“Fritz...,” Jozen said while they were on work. “Bakit?” tugon naman ni Fritz sabay lingon sa kaniyang kaibigan. Seryosong nagpaplano si Jozen habang nakahawak sa kaniyang baba. Naningkit naman ang mga mata ni Fritz nang makita niyang ganito ang kaibigan niya. “Sa tingin mo, girlfriend ni Jiho ‘yong babaeng nakasalubong natin kahapon?” tanong nito habang nakatingin sa malayo— malalim na nag- iisip. Bahagyang napaisip si Fritz sa tanong na ito ni Jozen. Napakunot ang kaniyang noo at naging palaisipan ang tagpong nakita nila kahapon. “Feeling ko hindi. Baka kaibigan niya lang ‘yon...,” he responded. Mas lalo pang nag- isip si Jozen. Pilit niyang inaanalisa ang mga pangyayari upang malaman kung tunay ngang may girlfriend si Jiho o wala. “What if hulihin natin si Jiho?” pagpaplano ni Jo

