Nang mag- ring ang cellphone ni Hendrix, agad na siyang lumabas ng convenience store upang makipagkita sa kaniyang kliyente. But he felt something strange— like something is wrong. Bago siya tuluyang lumabas ng convenience store ay muli siyang lumingon dahil malakas ang kutob niya na may tao sa loob no’n. Pagkalabas niya, nagpasya siyang magtago sa likod ng poste upang hulihin ang taong nasa loob ng convenience store. Ilang segundo siyang naghihintay sa likod ng poste na iyon hanggang sa naaninag niya ang dalawang tao na palabas ng naturang tindahan. Napakunot ang kaniyang noo at naningkit ang kaniyang mga mata upang tignan nang mabuti kung sino ang dalawang taong iyon. Hindi na nakaimik sa kaniyang pinagtataguan si Hendrix nang makita niyang palabas ng nasabing tindahan sina Kaela at Ji

