Chapter 3

1173 Words
Today is Friday, Oh how I love Fridays. Naglalakad ako papasok sa classroom, sana nandiyan na si Drake. Kinikilig ako tuwing naiisip ko siya, bakit ba kasi ang gwapo niya? "Your smile is brighter than the sun," biglang nawala ang mga ngiti ko sa labi nang makita ko si Laxy. Naka sandal ito sa pader malapit sa classroom namin. Pinukulan ko siya ng masamang titig. "Get lost," maanghang kong sabi sakanya. He laughed. Baliw ba siya? Kung ikaw na isang matinong tao sasabihan ka ng 'Get lost' tatawa ka pa ba? Ugh. I rolled my eyeballs sabay iling at nag-simula na akong maglakad ulit, pero natigilan ako nang magsalita siya. "Mhaex," tawag niya saakin. Naiirita ko siyang hinarap. "What?!" Iritable kong tanong. Ngumisi siya. "Sisiguraduhin kong ikaw na mismo ang lalapit saakin," sabi niya at umalis na sa pagkakasandal sa pader. I laughed full of sarcasm. "You bet!" Mayabang kong sabi. Once again, He smirked at umalis na. Napailing na lang ako at nagsimula ulit na maglakad papasok ng classroom. Ang kapal niya! Anong akala niya? Magiging isa ako doon sa mga babaeng baliw sakanya? No way! "Ang asim ng mukha mo, nakakasira ka ng araw." Napatingin ako doon sa nagsalita at namilog ang mga mata ko nang ma realize ko na nasa loob na pala ako ng classroom at nasa harapan ko na pala si Drake. Nakakahiya. Inayos ko ang mukha ko. "Sorry," hingi ko ng paumanhin. "Bakit ka nag so-sorry?" Tanong niya. Ang baba talaga ng tono ng boses niya. Umiling ako. "W-wala," mautal kong sabi at gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa naging sagot ko. Para akong tanga, bakit ganoon? Nanliliit ako sa sarili ko tuwing nasa harapan ko siya? Pakiramdam ko wala ako sa tamang katinuan kapag nasa harapan ko siya. "Tss," iyon lang ang naging sagot niya at nilampasan na ako. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya ako hinaharap. "Sa banyo, sama ka?" Sarcastic niyang tanong. Namula naman ako at mabilis na umiling kahit hindi niya ako nakikita. "H-hindi," nauutal kong sagot. "Psh," iyon lang ang sinabi niya at tuluyan ng umalis. Ngayon ko lang na-realize na kami lang palang dalawa ang nandito sa classroom kanina. Pero dahil doon sa Laxy na yun, hindi ko naramdaman yung moment. Panira talaga siya ng araw, biruin mo kakapasok ko pa lang sa school pagmumukha niya kaagad ang bubungad saakin. Umupo na lang ako sa pwesto ko at hihintayin ko na lang na bumalik si Drake, hindi na lang ako magpapa-apekto kay Laxy. Dapat good vibes lang, nakakasira daw kasi ng araw yung kaasiman ng mukha ko.  Ngumiti ako para hindi na magmukhang maasim ang mukha ko para kapag pumasok si Drake, makikita niya akong nakangiti at hindi na masisira ang araw niya. Awtomatiko akong napatingin doon sa pintuan nang bumukas ito, nakingiti pa rin ako para makita ako ni Drake pero naglaho ang mga ngiti ko sa labi nang makita kong may dugo siya sa gilid ng kanyang labi. Gusot din ang damit niyang suot. Kaagad akong tumayo at sinalubong siya na may pag-aalala sa aking mukha. "Anong nangyari sayo?" Nag-aalala kong tanong at sinubukan kong punsan ang dugo sa gilid ng labi niya gamit ang thumb ko pero hinawi niya ang kamay ko palayo at bahagya akong itinulak palayo sakanya. "Don't touch me!" He hissed. Naguguluhan ako, bakit ba nagagalit siya saakin? Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko, ayokong makita niya akong umiiyak. "Bakit ka ba ganyan saakin, Drake?" Tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin. "Layuan mo na ako, Mhaexie. Dahil sayo pati ako pinagdidiskitahan ni Laxy!" He said in gritted teeth at bumalik na sa upuan niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Si Laxy ang may gawa non?! I closed my fist, how dare him! Kaagad akong tumakbo palabas ng classroom at nagtungo papunta sa clasroom ni Laxy. Pabagsak kong binuksan ang pintuan, lahat ng nasa loob ay nakuha ko ang atensiyon. Lahat sila ay nakatingin saakin, hinanap ng paningin ko si Laxy at nakita ko siya na naka-upo sa bandang likuran habang nakataas ang paa sa armchair at mag-isa lang siya, mukhang wala pa yung tatlo niyang kasama. Ngumisi niya nang makita ako. "Wow, you're here." Aniya. Tahimik ang buong paligid, nasaamin lahat ng atensiyon.  "We need to talk," seryoso kong sabi at huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na sugurin siya sa kinauupuan niya at sapakin.  Tumawa siya na para bang expect na niya na mangyayari ito. Ibinaba niya ang paa niyang nakataas sa armchair at tumayo na siya, hindi pa rin nawawala ang ngisi niya sa mga labi habang naglalakad papunta saakin. "Follow me," maawtoridad kong sabi at nagsimula nang maglakad palabas ng classroom nila, naramdaman kong nakasunod siya sa likod ko. Nagtungo ako doon sa lugar na wala gaanong tao, nakasunod pa rin siya saakin. Tumigil na ako sa paglalakad at hinarap ko siya na may galit sa mukha ko, hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi niya. "Ganyan ka ba talaga kasama?!" Galit kong sigaw sakanya. "Bakit mo ginawa kay Drake yun?! Wala naman siyang ginagawa sayo ah!" Mas lalo akong nakakaramdam ng galit kapag naalala ko ang sugat ni Drake sa gilid ng labi niya at bumibigat ang pakiramdam ko tuwing naalala kong galit siya saakin. "Hindi ba't sinabi ko sayo na sisiguraduhin kong ikaw mismo ang lalapit saakin?" Sabi niya. Mas lalong lumawak ang ngisi niya. "And my plan is successful,"  "I hate you Laxy!" Buong puso kong sigaw. "Hindi pa ba sapat na ako ang pinagdidiskitahan mo?! Bakit kailangan mo pang idamay ang taong mahal ko?!" Punong-puno ng galit ang nararamdaman ko ngayon para kay Laxy. Nawala ang ngisi sa mga labi niya at naging seryoso siya."Layuan mo na siya Mhaex," maawtoridad niyang sabi.  "And why would I do that?!" Anong karapatan niya para utusan ako na layuan ko si Drake?! "Bakit ba hindi mo na lang ako pabayaan Laxy? Anong bang meron saakin at ako ang paborito mong target?" Nauubos na ang pasensiya ko. Sawang-sawa na ako, simula 1st year pa lang kami ako na ang paborito niyang pinagdidiskitahan. "Anong meron sayo?" Balik tanong niya saakin. "I love you Mhaex," seryoso niyang sabi. "Gustong-gusto kita, Mhaex. Bata pa lang tayo, gusto na kita." My eyes narrowed. "You gotta be kidding me," gulat kong sabi. "Please say you're just kidding," pakiusap ko sakanya. Hindi niya ako pwedeng magustuhan. "I'm dead serious, Mhaex." Seryoso niyang sabi at tinignan ako sa mga mata. "You can't love me, Laxy." Sabi ko habang umiiling. "Alam mo kung sino ang mahal ko at hindi ikaw yon!" Mariin kong sabi. "I will make sure that you'll love me back, Mhaex." Sabi niya.  He grinned. "I will make you mine, Mhaexie." He said grinning then he left me dumbfounded. Hindi ako makapaniwala na gusto ako ni Laxy pero kailangan kong ihanda ang sarili ko sa kung ano ang pwede niyang gawin. I'm sorry Laxy but I will never be yours, never in your wildest dreams.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD