Gulat na gulat si Jiho nang magtagpo ang mga mata nila ni Kaela. Abot tainga ang ngiting ipinakita ni Kaela nang makita niya sa loob ng kaniyang opisina si Jiho.
Iniangat niya ang dala niyang kape at cookies upang ipakita sa kaniya na may dala siyang pasalubong. Tuluyan nang pumasok sa loob ng opisina si Kaela at saka inilapag sa mesa niya ang mga dala niya.
Nakatulala naman si Jiho habang pinagmamasdan niya si Kaela na ngalalakad papalapit sa kaniya.
"Marami ka pa bang trabaho?" tanong ni Kaela.
Dito lamang natauhan si Jiho mula sa kaniyang pagkakatulala.
"Ah... medyo marami pa, bakit?" tugon ni Jiho.
"Wala lang. Gusto kitang samahang magpuyat ngayon," nakangiting sambit ni Kaela habang nakatayo siya sa gilid ni Jiho.
Napatingin sa kaniya si Jiho at saka nakita itong nakangiti. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso at saka bahagyang pinagpawisan nang malamig.
"Hindi na kailangan, Kaela. Kaya ko naman na ito," sagot ni Jiho matapos muling humarap sa kanyang laptop.
"Ano ka ba, ayos lang. Wala naman akong gagawin at saka tanghali pa naman ang class ko bukas. At saka, kasi 'di ba binantayan mo ako kahapon noong may sakit ako, kaya ngayon ikaw naman ang sasamahan ko," nakangiting sabi ni Kaela.
Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ni Jiho nang marinig ito. He felt very special. No woman did this to him, except for her. Mas lalong nahuhulog si Jiho sa ginagawang ito ni Kaela and he could not help but to admire her more, not only on her physical beauty, but the same beauty that lies in her soul.
"Paano naman sina Mang Toper at Aling Emily, alam ba nilang narito ka?" pag- aalala ni Jiho.
"Huwag mo nang alalahanin iyon. Nagsabi na ako sa kanila na male- late ako ng uwi dahil may pupuntahan ako," she responded.
"Oh ito pala, kape at cookies para hindi ka antukin sa gagawin mo," pagpapatuloy pa ni Kaela.
Tinignan ni Jiho ang kape at cookies na binili ni Kaela para sa kaniya. He smiled a little bit and appreciate this kindness of her.
Habang nagpapatuloy si Jiho sa kaniyang pagtatrabaho sa harap ng laptop, nagtungo si Kaela sa bintana ng opisina ni Jiho. She split the curtain to see the view outside.
It was a very majestic view to be seen, and Kaela was mesmerized by its beauty. The city lights that light up the whole metro shone like a stars in the sky. Smile began to plaster on her lips as she saw the orange- colored sunset from afar.
Napangalumbaba si Kaela habang pinagmamasdan ito na animo'y siya ay nanonood ng isang palabas sa sinehan. While she was staring at the view, Jiho could not help but to turn his eyes on her. He was distracted by how Kaela behaved and silently watching the view from afar.
Hindi niya naiwasang mapangiti habang nakikita si Kaela sa kaniyang bintana. But then again, he just did it for a short period of time so that he could finish his works as fast as he can.
"Kaela, buti pinapasok ka ng guard?" Jiho asked out of nowhere.
Kaela immediately turned her head towards Jiho when she heard him asking her.
"Sabi ko sa kaniya may ihahatid lang po ako kay Prosecutor Jiho and he let me enter this law firm," sagot ni Kaela sa kaniya.
"Ang laki pala talaga dito no. I hope dito rin ako makapagtrabaho kapag naging prosecutor na rin ako tulad mo," she added while imagining.
"Sure 'yan. Ako maglalakad sayo para makapasok ka rito. Malakas ako kay Mr. Rupert kaya huwag ka mag- alala," nakangiting sagot ni Jiho to ensure her.
"Talaga?" nagagalak na paglilinaw ni Kaela sabay takip pa sa kaniyang bibig.
Muling napangiti si Jiho nang makita ang naging reaksyon ni Kaela. Every move that Kaela did impressed him that much that he could not stop himself from smiling.
"By the way, is it okay na mag- stay ako rito with you hanggang mamayang gabi?" Kaela queried.
"Ayos lang naman, why? Tayo lang naman na ang tao sa buong building except sa mga guard sa baba kaya ayos lang 'yan," he replied then raised his two eyebrows.
Binuksan na ni Jiho ang kapeng ibinigay sa kaniya ni Kaela dahil bahagyang nakaramdam siya ng antok. Si Kaela naman ay pansamantalang umupo sa isang sofa at saka nagbasa ng isang libro na related sa mga law.
