“Sir, bakit sa amin po?” gulat na tanong ni Jiho kay Mr. Rupert. Bumugtong hininga si Mr. Rupert bago niya sinagot ang tanong ni Jiho sa kaniya. Maging si Kaela ay naguguluhan at nabibigla rin sa nangyayari, at hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. “Dahil kayo raw ni Kaela ang swak para sa kasong ito. At saka hindi naman na bago sayo ang mga arson case, Jiho. Ilang kaso na ang naipanalo mo kaya alam kong kaya niyo ‘yan ni Kaela,” sagot pa ni Mr. Rupert. “Bakit hindi po nila napili si Prosecutor Leabres? Mas may experience po siya sa mga ganitong uri ng kaso...,” Jiho said with emphasis. “Kabibigay ko lamang ng isang kaso kay Prosecutor Leabres noong isang araw about sa homicide case. Kung hindi ko sa kaniya naibigay ang kasong iyon, malaki ang chance na sa kaniya mapupunta ang

