na-realize na niya na si Drake talaga ang mahal ko.
Pag-pasok ko ng classroom nadatnan ko si Drake na nakaupo sakanyang pwesto na nakakunot ang noo at nakatulala sa blackboard. Palaging ganito, siya ang unang-unang dumarating sa classroom at ako naman ang pangalawa. Sinasadya ko talagang agahan ang pagdating ko para sakanya.
Nilapitan ko siya, mukhang naramdaman naman niya na nakatayo ako malapit sakanya kaya piniling niya ang kanyang ulo at tinignan ako.
Gaya ng dati, wala pa ring emosyon sa mukha niya. Nakatingin lang siya saakin at naghihintay ng aking sasabihin.
"S-sorry," hingi ko ng tawad. Siguro naririndi na siya sa sorry ko. Palagi na lang ganito e, palagi na lang akong nag so-sorry.
"Layuan mo na lang ako," malamig niyang sabi at ibinalik ang tingin sa blackboard.
"Hindi ko kaya," sagot ko. Kunot noo niya akong tinignan.
"Of course you can,"
"No Drake, I can't." Matigas kong sabi. "Hindi ka naman siguro manhid hindi ba? Alam mong matagal na kitang gusto, matalino ka Drake." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin sakanya ang ganoong bagay.
"Hindi ka rin naman siguro manhid diba? Alam mo naman siguro na hindi kita gusto." Malamig niyang sabi. Gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Oo alam kong hindi niya ako gusto pero mas masakit pala kung sakanya mismo nanggaling na hindi niya ako gusto.
"Kalimutan mo na yang nararamdaman mo para saakin, wala akong panahon sayo." Dagdag pa niya. Parang tinutusok-tusok ng karayom ang puso ko sa sinabi niya.
Don't cry, Mhaexie. Don't cry. Pigilan mo, pigilan mo.
"Kahit na i-reject mo ako, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko para sayo." Desidido kong sabi at umupo na sa pwesto ko. Isubsub ko ang mukha ko sa armchair ko at doon ako umiyak ng tahimik.
*
Pauwi na ako ngayon, mag-isa lang ako dahil hindi pumasok si Mia. Wala ng gaanong tao sa school dahil kanina pa sila naka-uwi.
Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong nakasunod saakin. Hindi na ako nag abalang lingunin kung mayroong sumusunod saakin.
Baka guni-guni ko lang. Sabi ko sa isip ko. Ilang sanddali pa ay may naramdaman akong panyo na tumakip sa ilong ko and everything went black.
*
Nagising ako na wala akong makita dahil nakatakip ang mga mata ko, ramdam ko sa likod ko na isang malambot na kama ang hinihigaan ko, nakatali rin ang mga kamay ko na palagay ko ay sa headboard ng kama.
Nilamon ako ng takot at kaba nang ma-realize ko kung ano ang nangyari kanina. Naglalakad ako at pakiramdam ko ay may sumu-sunod saakin at maya-maya pa ay tinakpan niya ng isang panyo ang ilong ko at bigla na lang akong nawalan ng malay. At nandito ako ngayon sa lugar na hindi ko alam kung saan.
"Nasaan ako?!" Sigaw ko, napapaos ang boses ko dahil sa kaba. Oh my God, na kidnap yata ako.
"Pakawalan niyo po ako! Parang awa niyo na po!" Pagmamakaawa ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, sino ba ang magliligtas saakin? Katapusan ko na ba ngayon? Naninikip ang dibdib ko, I feel hopeless.
Tinanggal nung kidnapper ang piring sa mata ko, nasa harapan ko siya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil katatagal pa lamang ng piring sa mata ko. Kumurap-kurap ako para luminaw ang paningin ko.
"What the hell?!" Namilog ang mga mata ko at napamura ako nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Tumingin ako sa paligid, nasa isang magarang kwarto kami.
He smirked. "Finally, the sleeping beauty is awake." Nakangisi niyang sabi.
Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko dahil sa galit. "The f**k, Laxy!" Galit kong sigaw. Kinabahan ako ng husto kanina, ang buong akala ko ay katapusan ko na.
He laughed at mas lalo akong nainis. Hindi ito magandang biro. "What do you think you're doing huh?!" I hissed at sinubukan kong tanggalin ang pagkakatali ng mga kamay ko pero nonsense, wala namang nangyayari.
He grinned. "I'm kidnapping you," sagot niya.
I look at him in disbelief. "Baliw ka na!" Sigaw ko habang sinusubukan kong tanggalin ang pagkakatali saakin.
He chuckled. "Nakaka-baliw ka e," sagot niya sabay ngisi.
"Pwede ba Laxy, pakawalan mo nga ako!" Sigaw ko sakanya.
Umiling siya. "Hindi kita pwedeng pakawalan." Aniya.
"Baka hanapin na ako ng mama't papa ko!" Sigaw ko. Sigurado ako nag-aalala na saakin ang mama at papa ko. Ilang oras ba akong walang malay?
"Hindi yan, pinag-paalam naman kita e." Sagot niya. Halos lumuwa ang mga niya ko sa sinabi niya. Sa lahat ng kidnappers siya ang pinaka tanga.
"Anong sinabi mo sakanila?! At paano mo nakilala ang mga magulang ko?!" Sunod-sunod kong tanong.
Ngumisi siya. "Connections, baby."
"Ano nga ang sinabi mo?!" Nauubusan na ako ng pasensiya, baka kung ano pa ang sinabi nito sa mga magulang ko.
"Huwag mo ng alamin," sabi niya. Napapikit ako ng mariin. Ano ba ang nangyayari sa buhay ko? Kanina ay na reject ko ni Drake, ngayon naman ay kinidnap ako ni Laxy.
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siya na pinagmamasdan ako. "Laxy please. Just set me free, I wanna go home." Pakiusap ko.
Sumeryoso ang mukha niya. "I will set you free," nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "But not now," nawala ang liwanag sa mukha ko dahil sa kasunod ng sinabi niya.
Nilapitan niya ako at umupo siya sa tabi ko. Tinignan niya ako sa mata. "7 days Mhaex, just give me 7 days." Sabi niya at tila nagmamakaawa ang tono ng boses niya.
"After that pakakawalan na kita," seryoso niyang sabi. Nagdalawang isip ako bago ako sumagot.
"No," sagot ko. Nagulat naman siya sa isinagot ko. "I know you well, Laxy. Marumi ka maglaro, alam kong hindi ka tumutupad sa usapan." Sabi ko.
Humalakhak siya ng malakas. "You're really smart, Mhaex." Sabi niya. "Kung alam mo na marumi ako maglaro, siguro naman alam mo rin na kapag nag threat ako gagawin ko." Nakangisi niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" Nalilito kong tanong.
Ilang segundo ang lumipas bago sjya sumagot. "I will kill Drake," aniya habang nakangisi ng mala demonyo.
My eyes narrowed at napa-awang ang bibig ko. "Kapag hindi ka pumayag sa hinihiling ko, papatayin ko siya. Kilala mo ako, Mhaex. Alam mong kayang-kaya kong gawin iyon ng walang pag-aalinlangan."
This beast is dead serious. Kayang-kaya niyang gawin iyon. Kahit na ayaw saakin ni Drake mahal na mahal ko pa rin siya. I need to protect him from Laxy, Laxy is a mad man.
"Kapag pumayag ako sa gusto mo, promise me na hinding-hindi mo na sasaktan si Drake." Seryoso kong sabi.
He smiled bitterly. "You really love him, huh?"
"Yes, I do. I love him so much." Walang pagdadalawang isip kong sagot. I saw pain in his eyes. I rather hurt him with the truth than to comfort him with a lie.
Huminga siya ng malalim at gumuhit nanaman ang mapaglarong ngisi niya sa mga labi, tila nag-laho na rin ang sakit sa mga mata niya. "Okay then, It's a deal." Aniya at kinalagan ang pagkakatali ng mga kamay ko sa headboard ng kama. Kaagad kong ini-stretch ang mga kamay ko, nangalay ako.
"Sa loob ng pitong araw gusto ko ako lang ang nasa-isip mo, ako lang, Mhaex. Wala ng iba."