Jiho was determined to finish his works this night kaya naman hindi niya hinayaan ang sarili niya na ma- distract sa mga bagay na nasa kaniyang paligid. Habang siya ay taimtim na nagta- type sa kaniyang laptop, napansin niya ang biglang pagtahimik ng buong paligid.
He cheked Kaela, and he saw her sleeping on the sofa she was sitting on a while ago. Kung titignan ang posisyon ni Kaela, masasabi mong hindi siya komportable at mataas ang tsansa na magkaroon siya ng stiffed neck.
Kahit na ayaw niyang umalis sa kaniyang ginagawa, hindi niya mapigilan mag- alala para kay Kaela. Agad siyang tumayo mula sa swivel chair na kaniyang inuupuan at saka bumuntong hininga.
Marahan siyang naglakad patungo roon upang hindi niya maabala ang tahimik na pagtulog ni Kaela. Sinikap niyang hindi siya makalikha ng kahit anong yabag sa sahig upang hindi ito magising.
Tumayo muna siya sa harap ni Kaela at saka pinagmasda ito. He tilted his head while stealing a glance on her. All that he was thinking was her condition and the feelings she would feel when she wake up. He wanted her to have a comfortable and relaxed sleep.
Buong ingat niyang inusog ang binti ni Kaela patungo sa kabilang bahagi ng sofa upang maging diretso ang higa nito. Marahan niya ring iniurong ang ulo nito at saka ipinatong sa ibabaw ng throw pillow upang hindi siya magkaroon ng stiffed neck.
Bahagyang gumalaw si Kaela kaya agad na inilayo ni Jiho ang kaniyang mga kamay sa kaniya. Ngunit, hindi naman tuluyang nagising si Kaela kaya sandali siyang umupo sa kabilang sofa na nasa harap noon at saka pinagmasdan ito.
Nakade- cuatro ang binti ni Jiho at saka nakahawak siya sa kaniyang baba habang pinagmamasdan si Kaela. Iginagalaw din niya ang kaniyang paa habang nakatingin sa kaniya.
Napansin niyang nilalamig si Kaela, kaya muli siyang tumayo at saka hininaan ang lamig ng kaniyang aircon. Kumuha rin siya ng malaking towel at saka ipinatong ito sa katawan ni Kaela upang kahit papaano ay mabawasan ang lamig na kaniyang nararamdaman.
Napangiti si Kaela habang tulog, at napansin iyon ni Jiho. Naramdaman siguro ni Kaela na naging komportable na ang kaniyang tulog kaya siya napangiti nang ganito. Nahawa rin si Jiho sa mga ngiting ito ni Kaela bago siya bumalik sa kaniyang trabaho. Huminga muli nang malalim si Jiho at saka nagpatuloy sa kaniyang pagta- type sa laptop.
After hours of working independently, Jiho started to yawn and felt drowsy. His eyes were falling and he could not think thoroughly. He could not understand what he's reading right now due to extreme sleepiness that was consuming him.
Tinignan niyang muli ang kaniyang kape at saka nakita itong may laman pa subalit malamig na ito. He had no choice but to drink it just to fight the drowsiness that has been interfering his willingness to finish his works.
He was almost done when Kaela suddenly woke up. Jiho immediately alarmed by her waking up from the sofa. He did not expect her to wake up this early.
"Kumusta ka Kaela. Masakit ba ang leeg mo?" tanong ni Jiho nang saglit siyang huminto sa kaniyang ginagawa.
Bahagyang ininda ni Kaela ang kaniyang leeg ngunit hindi naman ito ganoon kasakit tulad ng inaasahan niya.
"Hindi naman ganoon kasakit. Buti nga maayos pala ang pagkakahiga ko roon kasi ang natatandaan ko nakatulog ako habang nagbabasa eh," sagot ni Kaela habang nanatiling nakahawak sa kaniyang leeg.
"Nagugutom ka ba? We can order naman sa labas para makakain ka," Jiho insisted.
"No, I'm not hungry...," Kaela replied then smiled a bit.
"Patapos ka na ba diyan sa work mo? Did I interrupt you?"
"No, hindi ka naman nakaistorbo. Actually nakatulong ka pa nga kasi nakatulong 'yong kapeng binigay mo sa akin. Hindi ako gaanong inaantok. Almost done na rin naman ako," nakangiting sagot niya.
Kaela nodded when she heard his answer. She drew near him to see what he is doing.
"Ano ba iyang ginagawa mo, Jiho?" Kaela curiously asked.
She looked at Jiho's laptop and saw some pictures taken on the crime scenes.
"May pinagawa sa akin si Mr. Rupert sa report about sa mga aksidenteng nangyari noong nakaraang araw. He rushed me to finish it as soon as possible, but I was not able to accomplish it. Kaya ngayon, tinatapos ko ito dahil hanggang bukas lang ang binigay na deadline ni Mr. Rupert sa akin upang ipasa ito sa kaniya," sagot ni Jiho habang patuloy sa kaniyang ginagawa sa laptop.
While looking at the screen of Jiho's laptop, Kaela accidentally dropped her phone underneath Jiho's table. She immediately looked for it and she found it quickly. When she raised her head, she saw Jiho looking at her very passionately.
Napaawang ang bibig ni Kaela dahil sa mga matutulis na tingin ni Jiho sa kaniya. She was taken aback by his stares that she could not even move her body. Kaela stood up while looking at his eyes. Her knees were trembling because of extreme nervousness by Jiho's intimate glances ate her.
Hindi niya maialis ang kaniyang mga tingin kay Jiho. Mas lalo pang kumalabog ang dibdib nang dalawa matapos ang isang minutong pagtititigan nilang dalawa.
Tumayo si Jiho sa kaniyang kinauupuan habang nananatili ang mga matang nakatingi kay Kaela. Napatingala naman si Kaela nang tuluyang nang makatayo si Jiho. Napahawak siya sa lamesa ni Jiho dahil sa matinding kaba.
"Kaela....," Jiho whispered in the wind.
"Uh?" she responded that almost she could only hear it.
She blinked her eyes thrice, but Jiho's eyes were still looking at her.
Mas lumapit pa si Jiho sa kaniya, subalit tila nakulong si Kaela dahil hindi na siya makaatras sapagkat nasa likuran niya ang lamesa ni Jiho.
Hinawi ni Jiho ang buhok na nasa mukha ni Kaela at saka nilagay ito sa likuran ng tainga niya. Nagulat naman si Kaela nang gawin ito ni Jiho, dahilan upang manlambot nang tuluyan ang kaniyang mga tuhod.
Pagkatapos nito, inilapit ni Jiho ang kaniyang mukha patungo sa mukha ni Kaela. Napalunok si Kaela nang makita ang mukha ni Jiho na papalalapit sa kaniya. She began to close her eyes when Jiho close his.
Their soft red lips started to touch. Siniil ng halik ni Jiho ang labi ni Kaela na para bang inaangkin niya ito. Kaela became submissive at let Jiho do what he wanted to do at her lips.
Napahawak si Jiho sa batok ni Kaela habang patuloy siya sa kaniyang paghalik. Hindi mapigilan ni Kaela na gumanti ng mga halik dahil sa init na ibinigay nito sa kaniyang katawan.
Bumitaw si Jiho sa pagkakahalik niya kay Kaela, at iminulat naman ni Kaela ang kaniyang mga mata.
"Kaela, I love you.... I really really love you," Jiho whispered then gasped.
Kaela was shocked the moment she heard this. She did not know what to do. Instead, she let her feelings come out from her heart-- leaving no words unsaid.
"Jiho, I love you too...," she muttered.
Jiho held her waist and carry her. Ipinaupo ni Jiho si Kaela sa kaniyang lamesa kung saan napaawang muli ang mga labi ni Kaela nang gawin ito ni Jiho sa kaniya.
He looked at her even more romantically and gave her a kiss of his adoration. Nakahawak si Jiho sa batok ni Kaela samantalang ang mga braso niya naman ay nakaakbay sa balikat ni Jiho. Pareho nilang gusto ang kanilang ginagawa dahil gusto rin nila ang isa't- isa...
"Very good, Jiho. Akala ko hindi mo matatapos ito eh," sabi ni Mr. Rupert nang ipinasa ni Jiho sa kaniya ang mga report na ipinagawa niya.
"Wow Jiho, mukhang inspired ka ngayon ah," pang- aasar ni Jozen sa kaniya kasama si Fritz.
Nakangiti lamang siya habang inaasar siya ng kaniyang mga kaibigan na lubha namang ipinagtaka ngg mga kaibigan niya.
"Siguro nga Jiho may girlfriend ka na...," sambit ni Fritz nang mapansin ang madalas na pagngiti ni Jiho.
"Anong pinagsasabi niyong may girlfriend na ako?" he denied with a frowned face.
"Hindi mo kami maloloko, Jiho. Kilala ka namin. Hindi ka naman ganiyan kung makangiti dati," dagdag naman ni Jozen.
"Barbero kayo. Wala nga akong girlfriend. Hindi nga ako makahanap eh," palag pa ni Jiho sa kanila.
"Siguro 'yong babaeng nakasalubong natin kahapon no'ng pauwi tayo, 'yon 'yong girlfriend ni Jiho...," Fritz speculated when he was talking with Jozen.
Saglit na napaisip si Jozen nang marinig ang sinabi ni Fritz. Saka na lamang niya naalala ang sinabi ni Fritz matapos ang ilang segundong pag- iisip.
"Oo nga, baka 'yon 'yong jowa niya," tugon naman ni Jozen.
"'Di ba...."
"Pero parang pamilyar 'yong babae na 'yon eh," pagpapatuloy pa ni Jozen.
"Sino na naman 'yang babaeng pinag- uusapan niyo ha?" tanong ni Jiho nang marinig ang usapan ng dalawa patungkol sa pinagsususpetyahang girlfriend daw niya.
"'Yon siguro 'yong girlfriend mo Jiho no?" tanong muli ni Fritz.
"Sino ba kasi?" ani Jiho.
"Sino ba 'yon... si... Kaela yata 'yon...," sambit ni Jozen.
Nanlaki ang mga mata ni Jiho nang marinig niya ang pangalan ni Kaela. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Jozen ang patungkol kay Kaela at ang pangalan nito.
"Nakasalubong niyo si Kaela kahapon?" gulat na tanong ni Jiho sa kanila.
"Oo. Sa amin iyon nagtanong kung saan daw ang opisina mo. May hawak pa nga siyang kape aat saka cookies eh. Para sayo siguro 'yon," nakangising sagot ni Fritz nang may pagtaas pa ng kaniyang mga kilay.
Sinamaan sila ng tingin ni Jiho at saka muling tumanggi.
"Hay nako. Wala nga akong girlfriend. Bahala kayo diyan. Ang kulit niyo," inis na saad ni Jiho at saka umalis sa kanilang dalawa.
Tawang tawa sina Jozen at Fritz nang tuluyan nilang mapikon si Jiho habang ito ay naglalakad patungo sa kaniyang opisina.
"Kaela?" Jiho asked over the phone.
Agad namang sinagot ni Kaela ang tawag ni Jiho nang maramdaman niyang nag- ring sa kaniyang bulsa ang kaniyang phone.
"Yes, Jiho. Bakit?" sagot ni Jiho.
Bigla na lamang naalala ni Kaela ang halikang ginawa nila ni Jiho kagabi kaya naman muling lumundag sa kaba ang kaniyang puso at saka nagsimulang mahiya.
"Pauwi ka na ba? Sabay na sana tayo. Maaga kasi out ko ngayon eh. Kain tayo sa labas, libre kita," pag- aalok ni Jiho sa kaniya.
Ito na rin ang paraan ni Jiho upang unti- unting makuha ang loob ni Kaela at mas lalo pang mahulog sa kaniya.
"Huh?"
"Sabi ko, susunduin kita kasi pauwi na ako ngayon. Iti- treat kita, kakain tayo sa labas," ulit na sabi ni Jiho.
"Ah okay, pauwi na rin ako ngayon eh. Actually nag- aantay na ako ng masasakyan," sagot ni Kaela.
"Gano'n ba? Wait hintayin mo ako!"
Agad na tumayo si Jiho at saka nag- ayos ng kaniyang sarili. Nagmadali itong lumabas ng kanilang law firm at agad na naghanap ng masasakyang jeep patungo sa school nila Kaela.
Makalipas ang ilang minutong pagsakay sa jeep, nakarating na si Jiho. Sa kahabaan ng daan, hinanap niya roon si Kaela. Inilibot niya ang kaniyang mga mata habang patuloy na naglalakad upang makita lamang niya si Kaela.
Ilang sandali lamang, nakita niya si Kaela na tahimik na nakaupo sa isang upuan sa gilid ng kalsada. Yakap yakap niya ang kaniyang bag at wala itong imik. Napangiti si Jiho nang makita niya si Kaela roon.
Marahang naglakad si Jiho papalapit sa kaniya at saka tuluyan na siyang nakita ni Kaela. Agad na tumayo si Kaela pagkakita niya kay Jiho.
"Oh, Jiho...," nakatulalang sambit ni Kaela nang makita si Jiho.
"Tara, kain muna tayo," nakangiting alok ni Jiho sa nakatulalang si Kaela.
"Sinasabi ko na nga ba, girlfriend mo siya Jiho eh."
Nagulat sina Jiho at Kaela nang marinig nila ang boses ni Jozen sa kanilang likuran. Nasaksihan nila doon si Jozen kasama si Fritz na nakahalukipkip at nakatingin sa kanilang dalawa. Nalaki ang mga mata ni Jiho nang makita sila, samantalang napakunot naman ang noo ni Kaela.