CHAPTER 19: A Cup of Coffee

2550 Words
Pagkatapos makainom ng gamot, nagpahinga na kaagad si Kaela. Nakaupo sa gilid ng kaniyang kama si Jiho na masidhi siyang pinagmamasdan. Jiho eyes were looking at her passionately. His hands were holding Kaela's hands and continued to give her comfort while she was asleep. Maiging binabantayan ni Jiho amg lagay ni Kaela dahil labis siyang nag-aalala rito. He could not afford to see her suffering from her sickness. Panay ang kapa nito sa noo ni Kaela upang maantabayanan kung bumababa ba ang kaniyang temperatura. Dahil sa kaniyang matiyagang pagbabantay kay Kaela, hindi niya namalayan na nakatulog na rin pala siya. Magkatabi ang dalawa habang silang dalawa ay kapwa tulog. Ang kanilang mga mukha ay magkaharap habang ang kanilang mga mata ay nakapikit. Napayakap pa si Jiho kay Kaela dahil sa lalim ng kaniyang tulog. Nagising na lamang si Jiho nang tumumog ang kaniyang cellphone dahil sa tawag ni Jozen sa kaniya. When he opened his drowsy eyes, he straightly saw Kaela sleeping soundly on her comfortable bed. He was shocked for he did not expect that he will fall asleep beside her. Even though they have mutual feelings, this was not the right thing to do. They were not in a relationship, and it was forbidden for them to do. Jiho quickly stood up from laying down on Kaela's bed. Napahikab pa siya dahil sa labis niyang antok. Agad niyang sinagot ang tawag ni Jozen sa kanya dahil kanina pa ito ring nang ring at nag- aalala siya na baka magising dito si Kaela. "Ano 'yon, Jozen?" iritableng tanong ni Jiho sa kaibigan. "Gago ka, yari ka kay Mr. Rupert. Kanina ka pa hinahanap dito bakit daw hindi ka pumasok," sigaw ng kaniyang kaibigan sa cellphone. Bahagyang inilayo ni Jiho sa kaniyang tainga ang kaniyang cellphone dahil halos mabingi siya sa sigaw ni Jozen sa kaniya. Napakunot din ang kaniyang noo at naningkit ang kaniyang mga mata. "Bakit daw? Anong problema niya?" pagtatanong ni Jiho. "Loko ka raw, bakit ka maaga umalis. Ang dami mo raw nakatambak na trabaho at hindi mo matapos- tapos. Kailangan na raw iyon sa susunod na araw," pananakot pa ni Jozen sa kaniya. "We? Baka naman niloloko mo ako ah. Totoo galit si Mr. Rupert sa akin?" hindi naniniwalang tanong ni Jiho sa kaniyang mga kaibigan. "Bahala ka diyan, basta sinabihan na kita. Pumasok ka raw bukas, kakausapin ka niya." Ngayon naging seryoso na ang tono ng pananalita ni Jozen. "Sige sige. Maaga ako papasok bukas," Jiho replied and finally hung up the phone. He heaved a sighed and turned his stares at Kaela who is still sleeping. Hindi man lang sumagi sa kaniyang isipan na sisihin si Kaela rito dahil desisyon niya naman ito at masaya siya na siya ang nasa tabi nito sa mga panahong kailangan niya ng tulong. Alam niyang totoong galit sa kaniya si Mr. Rupert, subalit umakto na lamang ito sa harap ni Jozen na hindi naniniwala upang bahagyang mawala ang tensyon at kaba sa kaniyang dibdib. Ngumiti na lamang siya at saka hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ni Kaela. Inilagay niya ito sa likod ng tainga ni Kaela. Napansin niyang malapit nang kumagat ang dapithapon at alam niyang paparating na mula sa trabaho si Mang Toper kaya nagpasya na siya na umalis at iwan pansamantala si Kaela. Mabigat man sa kaniyang pakiramdam na gawin ito, subalit kailangan niya itong gawin upang hindi sila pag- isipan nang masama ng mga magulang ni Kaela. Habang naglalakad si Jiho sa kalsada, nakasalubong niya si Mang Toper na malungkot. "Oh, Mang Toper kayo ho pala iyan," pagbati ni Jiho. Agad na iniangat ni Mang Toper ang kaniyang ulo at saka nakita si Jiho. Bigla namang nagbago ang reaksyon ng mukha ni Mang Toper nang makita niya si Jiho. "Jiho?" Ngumiti si Jiho sa kaniya nang labas ang mga ngipin. Napansin naman ni Jiho ang malungkot na mata ni Mamg Toper kaya kinumusta niya ito. "Kumusta po ang trabaho Mang Toper?" tanong ni Jiho nang may ngiti sa kaniyang labi. "Ayos lang ako Jiho. Masaya naman ang trabaho ko roon, hindi ganoon kabigat. Bumili pa nga ako ng fried chicken oh, pasalubong ko sana kay Kaela," nakangiting tugon naman ni Mang Toper sabay pakita sa hawak niyang fried chicken. "Saan ka pala galing Jiho, pauwi ka na ba?" muling tanong niya. "Ah opo, pauwi na po ako. May dinaanan lang po ako sa kakilala ko roon," pagsisinungaling pa ni Jiho. "Gano'n ba? Sige una na ako ah. Mag- iingat ka, Jiho," pagpapaalam ni Mang Toper. Tumango naman sa kaniya si Jiho at kapwa sila nagpatuloy sa kanilang mga pupuntahan. Hindi naniniwala si Jiho na ayos lang si Mang Toper sa kaniyang trabaho ngayon dahil malinaw niyang nakita na pagod na pagod ang hitsura nito at tila ba malungkot. Sobra siyang nag- aalala sa kalagayan ni Mang Toper subalit wala naman siyang magawa upang patigilin ito sa kaniyang pagtatrabaho dahil ito lamang siyang bubuhay sa kanilang pamilya. Umuwi na nang diretso si Jiho sa kaniyang apartment at saka nagpahinga na. Hindi na siya kumain ng hapunan at hinayaan na lamang na ang lugaw na kaniyang kinain kanina ang siyang pumuno sa kaniyang tiyan. Pagkapasok ni Mang Toper sa kanilang bahay, naramdaman niya ang pagiging tahimik ng buong paligid. Inilagay niya sa lamesa ang binili niyang manok at saka tinawag ang kaniyang anak. "Kaela? Nandito na si Papa mo," pasigaw na pagtawag ni Mang Toper sa anak habang nililibot ang kaniyang tingin sa paligid. Habang ginagawa niya ito, inilalagay niya sa isang malaking mangkok ang mga pritong manok na kaniyang binili. Pagkatapos ihain ito, nagtungo na siya sa silid ng kaniyang anak upang sunduin ito at nasilayan niya itong nakahilata lamang sa kaniyang kama. Napangiti si Mang Toper at saka lumapit sa kaniyang anak. Nagpasya itong pwersahing itayo si Kaela katulad ng madalas niyang ginagawa, subalit natigil siya nang maramdaman niya ang mainit na braso ni Kaela. "Oh Pa, nandito na pala kayo...," Kaela said in a frail voice as she woke up by her father's touch on her arms. "May sakit ka ba anak?" pagtatanong ni Mang Toper sabay hawak sa noo mg kaniyang anak. "Kailan ka pa may sakit, ha?" pag- aalala pa nito. "Pa, nasaan si Jiho?" nanghihina nitong tanong. "Si Jiho? Bakit mo hinahanap si Jiho?" pagtataka ni Mang Toper. "Ah wala po, Pa," kaagad na sagot niya. Pinilit niyang hindi ipaalam sa kaniyang ama ang pagparito ni Jiho dahil baka ito magalit sa kanilang dalawa. "Nakainom ka na ba ng gamot?" Mang Toper asked his sick daughter. "Opo Pa, nakainom na po ako. Magpapahinga lang po muna ako," Kaela replied. Mang Toper nodded at her and left her room. Bago siya tuluyang bumalik sa kusina, muli niyang sinilip ang kaniyang anak dahil sa nag- aalala ito. Nakita rin niya sa kusina ang kalderong naglalaman ng lugaw na niluto ni Jiho, at dito niya naisip na nagtungo nga talaga rito si Jiho. Wala silang stock na gamot sa kanilang bahay, kaya naman nagtaka siya nang masilayan niya ang gamot na nasa lamesa ni Kaela. At mas lalo pa siyang naghinala nang tanungin ni Kaela ang kinaroroonan ni Jiho. Hindi siya nagalit, bagkus ay mas natuwa pa siya sa kagandahang- loob na ipinakita ni Jiho sa kaniyang anak na may sakit habang wala sila sa kaniyang piling. "Jiho...," Mang Toper called over the phone. Agad namang sinagot ni Jiho ang tawag ni Mang Toper. He's currently brushing his teeth when suddenly a strange number called him. Napakunot ang noo ni Jiho nang makitang tinatawagan siya ng isang hindi kilalang number. "Sino po sila?" pagtatanong pa ni Jiho "Jiho, salamat pala sa pag- aalaga mo kay Kaela habang wala kami ah...," Mang Toper said for being grateful at him. "Mang Toper?" gulat na tanong ni Jiho. "Oo Jiho, ako ito," sagot naman ni Mang Toper. "Ano pong ibig niyong sabihin?" pagtangging tanong ni Jiho. Bahagyang kinabahan si Jiho nang marinig niya ito. Sinikap niyang hindi malaman ng mga magulang ni Kaela subalit mukhang nalaman na yata nila. "Alam kong galing ka rito kanina at ikaw ang nag- asikaso kay Kaela habang wala kami. Gusto ko lang magpasalamat sa iyo...." Napaawang ang mga labi ni Jiho nang marinig ito. Hindi niya inakalang pasasalamatan siya nito dahil ang pag- aakala niya ay magagalit ito na pumunta siya sa bahay nila Kaela habang ito ay mag- isa. "Sinabi po ni Kaela na pumunta ako diyan?" tanong niya. "Hindi. Tulog si Kaela ngayon eh. Nakita ko kasi 'yung lugaw na inihanda mo para sa kaniya pati na rin 'yung gamot na binili mo. Nakasalubong pa kita kanina sa daan kaya alam kong galing ka talaga dito," malumanay na sagot ni Mang Toper. "Pasensya na po kayo kung hindi ako nakapagsabi na pupunta ako diyan. Akala ko po kasi magagalit kayo...," paghingi ng tawad ni Jiho. "Bakit naman ako magagalit? Nagpapasalamat pa nga ako kasi pinuntahan mo si Kaela rito sa amin eh. Huwag ka mag- alala. Hindi ako galit sayo. Sobra pa nga akong nagpapasalamat sa iyo eh," dagdag pa ni Mang Toper. Bahagyang napangiti si Jiho nang marinig ang mga pasasalamat ni Mang Toper. Kaagad din namang pinutol ni Mang Toper ang kaniyang pagtawag kay Jiho at saka nagtatalon ito sa cr habang nagsesepilyo. Hindi mapagsidlan ang ngiti ni Jiho dahil dito. Subalit, natauhan siya nang mapansin niyang nakangiti ang kaniyang sarili sa salamin na nasa kaniyang harapan. "Bakit ako nakangiti?" tanong niya sa kaniyang sarili habang nakatulala sa salamin. Jiho had threw a tantrum after realizing it. He was almost like an insane jumping inside the comfort room and continuously hitting himself. "Jiho, why did you left your work yesterday?" galit na tanong ni Mr. Rupert. Nakayuko lamang si Jiho dahil alam niyang may kasalanan siyang nagawa kahapon. Sina Jozen at Fritz naman ay pinipigilan ang kanilang tawa habang pinapanood siya na pinapagalitan ni Mr. Rupert. "Sorry po, Sir..." he humbly said. "Ano pang magagawa ng sorry mo? Ang dami mong hindi natapos na kailangan nang asikasuhin dahil tumatakbo ang mga kasong iyon pero nakuha mong tumakas sa trabaho mo," muling bulyaw ni Mr. Rupert. Pinagtitinginan na sila ng mga kasamahan ni Jiho sa loob ng law firm, but he was unbothered. Natatawa na lang din siya sa kaniyang sarili dahil sa kalokohang ginawa niya. "Aasikasuhin ko na lang po ang mga iyon, Mr. Rupert. Hindi po ako uuwi hangga't hindi natatapos ang mga paperworks na iyon," mapagkumbabang sambit niya. Mr. Rupert stared down at him with rage. Gusto niyang mainiis kay Jiho subalit hindi niya magawa dahil anak na ang turing niya rito. Pero bilang boss niya, kailangan niya itong disiplinahin upang magtino ito at saka hindi na mangyari pa sa mga susunod na panahon. "Dapat lang Jiho dahil bukas na ang pasahan niyan. You must give it to me until 7 am tomorrow. Kung hindi ko magagawang maipasa 'yan bukas, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo," galit na saad ni Mr. Rupert. Tumango naman si Jiho habang siya ay nakayuko. Umalis na si Mr. Rupert sa kaniyang harapan ngunit nananatiling nakayuko ang kaniyang ulo upang ipakita ang pagpapakumbaba niya. Pagkaalis ni Mr. Rupert, humagalpak sa katatawa sina Jozen at Fritz upang asarin si Jiho. Pilit naman pinigilan ni Jiho ang kaniyang tawa. "'Yan kasi, takas pa more," pang- aasar pa ni Fritz sabay muling tawa. "Takas ka pa ah. Saan ka ba kasi pumunta ha," ani Jozen. Umupo si Jiho sa tabi nila upang saglit na makipagkwentuhan bago siya magsimulang trabahujin ang kaniyang mga paperworks. "Basta. Nagka- emergency lang," pagsisinungaling ni Jiho habang humihigop ng kape. "Wushu, nagka- emergency raw. Siguro pinuntahan mo lang girlfriend mo eh," pang- aasar muli ni Fritz sa kaniya. Muling naalala ni Jiho ang mga tagpo nila ni Kaela kahapon at saka hindi niya naiwasang mapangiti. Agad na napansin iyon nina Fritz at Jozen kaya naman nagtaka ang mga ito at saka nagsuspetya. "Gago ka Jiho, may girlfriend ka na?" nanlalaking matang tanong ni Jozen. Agad na napalingon si Jiho sa kanila at saka nagtaka sa kanilang mga sinabi. "Anong may girlfriend? Mga gunggong!" he denied. "Eh bakit ka ngumiti no'ng sinabi kong galing ka sa girlfriend mo? Siguro totoong galing ka sa girlfriend mo no," saad ni Fritz. "Gagi, hindi nga. Wala akong girlfriend no," Jiho denied again. He stood up and left them with a grumpy face, but the two of them are laughing at Jiho's reaction. Habang nagtatrabaho si Jiho, muling sumagi sa kaniyang isip si Kaela. Nag- alala ito kung hanggang ngayon ay may sakit pa rin ito. He tried to call her so that he can check on her condition. "Kaela, how are you? Are you still sick?" he asked over the phone while working on his laptop. Kaela immediately answered her phone when she saw Jiho calling her. Her heart jumped before to answered it for she was too nervous to have a talk with him. "Hi Jiho, yes magaling na ako. Nandito nga ako sa school now eh," kinakabahang sagot ni Kaela habang nasa canteen siya ng kanilang campus. "That's good to hear. Have you eaten already?" pag- aalala pa ni Jiho. "Uhm yes, kumakain ako now with Yeri. Ikaw ba?" "Tapos na ako kumain," sagot naman ni Jiho. "Ohh gano'n ba? Mamaya anong oras ka pala uuwi?" Kaela asked him out of nowhere. "Late na ako makakauwi ngayon. I have too many works to do, and I must accomplished these with the day," seryosong sagot niya habang patuloy ang kaniyang pagdutdot sa laptop. "Magpahinga ka ah? Huwag mo abusuhin ang sarili mo. Sige na, dito na ako. May next class pa kami, bye...." Kaela hung up the phone. After calling her, Jiho began to have a smile on his face. His cheeks turned into reddish because he was fluttered hearing Kaela's calming voice. Nagsimula nang mag- uwian ang mga katrabaho ni Jiho, lalo na sina Jozen at Fritz, ngunit hindi pa nangangalahati sa kaniyang trabaho si Jiho. "Jiho, mauuna na kami ni Fritz ah?" pagpapaalam ni Jozen sa kaibigan "Sige sige, ingat kayo," tugon naman niya nang hindi man lang tumitingin sa kanila. Umalis na ang dalawa upang makauwi. Bago sila pumasok ng elevator, a girl approached them. "Hello po, nasaan po ang office ni Prosecutor Montenegro?" the girl asked them. Nagtinginan ang dalawa dahil mukhang pamilyar ang mukha na ito. "Ahh, doon sa pinakadulong office Bakit po?" sagot ni Fritz habang mariing nakatitig sa babae. "May kailangan lang po ako ibigay sa kaniya. Sige po salamat." Napalingon sina Jozen at Fritz nang magpatuloy sa kaniyang paglalakad ang babaeng ito. Napakunot din ang kanilang noo habang naglalakad ito patungo sa opisina ni Jiho. Bumukas na ang elevator kaya naman pumasok na silang dalawa rito. Habang abalang nakatutok sa kaniyang laptop si Jiho, may narinig siyang tatlong katok mula sa pinto ng kaniyang opisina. "Who's there?" tanong ni Jiho subalit hindi pa rin naaalis ang kaniyang tingin sa kaharap na laptop. Narinig niya ang pagpihit ng door knob ng kaniyang pinto at saka marahan itong bumukas. Dito lamang siya napatingin, at saka nakita niya ang isang babaeng may hawak na isang cup ng mainit na kape at saka cookies na binili niya sa café shop na laging pinagbibilhan ni Jiho. "Kaela?" gulat na tanong ni Jiho nang makita niya si Kaela na nakangiti sa pinto ng kaniyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD