CHAPTER 18: Take Care of Me

2639 Words
Siniil ni Jiho ng mga maiinit na halik si Kaela sa gitna ng malamig na ulan. Sa halip na silang dalawa ay manginig dahil sa lamig ng tubig na dumadampi sa kanilang mga balat, ang mga halik na ibinigay nila sa isa’t- isa ang siyang nagbigay init sa kanilang katawan. Kumalas ang dalawa sa kanilang paghahalikan, subalit ang kanilang mga noo ay nananatiling magkadikit. Huminga nang malalim sina Kaela at Jiho matapos nito. “Kaela, I like you too...,” Jiho straightly confessed. Kaela hugged her intimately and passionately. She put in her mind that Jiho’s body in her fortress and comfort zone. She found shelter in him. She felt secured and protected. Niyakap din naman siya nang mahigpit ni Jiho upang protektahan mula sa malakas na buhos ng ulan kahit na silang dalawa ay basang- basa na sa tubig. Tumayo si Jiho at inalalayan niya rin si Kaela sa kaniyang pagtayo. Nanginginig ang mga tuhod ni Kaela dahil sa lamig na ibinigay sa kaniya ng ulan. Namumutla na rin ang mga labi nito kaya nagpasya si Jiho na iuwi na ito sa kanilang bahay. Jiho assisted her while they were walking in the midst of the heavy rain. Hindi na sila sumakay sa mga pampasaherong sasakyan dahil walang tatanggap sa kanila gayong basang- basa ang kanilang mga suot na damit. Mas pinili na lamang nilang dalawa na maglakad at i- enjoy ang pakiramdam nang naglalaro sa gitna ng ulan. Nagmadali sila patungo sa bahay nina Kaela dahil malapit nang kumagat ang gabi. Madilim na rin sa paligid dahil sa kulay itim na kaulapan na siyang bumalot sa buong kalangitan. Tumakbo sila pauwi at ginawa nilang panangga ng ulan ang mga hawak nilang bag. Nakangiti pa rin sila habang tumatakba na animo’y hindi nagmula si Kaela sa isang matinding pananaghoy kanina. “Oh, bakit basang basa kayong dalawa ni Jiho, Kaela?” tanong ni Aling Emily nang makarating sila sa kanilang bahay. Napatayo rin naman si Mang Toper nang makita ang kaniyang anak na basang basa ang suot na umiporme. Labis itong nag- alala dahil baka ito magkasakit. “Naabutan po kami ng ulan sa parke, Aling Emily,” sagot ni Jiho sa kaniya. Tumakbo si Aling Emily sa kanilang kwarto upang kumuha ng dalawang tuwalya at kaagad niya itong ibinigay sa dalawa. Tinanggap din naman ito nina Kaela at Jiho at silang dalawa ay saglit na umupo upang magpahinga. “Sasabihin mo ba sa kanila ‘yong about sa thesis mo?” pabulong na tanong ni Jiho kay Kaela habang hindi nakatingin ang mga magulang nito. Narinig ito ni Kaela kaya naman agad siyang sumagot dito nang pabulong din. “Hindi na muna siguro dahil baka malungkot lang sila. Ako na ang bahala. Papakiusapan ko na lang si Mr. Alcaraz,” nakangiting sagot ni Kaela sa mahinang tinig. Napatango si Jiho sa kaniya at nagtiwala na lamang kay Kaela. Hinatiran ni Aling Emily ang dalawa ng mainit na kape upang bahagyang mawala ang kanilang panlalamig dala ng ulan. Umupo rin naman ang mag- asawa sa sofang nasa harap nila upang sila ay kausapin. “Bakit mo pala kasama si Kaela, Jiho? Wala kang trabaho ngayon?” Mang Toper asked curiously then sipped on his hot brewed coffee. Jiho immediately stared at Kaela. He send a signal and tried to communicate with her through this glares. Mang Toper forehead furrowed as he saw the two looking at each other. He tilted his head and waiter for them to answer his question. “Ah pauwi na po kasi ako galing trabaho, at nakasalubong ko po si Kaela sa parke. Nagpapahinga po siya tapos ayon po nilapitan ko siya. Nag- usap po kami saglit hanggang sa biglang bumuhos na lamang po ‘yong ulan eh wala naman po kaming dalang payong kaya nag- decide po kami na maligo na lamang sa ulan,” nakangiting pagsisinungaling ni Jiho. Mang Toper nodded his head when he got the answer he was waiting. Aling Emily did the same thing. “Bakit naman namumula at namamaga mga mata mo Kaela? Umiyak ka ba?” pagtatanong pa ng kaniyang ina. Muling napatingin si Kaela kay Jiho, subalit ayaw sabihin ni Kaela ang katotohanan sa kaniyang mga magulang dahil alam niyang malulungkot lang ang mga ito kapag nalaman nilang bumagsak siya sa kaniyang thesis at may pag- asang hindi maka- graduate ngayong taon. “Napuwing po kasi ako kanina sa laba, Ma. Ang lakas ng hangin tapos nabasa pa ng tubig mata ko kaya ayon, namula,” pagsisinungaling din ni Kaela sa ina. “Ah sige po, mauna na po ako. Uuwi na po ako, magdidilim na rin po kasi eh,” Jiho bid a farewell and then stood up from the sofa he was sitting on. “Mamaya ka na umuwi, Jiho. Malakas pa ang ulan sa labas oh at saka dito ka na kumain. Naghanda ako ng masarap na ulam,” pagpipigil ni Aling Emily nang malapad ang mga ngiti sa labi. Walang nagawa si Jiho kundi ang sundin sina Aling Emily. Muli siyang napaupo sa sofa at saka si Aling Emily at Mang Toper naman ay nagtungo sa kusina upang asikasuhin ang kanilang hapunan. Tumayo rin naman si Kaela upang tulungan ang kaniyang mga magulang sa paggagayak ng kanilang makakain, ngunit sa kaniyang pagtayo, hinawakan ni Jiho ang kaniyang kamay upang siya ay pigilan. Agad na napatingin si Kaela sa kaniya at saka napaawang ang mga labi. Nagtaka ito kung bakit siya pinigilan ni Jiho. Nginitian siya ni Jiho— ngiting abot tainga. Mas lalo pang nagtaka si Kaela dito at saka kumalabog nang mabilis ang kaniyang puso. Kaagad din namang binitiwan ni Jiho ang pagkakahawak niya sa kamay ni Kaela at saka hinayaan na itong tumulong sa kaniyang mga magulang. Masaya ang puso nilang dalawa ngayon. Kapwa nila naipagtapat ang nilalaman ng kanilang mga puso, at nagagalak sila dahil pareho ang kanilang nararamdaman. They were all happy while they were having their dinner at the table. The dinner that is supposedly quiet turned into a dinner full of jokes and laughter. Mang Toper constantly threw some jokes that made the three burst in chuckles. When the ambiance was overwhelmed by the deafening silence, Kaela suddenly remembered that this is her father’s first day on his work. “Pa, kumusta pala ang trabaho?” Kaela asked out of nowhere. Ang tatlo ay agad na napaangat ang kanilang tingin nang marinig ang katanungang ibinato ni Kaela. Natigil din sa kaniyang pagkain si Jiho dahil nais niyang malaman ang kasalukuyang kalagayan ni Mang Toper sa pagtatrabaho niya sa kompanya ng mga Leviste. Hindi kaagad nakaimik si Mang Toper. Tinitigan lamang siya ni Mang Toper ng ilang segundo hanggang sa sumagot na ito. “Masaya anak. Maganda ang pakikitungo sa akin ni Chairman Leviste. Ang akala ko masungit siyang tao, hindi pala. Sobrang bait niya sa mga empleyado lalong lalo na sa akin. Gusto niya raw kasi maramdaman na welcome ako sa kompanya nila,” nakangiting sagot ni Mang Toper. Mahirap man sa kaniyang sabihin ang totoo, mas pinili na lamang niyang magsinungaling upang hindi mag- aalala ang kaniyang pamilya sa kung ano ang tunay na nangyayari sa kanilang kompanya. Subalit, habang nagsasalita si Mang Toper, mariing nakatitig sa kaniya si Jiho. Hindi naniniwala si Jiho sa mga binibigkas ni Mang Toper sapagkat hindi kailanman naging ganoon ang pakikitungo ni Chairman Leviste sa kaniyang mga empleyado. Batid niyang nagsisinungaling ito sa kaniyang pamilya, pero hindi na lamang niya ito pinansin dahil alam niyang masisira ang pangarap ng buong pamilya ni Kaela. Nagpatuloy na lamang siya sa kaniyang pagkain at pagkatapos nito ay nagpaalam na rin sa kanila dahil tumila na ang ulan at saka kailangan na rin niyang magpalit ng kaniyang suot na damit. Maaga pa lamang ay naroon na si Jiho sa kaniyang opisina upang tapusin ang mga naiwan niyang trabaho kahapon. Umagang umaga ay laptop ang kaniyang kaharap. Wala pa siyang almusal dahil nagpasya siya na doon na lamang kumain ng almusal sa kaniyang opisina. Bago pumasok, dumaan siya sa paborito nilang cafe shop upang bumili ng mainit na kape at saka tinapay na kaniyang kakainin habang siya ay nagtatatrabaho. Tutok si Jiho sa paggamit niya ng laptop at tila ba ay ayaw niya magpagulo sa mga taong nas paligid niya bagaman mag- isa lamang siya rito. Habang ginagawa ang kaniyang trabaho, sinasabayan nito ng pag- inom ng kape at pagkain ng cinnamon bread na binili niya rin. Mag- a- alas ciete ay bigla na lamang tumunog ang kaniyang cellphone. He quickly opened it and he saw Kaela trying to call her. He ignored it because he was too busy to answer that call. He has many works to do and answering that call would interrupt her job. His phone rang for a couple of times which made him irritated. He could not focus thoroughly on his job. Even though he liked Kaela, this is something urgent he should prioritize first. Nang mainis na siya nang tuluyan sa sunod sundo na pagtunog ng kaniyang cellphone, sinagot na lamang niya ang tawag na ito ni Kaela. “Ano iyon?” Jiho asked in a high- pitch tone. His annoyance could be heard through his aggressive answer towards Kaela. “Jiho...,” Kaela said in a frail and weak voice. Bahagyang napatigil si Jiho nang marinig niya ang nanghihinang boses ni Kaela. Mas nagpokus siya sa pakikiusap niya kay Kaela dahil napansin niyang may mali. “Bakit? Is there any problem?” pag- aalala ni Jiho. “Mag- isa lang kasi ako sa bahay at...,” sabi ni Kaela sabay ubo. “May sakit ka ba?” seryosong tanong ni Jiho nang marinig ang pag- ubo ni Kaela. Hindi na niya hinayaang sumagot si Kaela. Agad niyang pinatay ang kaniyang cellphone, at kasabay nito ang pagpatay rin niya sa kaniyang laptop. Isinilid niya ito sa kaniyang bag at saka nagmamadaling inayos ang kaniyang opisina bago siya lumisan. Paglabas niya, sumalubong sa kaniya ang bagong dating na si Jozen. “Oh Jiho, ang aga mo ha,” bungad na sabi ni Jozen sa kaniya. Hindi siya pinansin ni Jiho at saka nagpatuloy na lamang sa kaniyang paglalakad. Nagtaka naman si Jozen sa hindi pagpansin sa kaniya ni Jiho at nagkibit balikat na lamang siya. Nagmadali si Jiho palabas ng kanilang law firm upang bilhan ng gamot at magtungo sa may sakit na si Kaela. Naalala niya na kaya nagkasakit si Kaela ay dahil pareho silang nabasa ng ulan kagabi. Nakadama rin siya ng bahagyang pagsakit ng kaniyang ulo ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at nagpatuloy sa kaniyang paglalakad. Si Kaela ay kasalukuyang nakahiga sa kaniyang kama. Wala siyang lakas upang asikasuhin ang kaniyang sarili. Maagang pumasok ang kaniyang ama sa trabaho nito, samantalang ang ina naman niya ay maaga ring umalis ng kanilang bahay upang buksan ang tindahan nito sa plaza. Mag- isa lamang siya at sobrang nanghihina. Kahit pagkuha ng sailing tubig ay hindi niya kayang gawin kaya naisipan niyang tawagan na lamang si Jiho upang magpasuyo ng gamot niya. Hindi rin siya nakapasok sa kaniyang klase kaya sinabihan niya ang kaklase niyang si Yeri na ipaalam ito sa kanilang mga professor upang ma- excuse siya sa kanilang klase. Nalungkot si Kaela nang marinig niya ang pagtaas ng boses ni Jiho nang sagutin nito ang kaniyang tawag. Nakonsensya pa siya dahil akala niya ay naabala niya ang trabaho nito. Mas lalo pa siyang nalungkot nang bigla siyang p*****n ng tawag nito. Umagos ang isang patak ng luha mula sa kanyang mata. Tinakpan na lamang niya ng kumot ang kaniyang buong katawan at saka humarap sa gilid ng kaniyang kama. Doon niya ipinagpatuloy ang kaniyang pag- iyak hindi lang dahil sa masama ang kaniyang pakiramdam, bagkus pati na rin sa pagiging masungit ni Jiho sa kaniya. Makalipas ang ilang minuto, narinig ni Kaela ang pagbukas ng kanilang pinto. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at saka nakita niya ang pagpasok ni Jiho sa kaniyang silid. Mas lalo pang bumuhos ang kaniyang mapapait na luha nang masilayan niyang nakatayo si Jiho sa pintuan ng kaniyang silid na may hawak na gamot. Agad na lumapit sa kaniya si Jiho at saka kinapa nito ang kaniyang noo upang tignan kung may sakit ito. “May lagnat ka Kaela,” bigkas ni Jiho. Hinawakan naman ni Kaela ang braso ni Jiho kaya naman napatingin ito sa kaniyang mga mata. Namumugto ang mga mata ni Kaela habang nakatitig siya kay Jiho. “Pasensya ka na Kaela kung nataasan kita ng boses kanina. Huwag kang mag- alala, hindi ako galit sayo. Aalagaan kita ngayong araw dahil wala kang kasama,” nakangiting sambit ni Jiho sa kanya. “Huwag ka nang umiyak. Nandito na ako. Hindi kita iiwan. Dito ka lang, paglulutuan kita ng lugaw ha?” pagpapatuloy pa ni Jiho upang mapagaan ang pakiramdam ni Kaela. Agad na lumabas ng silid ni Kaela si Jiho at nagtungo ito sa kusina. Naghanap siya sa kusina nila Kaela ng mga sangkap sa lulutuin niyang lugaw na kakainin ni Kaela ngayong may sakit siya. Pagkatapos hanapin ang mga sangkap, nagsimula na siyang magluto. Habang nagluluto, panay ang silip niya sa kinalalagyan ni Kaela upang siguraduhin ang kaligtasan nito. Sinikap niyang maging masarap ang kaniyang maluluto upang ganahan kumain si Kaela at makainom ito ng kaniyang gamot at maging magaling na agad. Habang hinihintay ni Jiho ang pagkulo ng kaniyang niluluto, kumuha siya ng isang basang panyo at saka binasa at piniga ito. Nagtungo siyang muli sa kwarto ni Kaela at saka ipinatong ito sa noo ni Kaela. Bahagyang namulat ang mga mata ni Kaela nang maramdaman niya ito. “Wait lang Kaela ah? Patapos na itong niluluto ko,” saad ni Jiho. “Maraming salamat, Jiho...,” nakangiting pagpapasalamat ni Kaela. Nginitian din naman siya ni Jiho at saka muling bumalik sa kusin upang tapusin ang kaniyang niluluto. Matapos ang ilang minuto, bumalik si Jiho sa kwarto ni Kaela hawak ang isang tray na naglalaman ng isang mangkok ng lugaw at saka inuming tubig. Inilagay niya ito sa maliit na lamesang nasa tabi ng kama ni Kaela. “Kaela, gising na...,” pagtapik ni Jiho kay Kaela. Kaagad din namang nagising si Kaela nang maramdaman ang pagtapik ni Jiho sa kaniya. Tinulungan siya ni Jiho na bumangon sa kaniyang higaan upang ito ay makakain na. Kinuha ni Jiho ang mangkok na naglalaman ng lugaw upang subuan si Kaela. Napangiti si Jiho bago niya hipan ang isang kutsarang lugaw na sinandok niya upang kainin ni Kaela. Kaela was fluttered the way Jiho treated her. She was very happy seeing him taking care of her. It was very unusual, especially he being so sweet, but she was very thankful because she saw this side of him. Napangiti si Kaela nang malasahan niya ang masarap na luto ni Jiho ng lugaw. She felt very worthy, valued, and special. “Wala kang pasok ngayon, Jiho?” pag- aalalang tanong ni Kaela. “Day- off ko ngayon Kaela. Dumaan lang ako sa office upang ipasa ang mga natapos kong gawain,” pagsisinungaling ni Jiho kay Kaela upang hindi ito makonkensya sa pagpapapunta nito sa kaniua. Muling napangiti si Kaela nang marinig ang sagot ni Jiho. Pagkatapos maubos ang lugaw na inihanda ni Jiho para sa kanya, ininom na niya ang kaniyang gamot at saka saglit na nagpahinga bago humiga. Bago siya humiga, muling umupo si Jiho sa gilid ng kaniyang kama pagkatapos nitong ilagay sa kusina ang mga pinakainan ni Kaela. He smiled at her sincerely and with full of love. Inilapit ni Jiho ang kaniyang mukha patungo kay Kaela. Naestatwa naman si Kaela nang makita si Jiho na nakapikit at papalapit ang mukha sa kaniya. Ipinikit niya rin ang kaniyang mga mata subalit naramdaman niya ang pagdampi ng malambot na labi ni Jiho sa kaniyang noo. Napadilat si Kaela at saka napangiti habang si Jiho ay nakahalik noo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD