Chapter 2
Gusto kong maiyak habang tinitignan yung tart na ibinigay ni Drake saakin.
"Couz, okay ka lang?" Tanong saakin ni Mia.
I closed my fist. "Walanghiya talaga yang Laxy na yan!" I said in gritted teeth at hinampas ang kamao ko sa mesa.
"Anong plano mo?" Tanong niya saakin sabay tingin doon sa tart na may chewing gum at ibinalik uli ang tingin saakin.
"Plano kong patayin siya," nanggigil kong sabi sabay tingin doon sa kawawang tart. Nakakapanghinayang talaga, hindi ko man lang napicturan at nai-post sa i********: ko yung tart na ibinigay ni Drake. Hayop ka Laxy.
"Hindi mo naman magagawa yun," sabi niya at nagpatuloy sa pagkain niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Kanino ka ba talaga kampi? Saakin o sa walanghiyang Laxy na yun?!" Asar kong tanong.
"Both," sagot niya habang kumakain. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain ko. Pati sa pag-nguya ko ay may kasamang gigil, I really hate that bad boy.
Nang matapos naming kumain ni Mia ay bumalik na kami sa classroom namin. Nawala ang pagka salubong ng kilay ko nang makita ko si Drake na naka-upo sa pwesto niya habang nagbabasa ng libro. Matalino kasi itong si Drake.
Ang gwapo niya talaga. Kaya ko siyang titigan buong araw. First year pa lang ako gustong-gusto ko na si Drake, kahit man of a few words siya. Kahit masungit siya gustong-gusto ko pa rin sakanya, lalo siyang guma-gwapo kapag nagsusungit siya.
Naibalik ako sa realidad nang batukan ako ni Mia. "Nag de-daydream ka nanaman," aniya. Sinamaan ko siya ng tingin at umupo na lang sa pwesto ko.
Panay pa rin ang sulyap ko kay Drake. Nagulat ako nang bigla niya akong tignan, hindi ko alam kung mag-iiwas ako ng tingin. Nakakahiya na mahuli ka ng crush mo na nakatitig sakanya, kaya nginitian ko na lang siya.
"Hi," bati ko and I smiled sweetly.
"Do you need anything?" Tanong niya. Ghad! His voice! Omg! Omg!
"H-ha?"
"I said do you need anything? Kanina ka pa nakatitig saakin." Naiirita niyang tanong. Omg! Kahit naiirita siya ang gwapo niya pa rin.
"A-ah. Ano kasi," napakamot ako ng ulo. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, ganito ang epekto niya saakin. Parang nawawala ako sa sarili ko tuwing nandiyan siya.
"Ano, umm. Thank you! Tama, thank you!" Sa wakas ay naka-isip na rin ako ng idadahilan ko. Naramdaman ko naman ang pagsiko ng katabi kong si Mia pero hindi ko siya pinansin, moment ko na to e.
"For what?" Tanong niya.
"Doon sa tart," sabi ko at nginitian siya. Sayang nga lang at hindi ko nakain yung tart na bigay niya, peste kasi yung Laxy na yon e! Nakaramdam nanaman ako ng inis dahil naalala ko nanaman ang ginawa niya.
"Okay," tipid niyang sagot at akmang magbabasa na ulit ng libro pero nagsalita ulit ako kaya nakuha ko ang atensiyon niya.
"Bakit ka nga pala absent kaninang umaga?" Tanong ko. Ang lungkot ko kaya kanina kasi hindi ko nasilayan ang mukha mo.
"Hindi ko kailangan mag explain sayo," maanghang niyang sabi at nagbasa na ulit. Para namang tinutusok-tusok ang puso ko, napailing na lang ako. Dati ka pa niya pinagsasalitaan ng ganyan ngayon ka pa ba naman mag da-drama? Sabi ko sa sarili ko.
"Aray ko bh3," komento ng katabi ko and swear gusto ko siyang batukan. Imbes na suportahan ako inaasar pa ako.
*
Uwian na ngayon kaya lumabas na ako ng classroom. Paglabas na paglabas ko ay nakita ko si Laxy kasama ang tatlo niyang kaibigan na palabas rin ng classroom nila, malapit lang kasi dito sa classroom namin ang classroom nila. Kilalang-kilala silang apat dito dahi mga gangsters sila.
Black Eternal ang pangalan ng gang nila at ang leader ay si GUN na tinaguriang Ice Prince dahil napaka cold nitong tao, kung cold si Drake ay mas cold ito. Si Klyde ay ang playboy sa grupo, kulay purple ang buhok nito na mas lalong nagpapabaliw sa mga babae dito sa school. Si Grey naman ay normal lang, maamo ang mukha at parang siya yata ang pinaka mabait sa grupo. And last but not the least, Laxy, siya ang bully sa grupo. Sa aura niya pa lang alam mo na na he hates everyone.
Ilag ang mga kalalakihan dito sakanila pero ang mga babae naman ay patay na patay sakanila. Hindi ko naman masisisi ang mga babae kung bakit patay na patay sila sa apat na 'to, gwapo na powerful pa. Hindi lang sa pisikal powerful kundi pati sa yaman, matatalino rin sila si Laxy na lang yata ang hindi. Kasi sa tuwing ipinapaskil ang mga rankings sa bulletin board nakikita ko na kabilang sina GUN, Klyde at Grey sa mga pinaka mataas na rank pero si Laxy ay palaging nasa hulian. Puro kasi pambu-bully kasi ang nasa utak niya at sa kasamaang palad kasama ako sa mga binubully niya!
Nilapitan nung isang babae si Laxy at sinubukang hawakan ito pero mabilis na inilag ni Laxy ang braso niya at sinamaan ng tingin yung babae. Matagal ko ng pansin na ayaw na ayaw ni Laxy ang nagpapahawak kahit kanino sa hindi malamang dahilan. May pagka masungit rin siya.
"Titig na titig ka kay Laxy ah?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa likod ko si Mia.
Napahawak ako sa dibdib ko at binalingan siya ng tingin. "Papatayin mo ba ako sa gulat?!" I hissed.
Mapang-asar niya akong tinignan. "Ikaw naman kasi, sobra ka makatitig kay Laxy." Asar niya saakin.
"Pansin ko lang, bakit ba ayaw na ayaw na hinahawakan ni Laxy?" Tanong ko kay Mia.
She shrugged. "Malay ko, bakit hindi mo siya tanungin." Pag sa-suggest niya.
Napangiwi ako. "Seriously? E ayaw na ayaw ko nga siyang kausap tapos tatanungin ko pa?" Sabi ko.
"Sabagay," sabi na lang niya.
Nagsimula na kaming maglakad ni Mia para makalabas na ng GU. Gusto ko ng umuwi, i-istalk ko pa sa f*******: si Drake.
Natigilan kami sa paglalakad ni Mia nang humarang si Laxy sa dinadaanan namin. Sinamaan ko siya ng tingin. Pauwi na nga lang ako balak niya pang sirain ang araw ako, nakakaasar.
"Hello Laxy," bati ni Mia sakanya. Idol talaga yata ni Mia si Laxy e. Tinignan lang siya ni Laxy at ibinalik na ang tingin saakin.
"Sungit nito," dinig kong bulong ni Mia.
"What now?!" Masungit kong tanong.
Nginisian niya ako. "Uuwi ka na ba?" Tanong niya.
"Oo, kaya pwede ba tumabi ka na!" Sabi ko at masama ang tingin na ipinukol ko sakanya.
"Bakit ba inis na inis ka saakin?" Tanong niya at hindi pa rin nawawala ang ngisi niya sa mga labi niya. Laxy is such a beast, kapag tinignan mo siya sa mga mata parang nakipag eye to eye ka na rin sa isang mabangis na wolf.
"Tinatanong mo pa talaga yan?!" Nanggigigil kong tanong.
"Sige, kunwari wala ako rito." Sarcastic na sabi ni Mia pero hindi nami siya pinansin.
He chuckled devilishly. "You really hate me huh." That's not a question, it's a statement. "Kamuhian mo lang ako hanggang gusto mo, hindi kita titigilan." Aniya at ngumisi ng mala demonyo. I close my fist, I tried to calm myself.
"Ang sama ng ugali mo!" Maanghang kong sabi. Nangingibabaw na ang inis sa puso ko. He's always making my life a living hell.
"Yes, I'm a bad boy and I'm not sorry." Aniya.
"Well, I hate you and I'm not sorry." Ganti ko sakanya.
Tumawa lang siya ng mala demonyo. "Go home safely, sisirain ko pa ang araw mo bukas." Paalala niya at iniwanan na kami.
"Dammit! I really hate him!"