Chapter 1

1258 Words
Chapter 1   Naglalakad ako ngayon papasok ng GU na may ngiti sa mga labi ko. Masaya akong papasok ng school ngayon dahil makikita ko nanaman ang crush ko.   Pag-pasok na pag-pasok ko sa classroom namin ay kaagad ko siyang hinanap sa paningin ko. Pero nakaramdam ako ng lungkot nang hindi ko siya makita.   "Hoy, hinahanap mo nanaman si Drake ano?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko ang pinsan kong si Mia.   Ngumuso ako. "Nasaan ba siya?" Tanong ko sakanya.   "Malay mo na late lang yun!" Sabi niya. "Tara na nga, umupo na tayo." Pag-aya niya at ganoon nga ang ginawa namin. Mia is my cousin at magkaklase kami, close pa kami sa mag best friends.   Habang naka-upo ako sa pwesto ko katabi si Mia panay pa rin ang sulyap ko sa pintuan umaasa ako na si Drake ang papasok, pero mag-iisang oras na ang nakakaraan ay wala pa ring Drake ang pumasok.   Dumating na ang teacher namin at nagsimulang magturo, hindi ako maka focus sa itinuturo niya dahil wala yung kaisa-isa kong inspirasyon. Nag-aalala ako sakanya, bakit ba kasi siya absent? Hindi naman pala absent si Drake e.   Ilang oras akong malungkot, pakiramdam ko kasi may kulang. Lunch break na namin ngayon pero malungkot pa rin ako. I miss him already, siya lang naman ang kumukumpleto ng araw ko tapos hindi pa siya papasok?   "Hoy Mhaexie Joy Jardin! Naii-stress na ako sayo ha? Kanina pa ako nagku-kwento sayo pero parang wala naman dito ang kausap ko!" Inis na sabi ni Mia. I'm hundred percent sure that she's pissed off big time, kinumpleto niya kasi ang pangalan ko e.   "Sorry na Mia," hingi ko ng tawad sakanya. "Ililibre na lang kita ng lunch kaya huwag na ka ng magalit please?"   Biglang nagliwanag ang mukha niya. "Galit? Sinong nagsabing galit ako? Tara na sa cafeteria!" Excited niyang sabi.   Napailing na lang ako. "Mauna ka na kukuha lang ako ng pera sa bag ko," sabi ko sakanya. Masaya naman siyang tumango at lumabas na ng classroom.   Habang kumukuha ako ng pera sa bag ko ay may naramdaman akong pumasok sa classroom namin. Baka si Drake na ito, pasimple kong inayos ang buhok ko at masayang hinarap si Drake pero biglang nabura ang mga ngiti sa labi ko nang makita ko kung sino ang taong iyon.   Nakapamulsa ito at nakasandal sa pintuan and he's chewing a chewing gum, tinignan niya ako at nginisian. He run his fingers through his hair kaya mas lalo pa itong naging messy. Napaka-angas ng aura niya and that makes me hate him even more.   "What are you doing here?" Naiirita kong tanong sakanya.   He grinned. "Bakit bawal bang pumasok sa classroom niyo?" Maangas niyang tanong.   Lalo akong nakaramdam ng inis. I hate him. I hate his piercing dark eyes, I hate his messy hair, I hate his presence, I hate everything about him.   Naglakad ako palapit sakanya. "Get out of the way, Laxy." I ordered him.   "I don't want to," he said cooly. Sinamaan ko siya ng tingin.   "Ano bang gusto mo?!" I hissed. Nauubos na ang pasensiya ko, idagdag mo pa na hindi ko nasilayan ang gwapong mukha ni Drake kaya mas lalo akong na ba-badtrip. Kung si Drake ay kinukumpleto ang araw ko, si Laxy naman ay sinisira ito.   He chuckled. "Ang highblood mo naman Mhaex," aniya.   "Excuse me, It's Mhaexie." Pag co-correct ko, hindi kami close para tawagin niya akong 'Mhaex'   "Wala kang magagawa iyon ang gusto kong itawag sayo," nakangisi niyang sabi. Nilapitan niya ako kaya napaatras ako, yumuko siya at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napasinghap ako. Damn he's so tall.   "Wala kang pag-asa kay Drakeula," nakangisi niyang sabi saakin. Itinulak ko siya kaya napalayo siya saakin.   "It's Drake!" Pag co-correct ko ulit sakanya. "At sino ka para sabihan na wala akong pag-asa kay Drake? Bakit close ba kayo?" Mataray kong sabi. Sa ginagawa niya lalo lang akong naiinis. Gusto ko na siyang sapakin.   He smirked devilishly. "You know I love games, Mhaex." Aniya at tinalikuran na ako at binuksan ang pinto. Tuluyan na siyang lumabas.   Nanatili ako ng ilang saglit dito sa classroom at nang mawala na siya sa paningin ko ay lumabas na rin ako.   He love games? Ha! Fine, bring it on. Hindi ako magpapatalo sayo.   Nagpunta na ako ng cafeteria at nakita ko si Mia na nakaupo sa table na malapit sa glass wall at nakapanumbaba. Kaagad ko siyang nilapitan at umupo sa harapan niya.   "I'm sorry Mia," hingi ko ng paumanhin.   "Ang tagal mo ha? Gutom na kaya ako!" Nakanguso niyang sabi.   "Sorry, badtrip kasi itong si Laxy e." Paliwanag ko. Bigla siyang umayos ng upo at gulat akong tinignan.   "Anong nangyari?" Nae-excite niyang tanong. She's always like this pagdating kay Laxy, she adore Laxy, she thinks that Laxy is cool. Pero don't get her wrong, she don't like Laxy.   "As usual, pineste nanaman ako." Asar kong sabi.   "Swerte mo nga si Laxy ang namemeste sayo e," aniya. First year pa lang kami ganyan na si Laxy, lagi niya akong pinepeste. Kaya first year pa lang ako hate ko na siya, inis na inis talaga ako kay Laxy. Marinig ko lang ang pangalan niya ay nasisira na ang araw ko, hindi ko alam kung bakit ganoon siya. Ginawa na niya atang hobby ang pagsira sa araw ko.   "Baka kung si Drake ang pumeste saakin ay kikiligin pa ako e, pero hindi!" Inis kong sabi.   "Si Laxy ay parang yung kanta ni Taylor Swift na Wildest dreams," sabi niya. Kumunot ang noo ko.   "Ano naman ang connect ni Laxy sa kanta ni Taylor?" Tanong ko.   "He's so tall and handsome as hell, he's so bad but he does it so well." Sabi niya.   "Pwede ba Mia, tigil-tigilan mo 'ko." Asik ko sakanya.   "Ewan ko sayo, umorder ka na nga lang at nagugutom na ako." Sabi niya. Kaagad naman akong tumayo at pumila, matapos ang ilang minuto nakabili na ako ng pagkain namin. Dinala ko na sa table namin ang binili kong lunch at nagsimula na kaming kumain ni Mia.   Napatigil ako sa pag-nguya ng pagkain ko nang mahagip ng mga mata ko ang gwapong nilalang na papasok ng cafeteria, ang gwapo niya talaga. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na bumili siya ng dalawang tart, wala ng nakapila kaya mabilis siyang nakabili.   Habang naglalakad siya ay biglang dumako ang tingin niya saakin kaya nahuli niya akong nakatulala sakanya.   "Bakit?" Masungit niyang tanong. Kahit masungit siya ay kinikilig pa rin ako.   Nginitian ko siya at umiling. He rolled his eyes at nilapitan ako, ipinatong niya ang isang tart na binili niya sa mesa. Tinignan ko ang tart at muli siyang binalingan ng tingin.   "Hindi ba't gusto mo ng tart kaya ka nakatingin saakin?" Aniya at hindi na ako hinintay na magsalita at kaagad na siyang tumalikod at naglakad paalis, sinundan ko siya ng tingin habang papalabas siya ng cafeteria at laking gulat ko nang makita ko si Laxy na nakatayo malapit sa entrance ng cafeteria at nagtitigan sila ni Drake, nag-iwas ng tingin si Drake at tuluyan ng lumabas ng cafeteria.   Halos mapatalon naman ako sa kinauupuan ko nang balingan ako ng tingin ni Laxy habang nginunguya ang chewing gum niya, lalo siyang nagiging mukhang maangas dahil sa chewing gum niya. Nginisian niya ako at naglakad papalapit sa table namin.   Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang kunin ang chewing gum sa bibig niya at inilagay doon sa tart na ibinigay ni Drake, he smirked devilishly bago siya tumalikod at naglakad paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD