CHAPTER 17: Collided in the Rain

2730 Words
Maaga pa lamang ay nagising na si Mang Toper para sa kaniyang trabaho. Maging si Aling Emily ay maagang nagising upang tulungan ang kaniyang asawa sa unang araw niyo sa trabaho. Sabik na sabik si Mang Toper habang siya ay naggagayak ng kaniyang sarili. Nagluto ng masarap na almusal si Aling Emily upang maging maganda ang umaga ng kaniyang asawa. Naghanda na rin ito ng maibabaong pagkain ni Mang Toper upang hindi na ito gumastos pa sa trabaho. “Mukhang maganda ang gising mo ah,” pagbati ni Aling Emily sa kaniyang asawa nang mapansin itong nakangiti magmula nang ito ay bumangon sa kanilang higaan. Napatingin naman sa kaniya si Mang Toper at saka nginitian ang kaniyang asawa na naggagayak ng pagkain niya. “Unang araw ko kasi sa trabaho kaya kailangan laging nakangiti,” tugon ni Mang Toper sabay banat ng kaniyang mga buto. Napangiti rin naman si Aling Emily habang isinisilid sa isang maliit na bag ang pagkain ng asawa. Pagkatapos nito ay lumapit si Aling Emily patungo kay Mang Toper at saka inayos nito ang kaniyang kwelyo. “Magpakabait ka sa trabaho mo ah. Ipakita mo sa kanila na karapat- dapat ka sa trabaho mo. Lagi kang sumunod sa ipinag- uutos sayo ng boss mo!” pagpapaalala ni Aling Emily sa asawa. “Yes, Misis ko,” pang- aasar na sagot ni Mang Toper. Ninakawan niya ng isang halik si Aling Emily at saka kinuha ang kaniyang bag. Muling napangiti si Aling Emily nang maramdaman ang pagdampi ng malambot na labi ng kaniyang asawa sa kaniyang labi. Naghanda na ito ng kaniyang sarili upang umalis. Bago siya tuluyang umalis, biglang lumabas sa silid niya si Kaela. Humihikab pa ito at saka nag- uunat ng kaniyang katawan habang siya ay palabas. Natigil si Kaela nang makita niyang bihis na bihis ang kaniyang ama. “Woah, ang pogi mo ngayon Pa ah,” pang- aasar na papuri ni Kaela sa ama. Nagpapogi naman si Mang Toper nang marinig ang papuri ng kaniyang anak. Hinampas naman siya ni Aling Emily na natatawa sa kaniyang ginagawa. “Gano’n talaga, Anak,” tugon naman ni Mang Toper. “Pa, mag- iingat ka roon ha?” pag- aalala ni Kaela. Muling sumagi sa kaniyang isipan ang naging kwento ni Jiho. Pilit niyang itinataboy ang mga negatibong naiiisip niya dahil umaasa siyang hindi sasapitin ng kaniyang ama ang sinapit ng ama ni Jiho. Naging seryoso naman si Mang Toper nang makita niyang naging seryoso ang mukha ng kaniyang anak. Bahagya itong nagtaka dahil bigla na lamang naging ganito kamaaalalahanin si Kaela sa kaniya. “Salamat Anak. Gagalingan ko sa trabaho para makapag- aral ka nang maayos,” nakangiting sagot ni Mang Toper. “Fighting!” ani Kaela. “Fighting!” tugon naman ng kaniyang ama. Ngumiti muna si Mang Toper bago tuluyang lisanin ang kaniyang tahanan. May bahagi kay Mang Toper na kinakabahan siya dahil ngayon lamang siya muli makakapagtrabaho, subalit mas lamang sa kaniyang puso ang pananabik sa trabahong natanggap niya. Wala pang alas- ciete ay nakarating na siya sa Juri Company. Kabubukas pa lamang ng establisiyemento nang siya ay nakarating doon. Wala pang gaanong tao sa paligid, halos siya pa lamang at saka ang mga guard na nagbabantay sa bawat bahagi ng gusali. Agad siyang nagtungo sa ikalabing tatlong palapag ng gusali sa pamamagitan ng pagsakay ng elevator. Hindi pa niya gaanong gamay ang paggamit ng elevator, subalit pinindot na lamang niya ang kaparehong button na pinindot ng lalaking tumulong sa kanila kahapon upang magtungo kay Chairman Leviste. Dahil masyado pang maaga, wala pa si Chairman Leviste sa kaniyang opisina. Tahimik pa ito at nakasara. Nakapatay din ang ilang mga ilaw sa paligid. Matiyaga siyang naghintay sa labas ng opisina ni Chairman Leviste. Sa halip na siya ay mainip sa matagal niyang pag- aantay sa pagdating ni Chairman Leviste, hindi naman maalis sa kaniyang mga labi ang mga ngiti. He was too excited for his first day of work. He was very energetic and ready for any commands. After some time, nakita niya ang pagbukas ng pinto ng elevator. Pagkabukas nito, agad na bumungad sa kaniya ang seryosong mukha ni Chairman Leviste na nakasuot ng formal black tuxedo habang hawak- hawak ang kaniyang suite case. Agad na napatayo si Mang Toper mula sa kaniyang kinatatayuan at mabilis na tumakbo papalapit kay Chairman Leviste upang ito ay salubungin. Chairman Leviste raised his right eyebrow whe he saw Mang Toper running towards him. “Glad you’re early than what I am expecting,” Chairman Leviste said seriously with a poker face. Kasama ni Chairman Leviste sa kaniyang likod ang dalawang lalaki na kaniyang personal guard. May katandaan na siya at nangangailangan siya ng dagdag proteksyon lalo pa’t kilalang kilala siya sa larangan ng negosyo. “Yes po Sir. Kanina pa po ako narito,” nakangiting sagot ni Mang Toper sa kaniya. Chairman Leviste ignored him and continued walking towards his office. Sinundan naman siya ni Mang Toper kasama ng mga personal guard nito. Pumasok na sa loob si Chairman Leviste at sumunod din naman doon si Mang Toper. Subalit, agad siyang hinarangan ng dalawang personal guard sa pagpasok ng office dahil mahigpit na ipinagbabawal ni Chairman Leviste ang pagpasok dito ng kahit na sino maliban sa kaniya at sa kaniyang anak na si Zach. “Papasukin niyo siya,” sambit ni Chairman Leviste mula sa loob. Bago hayaang pumasok, tinignan muna siya nang masama ng dalawang personal guard. Inialis din naman nila kaagad ang kanilang kamay na nakaharang nang marinig nila si Chairman Leviste. Kinakabahan si Mang Toper habang siya ay papasok sa loob ng opisina. Nakadama siya ng mabigat na pakiramdam pagkapasok doon. Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa loob ng malaking opisina ni Chairman Leviste. Agad siyang nagtungo sa harap ng table ni Chairman Leviste. Nasa likod niya ang kaniyang dalawang kamay at pinanatili ang ngiti sa kaniyang mga labi. Bago pa niya tuluyang makausap si Chairman Leviste, narinig nilang dalawa ng pagbukas ng pinto ng opisina. Mabilis na napalingon si Chairman Leviste at nakita niya si Zach na naglalakad papalapit sa kaniyang ama. Gumilid si Mang Toper upang bigyan ng espasyo ang pagdating ni Zach. Iniyuko niya ang kaniyang ulo upang ipakita ang kaniyang pagpapakumbaba sa harap ng kaniyang mga boss. “Why are you here, Zach?” tanong ni Chairman Leviste. Bago sumagot, tumingin muna si Zach sa nakayukong si Mang Toper na nasa kaniyang gilid. “Pa, I just want to remind you that the embezzled moneys from the company were traced by the auditing department and they notified me regarding that. They also saw some deficiencies from our sales last month. What should I do?” tanong ni Zach sa kaniyang ama habang nakatukod ang kaniyang dalawang kamay sa lamesa. “ Don’t worry, son. Ako na ang bahala diyan. You just have to relax yourself. Hindi nila mate- trace sa bank account natin iyan. And if ma- trace man nila, that’s the time I will use my authority against them. Ayaw kong madungisan ang ating pangala dahil lang sa mga anomalya na ito,” Chairman Leviste responded confidently. Zach smiled at his Dad. He already expected this because his Dad will never make their names dirty. Batid niyang kikilos ito nang malinis at walang kahit anong bahid ng ebidensya. Nanlaki ang mga mata ni Mang Toper nang marinig ang usapan ng mag- ama. Bagamat hindi siya maalam sa mga ganitong usapan, alam niya na ang pinag- uusapan ng dalawa ay patungkol sa pera ng kompanya na kanilang kinorap. Labis siyang nabigla sa kaniyang mga narinig. Pinilit niyang hindi makagawa ng kahit anong reaksyon at piniling manahimik na lamang sa gilid. Batid din niya na ang kaniyang buhay ay nakataya sa kapahamakan gayong narinig niya ang bahong itinatago ng pamamahala ng mga Leviste. Bago umalis ng opisina ng kaniyang ama, napatingin muli siya kay Mang Toper na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin. Umigting ang kaniyang panga habang tinitignan ito. Muli siyang tumingin sa kaniyang ama, at sa kanilang mga tinginan ay nagkakaintindihan sila. Sa pamamagitan ng kaniyang titig sa ama, inalam ni Zach kung ayos lamang na marinig ito ni Mang Toper at saka tumango naman si Chairman Leviste sa kaniya. Pagkatapos ng kanilang mga senyasan at pag- uusap sa pamamagitan ng mga mata, tuluyan nang umalis si Jiho sa opisina ng kaniyang ama. Bahagyang nakahinga nang maluwag si Mang Toper nang makaalis na si Zach sa opisina, subalit nananatiling mabigat ang kaniyang dibdib dahil sa kaniyang nalaman. He was accountable for this confidential issue, and if this issue would spread around the company, he would be the one they will be suspecting. “Christoper Navarro,” pagtawag ni Chairman Leviste. Kaagad na iniangat ni Mang Toper ang kaniyang tingin nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Chairman Leviste. Nagmadali itong naglakad patungo sa harap ni Chairman Leviste upang sumunod sa kung ano man ang ipinag- uutos nito. “Bakit po Chairman Leviste?” kinakabahang tugon ni Mang Toper. Nagsimulang bumutil ang mga pawis sa noo ni Mang Toper. Nanlamig din ang kaniyang mga kamay at saka tumayo ang mga balahibo nang makita niya ang nakalolokong tingin sa kaniya ni Chairman Leviste. Kinabahan din siya sa ngiti nitong may kakaibang ipinapahiwatig. “Alam kong narinig mo ang pinag- usapan namin ng aking anak. I let you heard those things to test your loyalty to me. I want you to keep your mouth shut regarding these. Kung ito man ay kumalat sa buong kompanya, wala akong ibang sisisihin kundi ikaw, malinaw ba iyon?” nakangising tanong ni Chairman Leviste habang diretso ang kaniyang tingin sa mga mata ni Mang Toper. Napalunok si Mang Toper. Mas lalong lumundag ang kaniyang puso sa sinambit ni Chairman Leviste. Ito ang kaniyang kinatatakutan— at ang kinatatakutan ni Jiho maging ng kaniyang anak na si Kaela. Bagaman kinakabahan at labag sa kaniyang kalooban, wala nang ibang nagawa si Mang Toper kundi ang tumango na lamang sa sinabi sa kaniya ni Chairman Leviste. Mabibigat ang kaniyang mga binibitiwang paghinga at ito ang naging daan niya upang pakalmahin ang kaniiyang sarili.   “Kumusta ang trabaho mo, Hon?” bungad na tanong ni Aling Emily habang malapad ang ngiti nang makitang makauwi ang kaniyang asawa mula sa trabaho. Pilit na lamang ngumiti ni Mang Toper kahit hindi naging maganda ang unang araw niya sa trabaho. He did not want to let her wife see how stressful he was. “Masaya, Hon. Sobrang saya magtrabaho sa kompanyang iyon at saka sobrang bait ni Chairman Leviste. Nilibre pa nga ako no’n ng lunch kasi may sobra pa naman daw siya,” pagsisinungalin na sagot ni Mang Toper habang nakangito sa kaniyang asawa. “Gano’n ba? Sige kumain ka na, ipinaghanda kita ng mainit na sabaw,” sambit ni Aling Emily at saka nagtungo sa kusina upang ihain ang kaniyang inihandang pagkain para sa asawa. Agad na umupo sa kanilang sofa si Mang Toper at inilapat ang likod sa sandalan ng sofa. Tinakpan niya ng palad ang kaniyang mukha at saka huminga nang malalim.   “Kaela, nakuha ko na ‘yung grades ko sa thesis, ikaw ba?” pagtatanong ni Yeri sa kaniyang kaibigan habang sila ay naglalakad patungo sa cafeteria ng kanilang school. “Ibinigay na ba ’yung grades sa thesis? Hindi ko pa nakukuha ‘yong akin eh,” tugon naman ni Kaela. “Oo beh, kakukuha ko lang kanina. Sinabihan kasi ako ni Dezza kaya pumunta agad ako kay Mr. Alcaraz upang kunin thesis ko,” sambit ni Yeri habang mabagal na naglalakad. “Anong grades mo beh? Kinakabahan ako sa grades ko,” saad ni Kaela. “Nagulat ako beh, nakakuha ako ng 94 sa kaniya. As in hindi ko ito in- expect,” masayang sagot ni Yeri. “Samahan mo ako, kukunin ko rin akin,” paanyaya ni Kaela. Pumayag naman si Yeri na samahan niya ang kaniyang kaibigan na kunin ang thesis nito sa kanilang teacher. Patakbo pang nagtungo ang dalawa patungo sa faculty ng kanilang school dahil doon nakuha ni Yeri ang sa kaniya. “Ms. Navarro, what happened to your thesis? Napakaraming mali lalo na ‘yong content ng study mo, sobrang hirap intindihin parang gawa lang ng high school student. You are already graduating, pero bakit below mediocre pa rin ng gawa mo? Ang dami mo ring lapses lalo na sa statistics. Hays. Pasalamat ka pa binigyan kita ng 74 dahil kung sa iba ‘yan, hindi na ‘yan tatanggapin,” sigaw ni Mr. Alcaraz sa loob ng faculty. Nakayuko lamang sin Kaela habang siya ay binubulyawan ng kanilang guro. Si Yeri ay kinakabahan din dahil namumula na sa galit si Mr. Alcaraz. Pinagtitinginan na rin sila sa buong faculty. Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Kaela hindi pa man natatapos magbunganga ang kanilang guro. Pilit niyang pinatatatag ang kaniyang sarili dahil pinagpuyatan niya ang paggawa sa thesis na ito. She knew she already did her best, but their professor did not appreciate it. Her best was not sufficient to meet their academic standard. Pagkatapos sumigaw ng kanilang professor, tumakbo si Kaela palabas ng kanilang school— umiiyak at nahihikbi. Habang siya ay tumatakbo, pinupunasan niya ang kaniyang mga luha. Makailang beses siyang nabangga ng mga estudyante subalit hindi na lamang niya ito pinansin at nagpatuloy sa kaniyang matulin na pagtakbo. Hindi na rin niya nakuha ang kaniyang thesis paper sa kanilang professor. Sinundan siya ni Yeri subalit dahil sa bilis ng kaniyang takbo, hindi na ito nagawang humabol. Lumabas ng campus nila si Kaela at saka nagtungo sa parke upang doon umiyak. She was having a mental breakdown after she failed her thesis. Because of this, she might not graduate unless her professor give her a remedial exam or a revision, but she was certain that her professor will not give her a chance to redeem herself because he was a terror teacher in the campus. While Kaela was sitting alone on a bench located at the park, he was deeply weeping for disappointing herself. She took out her phone from her bag and called Jiho. “Jiho?” Kaela asked while crying. “Oh Kaela, why are you crying?” pag- aalala ni Jiho sa kaniya. “Pwede mo ba akong samahan? I just need comfort right now. Nandito ako sa park malapit sa campus namin,” Kaela answered while still in tears. “Wait. I’ll be on my way,” Jiho responded then hung up the phone. Nagpatuloy si Kaela sa kaniyang pag- iyak habang hinihintay si Jiho. Pilit niyang sinisisi ang kaniyang sarili dahil sa pagkakamali niya. She was overthinking and blaming herself for disappointing not just only herself, but also her parents who are hoping for her to graduate this year. After some minutes, Kaela felt a warm hugs covering her body. When she opened her eyes, she saw Jiho embracing her and covering her. Jiho did not want Kaela to be seen crying by the people around them. He roofer her with his suit, and letting him to be her crying shoulder. “Kaela, stop crying. I’m here,” Jiho said. “Jiho, bagsak ako sa thesis namin at b- baka hindi a- ako maka- graduate ngayon,” nahihikbing sagot ni Kaela. Mas lalong hinigpitan ni Jiho ang pagkakayakap niya kay Kaela. He knew that his hugs were not enough to mend her pain, but this is the only thing he knew that would lighten up the burden she was carrying. Sa gitna ng pag- iyak ni Kaela, biglang bumuhos ang malakas na ulan. They both soaked in the freezing rain while the people around them started to fled and find for roof. Nananatili silang nakaupo sa bench at nananatiling yakap ni Jiho si Kaela. Iniangat ni Kaela ang kaniyang tingin kay Jiho at saka nagsalubong ang kanilang mga tingin. Nakita ni Jiho kung gaano kalungkot ang mukha ni Kaela. “Jiho, gusto kita...,” sambit ni Kaela habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Napatulala si Jiho nang marinig ito mula sa bibig ni Kaela. Nabigla siya. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Mas lalo pa siyang nagulat nang biglang inilapit ni Kaela ang kaniyang mukha at idinampi ang kaniyang malambot na labi sa labi ni Jiho. Nakamulat si Jiho habang ginagawaran siya ng halik ni Kaela dahil hindi siya makapaniwala sa nangyayari, subalit makalipas ang ilang segundo, ipinikit ni Jiho ang kaniyang mga mata at saka gumanti ng halik kay Kaela.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD